Share

CHAPTER 3

THIRD PERSON'S POV

(At the Fuentes Mansion)

Sa malawak na salang kulay ginto ang mga kagamitan, pabalik-balik na naglalakad si Mr. Romeo Fuentes, ang ama ni Brian. Habang ang Asawa nitong si Mrs. Denise Fuentes ay puno ng pag-aalalang nakaupo sa sofa. 

"Kahit kailan talaga ay sakit ng ulo ang batang 'yon! Ang sabi n'ya nang huli kaming mag-usap ay pupunta s'ya sa isang Business trip pero tumawag sakin ang ka-business meeting n'yang si Mr. Rosel at sinabing hindi na s'ya kinontact pa ng pasaway mong anak! Walang meeting na naganap kaya umatras na sa deal si Mr. Rosel! Malaking isda na, pinakawalan pa n'ya!" Galit na litanya ni Mr. Fuentes.

"Romeo naman, hindi ko na nga ma-kontak ang anak mo ilang araw na tapos negosyo pa rin ang iniisip mo? Paano na lang kung may masama nang nangyari sa kanya? Diyos ko, 'wag naman po sana.." Nag-aalala namang wika ni Mrs. Fuentes.

Napabuntong-hininga na lamang si Mr. Fuentes at napahawak sa kanyang sintidong biglang kumirot dahil sa pag-iisip.

Bigla namang tumunog ang kanilang doorbell kaya dali-daling lumabas ang isa nilang katulong sa Mansyon upang tingnan kung sino ang tao sa labas.

"Sir, Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas.. mga Police po." Sabi ng katulong na nagbukas ng gate ng mansyon.

Dali-dali namang nagtungo ang mag-asawa sa labas upang harapin ang sinasabing Police ng kanilang katulong.

At doon nga ay ibinalita ng nasabing Police na nakita nila ang sasakyan ni Brian Fuentes sa Quezon Province na maraming tama ng baril at bumangga sa isang malaking puno.

Wari mo'y tinakasan ng lakas si Mrs. Fuentes sa kanyang narinig na balita.

"Ang anak ko… Diyos ko po!" Nasambit na lamang ni Mrs. Fuentes kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Kung ganoon ay nasaang ospital ang anak ko, kamusta na sya?" Tanong naman ni Mr. Fuentes sa mga Police.

"Ang sabi ng Police na nakakita sa krimen ay wala sa sasakyan ang inyong anak, Mr. and Mrs. Fuentes. Sa ngayon ay pinaghahanap na s'ya at patuloy na rin naming iniimbestigahan kung ano ang tunay na nangyari at sino ang utak ng krimeng naganap." Paliwanag naman ng Police.

Sa narinig ay tuluyan nang nawalan ng ulirat si Mrs. Fuentes. Dali-dali naman siyang ipinasok ng asawa sa loob ng mansyon at tumawag ng Doktor.

ATHENA'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Kailangan ko kaseng tumulong din sa taniman para sa inventory ng mga gulay at para na rin makapag-ehersisyo. Everyday routine ko na ang mag-exercise, walking at jogging paikot-ikot sa bukid na taniman ng mga mayayabong na punong mangga.

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush. Pagkatapos ay pumunta ako sa drawer ko upang magpalit ng damit na susuotin ko. Napili ko ang isang black leggings at isang muscle tee na kulay puti. Pinuyod ko naman ang aking alon-alon at mahabang buhok into a bun, may mga baby hair pang naiwan pero hinayaan ko na lang.

Matapos nito ay nagsuot ako ng isang rubber shoes at mabilis na lumabas ng aming bahay.

Ilang minuto pa lang akong nagjo-jogging nang mapansin ko ang isang lalaking naka-upo sa damuhan sa ilalim ng punong mangga. Nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa Silangan na tila ba malalim ang iniisip. Nang mapalapit ako ay napagtanto kong ito ang estrangherong lalaki na aming natagpuang duguan. 

Medyo feeling close ako kaya tinabihan ko s'ya. Mukhang nagulat naman ito nang umupo ako sa tabi nya.

"Sorry, nagulat ba kita?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hindi, okay lang.." Tipid namang sagot ng lalaki sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Kamusta na pala ang pakiramdam mo, masakit pa ba ang katawan mo?" Muli kong tanong dito.

"Medyo lang, kaya ko naman.." Sagot naman nito.

"So keri mo bang maglakad? Gusto sana kitang ipasyal dito sa bukid. Maraming bunga ngayon ang manggahan at mga rambutan ni lolo." Nakangiti ko pang wika sa kanya. 

"Okay, sige." Tipid pang sagot nito.

Ipinasyal ko s'ya sa malawak na taniman ng prutas sa dulo ng kabukiran. Medyo malayo ito sa taniman ng mga gulay ni lolo. Gusto ko lang din syang libangin gaya ng sabi ni Doc. Ching kaya naman panay ang kwento ko sa kanya na animo'y matagal na kaming magkakilala.

Namitas din kami ng mangga, rambutan at lansones na nakita namin sa aming paglalakad. Nakita kong nag-eenjoy naman s'ya dahil palihim siyang napapangiti sa aking mga ginagawa habang kami ay magkasama. 

"Oh, tikman mo 'tong rambutan ha, sobrang tamis nito at talagang makapal ang laman nya!" Masigla kong sambit at unti-unting lumalapit sa lalaki para isubo ang rambutang aking binalatan.

Hindi ko naman napansin ang bato sa aking harapan kaya naman natisod ako at natumba sa matipuno at matigas n'yang katawan. Hindi n'ya rin naman nakayanan ang aking katawan dahil siguro mahina pa siya ngayon kaya parehas kaming natumba sa damuhan. Nakapatong ako sa kanya habang magka-konekta ang aming mga mata. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa aking katawan at may mga paru-parong nais kumawala sa aking tyan dahil sa pagkakadikit ng aming mga balat. 

