Share

Chapter Ninety |2|

NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.

Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong."

"Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso."

"Narissa!"

"Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.

Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae.

"Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status