"Karma has no menu. You get served what you deserve." Nang pagtaksilan ni Megara ang karelasiyon niya nang limang taon para sa lalaking si Russel, hindi niya kailanman naisip na babalikan siya ng karma. Buong akala niya ay siya lang ang babae sa buhay ng asawa, pero isang araw ay dumating sa harap niya si Narissa. Napag-alaman niyang kabit ito ni Russel ngunit pangalawang asawa ang pakilala nito sa kaniya. Kahit anong pakiusap at pagtataboy, hindi iniwan ng dalaga si Russel. Hanggang kailan niya matitiis ang paghihirap ng damdamin kasama ang asawa at ang kerida nito sa iisang bubong?
View MoreMABILIS na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Meg matapos umilaw ang mga gintong string lights na nagkalat sa magkabilang gilid ng daanang tinatahak niya. Nagkalat pa ang talutot ng mga puting rosas sa pulang carpet.
Mariin siyang lumunok matapos sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi. Pakiramdam niya, sa paglipas ng bawat segundo ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Rinig na rinig pa niya ang nakabibinging tambol ng kaniyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga at lahat ng ito ay dahil sa binatang naghihintay sa dulo ng carpet—sii Russel.
Tuwid na nakatayo ang lalaki habang may malaking ngiti sa mga labi. Tangan nito sa dalawang kamay ang bouquet ng kulay rosas na mga bulaklak ng peonies. Sa tabi nito ay ang bilugang lamesang may mga pagkain, wine bottle na nasa loob ng bucket na puno ng yelo, at tatlong scented candles.
Kasalukuyan silang nasa vacation house ng lalaki sa Dumaguete malapit sa tabing-dagat. Dito siya dinala ng driver ng binata na sumundo sa kaniya kanina matapos ng off niya sa trabaho. Rinig pa niya ang malakas na paghampas ng alon sa dalampasigan habang nanunuot sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin.
Bakas ang katuwaan sa kaniyang mukha nang magsimula siyang humakbang patungo sa naghihintay na nobyo. Sa paglapit niya rito ay sinalubong naman siya nito ng halik sa pisngi.
Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang gawin iyon ng lalaki. Nalanghap pa niya ang mamahaling pabango nito na gustong-gusto niyang amuyin simula nang makilala niya ito ilang taon na ang nakararaan.
"Happy first anniversary, baby." Hinapit siya nito sa baywang saka pinaglapat ang tungki ng mga ilong nila.
Bahagya siyang natawa dahil sa kilig. "Happy anniversary din, baby." Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at tumingkayad upang magpantay ang mukha nila. "I love you, Russel!"
"I love you more," malambing na bulong ng binata bago tuluyang pinaglapat ang kanilang mga labi.Pakiramdam niya ay dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang maramdaman ang malambot nitong labi. Para bang may mga paruparo na lumilipad sa loob ng tiyan niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti sa pagitan ng kanilang mga halik dahil sa kasiyahang nararamdaman.
Matapos nang ilang segundo, ibinigay sa kaniya ni Russel ang flower bouquet na hawak nito, saka siya pinaghila ng silya sa harap ng mesa. Nang mabaling ang paningin niya sa mga pagkaing nakahanda, napansin niya na puro mga paborito niya ang mga naroon. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang maisip na si Russel mismo ang nagluto ng mga ito. Lagi kasi siya nitong pinagluluto ng mga paborito niya.
Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo niya, may ilang mga lalaki nang may tangan na instrumento sa kamay ang lumapit sa kanila. Nag-umpisang tumugtog ang mga ito ng isang romantikong tugtog.
"You never changed, baby. Romantic ka pa rin kahit na umabot na tayo ng isang taon."
Ngumiti ang binata saka inabot ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa. "And I'll stay like this forever. You don't know how much you mean to me, Meg. Ikaw lang ang nanatili sa tabi ko sa mga oras na tinalikuran ako ng lahat. Ikaw ang naging buhay ko."
Matamis siyang ngumiti dahil sa mga sinabi nito. Tandang-tanda pa niya noong una niya itong makita. Nasa tabing-dagat ang lalaki habang nagsusulat sa isang kapirasong papel ng pamamaalam nito.
Russel Lacuesta is the sole heir of Lacuesta Corporation. Nang mamatay ang ama nito, sa edad na labing walong taong gulang, napilitan itong patakbuhin ang kompanya nila sa kabila ng kakaunting kaalaman sa paghawak ng isang negosiyo.
At dahil wala pa itong karanasan, nakagawa ito ng malaking pagkakamali nang mag-invest ito sa isang business, na nauwi sa pagkalugi dahil sa pagguho ng mga gusaling itinayo. Malaki ang nawala sa Lacuesta Corporation at lahat ng bigat ng pangyayari ay pinasan nang nag-iisa ni Russel.
