Chapter 1 – The Ruthless Plan---Sa isang sikat na high-end lounge sa Makati, nasa pinakataas na floor ng isang luxury hotel, makikita ang tatlong lalaki na naka-upo sa isang reserved corner. VIP section iyon na para lang sa kanila, isang tahimik na lugar kung saan hindi sila istorbohin ng media o kahit sino pa. Doon madalas mag-unwind ang magkakaibigan matapos ang mahabang araw ng trabaho.Si Caelum Valtieri, CEO ng Valtieri Global, ay nakaupo sa gitna. Ang kumpanyang hawak niya ay hindi basta-basta. Isa itong multinational conglomerate na may investments sa luxury hotels, financial institutions, at real estate developments sa iba’t ibang bansa. Sa edad na trenta’y dos, siya na ang kilalang “Ruthless King of the Boardroom.”Matangkad, lean, well-built. Suot ang custom-tailored dark suit, nakabukas ang dalawang button ng dress shirt niya, exposing a hint of his toned chest. Ang malamig na tingin ng kanyang steel-gray eyes ay parang laging nag-o-observe, laging naghuhusga. Ang bawat k
Terakhir Diperbarui : 2025-09-20 Baca selengkapnya