MasukHabang nasa byahe papunta kung saan man ang bahay ni Levi ay ramdam na ramdam ni Selene ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.
“No more buts. Tutuparin pa natin ang hiling ni Lola Fely. Simulan na natin ang paggawa sa isang dosenang apo na gusto niya.”
Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak niya. Hindi niya naman alam kung seryoso ba doon si Levi o biro lang ang lahat para sa kaniya.
Hindi rin naman niya mabasa sa mukha nito kung biro lang iyon dahil literal na sinabi niya ito ng walang ekapresyon! Na para bang normal na normal lng sabihin iyon.
Wala na rin siyang magawa kung hindi sumama sa binata dahil ayaw niya rin naman munang umuwi sa bahay nila. Masyado pang mainit ang mata sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Hindi pa siya handa sa sermon at kung ano-ano pang masasakit na salita na magmumula sa kanila.
“We’re here.”
Natigil ang pag-iisip ni Selene nang magsalita si Levi. Ngayon niya lang napansin na tumigil na sila. Luminga-linga siya sa paligid at nakitang nasa isang subdivision sila.
Ngayon niya lng rin napansin ang mga bahay na nakapaligid ay malalaki at talagang halatang mayaman ang nakatira.
Katulad kanina ay pinagbuksan siya ni Levi ng pinto. Nang makalabas siya ay mas lalo niyang nakita kung saang bahay sila nakatapat.
Maayos at malaki naman ang bahay nila dahil medyo nakakaraos naman sila sa buhay pero hindi pa rin maiwasan mamangha ni Selene sa bahay na nasa harap niya ngayon.
Sa facade pa lang ng bahay ay alam mong pinagkagastusan talaga. Ang pader ay may magagandang stonework. Maganda rin ang disenyo ng bubong at bintana na kitang-kita mula rito.
“Sayo ito?” Namamanghang tanong ni Selene.
“Well, kanino pa?”
Napasimangot naman si Selene sa prenteng sagot ni Levi.
“Pinagawa ng mga magulang mo para sayo?” Hula ni Selene.
Oo, alam niyang nagtatrabaho na si Levi sa kumpanya nila. Pero hindi pa naman siya ang may-ari nito. Imposible makakapagpagawa siya ng ganitong bahay.
Iyon ang tingin ni Selene…
“Pinagawa ko ito gamit ang sarili kong pera.”
“Ang yaman mo! Ang laki laki at ang gara nito. Ilang taon ka na ba?”
Tinignan siyang maigi ni Levi, “That’s so odd hearing it from my wife.”
“Bakit naman?”
“Hindi ka ba nawi-weirduhan? Sarili mong asawa ay hindi mo alam ang edad?”
“In my defense, ‘di tayo typical na mag-asawa. Fake marriage ito. Temporary. Hindi muna nag-get to know bago nagpakasal. Eh ikaw nga rin ay wala kang alam tungkol sa akin!” Depensa ni Selene.
“You have a point. And we still have a lot of time to get to know each other para mapaniwala natin sila na totoo ito.” Sabi ni Levi bago maunang pumasok sa gate.
“Iiwanan nalang ba ako ng lalaking ito dito?!” Sa isip ni Selene.
Nakakahiya naman kasi. Dapat ba niyang sundan ito? Pero paano kung hindi naman siya nito inayang pumasok sa loob? Pero siya naman ang nagdala sa kaniya dito kaya given na siguro ‘yon, ‘di ba?
Ano ba yan!
Napapikit si Selene nang biglang bumalik si Levi sa tapat niya at pitikin ang kaniyang noo.
“What are you doing there, woman? Diyan ka na pang ba?”
“Psh, ito na nga!” Sabi niya saka nagmamadaling sumunod kay Levi.
Nakapamulsa ito havang naglalakad habang siya ay hingal na hingal dahil patakbo ang ginagawa niya. Paano ba naman ay sobrang tangkad at haba ng legs ng lalaki na to! Isang hakbang niya yata ay tatlo na pra kay Selene.