Nakahanda na itong tapusin ang sariling buhay, dahil maliban sa malaking perang nawala sa kanila, dinidemanda rin ito ng mga taong apektado sa nangyari. Sa murang edad, hindi nito nakayanan ang bigat ng mga pagsubok.
Mabuti na lamang dahil siya ang nakakita sa sulat na iniwan nito sa tabing-dagat sa tabi ng selpon nito. Walang pag-aatubili niyang niligtas ang noo'y nalulunod nang lalaki.
Matapos itong mailigtas, hindi na sila nawalan ng komunikasiyon. Naging mabuting magkaibigan sila at naging takbuhan din ang isa't isa. Sinuportahan niya ito sa lahat ng bagay na ginawa nito hanggang sa magawa nitong tumayo muli mula sa pagkakabagsak. Ginawa nito ang lahat upang ayusin ang mga maling desisiyon at ibinangon ang legacy ng pamilya nito.
Simula noon, naging matagumpay na ang lahat ng ginagawa ng binata. Isang taon naman ang nagdaan nang magtapat ito ng nararamdaman para sa kaniya. L
Hindi niya lubusang naisip na magmamahal pa siya nang ganoon. Sa tuwing kasama niya si Russel, nagiging masaya siya. At kung hindi niya ito nakikita, lagi itong laman ng isipan niya. Nang dahil doon ay mabilis siyang pumayag na maging girlfriend nito. And now is their first year of being in a relationship.
"At nakahanda pa rin akong gawin ang kahit na ano, for you, Russel. Ganoon kita kamahal."
Napangiti ang lalaki sa sinabi niya. Binitiwan nito ang kamay niya at sandaling huminga nang malalim. Makalipas ang ilang segundo, tumayo ito saka lumapit sa tabi niya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang bigla itong lumuhod sa kaniyang paanan.
"I know I don't need to be nervous because no matter what happens, I am sure you'll say yes."
Napatakip siya sa sariling bibig matapos ng tinuran ng binata. Nag-umpisang uminit ang gilid ng mga mata niya habang pinagmamasdan ito.
"Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong hindi kabahan dahil ganito kita kamahal. Even if I am sure, I am still afraid you might say no. Takot akong mawala ka. Takot na takot. So, promise me you won't leave me alone, Meg."
Ngumiti ito kasabay ng pagdukot ng isang bagay sa bulsa ng suot nitong trouser.
"Ipangako mong mananatili ka sa tabi ko... forever."
Tuluyan nitong binuksan ang maliit na pulang kahon na hawak nito. Natigilan naman siya nang makita ang isang silver ring na may malaking diyamante sa gitna.
"R-Russel... baby... "
Lumamlam ang mga mata ng lalaki habang nakatitig ito sa naluluha niyang mukha. "Megara Talavera, will you marry me?"
Napapikit siya kasabay nang tuluyang pagbagsak ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. "Yes! I will marry you, Russel!"
Napahugot ng hangin ang lalaki. "Y-yes?" Bumalatay ang matinding katuwaan sa mukha nito. Ilang ulit naman siyang tumango habang lumuluha.
Mabilis itong tumayo at agad na pinulupot sa katawan niya ang mga braso nito. Mahigpit siyang niyakap ng lalaki kasabay nang paulit-ulit nitong pagbigkas ng tatlong matatamis na salita sa tainga niya. Napasinghap pa siya nang umangat ang mga paa niya sa ere at bahagya siyang inikot ng lalaki.
"You don't know how much I'm happy right now, Meg. Thank you!" Tuluyan siyang ibinaba ng binata at agad na siniil ng halik sa mga labi.
Nakangiti siyang tumugon sa mga halik nito. Ang halik na pinagsaluhan nila, lalo iyong naging maalab at para bang uhaw na uhaw sila sa isa't isa. Ang kanilang masayang gabi ay nagpatuloy sa mainit na tagpo sa ibabaw ng kama.
Nagdesisiyon silang manatili muna sa vacation house ng lalaki sa loob ng dalawang araw. At sa dalawang araw na iyon ay napagkasunduan nila na gawin ang kasal sa lalong madaling panahon.
Pareho silang ulila ni Russel kaya katulad niya, sabik din ito sa kompletong pamilya. And she can't wait to have a big family with him. Ipinapangako niya sa sarili na iingatan at poproteksiyunan niya ang pag-ibig nila ni Russel, lalo na ang bubuuin nilang pamilya.
Matapos ng dalawang araw ay tuluyan silang bumalik sa Maynila upang maghanda para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Tuluyan niya ring hinarap ang taong naghihintay sa kaniya.
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments