Share

CHAPTER 2

Author: Senyorita
last update Last Updated: 2022-08-02 13:47:21

THIRD PERSON'S POV

"Boss, okay na po ang mga tauhan. Handa na po sila para mamaya." Sabi ng isang malaking tinig.

"Good! Basta't siguraduhin n'yong hindi na siya bukas sisikatan ng araw!" Sambit naman ng isang matipunong lalaki na may hawak na sigarilyo at humahalakhak.

"Are you sure about this, hon?" Malanding tanong naman ng isang babaeng prenteng nakaupo sa tabi ng matipunong lalaki.

"Oo naman hon. Sisiguraduhin kong ako na ang susunod na mauupong CEO sa oras na mawala na s'ya sa landas ko." Naninigurong saad naman ng lalaki sabay hithit ng hawak na sigarilyo.

BRIAN'S POV

 Kasalukuyan akong naghahanda ng mga damit na dadalahin ko sa aking Business trip. Ilang piraso lang ang dinala ko dahil ilang araw lang naman ako sa Quezon, Province at wala akong balak na magtagal o mag-bakasyon. I heard maganda raw ang mga falls doon subalit wala sa isip ko ang mag-relax. I need to finish my business there dahil marami pa rin akong ibang bagay at clients na aasikasuhin. 

  Pasalampak akong humilata sa aking malaki at malambot na kama. Sobra ang stress at puyat ko nang nagdaang araw. Hindi na yata nilalapatan ng malambot na kama ang aking likuran, ngayon na lamang ulit. Napabuntong-hininga na lamang ako at saglit na ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong makatulog kahit ilang oras dahil mamayang madaling araw ang alis ko.

  Ilang minuto pa lamang akong nakapikit nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakapikit ko naman itong kinapa sa gilid ng aking kama at agad sinagot ang tawag.

"Brian! Nasisiraan kana ba ha!?" Galit na boses ang agad kong naulinigan sa kabilang linya. 

As usual, si Daddy na naman 'to na 'di matapos-tapos ang rant sa'kin.

"Dad please, I'm tired." Sagot ko sa mahinang tinig dahil pagod at antok na talaga ako.

"Palagi kang maraming kina-cancel na meeting, isa na roon si Mr. Chua. Alam mong big client 'yon Brian! Then nabalitaan kong marami kapang pina-fire na tauhan sa kompanya! Ano bang pumapasok sa isip mo Brian?! Deserve mo ba talaga ang posisyong ibinigay ko sayo ha?" Mahabang litanya ng aking Ama.

"I'm sorry Dad. Pagod talaga ako tonight. May Business trip ako tomorrow. Maybe we can talk about this after I came back from my Business trip. Pupunta ako sa bahay, okay Dad. Bye." Paalam ko sa aking Ama sabay ibinaba ang tawag. Isinubsob ko na lamang ang aking ulo sa malambot kong unan.

Well, sanay na ako kay Dad. Palagi namang mali ko nakikita n'ya. Yung mga tamang nagagawa ko para sa kompanya, 'di man lang n'ya naa-appreciate. Pero gaya ng sabi ko, sanay na ako. Hinahayaan ko nalang. 

  At 3:00 am naligo na ako at dumiretso na sa aking kotse. Maaga ang meeting ko with my client at ayoko namang ma-late. Ilang oras ding byahe ang lalakbayin ko patungo sa aking pupuntahan.

  I texted Allison na I'm on my way na to Quezon. Nag-reply naman s'ya agad at sinabing mag-ingat ako. Para akong tinubuan ng kaba sa dibdib sa reply n'yang MAG-INGAT daw ako. Nagtaka man ako dahil sobrang aga naman n'yang magising pero binalewala ko na lamang ito. 

  Habang nasa kalsada ay panay ang tingin ko sa aking side mirror dahil kanina ko pa napapansin ang itim na van na kanina pa nakasunod sa akin. Wala pang masyadong sasakyan ngayon dahil nga madilim pa at nasa may bandang bundok na rin ako ng Quezon kaya naman wala ding masyadong bahay na madaraanan. Mas binilisan ko pa ang pagda-drive ko kahit medyo paliko-liko na ang daan. Subalit napansin kong mas bumilis din ang takbo ng itim na van sa aking likuran. Nagulat na lamang ako nang tumapat ang sasakyan sa akin at bumukas ang tinted na bintana ng van. Nakita ko ang naka-bonet na lalaki na may hawak na baril at nakatutok sa akin. 

 Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya mas pinabilis ko pa ang takbo ko. Subalit huli na dahil ramdam ko ang tama ng baril sa aking kaliwang balikat at kasabay noon ang pagbangga ko sa kung saan at tuluyan nang nawala ang aking ulirat.

