Halos magda-dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nakipag-one-night stand si Sloane sa lalaking nakilala niya noon sa Baguio. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyaring p********k nila. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang bawat haplos ng lalake at ang pakiramdam ng kaniyang mainit at maskuladong katawan sa katawan ni Sloane. Sa tuwing napapadaan nga siya sa salamin ay dumadako pa rin ang mga mata niya sa parte ng katawan niya kung saan siya nag-iwan ng marka na halos isang linggo bago mawala.
“Uy, kailangan na raw ni Sir Joseph ‘yong budget report for this month,” untag ng katrabaho niyang si Stephanie na nagpatahimik sa nagliliwaliw niyang isipan. “Ah, sige. Ibibigay ko na. Thank you.” Tumayo si Sloane at kinuha ang file at dumiretso sa elevator upang umakyat sa opisina ng boss niya. Malaki at matayog itong travel agency na pinagtatrabahuan niya sa loob ng ilang buwan. Nasa pinaka-top floor ang CEO’s office pati na rin sa sekretarya niya. Mayroon pang isang opisina roon na hindi pwedeng galawin dahil doon daw nagtatrabaho ang CEO ng sister’s company ng kumpanya. Minsan daw kasi ay dito pumapasok ang CEO na iyon lalo na kapag may inaasikaso silang partnership sa ibang kumpanya. Nakapagtataka nga lang na wala pang nakakakita ni isang empleyado sa kumpanya na ito roon sa sinasabing CEO. Napaismid siya. Masyadong misteryoso. Siguro ay matanda na iyon, kulubot na ang mukha, at madali nang mamatay kaya ayaw magpakita. Nakarating na rin siya sa floor ng boss niya at bumungad naman sa kaniya ang cubicle ng secretary niya na tila ay kanina pa naghihintay sa kaniya. “Kumatok ka na lang bago pumasok. May bisita kasi si Sir Joseph,” ani ng sekretarya na nginitian lamang ni Sloane. Nagpasalamat siya at nilagpasan ang cubicle ng babae. Gaya ng paalala ng seretarya, kumatok muna si Sloane at nang makarinig siya ng boses ay pumasok na siya. Tumambad sa kaniya ang nakangiti at gwapo niyang boss. Ngunit may kasama nga ito. Hindi niya ito kaagad nakilala dahil nakatalikod ito at nakaupo sa sofa na nakaharap sa malaking glass window ng opisina kung saan tanaw na tanaw ang overlooking view ng buong Maynila. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang maskuladong likod ng lalake at amoy na amoy ni Sloane ang panlalakeng pabango na hindi niya alam kung sa boss niya ba o sa lalake. Naramdaman niya kaagad ang pagbaliktad ng sikmura ngunit tiniis niya muna ito. ‘Mukhang gwapo rin ito, ah.’ “Sir, ito na po pala ‘yong budget report for this month,” sabi niy at iniabot sa boss ang folder. “Naka-indicate na rin po dyan ang budget na kakailanganin for the upcoming project.” Tinanggap ito ng boss niya at nagpasalamat. Habang binabasa ang report, pasimpleng sinulyapan ni Sloane ang lalakeng nakaupo. Nakita niya ang maugat nitong braso na nakapatong sa pleated arm ng sofa na tila ba ay hawak niya ito nang mahigpit. “Do you want me to introduce you to him?” pukaw ng boss ni Sloane sa kaniya. Gulat siyang napabaling dito. “H-ho?” Ngumiti lamang ito at tinawag ang atensyon ng lalake. “Saint!” Pipigilan niya sana ang kaniyang boss ngunit lumingon na ang lalake. Ramdam ni Sloane ang paninigas ng katawan niya nang makita ang lalakeng madalas niyang iniisip. Ang lalakeng naka-one-night stand niya. Nagtagpo ang paningin nila ng lalake na nagngangalang Saint at kitang-kita ni Sloane ang mapaglarong emosyon na dumaan sa mga mata nito na para bang nasisiyahan sa itsura niya na parang natatae na. “I want you to meet Sloane, the Finance Head,” pagpapakilala ng siraulo niyang boss. “She was the best employee that I was talking to you about.” Pilit na ngumiti si Sloane, umaasa na sana ay nananaginip lamang siya. Ngunit napagtnto niyang hindi nga ito isang panaginip lang nang marinig niya ang malalim na boses ni Saint. “It’s nice to finally meet you, Ms. Sloane. My cousin here have been talking all about your work.” ‘Magpinsan sila?!’ “A–ah… n-nice to meet you too, sir Saint…” ‘Santo ang pangalan pero parang demonyo kung bumayo sa kama…’ Nanatili pa si Sloane sa loob ng opisina nang ilang minuto hanggang sa ma-approve ng boss niya, na pinsan pala ng lalakeng kanina pa nakamasid sa kaniya at nagtatago ng ngisi, ang financial report. Napabuga siya nang malalim noong makalabas sa opisina ngunit hindi pa siya nakakalayo ay agad na bumaligtad ang kaniyang sikmura at dumiretso sa banyo upang sumuka. Napahawak siya sa kaniyang tiyan habang isinusuka ang lahat ng kinain niya kaninang umaga. Labis siyang nagtaka dahil nagsuka rin siya kaninang umaga paggising niya at hindi lang iyon, madalas din siyang mahilo nitong mga nakaraang araw at mas nagiging maselan ang kaniyang pang-amoy at panlasa. Wala naman siguro siyang sakit dahil consistent naman siya sa daily intake ng vitamins niya. May pagka-vegetarian din naman siya at bibihira lang kumain ng processed foods. Isang rason lang ang naiisip ni Sloane. Dali-dali niyang binuksan ang kaniyang cellphone at pinindot ang calendar app. “Delayed ako…” usal niya sa sarili. Sa kabilang banda, tahimik na nakikinig si Saint sa labas ng banyo at tumiim ang bagang nang marinig ang boses ni Sloane. ‘I knew it,’ aniya sa kaniyang sarili. Napansin niya na nasa ovulation phase ang babae noong may nangyari sa kanila noong gabing iyon. Sa ilang taon na magkasintahan sila ng ex niya, marami na siyang nalaman tungkol sa mga babae pati na rin sa mga nangyayari sa kanila buwan-buwan. He closed his fist and fought the urge to bang the door and confront the woman. Hindi alam ng babae na nakilala niya ito dahil ‘tulog’ naman siya noong umalis ito at nag-iwan ng sampung libo. But he couldn’t just stand there, knowing that the woman might be pregnant with his child. With his future heir. Napatalon sa gulat si Sloane nang pumasok si banyo si Saint at hinawakan ang kaniyang mga balikat. Madilim ang tingin nito sa kaniya na para bang anong oras ay susunggaban siya. “You’re coming with me.”Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi nagtagal ay tuluyan na ring nakalabas ng ospital si Saint. Nagte-take pa rin siya ngayon ng medications niya para sa mas mabilis na paghilom ng kanyang sugat ngunit kahit papaano ay hindi na ito gaanong masakit. Back to normal work na rin si Sloane dahil sa wakas ay nakabalik na si Rocky. Hindi na rin natuloy ang pagbisita rito nina Tita Mary at Tito Roen niya dahil siya na rin mismo ang pumigil dito. When Rocky finally learned all the things that had happened that night, he slowly understood how much Saint loves Sloane. It almost… pained him. Ngayong nakikita niya nang unti-unti na ulit nagiging malapit sina Saint at Sloane dahil sa imbestigasyon, alam niyang paliit din nang paliit ang pag-asa niya sa babae. Siguro nga ay mananatili na lang siyang tagabantay ni Sloane mula sa malayo. Even his mother noticed it. “Anak, marami namang ibang babae r’yan,” ani ng kanyang nanay habang ka-video call ito. “I’m sure you’ll find someone suitable for
“A lot of things had changed when you left, Sloane. Bumaligtad ang mundo ko noong umalis ka kahit na alam ko namang kasalanan ko,” patuloy ni Saint, mahina ngunit mariin ang boses niya. “Did you know that I develop alcohol drinking issues?” Mahinang napasinghap si Sloane sa rebelasyon ni Saint. A bitter, pained chuckle escape his lips as if he was reminiscing about the past. “I had to stay in the hospital for a long time para mapigilan ang damage sa atay ko. It was painful… dahil wala ka. And it was even more painful because I felt like you’re gonna be disappointed in me if you found out.” “Why did you do that?” Sloane asked in a whisper, her voice carrying a hint of pain mixed with guilt. Yes. Guilt. Sa sobrang pag-aalala niya kay Saint, pakiramdam niya ay may kinalaman siya sa pagiging alcoholic nito kahit na nagluluksa din naman siya noong tuluyan silang naghiwalay. “Hindi kasi ako makatulog kapag wala ka, eh,” inosenteng sagot ni Saint ngunit basag ang boses nito. “Nasanay a
