“You should wash up para makapagpahinga ka na.” Biglang sabi ni Levi kaya naman agad napamulagat si Selene.
Nakita niya itong unti-unti nang lumalayo sa kaniya habang inaalis ang neck tie na suot nito.
Para siyang binuhusan ng malamig ng tubig. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa ginawa. Talagang pumikit pa siya habang naghihintay ng halik ni Levi?!
Mabilis siyang kumaripas ng takbo sa isang pinto na sa tingin niya ay CR para lamang makatakas sa kahihiyan. Hindi naman siya nagkamali dahil CR nga iyon kung saan mayroon din walk-in-closet.
Sosyal na sosyal talaga ang dating ng lahat. Para siyang nasa mamahaling hotel room. May mga tuwalya na rin na nakasabit doon na parang hindi pa nagagamit.
Agad niyang inalis ang suot na damit at naligo. Kumpleto ang gamit sa banyo kaya hindi na siya nahirapan pa.
Nang patayin niya ang shower at magpunas ng katawan ay saka nanlaki ang mata niya sa realisasyon.
Wala siyang pamalit na damit!
“Selene naman! Masyado ka na bang binabaliw ng lalaking iyon na lahat na lang yata ng ginawa mo ngayong araw ay puro kahihiyan!” Bulong niya sa sarili.
Paano siya lalabas nito?! Sigurado naman nandoon pa rin si Levi kung saan niya ito iniwan.
Sisigaw ba siya? Gusto niya na lang talagang magpalamon sa lupa.
Agad niyang itinapis ang twalya sa kaniyang katawan bago naglakad papunta malapit sa pinto.
“L-Levi!” Mahinang tawag niya ngunit walang sumagot.
“Levi!” Medyo nilakasan niya na ang boses niya.
“Yeah?” Parang bored na sagot pa ng lalaki. Hindi niya makita ang reaksyon nito dahil nasa kabilang panig ito ng pinto.
“Uhm….” Natameme si Selene at hindi alam ang sasabihin.
“What?”
“Uhm… ano kasi. Paano ba ito…. Kasi…”
“Kasi?” Naghihintay na sagot ni Levi. Medyo lumakas ang boses nito na para bang papalapit na ito sa kaniya.
“Kasi wala akong d-damit…” Nahihiyang sagot ni Selene.
Matagal bago nagsalita si Levi, “Oh, what are we going to do about it? Hindi mo pinaalala kanina.”
“Ano?! Edi sorry naman! Init na init na kaya ako.”
“You don’t need clothes, though. I’m your husband.”
Hindi siya nakikita ni Selene pero naiimagine nito ang mapanukso nitong ngiti kaya mas lalo siyang nainis.
“Baliw ka ba?! Pahiram nalang ng damit mo.” Suhestiyon niya.
“But I only have my big shirts and boxers. You want it?”
“Tss! Pwede na!” Inis na sabi ni Selene.
Binuksan niya ang pinto ng kaunti kaya nagkaroon ng siwang upang makita niya ang nasa labas.
Halos mabuwal siya sa kinatatayuan ng sumalubong sa kaniya ang nakangising si Levi. Literal na nasa tapat niya ito na para bang hinihintay na pagbuksan siya!
“Ano ba! Nakakagulat ka naman!”
“What? Here’s your clothes.” Sabi nito sabay taas ng kamay para ipakita ang damit na hawak niya.
Napansin niyang kulay pula ito at may kaunting lace na design kaya alam niyang hindi panlalaki ito.
“Akala ko bang damit mo?” Tanong ni Selene.
“I was just teasing you. I bought clothes for you.” Sagot ni Levi.
“Wow, ready ah. Akin na nga!” Sabi ni Selene sabay binuksan pa ang pinto.
Kita niya kung paanong dumausdos pababa ang tingin ni Levi. Doon niya lamang napagtanto na nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya at medyo basa pa siya!
Agad niyang kinuha ang hawak ni Levi saka mabilis na isinara ang pinto. Lumikha pa ito ng tunog na siya mismo ay nagulat.
Tinignan niya ang damit na hawak pati ang paper bag. Meron underwear sa loob ng paper bag pero halos magulantang siya nang makita na lingerie dress pala iyon!
Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakapagsuot ng ganito ka-sexy na damit. Ni wala pa ngang nakakita sa kaniya na maliit ang tela na suot. Nang-aasar ba talaga ang Leviticus na iyon?!
Pero isinuot niya na rin iyon dahil ayaw niya nang magreklamo pa at baka sabihin ng lalaking iyon na wala siyang pasalamat. Hindi rin naman ganoon kaiksin ang damit kaya okay na rin.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Natural na kulay gatas ang kaniyang balat na namana niya sa kaniyang ina base sa nakita niyang picture nito. Kahit walang suot na makeup ay mamula-mula ang pisngi at labi niya. Nakakadagdag pa sa ganda niya ang mahabang buhok nito na kulay tsokolate.
Alam naman ni Selene sa sarili niya na maganda siya. Marami namang nagsasabi sa kaniya noon. Pero bakit nagawa pa rin siyang lokohin ni Seth?
Ganoon na ba kaimportante sa lalaki ang p********k na pipiliin pa nitong itapon ang ilang taon nilang pagsamahan para lang sa kaniyang stepsister?
Bumuntong hininga siya bago magpasyang lumabas. Sa ibang araw niya na lamang iisipin ang kaniyang problema kay Seth at sa kaniyang pamilya.
Nang lumabas siya ay saka naman pumasok si Levi sa banyo para makaligo na rin. Umupo siya sa malawak na kama habang nagtutuyo ng buhok.
Habang pinagmamasdan niya ang silid ay saka unti-unting nag-sink in sa kaniya na ibang-iba na ang magiging buhay niya ngayon.
Hindi pa nila napag-usapan ni Levi kung ilang buwan ang itatagal ng set-up nila na ganito pero sisiguraduhin niyang itanong iyon para hindi naman siya nangangapa kung hanggang kailan ang pagpapanggap na ito.
Narinig niyang bumukas ang pintuan kaya napalingon siya rito. At sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ngayong araw ay nagulantang na naman siya sa nakita.
Si Levi na nakatapis lamang ng tuwalya sa bewang. Kitang-kita ang pang-itaas na katawan nito. Oo, halata naman na malaki ang katawan niya kahit may suot na damit pero ibang-iba pala kapag wala.
Ang mga patak ng tubig sa kaniyang buhok ay bumabagsak sa kaniyang dibdib pababa sa may tiyan niya. Kitang-kita ni Selene ang six pack abs nito na sculpted.
Hindi naman siya bago sa ganito dahil nakikita niya naman minsan na walang damit pang-itaas si Seth, pero ang kay Levi… talagang makapigil hininga! Parang iyong mga katawan ng mga male actor na kakikiligan ng mga dalagita.
“Like what you’re seeing, wife?” Tukso ni Levi kay Selene.
Umiwas si Selene ng tingin. Baka isipin nito ay naglalaway siya sa kaniyang katawan.
Unti-unting naglakad papunta sa kaniyang direksyon si Levi. Hinihintay nito ang susunod na gagawin at halos malagutan siya nang hininga ng unti-unting yumuko si Levi para magpantay sila.
“H-Hoy! Nakaka-ilan ka na ngayong araw ah! Bakit lapit ka nang lapit?”
“Why? Were you waiting for my kiss katulad kanina? Pumikit ka pa nga.” Sabi ni Levi.
Agad naman nahiya si Selene. Gusto niya na ngang kalimutan iyon.
“L-Lumayo ka na!” Kabadong sabi nito. Ayaw niya naman itong itulak dahil saan naman siya hahawak?! Baka isipin nito tsansing siya.
Ngunit hindi natinag si Levi dahil mas lalo pa siyang lumapit. Lumalapat na ang katawan nila sa isa’t isa at pigil na pigil na ni Selene ang hininga.
Ramdam niya na sa kaniyang tainga ang mainit na hininga ni Levi. Nagtindigan ang balahibo niya dahil mas malala pa ito sa kanina dahil wala ngang damit ito. Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganitong reaksyon para sa isang lalaki. Kahit pa kay Seth!