Hindi naman sobrang kaliitan si Selene dahil 5’6 ang kaniyang height. Pero kapag nasa tabi niya si Levi ay nanliliit talaga siya. Sa tantiya niya ay nasa 6’2 ito.
Dagdag pa na parang suki yata ito sa gym dahil sa sobrang tikas ng katawan. Parang toned yata lahat ng bahagi ng katawan nito.
“Good evening, Sir at Ma’am!” Sabay-sabay na bati ng tatlong babae at dalawang lalaki.
Ang tatlong babae ay nakasuot ng pang-maid na uniform. Ang isa ay bata pa na parang ka-edaran lamang ni Selene, ang isa naman ay sa tingin niya nasa mid-40s na, at ang panghuli ay medyo may katandaan nang tignan.
Ang dalawang lalaki naman ay may suot na pang-driver na uniform na kadalasan niyang nakikita sa mga pelikula. Isang bata at isang medyo matanda ang mga ito.
“This is Selene. My wife. Babe, this is Manang Sally, the mayordoma of this house.” Pagpapakilala sa kaniya ni Levi.
Hindi pa rin maiwasan mabigla at kabahan ni Selene tuwing ipinakilala siya ni Levi bilang kaniyang asawa. Ngunit ngumiti siya pra batiin ang mga tao sa kaniyang harap.
“Ikinagagalak kong makilala ka, hija. Ito si Lourdes,” turo ni Manang Sally sa maid na nasa mid-40s, “At ito naman si Lala,” turo nito sa medyo may kabataan na maid.
“Hello, Ma’am! Ang ganda ganda niyo po. Bagay na bagay po kayo ni Sir! Buti nalang kayo ang napangasawa at maipauubaya ko ng maayos si Sir dahil kung hindi niyo po naitatanong ay crush na cr—-”
Hindi na natutuloy ni Lala ang sinasabi dahil tinakpan na ni Manang Sally ang bibig nito at pilit na tumawa.
“Pagpasensyahan niyo na ang batang ito! Ito naman si Edgar at Karlo, ang mga driver dito, hija,” Pakilala ni Manang Sally sa dalawang lalaki na masayang ngumiti sa kaniya.
“Masaya po akong makilala kayo!”
“Kami rin, hija. At handa na pala ang kwarto niyo. Kayo’y umakyat na at nang makapagpahinga na l kayo roon.” Sabi ni Manang Sally.
“Thank you, Manang Sally. Let’s go, wife?” Aya sa kaniya ni Levi.
Narinig niya pang naghagikgikan ang lima na para bang kilig na kilig sa pagtawag sa kaniya ng wife ni Levi.
Umakyat na sila. Namamangha pa si Selene dahil kung maganda na ang exterior ng bahay ay mas maganda pa ang interior. Ang ganda ng disenyo at hindi masakit sa mata.
“Saan ang kwarto ko?” Mahinang tanong ni Selene.
Iminwestra sa kaniya ni Levi ang kwarto sa tapat nila. Binuksan niya iyon at nakita niyang napakalaki nito!
Parang triple o higit pa sa laki ng kwarto niya doon sa bahay nila. Hindi na rin nakakapagtaka dahil sa lawak ba naman ng bahay.
“Ang laki naman.” Wika ni Selene habang tinitignan ang kabuuan nito.
“This is the master’s bedroom,” sabi ni Levi na pumasok rin at saka sinara ang pinto.
“W-Wait! Bakit nandito ka rin?! Okay na ko, hinatid mo na ko sa kwarto ko, ‘di ba? Pwede ka nang pumunta sa kwarto mo!” Natatarantang sabi ni Selene nang makitang ni-lock pa ni Levi ang pinto.
“Huh? What are you saying?” Takang tanong ni Levi.
“Anong ‘what are you saying’?! Bakit ka nandito?!” Sigaw ni Selene habang lumalayo kay Levi.
Habang paatras si Selene ay siyang paglapit naman ni Levi sa kaniyang direksyon.
“No one knows our set up other than us, Selene. Malamang ay tinatanong nila Mommy sila Manang kung paano tayo bilang mag-asawa. Ano na lang sasabihin nila kung nalaman nilang magkahiwalay tayo ng kwarto?”