Napakurap lamang si Sloane sa mga sinabi ni Saint. Humigit ang pagkakakapit nito sa kanyang kamay na para bang nagmamakaawa. “Please, Sloane… ako na lang ulit ang mahalin mo. Choose me again, please…” he pleaded, desperation coating his voice. “Saint…” Sloane choked out with her words. She couldn’t bring herself to speak coherently. Tila ba ay may nakabara sa kanyang lalamunan. Kahit na masakit ang katawan ay pilit na tumayo ni Saint. Naalarma si Sloane kaya inalalayan niya ito. “What are you doing, Saint? You should be resting!” she panicked. Hindi nagpapigil si Saint. “I will only rest if you choose me again, Sloane. Otherwise, I will exhaust my body until the day comes when you forgive and choose to love me again.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Sloane. Parang hinahalukay ang sikmura niya ngunit sa magandang paraan. Naghahatid ito ng kiliti sa kanyang katawan na huli niya pang naramdaman ay noong sila pa ni Saint. And to fasten the beating of her heart, there
Saka lang nakahinga nang maayos si Sloane nang ikumpirma ng doctor na successful nga ang operation ni Saint. Hindi niya tuloy maiwasang mapatulala sa tuwing bumabalik sa kanya ang panaginip niya na tila ba totoo dahil sa sakit sa kanyang puso. It all felt so real, so vivid. Dama niya ang sakit na para ban tunay ngang nawala si Saint sa kanya. But then, she couldn’t help but realize something. She’s afraid to lose Saint. She’s afraid that she will lose him forever. Pagkatapos ng limang taon na dinala niya ang galit sa lalake ay saka lang lumitaw muli ang emosyon na pilit niyang ibinabaon sa limot—pagmamahal. Habang hawak ni Sloane si Saint sa bisig niya kung saan naliligo ito sa sariling dugo, tila ba nag-flash sa kanyang isip ang ilang mga alaala nila ng lalake. Kahit iyong mga simpleng bagay ay muli niyang nakita. And when that dream of her hurt her the way she didn’t imagine, she knew that the feeling she kept buried for years has finally resurfaced. Pagkatapos ng dalawang ara
Humagulhol si Sloane habang nakikisabay sa takbo ng stretcher kung saan naroon si Saint na walang malay at duguan dahil sa saksak na natamo niya. Her heart was violently aching, like someone is ripping her heart out. Malabo ang mga mata niya dahil sa mga luha pero patuloy pa rin siya sa pagsunod patungo sa emergency room. Natawagan na si Mich ng isa sa mga board member niya upang maipalagay ang kondisyon niya. Kahit si Rocky ngayon ay na-inform na rin at nagbalak pang umuwi ngunit si Sloane na ang tumanggi sa kanya. Even her aunt and uncle in Canada were already informed as they planned to go to the Philippines to check Sloane. “I-I’m sorry, ma’am, pero hanggang dito na lang po kayo.” Wala ng nagawa si Sloane nang pigilan na siya ng nurse na pumasok sa operating room. Apparently, due to the deep stab wound, Saint has to be operated on in order to check any damage in his internal organs. Marami rin kasi ang nawalang dugo sa kanya, and of course, kailangan ding tahiin ang sugat niya
Sloane waited for the company van to arrive. Unfortunately, due to heavy traffic, aabutin pa ng almost one hour bago siya masundo. She tapped her heels against the concrete ground of the parking lot as she glanced at her wristwatch from time to time. Katatapos niya lang din i-text si Mich na male-late siya ng uwi. She chuckled at her phone when her friend sent her a cute picture of Evony posing a flying kiss on a camera. Kaya naman hindi niya na napansin ang dalawang lalake na marahas na papalapit sa kanya. “Thank God, nandito na kayo—AHHHHHHH!” Kitang-kita ni Saint kung paano hinablot si Sloane ng dalawang lalake kaya wala siyang pagdadalawang-isip na lumabas ng kotse niya. “Let her go!” His voice echoed in the parking lot. Lumingon sa kanya ang dalawang lalake. Nanliit ang mga mata niya habang sinusubukan itong kilalanin sa kabila ng takip sa mukha nito. Nagalit ang isa sa kanila kaya mabilis itong naglabas ng kutsilyo at sinugod si Saint. “Mhmhm!” Sloane internally sc