Share

Chapter Forty-one

HINDI siya mapakali habang nakaupo sa harap ng asawang si Meg at nakikita naman sa malayo ang dalagang si Narissa na panay ang lingon sa gawi nila.

Mula sa dalaga ay nabaling sa lalaking kasama nito ang paningin niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha ng lalaki kaya alam niyang wala ito sa business industry. Pero sa hitsura nito, hula niya, kung wala ito sa mundo ng pagtuturo ay isa naman itong engineer.

Muling nakuha ni Narissa ang atensiyon niya nang ipatong nito ang kamay sa ibabaw ng hita ng lalaki at saka ngumiti. Nakatingin pa rin ito sa kaniya kaya alam niyang sinasadya ng babae ang gawin iyon upang inisin siya.

Halos tumaas ang dugo niya sa ulo dahil sa inis. Kung maaari lang niyang lapitan ang dalaga at kaladkarin ito palayo sa kasama nito ay ginawa na niya.

"A bottle of red wine, and one order of steak sandwich."

Nakuha ni Megara ang atensiyon niya nang marinig ang in-order nito. Agad na bumalatay ang pagtataka at pag-aalala sa mukha niy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status