LOGIN“Hindi nga ako buntis. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa ‘yo?”
Napapikit sa inis si Saint dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Sloane. Dinala niya ito sa kaniyang opisina na nasa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Sloane. It turned out na siya pala ang CEO ng sister’s company kung saan siya nagtatrabaho. At mas lalong hindi ito matandang mayaman na madaling mamatay. “Don’t fucking lie to me. You’re bearing my future heir and lying about it is damn unforgivable.” Lumapit si Saint sa babae ngunit nadi-distract lamang siya sa ganda nito. “How can you be so sure na ikaw nga ang ama ng batang ito kung sakaling buntis nga ako?” hamon ni Sloane. “Weren’t you just moaning and writhing under me almost two months ago?” Napangisi si Saint nang lumaki ang mata ni Sloane. “Oh, yes, I know you. You even left me a goddamn ten thousand pesos as if I was a fucking callboy.” Pinigilan ni Sloane na mainis dahil huling-huli na siya ng lalaki. Hindi niya naman alam na kilala na pala siya nito. Kung paano, hindi niya rin alam. Ang iniisip niya lang ngayon ay kung paano niya malulusutan ang lalaki at kumbinsihin ito na hindi naman siya buntis. “P-paano ka naman nakasisigurong buntis nga ako? Doktor ka ba?” sarkastikong banat ni Sloane. “No, I’m not. But I can bring you to hundreds of doctors para lang masigurong buntis ka nga. I can easily do it, you know.” Sloane scoffed. “I’m not coming with you. I’m not pregnant. End of discussion.” Tatalikuran na sana ni Sloane si Saint ngunit hinablot nito ang kaniyang palapulsuhan at iginiya palabas ng opisina. Nakasalubong pa nila ang boss ni Sloane ngunit tila ay wala lang ito na para bang inaasahan niya nang darating ang araw na ito. Nagpupumiglas si Sloane mula sa pagkakahawak ni Saint kaya naputol ang pasensya nito at binuhat siya nang pa-bridal style. “Ano ba, bitiwan mo nga ako! Hindi nga ako buntis!” sigaw ni Sloane ngunit hindi na siya nagpupumiglas sa takot na baka mahulog siya. Wala naman pakialam si Saint at may buong pag-iingat na isinakay ang babae sa kotse nito, sinuutan ng seeatbelt, at minaniobra ang sasakyan papunta sa pinakamalaking ospital sa Maynila. Huminto ang kotse sa harap ng ospital at parehas silang tahimik. Malakas ang tibok ng puso ni Sloane dahil sa kaba na baka nga ay buntis siya. Higit pa rito, dala niya ang sanggol na magiging tagapagmana ng kumpanya ng lalaking katabi niya. “Just one check-up. If we find out that you are not pregnant, then I’ll let you off the hook,” seryosong saad ni Saint. Diretso ang titig nito ngunit sa kaloob-looban niya ay may maliit na parte na humihiling na sana nga ay buntis ang babae. “A-at kung buntis nga ako?” Saint smirked. “Then your life is about to take an unexpected turn. Magkasama silang pumunta sa opisina ng Ob-Gyne na kilala ni Saint. Nangangatog ang tuhod ni Sloane nang pahigain na siya sa exam table at ipinatanggal ang kahit anong jewelry na suot niya. Ipinaangat na rin ang kaniyang damit habang inihahanda ng doktor ang gel at transducer na gagamitin sa ultrasound. Samantala, nasa uluhan lamang si Saint, seryoso ngunit may kaunting kasabikan na makikita sa kaniyang mukha. In just a few moment, malalaman niya na kung magiging tatay na ba siya—bagay na matagal niya na gustong maging ngunit ipinagkait lang sa kaniya ng ex-bride niya. Napapikit si Sloane nang maramdaman ang lamig ng gel sa kaniyang tiyan “Ready?” tanong ng doktor at tumango lamang siya, nakatingin na sa computer screen. Inilapat na ang transducer sa kaniyang tiyan at sa isang iglap lang ay nakita na ni Sloane ang isang imahe na nagpangilid ng luha sa kaniyang mga mata. Sa computer screen, makikita ang maliit na hugis ng sanggol sa kaniyan tiyan. Makikita rin sa computer screen ang heartbeat nito at sa oras na iyon, tila ay nabigyan ng panibagong dahilan si Sloane upang mabuhay. Sa oras din na iyon, ang seryosong mukha ni Saint ay animo’y nalusaw at napalitan ng kaginhawaan. Alam niya na rin sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ang