“Kunin ko lang yung damit ko. Nasa likod mo.” Sabi nito at saka may kinuha sa likod niya. Nakalapag pala ang mga damit nito sa may kama.
“Why? May gusto ka bang gawin ko sayo?” Sabi nito matapos isuot ang white na sando. Magkaharap na naman ang kanilang mukha.
“Ano?! Wala!”
“Hmmm… Even this?”
Unti-untin inilapit ni Levi ang malambot niyang labi kay Selene. Nang maglapat ang mga labi nila ay parang may na-kuryente si Selene. Nagsimula si Levi na igalaw ang labi na para bang inaanyayahan si Selene na gawin rin.
Masyado ng nadadala si Selene sa tamis ng labi nito kaya iginalaw niya na rin ang kaniyang labi at sinasabayan si Levi. Marahang kinagat ni Levi ang kaniyang labi habang tila nakikipag-espadahan ang dila nila sa isa’t isa.
Tuluyan nang iniwan si Selene nang kaniyang huwisyo nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ni Levi sa kaniyang baywang.
Naghahalikan pa rin sila at hindi niya mapigilan ang pag-ungol dahil kung saan-saan na napupunta ang kamay ni Levi.
Halos mapasigaw sa inis si Selene nang magtigil ang kanilang halikan at humiwalay si Levi sa kaniya. Huminga siya ng malalim dahil kinapos siya ng hininga.
“Bitin, baby?” Tukso sa kaniya ni Levi.
Iniangat ni Levi ang kaniyang baba para magtama ang kanilang mata bago muling ipinaglapat ang kanilang labi, ngayon ay sa mas mapusok at malalim na halik.
“Fuck, Selene. Stop me. Pigilan mo ako kung ayaw mo ng ginagawa ko…” Sabi ni Levi sa gitna ng kanilang halikan.
Pero masyado ng baliw na baliw si Selene. Parang malalagutan siya ng hininga kung itigil pa nila ito.
“Selene… stop me, baby….”
Mas lalong pinagbuti ni Selene ang paghalik bago magsalita, “No. Gusto ko ‘to, Levi…”
Tila nagustuhan ni Levi ang kaniyang sagot na bahagya niya itong tinulak para humiga siya. Naramdaman ni Selene ang malambot na kama sa kaniyang likod bago bahagyang pumatong sa kaniya si Levi.
Hindi niya alam kung paanong nangyaring nakapatong si Levi ngayon sa kaniya pero hindi nito ramdam ang kaniyang bigat.
“Aangkinin kita, Selene. At sa oras na mangyari iyon, akin ka na. Akin ka lang…”
Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Matapos ang mahabang araw ng paglalaro, tawanan, at kalokohan ng dalawang bata ay ngayon ay mahimbing na natutulog sina Kiel at Zia sa kani-kanilang mga kwarto. Sinigurado niya munang malalim ang tulog ng mga ito bago isa-isang hinalikan sa noo at kinumutan pagkatapos ay sinara ang pinto ng kwarto nila. Hindi niya maiwasang mapangiti na dahil sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog agad ang mga ito.Ngunit kahit gaano siya kasaya, hindi pa rin mapigilan ni Selene ang bigat sa kanyang dibdib. Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa balcony ng kanilang kwarto, nakaupo sa isang rattan chair habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nilalaro-laro niya ang tasa sa kanyang mga palad at nakatitig lang sa malayo. Ang mga ilaw mula sa malalayong bahay ay kitang kita mula rito habang ang hangin naman ay malamig at may dalang kakaibang lungkot.Dumako ang kanyang tingin sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin, pero kahit ganoon ay parang may kulang. Sa
“Mommy!”“Mama!”Dalawang maliliit na tinig ang sabay na sumigaw na puno ng saya at sigla. Tumakbo nang mabilis sina Kiel at Zia papunta kay Selene, na abala noon sa pag-aayos ng merienda sa mesa sa terasa ng bahay. Hawak-hawak niya ang mga baso ng juice at nakahanda na rin ang platito ng paborito nilang sandwich.Agad niyang iniwan ang tray at ibinukas ang dalawang braso para salubungin ang mga batang pawis na pawis sa paglalaro. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit sabay ngiti.“Aba, aba! Ang aamoy niyo na dahil sa pawis!” pabiro niyang sermon habang kunwari’y pinipisil ang ilong ng dalawang bata. Napangiti si Kiel, apat na taong gulang na talagang sobrang lumilikot na ngayon.“Eh kasi po Mommy, natalo ko si Zia sa taguan pero ayaw niyang magpatalo kaya gusto niya na naman ng new round!”“Not chwue, Mama!!” mabilis na sagot ni Zia na kunot-noo pa habang nakapamewang. “Ako po yung nanalo kashi hindi niya ako nakita kahit nasha likod lang ako ng puno! Kuya Kiel, loser!”Natawa si
