Share

Safe

Auteur: Lathala
last update Dernière mise à jour: 2025-11-29 22:18:07

Pagkaalis nang kaniyang Tita Criselda ay agad napahawak sa dibdib niya si Selene na para bang titigil ang lakas ng kabog nito kapag ginawa niya iyon.

Kanina pa siya naglalakad nang pabalik balik sa sala, iniisip ng paulit-ulit ang mga narinig kanina. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagsawalang-bahala iyon, o kung dapat ba siyang kabahan ng todo.

Si Levi naman ay tahimik na nakaupo sa gilid ng couch at minamasahe ang sentido. Gusto niyang ipahuli ang stepmother ni Selene dahil sa ginawa nitong pagbabanta pero pinigilan siya nang asawa. Nirespeto iyon ni Levi kaya wala siyang magawa kung hindi pigilan ang kaniyang mga tauhan at hayaan nalang makaalis si Criselda.

Hanggang sa hindi na matiis ni Selene ang bigat sa dibdib niya.

“Levi…” mahina niyang tawag.

Agad tumingin si Levi. “Hmm?”

“Levi, anong gagawin natin?” Tanong ni Selene, kita pa rin sa mukha niya ang pag-aalala na kanina pa niya kinukubli.

Tumayo agad si Levi at lumapit.

“Halika dito.” Hinawakan niya ang braso ni Selene
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The Billionaire’s Temporary Wife   SELENE & LEVI - WAKAS

    Sa kabuuan ng kwento, malinaw na ang pinakamahalaga sa buhay ay hindi nasusukat sa kayamanan, kapangyarihan, o sa kung gaano kataas ang status sa lipunan. Kahit sina Selene at Levi na mayaman at may kakayahang protektahan ang kanilang sarili, marami pa rin silang naranasang pagsubok at panganib.Pero sa huli, natutunan nila na ang tunay na yaman ay nasa pagmamahal, pagtutulungan, at presensya ng pamilya. Ang kwento nila ay nagpapaalala sa atin na sa bawat hirap at problema, ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa ang nagiging sandigan para malampasan ang lahat ng unos.Isa pang mahalagang aral ay ang kahalagahan ng pagpapatawad. Maraming karakter sa kwento ang nagkamali, nasaktan, o nagkulang. Maging si Ava, Seth, at maging ang mga nakapaligid sa kanila. Ngunit sa kabila nito, natutunan nilang magpatawad at palayain ang sama ng loob. Hindi lamang ito para sa kapwa nila, kundi para sa kanilang sariling kapayapaan. Ipinakita rin na ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang nakakalimot s

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Say “Baby Number Three!”

    Habang natatapos na ang seremonya at unti-unti nang lumilipat ang mga bisita sa garden para sa picture taking, naramdaman ni Selene ang isang kakaibang saya na pumapalibot sa kanya. Ang araw ay mainit ngunit komportable, at ang mga bulaklak sa paligid ay nagdadala ng kulay at bango na para bang sumasabay sa kagalakan ng lahat. Hawak-hawak ni Levi ang kanyang kamay, at si Kiel at Luna ay nakatayo sa tabi nila, abala sa kanilang sariling kasiyahan—kumikislap ang mga mata ni Luna sa tuwa at halos hindi mapigilan ang halakhak, habang si Kiel ay abala sa pagtuturo sa kanyang maliit na kapatid ng mga pose sa litrato.“Smile tayo dyan, everyone!” sigaw ng photographer, sabay ituro sa kanilang direksyon. “Okay, look at the camera, and—cheese!”Ngunit sa halip na sundin ang tipikal na pose, napatingin si Selene kay Levi na may liwanag sa mata at nagdilat sa mga labi. “Baby number three!!” sigaw niya, halatang excited at may halong katyawan, sabay turo sa kanyang tiyan.Nagulat ang lahat ng nar

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Mrs. Thompson… Again!