“Magsasama tayo sa isang kwarto?!” Nanlalaki ang mata ni Selene.
Lumapit na naman si Levi sa kaniyang kaya umatras siyang muli.
Lapit. Atras. Lapit. Atras. Lapit. Atras.
Natigil lamang siya ng naramdaman niyang tumama ang kaniyang likod sa malamig na pader. Pero hindi pa rin tumitigil si Levi sa kakalapit sa kaniya.
Nilapit ni Levi ang kaniyang mukha kaya sa kaniya. Hindi na kaya ni Selene ang tensyon sa pagitan nila.
Hahalikan ba siya ni Levi?!
Napapikit na lamang siya habang naghihintay na maglapat ang labi nila. Ngunit halos magtaasan lahat ng kaniyang balahibo sa katawan nang maramdaman ang mainit na hininga ni Levi sa kaniyang tenga.
“Yes, baby. Us. In one room. What do you think will happen?”
“Thank you… talaga, Selene.”Kita sa mata ni Aria kung gaano kalaki ang nabunot na tinik sa dibdib niya matapos ang pag-uusap nila nila. Hindi na umimik si Selene, ngumiti lang siya at hinawakan ulit ang kamay ng babae bilang assurance.Lumipas ang ilang oras. Bandang hapon ay naghanda na silang umalis.Ang dalawang bata ay parehong may malungkot na aura pero hindi nag-iiyak. Si Aria ay lumapit muna kay Selene at binigyan ito ng mahigpit ang yakap.“Salamat ulit… for everything,” sabi niya nang puno ng sincerity.Napangiti si Selene. “Your secret is safe with me,” bulong niya sabay kindat.Namula si Aria at mabilis lumingon para siguraduhing walang ibang nakarinig. “Selene…” pero halatang kinikilig at nahihiyang natawa. “Ikaw talaga.”Si Zia ay tumakbo kay Selene bago umalis at niyakap siya nang mahigpit.“Mama…” bigkas nito, “I pway with Kuya a-again… p-promise…”Hinaplos ni Selene ang buhok ng bata. “Of course, sweetheart. Anytime.”Pagkatapos noon, lumapit na si Zefron mula sa may
Lumipas ang ilang minuto matapos ang iyak ni Zia. Para bang isang switch lang ang pinindot mula sa pagnginig ng labi at hikbi, bigla na itong bumalik sa pagiging masiglang bata. Tumakbo siya papunta kay Kiel, hinila ang kamay nito at niyaya ulit maglaro ng blocks na parang walang nangyaring iyakan.Si Kiel naman, clueless at happy lang na may kalaro ulit.Hayyy mga bata nga naman.Nakangiti si Selene habang pinapanood sila, pero si Aria na nakaupo sa sofa ay tahimik at halatang malalim ang iniisip.Lumapit si Selene sa kanya at umupo sa tabi. “Hey… okay ka lang? Tahimik ka.”Napatingin si Aria sa kanya, pilit ngumiti pero halatang hindi totoo.“Okay naman,” sagot niya, pero halata sa tono na meron talaga.Nagkatinginan sila sandali bago si Selene ang unang nagsalita.“Aria… if there’s something bothering you, sabihin mo lang, ha? Wag mo i-bottle up.”Huminga nang malalim si Aria bago tuluyang bumuntong-hininga.“Selene…” dahan-dahang panimula niya, “I just realized something habang um
Hindi alam ni Selene kung paano siya dapat magreact sa tanong ni Zefron. Ofcourse, darating ang araw na ito. Na babalik sila Zefron kung saan talaga sila naninirahan. Masyado na bang pre-occupied si Selene na nawala na iyon sa isip niya?Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang dapat niyang isagot?Yes… America. A fresh start. A stable life.Pero agad sumagi sa isip niya ang mukha ni Levi… yung pag-aalaga nito… yung mga pangakong binitawan nitong hindi siya pababayaan… yung mga pagkakataong ramdam niyang hindi siya nag-iisa.Tapos si Kiel pa. Nakita niya kung gaano ka-close ang mag-ama. How happy Kiel is when Levi is around. How safe he feels.Paano niya aalisin si Kiel sa mundong minamahal niya ngayon?Paano niya iiwan si Levi…?Napapikit siya nang mariin. Hindi niya kaya.“H-hindi… hindi ako pwedeng sumama sa States… Nandito na ang pamilya ko.”Hindi niya alam… may bata na palang nakikinig.“Mama S-Selene?”Napatigil siya. Nilingon niya si Zia na nangingislap ang mata. Kita niya agad y
