The Billionaire's Surrogate Bride

The Billionaire's Surrogate Bride

last updateHuling Na-update : 2025-09-25
By:  GennWritesIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
12Mga Kabanata
33views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“She was untouched, innocent, and desperate. He was ruthless, dominant, and determined to have an heir.” --- Nang mag-apply si Solenne Villareal bilang maid sa mansyon ng isang bilyonaryo, ang tanging hangad lang niya ay magkaroon ng maayos na trabaho para maipagamot ang kanyang inang may sakit. Pero sa mismong araw ng pagpirma niya ng kontrata, biglang tumawag ang kapatid niyang si Julian—isinugod daw sa ospital ang kanilang ina matapos atakihin ng seizure. Sa sobrang kaba at takot, hindi na nabasa ni Solenne ang buong kontrata. Pinirmahan niya ito nang hindi iniisip ang magiging kapalit. The next morning, she learned the devastating truth. She wasn't hired as a maid. She was chosen as a surrogate bride. Ang kanyang employer, si Caelum Valtieri, ang cold at merciless billionaire, ay sinabi ang totoong nilalaman ng pinirmahan niyang kontrata. Siya ay magiging surrogate mother ng magiging heir nito at sa loob ng isang taon ay magsasama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Bilang kapalit, ipagagamot ang kanyang nanay na may sakit at tutustusan ang pag-aaral ng kapatid niya hanggang sa makapagtapos ito. Gustong mag-back out ni Solenne nang malaman ito, pero nang makausap niya ang doktor na sumusuri sa kanyang Nanay Emilia ay sinabing kailangan nitong maoperahan kaagad, kung hindi ay baka manganib ang buhay nito. And with no choice left, she accepted the bargain that chained her to the man she feared the most. Para kay Caelum, isa lang siyang kontrata—isang sisidlan para sa tagapagmana. Para kay Solenne, siya lang ang natitirang pag-asa ng kanyang ina. Ngunit sa kasal na sinelyuhan ng desperasyon at kapalit na buhay, posible kayang mamagitan ang pag-ibig sa pagitan ng isang ruthless CEO at ng inosenteng babaeng napilitang ibigay ang lahat?

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1 — The Ruthless Plan

Chapter 1 – The Ruthless Plan

---

Sa isang sikat na high-end lounge sa Makati, nasa pinakataas na floor ng isang luxury hotel, makikita ang tatlong lalaki na naka-upo sa isang reserved corner. VIP section iyon na para lang sa kanila, isang tahimik na lugar kung saan hindi sila istorbohin ng media o kahit sino pa. Doon madalas mag-unwind ang magkakaibigan matapos ang mahabang araw ng trabaho.

Si Caelum Valtieri, CEO ng Valtieri Global, ay nakaupo sa gitna. Ang kumpanyang hawak niya ay hindi basta-basta. Isa itong multinational conglomerate na may investments sa luxury hotels, financial institutions, at real estate developments sa iba’t ibang bansa. Sa edad na trenta’y dos, siya na ang kilalang “Ruthless King of the Boardroom.”

Matangkad, lean, well-built. Suot ang custom-tailored dark suit, nakabukas ang dalawang button ng dress shirt niya, exposing a hint of his toned chest. Ang malamig na tingin ng kanyang steel-gray eyes ay parang laging nag-o-observe, laging naghuhusga. Ang bawat kilos niya ay calculated. Ang bawat salita niya, mabigat.

Sa kanan niya, nakaupo si Lorenzo “Enzo” De Vega, CEO ng isang finance firm. Calm at laging composed, parang may sariling mundo ng numbers at analysis. Sa kaliwa naman, si Rafael “Rafe” Dominguez, isang top corporate lawyer na kilala sa charisma at pagiging smooth talker sa media. Siya ang madalas nag-aayos ng mga PR crisis ni Caelum.

Nag-inuman silang tatlo ng mamahaling scotch whiskey, habang sa background ay maririnig ang soft music na nilalaro ng live band. Ang ilaw ay dimmed, nagbibigay ng exclusivity sa atmosphere.

“Finally, nakahinga rin,” sabi ni Rafe habang nagsalin ng alak sa baso niya. “Pare, buong araw akong nagrereview ng contracts for your hotels. I swear, kung hindi lang kita kaibigan, I wouldn’t do this level of overtime.”

Ngumisi si Enzo, tahimik na uminom. “You chose the job, Rafe. Alam mong kapag kay Caelum, walang pahinga.”

“Exactly,” singit ni Rafe, sabay tingin kay Caelum. “Ikaw naman, Cael. Hindi ka ba napapagod sa pagiging... ruthless twenty-four-seven?”

Itinaas ni Caelum ang baso niya, malamig ang ekspresyon. “Ruthless is necessary. Weakness is unacceptable. If I stop, everything falls apart.”

Napailing si Enzo. “That’s the same line you’ve been saying since college. Hindi ka pa rin nagbabago.”

