short update today, bawi ako tomorrow. goodnight! don't forget to leave comments, review, and give gems po. thank you so much! 🥹🫶
Ginugol nina Sloane at Saint ang mga natitirang linggo para sa paghahanda sa kanilang engagement party. Hinayaan lamang ni Saint ang asawa niya na mamili ng designs, motifs, theme, at kung ano-ano pa para sa party.Samantala, pansamantalang nawala sa isip ni Sloane ang pag-aalala dahil talagang na-enjoy niya ang participation sa pagpaplano ng isa sa mga pinaka-espesyal na araw sa buhay nila ni Saint—lalong-lalo na sa buhay niya.Kasama niya si Mich mag-design dahil katulad niya, excited din ito sa engagement party.“Kamusta naman kayo ni Paris guy?” nanunuksong tanong ni Sloane habang nagtitingin-tingin sa themes na iprinesent sa kanila.Namula agad si Mich at pasimpleng umubo. “We’re fine naman. Alam mo na usap-usap.”“Usap lang? Wala kayong balak mag-meet?”Mas lalong pinamulahan si Mich. “Wala…” he cleared his throat. “I mean wala pa.”Tumawa si Sloane. “Wala pa? So may balak nga kayong magkita?”“Sabi niya pupunta raw siya rito sa Pilipinas,” sabi ni Mich, namumula ang pisngi.Nan
Akala ni Saint ay tatantanan na sila ng kanyang nanay noong pinagsabihan niya na ito. Ngunit tila ay mas lumala pa dahil madalas silang gambalain ni Samantha sa kanilang bahay.Madalas itong bumisita na para bang nang-aasar pa. Minsan ay animo’y nakikipag-kwentuhan kay Sloane ngunit nagbabanta ang mga tingin nito at nagpapaalala tungkol sa “deadline” nito.As a result, hindi makapag-focus si Saint sa trabaho niya dahil naglalakbay ang kanyang isip sa bahay nila kung saan naiiwan lang si Sloane mag-isa. Inutusan niya na rin ang mga bodyguard niyang iniwan sa asawa na huwag papasukin ang nanay niya. Pati ang mga kasambahay ay alerto kung sakali mang pumasok si Samantha sa kanila.Protektado nila si Sloane dahil kahit hindi man nila aminin ay magaan na ang loob nila rito lalo na’t walang pinakitang ibang ugali ang babae sa kanila kundi kabaitan lang—bagay na hindi nila naranasan sa dati nilang amo.At speaking of bagong amo, nagsisimula nang guluhin si Saint ng babae mula sa kanyang nak
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magharap sina Sloane at ang biyenan niya. Inaamin niyang hindi naging madali sa kanya para kalimutan ito lalo na’t napapaisip siya tuwing gabi sa banta nito. Nagbago na rin ng schedule si Saint—mas maaga na siyang umuuwi at late na rin pumapasok para masigurado niyang maayos ang lagay ni Sloane bago siya umalis. Tumuntong na sa ika-pitong buwan ng pagbubuntis si Sloane, dalawang buwan na lang ay tuluyan na siyang manganganak pero napapansin niyang hindi maayos ang lagay niya. Kahit na pilitin niyang maging malusog, kumain ng masustansya, at uminom ng vitamins ay hindi niya maiwasang mag-alala pa rin nang lubusan. Natatakot siya na baka balikan siya sa bahay ng nanay ni Saint at tuparin ang banta nito. Dalawang buwan. Iyan lang ang palugit na ibinigay sa kanya. Kung susumahin, kailangan niya nang umalis sa oras na manganak siya lalo na’t may posibilidad na lalo silang mapahamak kapag binalikan sila ni Samantha. She was so scared that
Aligaga si Saint nang makauwi siya ng hapong iyon. Tumawag siya kay Sloane upang kamustahin ito pero ang mayordoma ang sumagot at sinabing pumunta sa bahay ang kanyang nanay. Nang makarating siya ay sinalubong siya ng nag-aalalang mayordoma. “Where’s my wife?” his angry voice thundered across the room. “N-nasa kwarto na po si Ma’am Sloane, nagpapahinga…” Walang sinayang na oras si Saint at dinoble ng hakbang ang hagdan para lang mabilis na makarating sa kwarto ng asawa. Marahas niyang binuksan ang pinto. Parang pinugutan siya nang hininga nang makita nagtatangis sa pag-iyak si Sloane, mahigpit ang kapit sa tiyan, nanginginig ang katawan sa takot. Mabilis niya itong dinaluhan sa kama at niyakap nang mahigpit. “Saint…” pag-iyak ni Sloane, animo’y nagsusumbong. “Shh, I’m here now, darling…” pagpapatahan niya at hinihimas-himas ang likod nito. “I won’t let her hurt you again, okay?” Malakas na humikbi si Sloane at niyakap nang mas mahigpit si Saint, nakabaon ang mukha niyang basa
Pagkababa pa lang ni Sloane ng sasakyan ay may mabigat na aura na kaagad na sumalubong sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang kutob kaya pumasok agad siya sa loob. Pagkapasok niya ay aligaga ang ilang mga kasambahay. Mabilis niyang hinarang niya ang isa. “What’s happening here, manang?” kunot-noong tanong niya. “Naku, ma’am. Buti na lang dumating ka na,” nag-aalalang sabi nito. “Nandito si Madam, hinahanap ka.” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Madam? S-sinong madam?” “Si Madam Samantha po. Iyong mama ni Sir Saint.” Kumabog ang dibdib ni Sloane. Napakahawak siya sa tiyan niya sa pag-aalala. Naramdaman niya pang sumipa ang baby niya na para bang ina-assure siya. “Nasaan siya?” tanong niya. “Nasa balcony po sa taas.” Mabilis niya itong pinasalamatan at pumunta sa balkonahe. Pagkarating niya ay likod pa lang nito, nakaramdam na kaagad siya ng intimidation. Of course, hindi basta-basta ang babaeng ito dahil nanay ito ni Saint at biyenan niya pa. Aware din siya naman siya na ayaw
Pagkatapos ng isang linggo sa Paris ay nakauwi na rin sa Pilipinas sina Sloane at Saint. Tuwang-tuwa ang mga kasambahay nila dahil sa dami ng dala nilang pagkain at souvenirs.Gano’n din naman ang kaibigan ni Sloane na si Mich na magtatalon-talon pa sa tuwa dahil may ibinigay na number sa kanya si Sloane. It turns out na number iyon ng isa sa mga nakilala nila sa Paris na interested sa isang gay relationship kaya naisip ni Sloane na i-reto ang kaibigan niya. Tuwang-tuwa naman itong sinuportahan ni Saint.“Grabe, ‘te! I can’t believe na ganito kalaking pasalubong ang ibibigay mo sa akin!” histerikal na sabi nito habang nakatingin sa contact number and social media accounts, pulang-pula ang pisngi niya sa kilig.“Sus, wala ‘yan! Alam mo namang suportado kita sa mga landi mo ‘no,” pabiro pang umirap si Sloane.Umismid si Mich. “Eh ikaw? Kamusta naman ang Paris trip niyo ni papi Saint?” nanunukso nitong tanong. “Nadiligan ba ang bulaklak sa harap ng Eiffel Tower?”Tila naging kamatis ang