***ATHENA'S POV"Now I believed you Mommy, it's really hot in Philippines. I thought I can still wear my favorite jacket but I guess I can't wear it anymore here."Bigla naman akong napatawa sa sinabi ng aking madaldal na si Brianna. Nasanay na kase talaga sya sa weather sa New York kaya talagang maninibago sya. Kakalabas palang kase namin sa Arrival Area ng Airport at ramdam na agad ang init ng panahon. Malapit na rin kase ang Summer kaya naman talagang nakakapasong init ang aming sasalubungin. Aaminin ko, namiss ko talaga ang init sa Pilipinas pati na ang mga lugar dito. Lalo na sina Lolo at Lola na matagal ko nang di nakikita. One of these days ay bibisita ako sa Probinsya kapag naasikaso ko na ang pagsisimula ko ng negosyo dito."What's wrong with the weather baby? I like the weather here."Singit naman ng aking kapatid na si Luke habang naglalakad at feel na feel ang init ng sikat ng araw."You will use to it baby. One of these days, you will also love the weather here."Sambit
Brian's POV"Sir, may meeting po kayo with Henderson's Corporation at 10:00 am and with Mr…..""Cancel all my appointments today Miss Santiago." Putol ko sa aking Sekretarya habang abala akong nakaharap sa aking laptop."But sir…""Hindi mo ba narinig ang sinabi ko o kailangan ko pang ulitin sayo?!" Pagalit ko nang bulyaw sa aking Sekretaryang nagulat sa aking pagsigaw."Okay po sir, I'm sorry." Nakayukong sambit ng aking Sekretarya."You can leave now." Malamig ko pang turan habang nakatitig sa aking laptop.Dali-dali namang lumabas ang aking Sekretarya. Napahawak ako sa aking sintidong biglang kumirot dahil na rin sa matinding pagod at puyat ko nang nagdaang gabi. May kailangan kase akong habuling trabaho dahil next week ay meron akong business trip."Nagpapaka-pagod kana naman babe.."Pagkarinig ko sa malambing na tinig na iyon ay agad akong napataas ng mukha at sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi."I just need to finish everything babe before sana ako pumunta sa busines
THIRD PERSON'S POV"Boss, okay na po ang mga tauhan. Handa na po sila para mamaya." Sabi ng isang malaking tinig."Good! Basta't siguraduhin n'yong hindi na siya bukas sisikatan ng araw!" Sambit naman ng isang matipunong lalaki na may hawak na sigarilyo at humahalakhak."Are you sure about this, hon?" Malanding tanong naman ng isang babaeng prenteng nakaupo sa tabi ng matipunong lalaki."Oo naman hon. Sisiguraduhin kong ako na ang susunod na mauupong CEO sa oras na mawala na s'ya sa landas ko." Naninigurong saad naman ng lalaki sabay hithit ng hawak na sigarilyo.BRIAN'S POV Kasalukuyan akong naghahanda ng mga damit na dadalahin ko sa aking Business trip. Ilang piraso lang ang dinala ko dahil ilang araw lang naman ako sa Quezon, Province at wala akong balak na magtagal o mag-bakasyon. I heard maganda raw ang mga falls doon subalit wala sa isip ko ang mag-relax. I need to finish my business there dahil marami pa rin akong ibang bagay at clients na aasikasuhin. Pasalampak akong humi
THIRD PERSON'S POV(At the Fuentes Mansion)Sa malawak na salang kulay ginto ang mga kagamitan, pabalik-balik na naglalakad si Mr. Romeo Fuentes, ang ama ni Brian. Habang ang Asawa nitong si Mrs. Denise Fuentes ay puno ng pag-aalalang nakaupo sa sofa. "Kahit kailan talaga ay sakit ng ulo ang batang 'yon! Ang sabi n'ya nang huli kaming mag-usap ay pupunta s'ya sa isang Business trip pero tumawag sakin ang ka-business meeting n'yang si Mr. Rosel at sinabing hindi na s'ya kinontact pa ng pasaway mong anak! Walang meeting na naganap kaya umatras na sa deal si Mr. Rosel! Malaking isda na, pinakawalan pa n'ya!" Galit na litanya ni Mr. Fuentes."Romeo naman, hindi ko na nga ma-kontak ang anak mo ilang araw na tapos negosyo pa rin ang iniisip mo? Paano na lang kung may masama nang nangyari sa kanya? Diyos ko, 'wag naman po sana.." Nag-aalala namang wika ni Mrs. Fuentes.Napabuntong-hininga na lamang si Mr. Fuentes at napahawak sa kanyang sintidong biglang kumirot dahil sa pag-iisip.Bigla na