ATHENA'S POV

  Nakasandal ako ngayon at bahagyang nakapikit sa upuan ng pick-up truck na ginagamit namin sa pagde-deliver ng mga gulay. Kasalukuyan naming binabaybay ang paliko-likong daan pauwi sa probinsyang aking kinalakihan. Tapos na kaming mag-deliver sa Maynila at ngayon nga ay pauwi na kami. Siguradong matutuwa si Lolo at Lola sa mga pasalubong na iuuwi ko sa kanila. Napangiti ako sa aking isipin.

  Unti-unti na akong hinihila ng antok nang biglang tumigil ang aming sinasakyan. Awtomatiko akong napamulat ng mga mata at diretsong nagtanong kay Mang Densyo, ang ama ni Andrei na nagmamaneho ng aming sinasakyang pick-up truck. 

"Ano pong nangyari Mang Densyo?" Taka kong tanong.

"Iha, tila ba may naaksidente doon banda." Sagot ni Mang Densyo sabay turo sa kulay abong sasakyan na animo'y bumangga sa isang malaking puno malapit sa kalsada.

"Tara na po Manong, tulungan po natin!" Agad kong sambit.

Ginising ko naman agad si Andrei sa aking tabi na humihilik pa.

 Nagulat kami nang makita ang duguang katawan ng isang lalaki. Binalak naming dalahin sa ospital ang lalaki subalit nang makita naming may tama ito ng baril ay agad naming napagpasyahan na dalahin na lamang sa bukid at tawagin na lamang ang Personal Doctor ni Lola. Naisip namin na kung sa ospital namin dadalahin ay muli itong balikan at pagtangkaan ng bumaril dito.

Nagtaka man si Lolo at Lola nang dumating kami sa Bukid na may dalang lalaking duguan ay hindi na muna sila nagtanong. Nandoon na rin si Dr. Ching dahil agad ko itong kinontak at sinabi ang mga nangyari. Kaya nang dumating ito sa bahay namin sa bukid ay kumpleto na ang mga gamit nito sa paggagamot sa estranghero.

BRIAN'S POV

  Nagising ako sa tilaok ng mga manok at payapang huni ng mga ibon. Tila ba nasa isa akong paraiso.. 

  Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Unang tumambad sa akin ang puting ceiling. Gagalaw sana ako ngunit bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking katawan.

"Oh hijo, gising kana pala? 'Wag ka munang magkikilos dahil may sugat ka. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" Naulinigan ko ang tinig ng isang matandang babae na nakangiti sa akin. Nakaupo ito sa isang sofa at nagtatahi siguro ito ng damit.

"Sino po kayo? Nasaan po ako?" Magalang ko namang tanong sa matanda. 

Kahit masakit ang aking katawan sa 'di ko malamang dahilan ay pinilit ko pa ring umupo sa kamang aking kinahihigaan.

"Ako si Lola Linda, nasa Quezon ka ngayon. Sa isang bukid. Nakita ka kase nila Mang Densyo sa daan na bumangga ka sa iyong sasakyan at may tama ng baril kaya dinala ka nila rito. 'Wag kang mag-alala hijo, mabuti na daw ang kalagayan mo sabi ng Doctor. Kailangan mo nalang ng pahinga at para gumaling na 'yang sugat mo." Mahabang paliwanag naman ni Lola Linda.

Tila naman lumulutang ang isip ko at wala akong maalala na kahit na ano. Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang biglang kumirot ito.

"Ayos ka lang ba hijo? Naku dyan ka lang ha at papatawagan ko sa apo ko si Dr. Ching. Magpahinga ka muna hijo at dadalhan na rin kita ng pagkain mo dahil siguradong gutom kana. Tatlong araw ka rin kaseng tulog. Oh sya, dyan kana muna ha?" Paalam ni Lola Linda.

"Wait, what? Tatlong araw akong tulog? Ano ba talagang nangyari sa'kin at bakit may sugat ako?"

Nalilito kong tanong sa aking sarili.

  Pinilit ko pa ring tumayo at tumuloy sa bintanang nakabukas sa kwartong aking kinaroroonan. Mula sa bintana ay naamoy ko ang sariwang hanging nanunuot sa aking ilong. Tila ba kay sarap damhin, sumabay pa ang huni ng mga ibong payapang naglalaro sa sanga ng mayayabong na puno ng mangga. Tila ba sa sandaling iyon ay nawala ang kirot sa aking ulo at katawan.

  

"Opo lola, nandyan na po!"