Tahimik si Caelum sandali. Pinagmasdan niya ang city lights sa labas ng floor-to-ceiling glass window. Para siyang hari na tinitingnan ang hawak niyang kaharian. At sa loob-loob niya, ramdam niyang tama lang na maging ganoon, ruthless, dominant, walang puwang para sa pagkakamali.

“Actually,” basag niya ng katahimikan, “napag-isipan ko na. It’s time to have an heir.”

Sabay na napatigil sina Enzo at Rafe. Parehong napalingon sa kanya, halatang nagulat.

“Wait—what?” mabilis na tanong ni Rafe. “As in anak?”

“Yeah,” sagot ni Caelum, simple lang, parang ordinaryong usapan lang iyon.

“Dude,” singit ni Enzo, nakakunot-noo. “You’re telling us this out of nowhere. May balak ka na bang magpakasal? Kasi last time I checked, tatlong taon ka nang single since your breakup.”

Napataas ang kilay ni Rafe. “Unless... you already have someone?”

“Wala,” diretso at malamig na sagot ni Caelum. “Hindi ko kailangan ng asawa.”

Nagkatinginan ang dalawa, parehong litong-lito.

“Wait lang, Cael,” sabi ni Rafe, halos mabilaukan sa alak na iniinom. “Anong ibig mong sabihin? Paano ka magkaka-anak kung ayaw mo ng asawa? Adoption?”

“No.” Malamig ang tono ni Caelum. “By surrogacy.”

Biglang napatigil si Enzo at Rafe. Parehong nanlaki ang mga mata nila. Si Rafe pa nga ay napaubo at halos masamid.

“Are you serious?” halos pasigaw na tanong ni Rafe. “As in, you’re planning to hire a surrogate? Ikaw? Mr. Control-Freak?”

“Yes.” Tuwid ang sagot ni Caelum. “Pero hindi tulad ng typical na surrogacy na alam niyo. I’ll plan everything myself. Discreet. Walang clinics na pwedeng mag-leak. I’ll personally select the woman.”

Napahawak sa sentido si Enzo. “This is insane. Bakit kailangan mong gawing complicated? Pwede ka namang maghanap ng matinong girlfriend, magpakasal, normal route lang, Cael.”

“Relationships are a liability,” malamig na sagot ni Caelum. “Wala akong panahon para sa drama, betrayal, or emotional attachments. Ang kailangan ko lang ay heir.”

Rafe laughed in disbelief. “Heir lang? As in... gagawin mong parang business transaction ang pagkakaroon ng anak?”

“Yes. Exactly,” sagot ni Caelum, calm pero matalim ang boses. “This is no different from closing a billion-dollar deal. The child is the legacy. The mother is the vessel. After one year, contract terminated. Clean cut.”

Enzo leaned forward, halatang naiinis at curious at the same time. “Paano mo gagawin iyon? Sa panahon ngayon, walang matinong babae na papayag na maging surrogate ng basta-basta.”

A slow, cold smirk curved on Caelum’s lips. “Simple. I’ll post a job. Triple the salary. Imposibleng walang kakagat. At kapag nakapili na ako, doon ko sasabihin ang tunay na trabaho.”

Napasinghap si Rafe. “Bro... what the hell? That’s deception!”

“Business strategy,” kontra ni Caelum. “Kung diretsong surrogacy ang ilalagay ko, masyadong maraming complications. Publicity. Scandal. Blackmail. But as a maid? Walang makakahalata. Then once I choose, I’ll offer her the contract.”

Hindi makapaniwala si Enzo. “And paano mo masisigurong... fit siya?”

“I’ll make sure she’s clean. Innocent. Virgin,” sagot ni Caelum na parang walang bigat ang salita. “There will be a physical screening. I want someone untouched, para walang history, walang baggage.”

Napaatras sa upuan si Rafe, halos malaglag sa kinauupuan. “Diyos ko, Cael... You’re unbelievable. Virgin? Seriously? Sa panahon ngayon wala nang virgin, bro. Para kang maghahanap ng karayom sa buhanginan.”

“'Di ka nakasisiguro. But if none, I'll find my way,” diretsong sagot ni Caelum. “At hindi ko 'to gagawin by artificial insemination. Para siguradong healthy ang sperm, ako mismo ang makikipagtalik hanggang mabuntis siya.”

Halos malaglag ang baso ni Enzo sa narinig at nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa naririnig. “You’re insane, Caelum...”

Rafe shook his head, halos malaglag sa kinauupuan. 'Di niya ini-expect na maririnig niya ang ganoong katarantaduhan kay Caelum. “Grabe ka, bro. Only you would think of turning surrogacy into... a twisted contract marriage.”

Pero si Caelum? Calm as ever. Parang wala lang sa kan'ya ang mga sinabi. He swirled the amber liquid in his glass and stared at it with cold eyes.

“This isn’t twisted. This is control. This is ensuring my legacy.”

At habang nagkatinginan pa ng litong-lito at halos nawindang na expressions ang dalawang kaibigan niya, si Caelum ay nanatiling composed. Sa isip niya, plano na iyon na matagal nang hinog. At this time, wala nang makakapigil sa kanya...

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
12 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status