Tahimik na kapaligiran, maaliwalas at mabangong simoy ng hangin ang bumati kay Angelo nang makarating sila ni Athena sa isang lugar sa bukirin ni Lolo Ambo. Inutusan kase ng matanda na muli siyang ipasyal ni Athena sa bukid upang hindi siya maboryong sa bahay. Napa-buntong hininga na lamang siya habang tahimik na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang balat. Pakiwari niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng kapayapaan sa isip. "Siguro ay ibang buhay ang mero ako noon." Nasambit na lamang ni Angelo sa kanyang isipan. Nakita niyang umupo ang dalaga sa isang upuang kawayan sa lilim ng isang puno. Sa lilim ng punong iyon ay may isang simpleng tree house na animo'y ilang taon nang itinayo subalit makikitaang alagang-alaga dahil mukha namang malinis at maayos ito."Dito ang favorite place ko dito sa bukid." Nakangiting sambit ng dalaga habang nakatingin sa malayo, "tahimik kase dito at walang ibang tao kaya ipinatayo ko kay Lolo ang tree house na ito pitong
Tila naman may sariling isip ang mga kamay ni Angelo dahil nagpatuloy lamang ito sa pag-strum ng gitara at tuloy sinabayan pa ng malamig n'yang tinig ang musikang nililikha niya. Napanganga naman sa paghanga ang mga babaeng nasa harapan ng gwapong binata na sa kasalukuyan ay kumakanta. Gayundin si Athena na hindi makapaniwala sa ganda at lamig ng tinig ng binata. Habang sa isang tabi ay masasamang tingin naman ang ipinupukol ni Andrei kay Angelo. 'Di ko alam hanggang kaylan tayo… 'di ko mabago ang ikot ng Mundo.. pero sama ka sa aking byahe, atin lamang ang araw na itooo…' Tuloy ang pagkanta at pagtugtog ni Angelo habang nakatingin kay Athena. Mas namula naman ang natural at makinis na pisngi ng dalaga sa ginagawang pagtitig sa kanya ng binata. Si Athena na lamang ang umiwas ng tingin dahil nararamdaman na naman niya ang mga paru-parong wari mo'y nagrarambulan sa loob ng kanyang tiyan. Hanggang natapos ang awit na iyon ni Angelo ay kinikilig pa rin ang ibang kababaihan. Si Athe
ATHENA'S P.O.V Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay ng mga taong nag-uusap at nagkakatuwaan na nagmumula sa labas ng aming bahay. Tumingin ako sa maliit na orasang nakapatong sa aking maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. "Aww it's only 6:00 am in the morning pero ang ingay na nila sa labas.." humihikab at nag-iinat kong sambit at kumamot pa sa aking ulo kahit 'di naman makati. Hindi ako nakapag-jogging ngayon kase balak kong sulitin ang tulog ko ngayong umaga pero hindi ko rin pala masusulit ngayon. Hayss.. Bumuntong-hininga na lang ako at tumayo mula sa aking kama at dumiretso sa aking banyo. Ihing-ihi na talaga ako kaya dumiretso agad ako sa inidoro. Pagkatapos umihi ay pumunta naman ako sa lababo at humarap sa malaking salamin na naroon. Napangiti na lamang ako sa aking magandang pigura na nakita sa salamin saka nag-toothbrush at naghilamos ng mukha. Hanggang hilamos lang ako kase 'di naman ako kagaya ng ibang babae na may pa-skincare pa. Ewan ko pero 'di rin talaga ak
"Athena, ikaw ba 'yan?" Tila naman 'di makapaniwalang sambit ni Andrei nang makitang lumabas si Athena mula sa kwarto nito. Napalingon naman sa gawi ni Athena ang kanyang Lolo at Lola pati na rin si Angelo sa paglabas niya ng silid."Apo, napakaganda mo!" Tuwang-tuwa na wika ng kanyang Lola Linda. Tila naman na-estatwa ang dalawang binata na nasa loob ng bahay ng mga oras na iyon habang nakatitig kay Athena."Ah, Athena.. okay lang ba na ikaw ang date ko tonight?" Hinging permiso ni Andrei sa dalaga.Napalingon naman si Athena sa gawi ni Angelo bago mag-desisyon sa nais ng kanyang kababata. Umiwas naman ng tingin si Angelo at tumayo sa upuan, inayos ang suot na tuxedo at naglakad palabas ng bahay.ANGELO'S POV "That Andrei! Kahit kelan ay epal talaga sa buhay ko!" Lumabas na lang ako ng bahay dahil sa inis sa Andrei na 'yun. Ako dapat ang date ni Athena ngayon at hindi s'ya.. Paglabas ko ay s'ya namang pagsalubong sa akin ng isang babaeng nakasuot ng black dress, morena siy