Wari ba ay tumigil ang aking mundo nang napalingon ako sa gawing kanan ko. Sa labas ng bahay ay nakita ko ang isang babaeng mala-dyosa ang ganda.

Mula sa alon-alon nitong buhok na umiindayog dahil sa hangin, bigla n'yang hinawi ito at doon ko napagmasdan ang kanyang mapupulang pisngi, manipis at natural na mapupulang mga labi at ang kanyang magaganda at kulay asul na bilugang mga mata. 

  Bigla akong natauhan nang unti-unti ay napatingin s'ya sa akin.

"Uyy, gising kana pala!" Sigaw n'ya sa akin, sapat lang upang marinig ko sya mula sa bintana.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon o sasabihin ko kaya dumiretso ako sa aking higaan at muling humiga doon.

THIRD PERSON'S POV

  Matapos ma-check ni Dr. Ching ang kalagayan ng estranghero ay tumuloy s'ya sa sala at kinausap si Lola Linda, Lolo Ambo at Athena.

"Nagkaroon po ng pamamaga sa utak o encephalitis ang pasyente. Marahil dahil sa impeksyon na natamo n'ya nang bumangga ang kotseng kanyang sinasakyan." Panimula ng Doktor.

"Wala po s'yang matandaan sa nakaraan n'ya. Kahit pangalan o ano mang pagkakakilanlan sa kanya ay wala siyang mabigay na impormasyon sa akin." Paliwanag ni Dr. Ching.

"You mean Doc, may amnesia po s'ya?" Gulat na tanong naman ni Athena na hindi makapaniwala.

"Yes Athena, ganun na nga. Kung pipilitin natin siyang alalahanin ang kanyang nakaraan ay baka mas maging worst ang kanyang kalagayan. Kaya makikiusap po sana ako sa inyo kung maaari n'yo pa s'yang kupkupin hanggang bumalik lamang ang kanyang alaala. Hindi din natin alam kung sino ang mga taong nagtangka sa buhay n'ya kaya hindi natin s'ya pwedeng ipagkatiwala sa iba." Paliwanag pa ng Doktor.

"Paano at kailan naman babalik ang kanyang memorya Doc.?" Tanong naman ni Lola Linda.

"Sa ngayon ay wala pa pong kasiguraduhan kung kailan manunumbalik ang kanyang alaala. I suggest, madalas n'yo syang kausapin at ilabas ng bahay para hindi s'ya mas ma-stress sa kanyang kalagayan ngayon." Paliwanag naman ni Doctor Ching.

"Kung ganoon ay bukas naman ang aming tahanan para sa kanya. Umaasa akong muli ay manunumbalik ang kanyang alaala." Sambit na lamang ni Lolo Ambo.

"Sana nga, kawawa naman ang pamilya n'ya. Baka hinahanap na rin s'ya." Napa-buntong hininga namang sambit ni Lola Linda.

"I'll try my best pa rin po para hanapin ang mga kamag-anak o pagkakakilanlan nya. Balik na lang po ako sa next check up n'ya at make sure po na naiinom n'ya ang mga gamot n'ya. Magpapaalam na po ako." Wika naman ng Doktor at tuluyan nang lumabas ng bahay at nagpaalam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 33

    ***ATHENA'S POV"Now I believed you Mommy, it's really hot in Philippines. I thought I can still wear my favorite jacket but I guess I can't wear it anymore here."Bigla naman akong napatawa sa sinabi ng aking madaldal na si Brianna. Nasanay na kase talaga sya sa weather sa New York kaya talagang maninibago sya. Kakalabas palang kase namin sa Arrival Area ng Airport at ramdam na agad ang init ng panahon. Malapit na rin kase ang Summer kaya naman talagang nakakapasong init ang aming sasalubungin. Aaminin ko, namiss ko talaga ang init sa Pilipinas pati na ang mga lugar dito. Lalo na sina Lolo at Lola na matagal ko nang di nakikita. One of these days ay bibisita ako sa Probinsya kapag naasikaso ko na ang pagsisimula ko ng negosyo dito."What's wrong with the weather baby? I like the weather here."Singit naman ng aking kapatid na si Luke habang naglalakad at feel na feel ang init ng sikat ng araw."You will use to it baby. One of these days, you will also love the weather here."Sambit