    Sa harap ng altar, hawak ang kamay ng isa’t isa, naramdaman nina Selene at Levi ang bigat ng sandali—hindi sa kaba, kundi sa lalim ng damdaming bumabalot sa kanila. Ang araw ay maliwanag, tila nagdiriwang kasama nila, at ang simoy ng hangin ay banayad, sumasabay sa bawat tibok ng kanilang mga puso. Lahat ng taong mahal nila ay naroroon—ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at ang pinakamahalaga sa kanila, sina Kiel at Luna, ang kanilang mga anak. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa kanila, ngunit para kay Selene at Levi, tila mundo lang nila ang bawat isa.Tumango si Selene sa maliit na senyas ni Levi, at nagsimula silang magpahayag ng kanilang mga vows. Ang boses ni Selene ay bahagyang nanginginig, ngunit punong-puno ng katatagan at pagmamahal. “Levi, noong una tayong nagkakilala, hindi ko inakala na darating tayo sa araw na ito. Pero heto tayo, sa harap ng Diyos at ng mga mahal natin sa buhay, ipinapangako ko sa iyo ang lahat ng pagmamahal ko, hindi lang sa magagandang araw, kundi la

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Ikalawang Kasal

    Araw ng kanilang kasal. Isa itong espesyal na araw na matagal nilang hinihintay, hindi lang dahil ito ay simbolo ng pagmamahalan nila ni Levi, kundi dahil ito rin ay pagdiriwang ng kanilang pamilya, ng kanilang bagong buhay, at ng lahat ng pinagsamahan nilang hirap, saya, at pag-ibig.Huminga nang malalim si Selene bago niya buksan ang pinto at simulan ang paglakad patungo sa altar. Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib, ang bawat tibok ay parang nagbibilang ng segundo hanggang sa sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng kaba, ramdam din niya ang kagalakan—isang malalim, tahimik na kagalakan na punong-puno ng pag-asa at pagmamahal.Sa bawat hakbang niya sa aisle, ang mata niya ay nakatuon kay Levi. Ang lalaki, nakatayo sa altar, nakasuot ng puting tuxedo na akma sa kanyang mala-modelong pangitsura. Ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa tuwa at pagmamahal, at halata sa bawat pagkikindat ng kanyang mga mata at sa malumanay niyang ngiti kung gaano niya kamahal si Selene. Hindi niya napigil

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Second Proposal

    Isang taon na ang lumipas mula nang matagumpay na maisilang si Luna, at ramdam ni Selene ang pagbabago sa buhay nila. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila—mula sa panganib, takot, at pagkabahala sa kanilang pamilya—ngayon ay masaya at payapa na ang kanilang mundo. Ngayong araw, may naka-schedule silang munting bakasyon sa isla na pag-aari ni Selene—akala nila simpleng getaway lang ito, para sa pamilya, para makapag-relax at magsaya kasama si Levi, si Kiel, at syempre, si baby Luna.Habang papalapit na sila sa isla, ramdam ni Selene ang excitement sa loob niya. Nakita niya si Levi na nakatingin sa kanya, may ngiti sa labi na laging nagbibigay sa kanya ng kapanatagan at saya. Si Kiel naman ay abala sa pagsulyap sa paligid mula sa helicopter, halatang sabik sa adventure. At si Luna, naka-baby carrier sa harap ni Selene, ay tahimik ngunit ramdam na ramdam ang kagalakan sa paligid.“Mommy… ang ganda ng paligid! Parang picture lang!” sambit ni Kiel, sabik sa bawat sandali habang tinitingn

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Luna Yechezkel

    Matapos ang matinding tensyon at kaba sa ospital, sa wakas ay narinig na ni Levi ang malakas at malinaw na iyak ng kanilang anak. Halos hindi siya makapaniwala na ligtas na silang dalawa, si Selene at ang baby nila. Ramdam niya agad ang pag-angat ng puso niya, puno ng ginhawa at sobrang saya. Dahan-dahan niyang tiningnan si Selene, nakahiga sa kama, pawis pa rin sa noo at medyo namumula sa pagod, ngunit ang ngiti niya ay sapat na para maiparamdam kay Levi na lahat ng hirap ay nagbalik ng saya.“Sel… Selene… safe na tayo… safe na ang baby natin,” bulong ni Levi, halos nanginginig sa emosyon habang hinahawakan ang kamay niya at pinisil ito nang mahigpit. Nakita niya ang luha sa mata ni Selene, at halos hindi na niya matiis ang damdamin niya.“Levi… ang baby natin… napakaganda…,” bulong ni Selene, ramdam ang pagod ngunit ramdam rin ang sobrang saya na parang hindi kayang sukatin ng salita. Dahan-dahang inilapit ng nurse ang baby sa dibdib ni Selene, at sa unang pagkakataon ay nakita ni S

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status