Share

Ang Galit Ni Ava

Author: Lathala
last update Last Updated: 2025-08-03 22:56:42

“Oh, Levi, you’re here!”

Masiglang lumapit si Ava sa gawi ni Levi, bakas sa mukha ang tuwa na para bang matagal silang hindi nagkita. Suot niya ang itim na bodycon dress na may matataas na slit, at ang kanyang red stilettos ay hindi naging hadlang sa bilis ng kanyang paglalakad. Halos matapilok siya sa pagmamadali pero hindi niya iyon ininda.

Nakatayo lang si Selene sa gilid ni Levi, walang imik habang pinagmamasdan ang eksena.

Akmang ipapalupot na ni Ava ang braso nito sa leeg ni Levi nang biglang pinigilan siya ng huli.

“Why?! Won’t you greet me?” Nagtatakang tanong ni Ava habang unti-unting lumalayo.

“What the hell are you doing, Ava?” Halata sa boses ni Levi ang inis.

“Ay, Sir, excuse me po ha! Eh kasi si Ma’am ay kanina pa nanggugulo dito. Aba ay kaunti nalang wawasakin na ang gate natin.” Singit ni Lala na nanonood na sa kanila. May hawak pa itong walis at nakapamaywang habang nagsasalita.

Nanlaki ang mata ni Ava.

“My god, anong sinasabi mo?! What do you think of me, huh? Wal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Valid

    “I wish… I have my real daddy to bring me to school too.”Napatigil si Selene. Para bang may kung anong malamig na kamay ang biglang pumulupot sa dibdib niya at hinigpitan iyon kaya nahirapan siya biglang huminga ngayon.Nanigas ang katawan niya at mabilis na napatingin lang siya sa anak habang pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa kanyang mga mata.“…K-Kiel…” mahina niyang tawag. Hindi niya alam kung saan magsisimula, kung paano sasahihin o kung anong sasabihin. Hindi niya talaga alam dahil nabigla siya…Kita niyang umiwas ng tingin si Kiel at nilafo ang dulo ng strap ng bag nito. Hindi ito agad tumingin sa ina na parang nagdalawang-isip pa kung tama ba ang nasabi.Huminga nang malalim si Selene at bumuntong hingina upang patatagin ang kaniyang boses. Dahan-dahan siyang umupo sa harap ng anak at hinawakan ito sa magkabilang kamay. Naglevel siya ng tingin, tinitiyak na makita niya ang inosenteng mukha ng bata.“Kiel… anak,” Panimula niya, “Remember what Mommy tol

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Daddy

    “Babe… babe… babe…”Naririnig ni Selene ang isang boses na paulit-ulit at banayad.“I love you…”“Mommy! Mommy!”Napabalikwas siya ng bangon. Malabo pa ang kaniyang nakikita dahil sa biglaang pagbukas ng mata pero ramdam niya na basang-basa siya ng pawis kahit naka-aircon naman ang kwarto. Patuloy niyang hinahabol ang paghinga habang saglit na natulala sa kawalan.Doon niya pa lanang napansin na nasa harap niya ang munting mukha ng anak na si Kiel. Nakakunot ang noo nito at halatang nag-aalala. Mahina nitong inuga ang braso ng ina.“Mommy… you’re having a bad dream po,” sabi ng bata.Napatingin si Selene sa anak. Hindi niya agad nasagot ito. Nanatili lang siyang nakatitig sa inosenteng mukha nito. Sa loob-loob niya ay bumalik sa isip ang boses na narinig niya. Sobrang malinaw ang pagkakasabi nito na parang sinasabi talaga para sa kaniya pero hindi niya makita kung kanino iyon galing. Walang mukha at tanging mga salita lang na paulit-ulit.Babe? Wala namang tumatawag sa kaniya ng ga

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Fragments of Memories

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Matapos ang mahabang araw ng paglalaro, tawanan, at kalokohan ng dalawang bata ay ngayon ay mahimbing na natutulog sina Kiel at Zia sa kani-kanilang mga kwarto. Sinigurado niya munang malalim ang tulog ng mga ito bago isa-isang hinalikan sa noo at kinumutan pagkatapos ay sinara ang pinto ng kwarto nila. Hindi niya maiwasang mapangiti na dahil sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog agad ang mga ito.Ngunit kahit gaano siya kasaya, hindi pa rin mapigilan ni Selene ang bigat sa kanyang dibdib. Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa balcony ng kanilang kwarto, nakaupo sa isang rattan chair habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nilalaro-laro niya ang tasa sa kanyang mga palad at nakatitig lang sa malayo. Ang mga ilaw mula sa malalayong bahay ay kitang kita mula rito habang ang hangin naman ay malamig at may dalang kakaibang lungkot.Dumako ang kanyang tingin sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin, pero kahit ganoon ay parang may kulang. Sa

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Mommy! Mama!

    “Mommy!”“Mama!”Dalawang maliliit na tinig ang sabay na sumigaw na puno ng saya at sigla. Tumakbo nang mabilis sina Kiel at Zia papunta kay Selene, na abala noon sa pag-aayos ng merienda sa mesa sa terasa ng bahay. Hawak-hawak niya ang mga baso ng juice at nakahanda na rin ang platito ng paborito nilang sandwich.Agad niyang iniwan ang tray at ibinukas ang dalawang braso para salubungin ang mga batang pawis na pawis sa paglalaro. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit sabay ngiti.“Aba, aba! Ang aamoy niyo na dahil sa pawis!” pabiro niyang sermon habang kunwari’y pinipisil ang ilong ng dalawang bata. Napangiti si Kiel, apat na taong gulang na talagang sobrang lumilikot na ngayon.“Eh kasi po Mommy, natalo ko si Zia sa taguan pero ayaw niyang magpatalo kaya gusto niya na naman ng new round!”“Not chwue, Mama!!” mabilis na sagot ni Zia na kunot-noo pa habang nakapamewang. “Ako po yung nanalo kashi hindi niya ako nakita kahit nasha likod lang ako ng puno! Kuya Kiel, loser!”Natawa si

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Her Baby Warrior

    Tatlong buwan.Tatlong buwang halos araw-araw ay inuulit ni Selene sa sarili ang bilin ni Zefron na “Magpahinga ka, palakasin mo ang katawan mo para sa anak mo.” Kaya iyon ang naging buhay niya. Wala siyang ibang pinanghahawakan kundi ang pag-asa na magiging maayos ang lahat sa oras ng kanyang panganganak.Hindi naging madali. Maraming gabi ang pinuno ng pag-iyak dahil sa nararanasan niya dahil sa pagbubuntis niya samahan mo pa ng nangyaring trahedya sa kaniya na minu-minuto niya ring iniisip. Ngunit lagi ring naroon si Zefron. Kapag umuuwi ito galing ospital, kahit pagod, ay inaalalayan pa rin niya si Selene. Tinupad nito ang pangakong sasamahan niya si Selene sa kahit ano.Dahil wala pa ring naalala ay tuluyan nang kinupkop ni Zefron si Selene sa kaniyang bahay.“Selene,” sabi nito minsan habang magkatabi silang kumakain ng hapunan, “Gusto kong ipaalala na hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. May mga tao tayo para sa gawaing bahay.”Ngunit napasimangot lang si Selene at baha

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Safe

    Sakit ng katawan.Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit. Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot. Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.“You

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status