sanggol at ang babae. Ang sarili niyang mag-ina. “Congratulations, you’re seven weeks pregnant!” masayang usal ng doktor ngunit parehas lamang nakatitig sina Sloane at Saint sa computer screen. “I-I’m pregnant…” hindi makapaniwalang usal ni Sloane. Sa sandaling iyon, tumingala siya at nasalubong niya ang emosyonal na titig ni Saint. She knew in that moment, with the piercing stare, her life has already changed. Natapos ang ultrasound at habang hinihintay ang kopya ay pinayuhan sila ng doktor kung ano ang mga pag-iingat na dapat gawin kay Sloane at sa baby, ang mga pagkain na dapat at hindi dapat kainin, pati na rin ang monthly check-ups na dapat isagawa. “We have to make sure that the baby is safe, especially that Sloane is quite, well, sensitive,” ani ng doktor. “Avoid stress as much as you can and be patient with her, lalo na’t maselan talaga ang first trimester.” “We’ll keep that in mind, doctora,” seryosong sagot ni Saint. Napalunok naman si Sloane. Hindi nagtagal ay pumasok na ang radiologist na nag-review ng ultrasound at ibinigay sa doktor. “And here’s the copy of the ultrasound. Keep it. This is such a memorable moment for married couples.” “Oh, w-we are not—” singit ni Sloane ngunit pinutol lamang ni Saint ang kaniyang sinabi. “Thank you, doctora. I’ll make sure I have this framed.” Ngumiti lamang ang doktor habang si Sloane ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Saint. Bakit hindi man lang niya dineny na mag-asawa sila? Ngayon nga lang sila nagkita. Tumayo na sila at nagpasalamat sa doktor matapos kunin ang reseta nitong vitamins. Tila ay tuod naman si Sloane nang inilingkis ni Saint ang braso nito sa kaniyang baywang at marahan siyang inakay palabas ng ospital hanggang sa pagpasok sa kotse. Kumpara kanina, mararamdaman na ang tensyon sa loob sa gitna ng kanilang katahimikan. Hindi pa rin nagsi-sink in sa loob ni Sloane na buntis nga siya, samantalang si Saint naman ay nakatitig sa kopya ng ultrasound. “S-Saint—” “We’re getting married.”After a week of being hospitalized, the Irvines moved to a new mansion. Inabandona nila ang dati nilang bahay para i-preserve ang kanilang mga memorya roon kasama ang mga kasambahay nilang nasawi. Doon din hinold ang funeral kung saan dumalo ang pamilya ng mga kasambahay nila. Bilang pakikiramay, binigyan nila ito ng pangkabuhayan at trabaho sa tatlo nilang kumpanya bilang pag-aalaga sa kanila financially. Wala rin namang nanagot dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nang-huhunt si Evony sa mga Constantino.Kasabay nito, ramdam niya na rin ang lumalaking agwat sa relasyon nila ni Gabriel. Madalang na lamang sila magkita kahit na magkasama sila sa iisang trabaho. Madalas ay tutok sa mga solo mission si Evony at si Gabriel naman sa iba kasama ng ibang agent.SImula noong nangyari ang insidenteng iyon, ramdam din ni Gabriel ang paglayo ng loob sa kanya ni Evony at hindi niya maiwasang masaktan nang sobra. Parang tinatarak ng libo-libong patalim ang puso niya sa tuwing nakikita niya
Galit at pagkamuhi ang tanging nananalaytay sa dugo ni Evony habang nakikipag-patayan sa mga taong nanakit sa kanyang mga magulang. Madilim ang mukha, lumiliyab ang mga mata, at nagngingitngit ang ngipin na animo’y sakim sa kamatayan ang kanyang dugo—iyon lamang ang nakikita nina Arnaldo at ng kanyang apo sa monitor habang pinapanood si Evony kung paano isa-isahin ang kanilang mga tauhan. Sa galit ay binaril ni Arnaldo ang isang monitor. “Mga lintek! Babae lang ‘yan pero hindi niyo mapatumba! Sa oras na hindi niyo mahuli ‘yan ay hindi na kayo sisikatan pa ng araw!” Halos pumutok na ang mga ugat sa kanyang noo na napaatras ang apo niya. “L-lolo…” He tried to calm his grandfather down. Marahas na lumingon sa kanya ang matanda, nanlilisik ang mga mata. “Ikaw na lang ang natitirang alas ng mga Constantino. Siguraduhin mong hindi ka papalpak!” Walang nagawa ang lalake kundi tumango na lamang dahil sa takot. Tinitigan niya si Evony, nakakuyom ang kanyang mga kamao. Kung gusto niyang ma