Tatlong buwan.Tatlong buwang halos araw-araw ay inuulit ni Selene sa sarili ang bilin ni Zefron na “Magpahinga ka, palakasin mo ang katawan mo para sa anak mo.” Kaya iyon ang naging buhay niya. Wala siyang ibang pinanghahawakan kundi ang pag-asa na magiging maayos ang lahat sa oras ng kanyang panganganak.Hindi naging madali. Maraming gabi ang pinuno ng pag-iyak dahil sa nararanasan niya dahil sa pagbubuntis niya samahan mo pa ng nangyaring trahedya sa kaniya na minu-minuto niya ring iniisip. Ngunit lagi ring naroon si Zefron. Kapag umuuwi ito galing ospital, kahit pagod, ay inaalalayan pa rin niya si Selene. Tinupad nito ang pangakong sasamahan niya si Selene sa kahit ano.Dahil wala pa ring naalala ay tuluyan nang kinupkop ni Zefron si Selene sa kaniyang bahay.“Selene,” sabi nito minsan habang magkatabi silang kumakain ng hapunan, “Gusto kong ipaalala na hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. May mga tao tayo para sa gawaing bahay.”Ngunit napasimangot lang si Selene at baha
Sakit ng katawan.Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit. Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot. Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.“You
“What the fuck did you say?!”Nag-echo ang boses ni Levi sa loob ng mansyon. Hawak niya ang cellphone na halos mabali na sa higpit ng pagkakakapit nito rito.“Sir, nakita po yung plate number… tugma sa sasakyan ni Mrs. Thompson,” sabi ng boses sa kabilang linya na may halong kaba at alanganin pang magpatuloy sa pagsasakita.Nanlaki ang mga mata ni Levi. “Ano’ng ibig mong sabihin?! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Selene is safe. Do you hear me? Safe siya!” halos pasigaw niyang tugon, pilit pinapaniwala ang sarili sa mga salitang iyon.“W-Wala pong bangkay na narecover, sir. Pero… may kotse pong natagpuan sa ilalim ng bangin. Nasunog. Ang plate number… tumutugma.”Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ni Levi. Nanikip ang dibdib niya, pakiramdam niya’y may mabigat na batong bumulusok sa sikmura niya. Para siyang naestatwa sa gitna ng sala. Hindi siya makagalaw at hindi makapaniwala.Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ang pinakamasakit na tagpo sa buhay niya. Simula nang
Natutuyo na ang mga luha ni Selene sa kaniyang pisngi pero hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib niya. Napagod siya sa kaiiyak kaya nakatulog rin sa wakas. Naging malalim ang tulog niya pero nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay madilim na ang paligid.Napasinghap siya nang mapansing tuloy-tuloy pa rin ang andar ng sasakyan. Nakakunot ang noo niya at agad siyang umayos ng upo at tumingin sa bintana.“Gabi na…” mahina niyang bulong sa sarili, ramdam ang bigat ng kaba sa dibdib. Sa tantiya niya, mahigit ilang oras na silang bumabyahe. At ang dinadaanan nila ay tanging mga puno na lamang. Wala nang kabahayan o kahit na anong building nakatayo rito. Nasaan sila?Bahagya niyang inusog ang sarili palapit sa harapan. “Kuya, saan po tayo pupunta?” tanong niya sa kalmadong boses.Ilang oras na rin kasi silang bumabyahe at sonrang sakit na ng buong katawan niya. Ang sabi niya kanina ay malapit na probinsya lang at kahit isang oras ay may mapupuntahan naman silang malapit na