Narinig ni Selene ang sunod-sunod na busina mula sa labas ng gate. Napatigil siya sa pag-aayos ng mesa at napatungo sa bintana. Doon niya nakita ang isang itim na SUV na kakaparada pa lang.“Oh,” mahina niyang sabi, medyo natigilan nang makita kung sino ang bumaba. “Zefron…”Kasunod nito ay bumungad din si Aria at si Zia na nakasuot ng pink dress at may hawak na mga laruan.Mabilis namang tumakbo si Kiel palabas mula sa sala nang marinig ang sunod-sunod na busina.“Mommy! Si Zia po ‘yun!” sigaw niya habang hindi na makapaghintay na buksan ang pinto.Ngumiti si Selene. “Careful, baby. Baka matumba ka,” paalala niya pero halatang natutuwa rin sa ngiti ng anak.Pagbukas ng pinto ay agad na sinalubong ni Zia si Kiel.“Kuwa Kiel!!!!” tawag ni Zia nang mayakap nang mahigpit ang kaniyang kuya.“Zia!” balik naman ni Kiel.Habang pinagmamasdan sila, napansin ni Selene ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Zefron habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay partikular ang mga security guard na nakapu
Ang balitang iyon ang nasa isip ni Selene sa nakalipas na oras. Hindi siya mapanatag lalo na’t alam niyang malapit lang si Ava sakanila.“Hey,” malumanay na sabi ni Levi. “You’ve been quiet since earlier.”Huminga nang malalim si Selene. “I’m just… trying to process everything.” Tumingin siya kay Levi na may bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata. “Totoo ba talaga ‘yon, Levi? Na may nakita silang lead kay Ava?”Tumango si Levi nang mabagal. “Yeah. Hindi pa malinaw kung saan siya mismo after she’s caught, pero may sightings daw sa mga lugar na madalas nating puntahan.”Nanlamig ang pakiramdam ni Selene. “Mga lugar na madalas nating puntahan?” ulit niya na halos pabulong.Tumango si Levi. “Pero don’t worry,” mabilis niyang dagdag, ramdam ang pag-aalala ng babae. “I already asked someone to handle it. Hindi siya makakalapit sa atin.”Umiling si Selene at kita sa mukha ang tensyon. “Pero paano kung—”“Selene,” sabat ni Levi, “I won’t let her touch you or Kiel. Hindi ko na hahayaan.”Tumiti
Masiglang bumalik ang ingay sa loob ng kotse nang makalipas ang ilang minuto mula sa awkward na usapan nila kanina. Si Kiel na kanina lang ay halos hindi umiimik ay muling naging masigla. Tumingin si Selene sa kanila at hindi maiwasang mapangiti. Kahit pa may kaunting tampo pa sa dibdib niya, hindi niya maikakaila kung gaano kasaya si Kiel sa piling ng ama.Hay nako, eh ano nga ba ang karapatang niyang magtampo?Pagdating nila sa bahay, agad na tumakbo si Kiel sa garden at kinuha ang mga laruan niya. “Mommy! Daddy! I’m gonna build a big castle!” sigaw nito habang kumakaripas.Wala talagang kapaguran ang anak nila.Naiwan sa sala sina Levi at Selene. Tahimik lang si Selene habang nag-aayos ng mga gamit at halatang malalim pa rin ang iniisip. Si Levi naman ay napansin ang pananamlay niya kaya dahan-dahang lumapit.“Hey,” malumanay niyang sabi habang nakatayo sa tapat ni Selene. “Tahimik ka na naman. Something still bothering you?”Umiling si Selene at bahagyang ngumiti, “Wala naman. S