In just a second, nasa sahig na si Chief Hanz habang nakaapak sa likod niya si Roman, umiigting ang panga sa galit dahil sa pagtatraidor nito sa kanila.“M-maniwala kayo! Walang akong kinalaman sa sinasabi ni Evony! Sinungaling ang batang ‘yan!” pilit nitong depensa sa sarili habang nagkakawag-kawag sa sahig.“Huwag na huwag ninyong patatakasin si Hanz kahit na anong mangyari,” utos ni Dominic, dumadagundong ang boses. “Dalhin niyo sa basement at ilagay niyo sa kulungan!”Agad na dumating ang ibang agent na tinawag nina Lori at Anjo para dalhin ang lalake sa basement. “Bitiwan niyo ako! Inosente ako! Wala akong kinalaman sa sinasabi ng baliw na ‘yan!” palag nito.Hindi na napigilan ni Evony ang kanyang sarili at agad na sinuntok ang lalake sa mukha. Dinig ang paglagatok ng buto nito sa loob ng kwarto kasabay ng pagdugo ng ilong nito. Lupaypay nilang kinaladkad si Hanz pababa ng basement saka ikinulong doon. Huminga nang malalim si Evony, nagngingitngit ang loob.“Agent Von—”“Pakius
Evony’s blood ran cold. She felt the shaking terror inside her body, making the hair on her nape stood. Ngayon lang siya natakot nang ganito. Ngayon lang siya sobrang kinabahan. Mariin niyang inapakan ang accelerator ng sasakyan at iniwasan ang mga dumadaang kotse sa napakalawak na highway. Para siyang nakikipagsapalaran at may hinahabol, walang patawad kahit na pinipituhan na siya ng mga traffic enforcer. Lintik. Wala na siyang pakialam kung maticketan pa siya. Kayang-kaya niya ‘yang takasan dahil nasa Duello siya. Nang marating niya ang headquarters ay nanginginig ang katawan niya sa galit at takot para sa kaligtasan ng mga magulang. “Nasaan sila dinala?!” Dumagundong ang kanyang boses sa loob ng kwarto na nagpagulat sa mga taong naroon. Kabilang doon sina Roman, Chief Hanz, ilang director, sina Lori at Anjo, pero wala si Gabriel na agad na hinanap ng mga mata niya. “You have to calm down first,” bilin ni Roman pero matapang lamang siyang tinaliman ng tingin ni Evony, wala n
Instead of having fun, Evony looked bothered the whole evening. Her mind kept drifting back to that unfamiliar car who seemed like taunting her—or threatening her. Kahit na nanatili sa tabi niya si Gabriel at panay himas sa kanyang likod upang mapakalma siya ay hindi man lang natinag ang kanyang isip na mag-isip ng masama. Ang tanging bagay na natutuwa na lamang siya ngayon ay ‘yung walang napapansin ang mga magulang niya sa kanya. Ayaw niya namang i-spoil ang gabi dahil lang sa pag-ooverthink niya. Everything seemed normal that evening. As usual, boses ng nanay niya ang nangunguna na sinamahan pa ni Lori na panay ang tingin sa Kuya Radleigh niya. Mapagpanggap naman ang isa kahit na nakikita rin ni Evony na panay ang tingin ng kuya niya sa bestfriend niya. “Love, are you sure you’re okay? Gusto mo bang magpahinga na?” muling tanong ni Gabriel sa panglimang beses. Malapit na rin mag-alas diyes ng gabi at naubos na nila ang isang case ng beer. Umiling si Evony at pekeng ngumiti. “I’
It was already 8PM when Sloane, Evony, at Lori set-up a huge blanket in the garden and laid all the snacks. Nagkabit din sila ng fairy lights sa gilid para mas maganda ang vibe at nagpatugtog ng kanta sa maliit na speaker.Sa mga nakalipas na oras ay nagawa nilang lahat ng plinano nila noong Sabado. Una ay nag-barbecue grill sila sa garden din na iyon at doon nag-tanghalian. Sina Radleigh, Saint, at Gabriel ang nagluto samantalang nag-swimming naman sa pool sina Sloane, Evony, at si Lori na sakto lang ang pagdating.Pagkatapos noon ay naglatag sila ng mesa, mga dessert na binake ni Lori katulong ang ilang kasambahay, at mga board game gaya ng chess, snake and ladder, at monopoly.Nag-meryenda lang din sila saglit saka nagpaluto ng simpleng hapunan para raw hindi sila gaanong mabusog. Ang tatlong lalake ay bumili ng sangkatutak na drinks sa labas habang ang tatlong babae naman ay naiwan sa garden para ayusin ang place.“Ang ganda, Tita! Parang mala-fairytale!” tuwang-tuwa na bulalas ni