Habang nakatitig sa kanya ay napansin ko na talaga ngang isa siyang gwapong nilalang. Hindi ko iyon maipagkakaila.

Nagising ako sa aking pagpa-pantasya nang bigla siyang d*****g.

"Ouch… yung sugat ko…" D***g ng lalaki.

"Omg! Sorry. Hindi ko sinasadya." Paumanhin ko namang wika sa kanya at tinulungan syang tumayo dahil nga masakit ang sugat n'ya sa balikat.

"It's okay. Can we go now?" Nakatitig s'ya sa akin habang sinasabi iyon.

Para na naman akong na-hipnotismo dahil sa kanyang mga titig. Sinaway naman ako ng utak ko at sinabing mag behave.

"Uhh, o-okay…" Nauutal ko namang sagot sa kanya at iniiwas ang tingin sa malayo.

Palihim kong pinagalitan ang aking sarili dahil sa naiisip ko sa estrangherong lalaki na kasama ko. 

"Naa-attract ba ako sa kanya? NO WAY! This can't be!" Nalilitong wika ko sa aking sarili.

BRIAN'S POV

Nakahiga ako ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko sa bahay nina Lolo Ambo at Lola Linda. 

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Literal na blangko ang isip ko dahil wala talaga akong maalala ni isang bagay sa aking nakaraan. Kahit nga pangalan ko ay hindi ko matandaan. Sabi ng Doktor ay nagkaroon ng pamamaga sa utak ko dahil sa impeksyon. 'Wag ko daw piliting alalahanin ang aking nakaraan dahil baka mas maging worst ang aking kalagayan. Subalit hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-isip. Maraming tanong ang nagsusulputan sa aking isipan. 

"AAAAHHHH!" D***g ko nalang nang bigla na namang sumakit ang aking ulo.

Inipit ko ng malambot na unan ang aking ulo at doon tiniis ang sakit na aking nararamdaman. 

Ayokong maging pabigat sa mga taong kumupkop sakin kaya hangga't kaya kong tiisin ay titiisin ko. Pinilit ko namang bumangon at uminom ng tubig na nasa lamesa ng kwartong aking tinutuluyan, baka sakaling mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.

Hindi naman ako nabigo dahil maya-maya nga'y nawala na rin ang sakit nito. Muli akong humiga sa kama at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Sinubukan ko ring 'wag nang mag-isip dahil baka mas sumakit lamang ang aking ulo.

Sa aking pagpikit ay bigla namang nag-flashback sa aking isipan ang magandang mukha ng babaeng kasama ko sa pamamasyal kanina. Ang maganda n'yang ngiti ay hindi na maalis sa aking isipan. Her beautiful eyes, kissable lips and hot body… Ahhh! Hindi n'ya alam kung gaanong pagpipigil ang aking tiniis nang maglapat ang aming mga katawan. Bigla tuloy akong napatanong sa aking sarili kung anong klaseng lalaki ba ako noong hindi pa ako nagkaka-amnesia.

Well, siguro naman kahit sinong lalaki ay maaakit talaga sa angkin n'yang ganda. Pero mali ito. Hindi ako dapat nag-papantasya o magkagusto sa kahit na sino hangga't hindi pa bumabalik ang alaala ko. Magpapagaling ako, hangga't hindi pa bumabalik ang alaala ko ay mananatili muna ako sa lugar na ito. Wala rin naman akong ibang pupuntahan at isa pa, may taong nagtatangka sa buhay ko. Hindi ko sila kilala kaya dapat lang na magpagaling muna ako.

   Kinaumagahan ay sabay-sabay na kumain ng breakfast sina Lolo Ambo, Lola Linda, Athena at ang lalaking estranghero. Magkatapat sa upuan si Athena at ang lalaki. Nagkakailangan man dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi na lang sila nagpahalata at nag-focus na lamang sa pagkain.

"Ang tahimik yata natin?" Natatawang panimula ni Lolo Ambo.

Napangiti na lamang ang lalaki gayundin si Athena habang kumakain.

"Alam mo uhhh… hijo… ano bang itatawag ko sayo?" Wika ni Lolo Ambo na nag-iisip ng pangalan na pwede n'yang itawag sa lalaki.

"Kayo po ang bahala lo, kahit ano po ay okay lang sa'kin." Nakangiti namang sabi ng binata sa matanda.

"Angelo nalang… tutal ay mukha ka namang Anghel na bumaba sa langit at ibinigay sa amin. Pansin ko kase na simula nang dumating ka dito sa lugar namin ay mas dumami pa ang aming mga buyers e. Angelo, okay na ba iyon sa'yo?" Nangingiti pang tanong ng matanda.

"Okay na okay po lo! Salamat po." Magalang rin namang sagot ni Angelo.

"Oh sya.. Angelo… kumain kapa nang kumain ha? 'Wag kang mahihiya sa amin. Ituring mo na rin kaming Lolo at Lola mo ha?" Masayang wika naman ni Lola Linda.

"Opo lola, maraming salamat po. Lo, salamat po sa kabutihan n'yo sa akin. Babawi po ako kapag tuluyan na po akong gumaling." Taos-pusong sambit ni Angelo.

Napangiti na lamang ang dalawang matanda at nagpatuloy na rin sila sa kanilang pagkain. Habang si Athena ay tahimik lamang na kumakain at nakikinig sa kanilang usapan at paminsan-minsa'y sumusulyap sa gawi ng binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status