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 32

    ***(BRIAN'S POV)*TOK! TOK! TOK!*Malakas na katok ang gumising sa akin. Napamura pa ako sa aking sarili nang mapag-alamang sa loob ng kotse ako nakatulog at nakapagpalipas ng gabi."Talagang dyan kapa natulog ha?! Sa sobrang kalasingan mo siguro kaya 'di kana nakalabas ng kotse mo!"As usual, sigaw na naman ni Allison ang naririnig ko. Nakakarindi, umagang-umaga!Hawak ang sumasakit kong ulo at balakang dahil sa pagtulog sa kotse ay tuloy-tuloy akong lumabas ng aking sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nang 'di pinapansin ang aking nagbubungangang asawa."Talagang tinatalikuran mo na naman ako Brian! Sumagot ka nga! Saan ka na naman ba galing kagabi at ganyan itsura mo?"Sa sinabi ni Allison ay napansin ko ang suot ko. Half Naked nga ako dahil nakabukas lahat ng button ng aking Polo. Wala akong maalala at ayoko rin munang mag-isip dahil mas sumasakit ang ulo ko. Dumiretso ako sa Refrigerator at kumuha ng malamig na tubig doon.Aakyat na sana ako sa kwarto subalit hinarangan ako sa

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 31

    ***"Nai-transfer ko na ang 5 million na kailangan mo. Please don't disturb me again!"Mahina subalit may diing wika ni Alisson sa kanyang kausap sa cellphone.Tumawa naman ang taong kausap nito sa kabilang linya."Good job baby! Maaasahan ka talaga."Sambit ng lalaking nasa kabilang linya."Don't call me baby and don't you dare call me again, please lang!"Sambit pa ni Alisson.Kunwari'y nag-isip naman ang lalaking nasa kabilang linya saka nagsalita,"Hhmmm pag-iisipan ko pa babyy…""Who's that?"Isang baritonong boses ang gumimbal kay Alisson mula sa kanyang likuran. It was Brian.Agad naman nitong pinatay ang tawag at inilagay sa ilalim ng unan ang kanyang cellphone.Tumayo ito at sinalubong ang kakauwing Asawa mula sa trabaho."Uhh, si Chinny.. yung friend ko sa agency. She ask me kung pwede parin akong bumalik sa modeling." Agad naman itong nakakuha ng palusot.May pagtataka namang muling nagsalita si Brian,"Then why suddenly end the call?""Ahh k-kasee I rejected her. You know

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 30

    ***It's been 4 years since I left the Philippines and go here in New York with my mom. It's a big and hard decision but I decided to grab it. Iniwan ko lahat ng masasakit na karanasan ko sa Pilipinas. Mahirap pero kinaya ko lalo na at kasama ko naman si Mama at Papa dito sa New York.Yes, you read it right. Kasama na rin namin ang Papa ko dito sa New York. Makalipas kase ang isang taong pamamalagi ko dito sa New York ay muling nagkaroon ng communication si Mama sa aking Ama. Humingi ito ng patawad kay Mama sa kabila ng pag-iwan nya sa amin noon. Nagkaroon pala si Papa ng Financial Problem noon kaya hindi na siya muling nakabalik pa sa Pilipinas at nawalan na ng komunikasyon sa amin. Makalipas nga ang ilang buwan na panunuyo nito kay Mama ay muli silang nagkabalikan at ngayon ay magkakasama na kami dito sa New York. Nalaman din naming may anak pala si Papa sa una, si Kuya Luke na matanda lang sakin ng anim na taon. Successful Businessman din ito kagaya ng aking Ama. Ang totoo ay isa

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 29

    ***"Hi, I'm Athena Zamora. 'Yung nagpa-appointment kanina para makausap ang CEO–"Sambit ko sa magandang babaeng nasa lamesa malapit sa entrance ng building. Iba na kase ang naka-toka dito ngayon, siguro ay nag-break time yung nakausap ko kanina.Tumingin lang ito sa akin at tuloy tiningnan ang notebook na nasa kanyang lamesa."Oh, yes Miss Zamora. Nasa 13th floor ang office ng CEO. You can go there now."Tila masungit na saad nito sa akin."S-salamat Miss…" sambit ko nalang at ngumiti dito ng pilit.Matapos ng tagpo namin ng masungit na babae ay agad na akong sumakay sa elevator upang magtungo sa 13th floor ng malaking building na iyon. May ilang empleyado akong nakasama sa elevator at lahat sila ay napatingin sa akin. Wari naman ay nahiya ako sa kanilang mga titig kaya inayos ko ang aking suot na dress at tumalikod na lamang sa kanila.Mas binalot pa ng kaba ang aking dibdib nang tuluyan nang umakyat pataas ang elevator na aking kinalululanan. Para akong kinakapos ng hininga at par

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 28

    ***"Is that your final decision Athena? May balak kapa talagang habulin 'yang nakabuntis sa'yo? He left you already. I'm just worried about you and your feelings anak."Sambit ni Cynthia, ang ina ni Athena na sa kasalukuyan ay nasa New York. Nakipag video call kase ito kay Athena habang naghihintay ang dalaga na tawagan ng kompanya ni Brian."I'm sorry ma, pero buo na po ang desisyon ko sa gagawin ko. Patawad po."Nahihiyang sagot ni Athena sa kanyang ina habang nakayuko. Napabuntong hininga naman ng malalim si Cynthia dahil sa sagot ng kanyang anak."Malaki kana anak. Alam kong alam mo na ang dapat at tama mong gawin. Kung talagang mahal mo siya, sige ipaglaban mo. Pero kung may ibang tao ka namang masasaktan sa gagawin mo, hindi naman siguro masama ang sumuko at ipagpasa-Diyos na lang ang lahat. Anu't anuman ang mangyari, nandito lang ako. If you want nga, you can live here in New York kagaya ng matagal ko nang sinasabi sa'yo. Ikaw lang itong aayaw."Mahabang saad ni Cynthia."Than

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 27

    ***"What are you doing here?"Inis na bungad ni Brian sa kanyang panauhin pagkabukas ng pintuan ng kanyang condo unit. "Why? Don't you want me here? I'm your Fiancée kaya nandito ako ngayon."Sagot naman ni Allison habang hila-hila ang kanyang travelling bag na pagkalaki-laki at dire-diretsong pumasok sa unit ng binata. "What is that? Bakit dala mo ang mga `yan dito!?" Inis pang tanong ni Brian. "Starting today, dito na ako titira sa unit mo." Prenteng sagot naman ni Allison at agad pang umupo sa sofa na naroon. "What?! No! Hindi pwede!" Sigaw pa ni Brian at agad binuhat ang travelling bag ni Allison at inilagay sa labas. "Why Brian? We're getting married very soon! Anong masama kung dito na ako titira sa`yo?""Basta hindi pwede. I don't want you here. You can go now!" Utos pa ni Brian. "I will stay here whether you like it or not, o baka naman you want me to call Tito Romeo? You choose." Pagbabanta pa ni Allison. Sa sinabi ng dalaga ay napamura si Brian at pasalampak na umupo

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 26

    ***Habang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ay tahimik na nakatanaw si Athena sa malawak na kabundukan. Dito siya dinala ng kanyang mga paa, sa lugar kung saan ay naging saksi sa pagmamahalan nila ni Angelo. Ang kanilang paboritong tambayan, ang tree house. Subalit nagmahalan nga ba sila o tanging siya lamang ang nagmahal sa kanilang dalawa? ATHENA'S POV`Sobrang hirap at sakit palang maiwan at paniwalain na mahal ka ng isang tao. Umasa ako pero nabigo, sumugal ako sa pag-ibig ko sa kanya subalit bandang huli, ako parin ang talunan. Totoo ngang sa kabila ng kasiyahan ay mayroong kalungkutan. At `yun ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko haharapin ang bawat araw na wala siya? Nasanay ako na nasa tabi ko siya at araw-araw nakikita. Alam ko namang mali din ako dahil alam ko una palang na pwedeng mangyari ito dahil nga may amnesia siya, subalit nahulog na ako sa kanya at `di ko napigilan ang sarili ko. Umasa akong sa kabila ng pagkal

  • The Billionaire's Sweetest Mistake   CHAPTER 25

    ***"Shet bro.. Totoong buntis si Allison?"Hindi makapaniwalang tanong ni Ezekiel kay Brian habang umiinom sila sa VIP Room ng Bar na kanyang pagmamay-ari. As usual ay doon na naman ang tinahak ng mga paa ni Brian kahit na nangako na siyang hindi na siya muling iinom. Pero dahil sa ibinunyag ni Allison ay mukhang alak na naman ang kanyang masasandalan sa mga oras na iyon."She showed me the ultrasound. It's just a week ago noong may nangyari sa amin. I didn't expected na mabubuntis s'ya kaagad dahil lang sa isang gabing may nangyari sa amin." Sagot naman ni Brian at ginulo pa ang kanyang buhok dahil sa stress."Really? Malalaman na pala agad ang result kahit one or two weeks palang na may nangyari sa inyo?" Litong tanong pa ni Ezekiel."Iyon ang sabi ng Doktor na napagtanungan ko. There's still a BIG possibility. I don't know– ayoko namang pagdudahan si Allison, baka makasama pa sa kalagayan n'ya. Saka kilala ko naman s'ya, never s'yang nagsinungaling sa akin." Saad ni Brian."What

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status