Share

Chapter Forty-seven

MULA sa bahay, mabilis na nagtungo si Russel sa opisina upang hanapin ang ilang bagay na kailangan niya. Pagkalabas pa lamang ng elevator, bumungad na sa kaniya ang empty desk ni Aliyah.

Wala sa mesa nito ang babae, pero nasisiguro niyang pumasok ito sa trabaho dahil naroon ang ilang gamit ng dalaga sa ibabaw ng mesa nito, kabilang na ang cell phone.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng opisina niya at binuksan isa-isa ang drawer ng kaniyang desk. Kung tama ang pagkakaalala niya, nailagay niya sa isa sa mga iyon ang calling card ng doctor na minsang tumingin sa asawa niya.

May sarili silang family doctor kaya hindi niya masiyadong binigyan ng pansin ang babaeng doktora nang minsang mahimatay si Megara at ito ang tanging naroon sa pinangyarihan para tingnan ang babae. Pero sa nahanap niyang papel, mukhang ito ang doctor na kinuha ng asawa niya.

"Damn it!" Hindi niya napigilan ang sarili. Halos pagbali-baliktarin na niya ang mga gamit sa loob ng bawat drawer,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status