Mag-log inSa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
view more(Alina’s POV)
Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang araw na ito. Tahimik lang ako sa gilid ng kabaong ng tatay ko, hawak ang luma niyang rosaryo na siya ring iniwan niya sa akin bago siya pumanaw. Wala akong kasama. Ni ang nanay ko, hindi man lang nagpakita. Sabi nila, nasa probinsya na raw siya, may bago nang pamilya. Galit na galit ako noon, kasi buong-buo siya tapos ako, durog. Kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko sobrang nag-iisa ako. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay napalingon, pati ako. At doon siya dumating, matikas, naka-itim na amerikana, matangkad at malapad ang balikat. Parang biglang huminto ang oras. Si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa kanya, na istrikto siya, na matapang siya, na walang inuurungan. Kaya kahit pa siya ang nagbibigay ng pinakamahal na regalo tuwing Pasko sa akin, lagi kong iniiwasang lapitan siya. Ngayon, heto siya sa harap ko. Mas lalong nakakatakot kaysa sa alaala ko. May nagbago sa kanya, lalong bumigat ang aura niya. Lumapit siya sa kabaong ng tatay ko at saglit na tumigil. Walang emosyon ang mukha niya, pero kita ko ang bigat ng titig niya. Pagkatapos, ibinaling niya ang tingin sa akin. “Alina. Condolences, ha?” Parang nanigas ako. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o tatakbo. “Ni—Ninong,” halos pabulong kong sagot. “Wala ka na bang kasama sa buhay?” tanong niya, diretso ang tono, walang paligoy-ligoy. Umiling ako. Pilit kong pinahid ang luha sa pisngi. “Wala na po.” Ilang segundo siyang tumahimik, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya. At pagkatapos, sa malamig pero mariing tinig, sinabi niya ang mga salitang bumago sa lahat. “Simula ngayon, sa akin ka na.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napakagat ako sa labi dahil sa gulat. “Po?” Diretso siyang tumingin sa akin. “Ako ang ninong mo. Responsibilidad kong alagaan kita.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Totoo, wala na akong ibang mapupuntahan. Pero siya? Ang ninong na kinatatakutan ko noon pa? Siya ang magsisilbing tatay at tahanan ko ngayon? Pagkatapos ng libing ni tatay, hindi ko na gaanong naalala ang mga nangyari. Para akong lumilipad. Ang huling malinaw lang sa akin ay nang dinala ako sa isang itim na kotse at narinig ang malamig niyang boses. “Sumakay ka na sa kotse ko. Huwag kang matakot.” Pero paano ko gagawin iyon? Kung siya mismo ang dahilan kung bakit nanginginig ako sa takot? Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod. Sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang presensya niya. Tahimik siya, pero alam kong nakabantay siya sa akin. “Alina,” tawag niya bigla Halos napatalon ako. “Opo, Ninong? Ano po iyon?” Nakatingin siya diretso sa akin. “Mula ngayon, sa bahay ko na ikaw titira. May mga rules lang akong ibibigay sa iyo. Susundin mo lahat ng iyon, ha.” Kinabahan ako. “R-Rules po? Ano pong rules?” Bahagyang tumango siya. “Hindi ka na mahihirapan. Hindi ka na magugutom. At higit sa lahat… hindi ka na mag-iisa.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bigat at lambing sa huling sinabi niya. Pagdating namin sa dulo ng biyahe, bumungad sa akin ang isang napakalaking mansyon. Maliwanag, malawak at parang ibang mundo. Pero sa taas ng pader at bigat ng gate, hindi ko maiwasang isipin kung ito ba’y magiging tahanan o kulungan. “Welcome na welcome ka sa bago mong bahay,” malamig niyang sabi. Sa unang gabi na iyon, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Ito na ba ang simula ng bagong buhay ko… o simula ng mas malaking takot na hindi ko pa kayang harapin? Habang pinapasok ako ng mga tauhan sa loob, ramdam ko ang bawat yabag ko sa marmol na sahig. Ang laki ng loob ng bahay, mga chandeliers na kumikislap, hagdang yari sa kahoy na imported siguro, at mga kuwartong parang hindi ko kayang bilangin sa sobrang dami. Nasa tabi ko si Ninong, tahimik lang. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi rin ako makatingin sa kanya nang diretso. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may matang nakabantay. “Simula bukas,” sabi niya habang umaakyat kami sa hagdan, “Magpapadala ako ng tao para turuan ka kung paano ka makikibagay dito. Hindi ka na mag-aaral sa lumang university kung saan ka nag-aaral. Ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo, basta magsabi ka lang sa akin, ha.” Para akong nahulog sa upuan. “Po? Pero… pero Ninong, doon po ako—” “Alina.” Pinutol niya agad ang sinasabi ko. Mahina lang, pero mariin. “Sa akin ka na simula ngayon. Ako na ang magdedesisyon sa lahat ng kailangan mo.” Doon ko naramdaman ang tunay na bigat ng sitwasyon. Hindi lang ako basta kukupkupin. Mula ngayon, nasa ilalim na ako ng mundo niya. Pag aari na niya ako. At iyon ang bagay na pinakanatatakot ako. Dinala niya ako sa isang kwarto. Pag-upo ko sa kama, hindi ko maiwasang ikumpara ang dati naming bahay. Kung dati’y manipis na kutson lang ang hinihigaan ko, ngayon ay parang nilulon ako ng malambot na ulap. Pero kahit gaano kaganda iyon, hindi pa rin mapawi ang bigat sa dibdib ko. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa labas. Kita ko ang malawak na hardin, ang fountain na kumikislap sa ilaw ng buwan. Pero sa taas ng pader at gate, pakiramdam ko nakapaloob ako sa isang kulungan. Napapikit ako at napa-hinga nang malalim. ‘Alina, tanggapin mo na lang. Ito na ang bago mong buhay.’ Lumipas ang ilang oras, pero hindi ako makatulog. Paikot-ikot ako sa kama, pero parang may nakabuntot na kaba sa dibdib ko. Siguro dahil hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin bukas. Narinig ko ang mahinang pagtunog ng orasan. Ala-una na ng madaling araw. Kinuha ko ang rosaryo ng tatay ko at mahigpit na hinawakan. “Tay, sana nandito ka pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ‘to.” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Napaangat ako ng ulo, at halos tumalon sa gulat nang makita kong si Ninong Sebastian pala iyon. Nakatayo siya sa may pinto, nakasandal, nakasuot ng itim na pajama at puting shirt. Kahit simpleng damit, halatang-halata ang tikas niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang titig niya. Diretso, matalim, parang nababasa niya ang iniisip ko. “Hindi ka pa natutulog,” sabi niya. Hindi tanong, kundi pahayag. Agad akong napayuko. “Hindi po ako makatulog, Ninong. Pasensya na po.” Tahimik siya sandali, saka naglakad papasok. Umupo siya sa gilid ng kama, at para akong nanigas. Hindi ko alam kung anong gagawin ng kamay ko, kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa rosaryo. “Sanay ka pa lang sa maliit na lugar,” mahina niyang sabi. “Kaya nahihirapan ka rito.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano niya nahulaan, pero totoo iyon. “Magiging mabigat sa una,” dagdag niya, “pero masasanay ka rin. Basta’t tandaan mo, ligtas ka rito.” Napatingin ako sa kanya. Sa unang pagkakataon, may nakita akong ibang anyo sa likod ng malamig na mukha niya. Parang may tinatagong lambing. Pero bago pa ako makapagsalita, tumayo siya. “Matulog ka na. Bukas, magsisimula na ang panibagong buhay mo.” At iniwan niya akong nakatulala, hawak ang rosaryo at mas lalo akong hindi nakatulog. Dahil sa halip na lungkot lang ang iniiyak ko, may bago akong nararamdaman na hindi ko pa kayang pangalanan sa ngayon.(Alina’s POV) Tahimik ang buong mansion nang pumasok ako sa study room. Nakabukas ang ilaw at naamoy ko agad ang pamilyar na halimuyak ng kape na laging iniinom ni Ninong Sebastian. Nasa tapat siya ng malaking mesa, nakatalikod at abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. “Ninong Sebastian…” mahina kong tawag, halos pabulong lang. Hindi ko alam kung bakit biglang parang kinakabahan ako nang sabihin ko iyon. Paglingon niya, agad akong binati ng ngiti niya, hindi ‘yong tipid o pilit na ngiti na madalas kong nakikita kapag may iniisip siya, kundi isang ngiting totoo, mainit. “Alina,” mahinahon niyang sabi habang nilalapag ang mga papel. “Tamang-tama, gusto sana kitang kausapin.” Lumapit ako nang dahan-dahan. “Tungkol saan po?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, umikot siya sa mesa at tumayo sa harapan ko. Ilang segundo kaming tahimik lang, nagtititigan. Sa mga mata niya, may kung anong lambing akong nakita. “Ninong Sebastian?” tanong ko, pero bago ko pa man madugtungan ang sasabihin
(Sebastian’s POV)Mabigat ang bawat pag-ikot ng manibela habang binabaybay ko ang madilim na kalsada. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may kulog na hindi mapakali. Ang imahe ng mukha ni Alina kanina ‘yong takot na takot, nanginginig, halos hindi makapagsalita nang makita ang ahas sa kahon, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyon. Gusto kong sumabog sa galit. Hindi ko man lang siya naprotektahan nang maayos. Iisa lang ang may kasalanan nito.Si Claire.Walang iba kundi siya. Kilala ko ang galaw ng babaeng ‘yon, ang paraan ng pag-iisip niya kapag nasasaktan o naiinggit siya sa mga taong nasa paligid ko. Matagal ko nang alam na may mga limitasyon si Claire pagdating sa ibang tao, pero ngayong nasangkot na si Alina sa gulo namin, nalampasan na niya ang hangganan ko.Hindi ko na hinintay si Manong Raul; ako na mismo ang nagmaneho ng kotse. Kailangan kong makausap si Claire, harapan. Pagdating ko sa bahay niya, agad akong bumaba ng kotse. Ang ilaw sa veranda lang ang bukas at
(Alina’s POV)Tahimik lang ang buong bahay. Wala ni isang tunog maliban sa mahina’t tuloy-tuloy na tunog ng orasan sa sala. Ang ganitong katahimikan, dati ay nakaka-relax. Pero ngayong gabi, parang bawat segundo ay may bigat dahil sa nangyari kanina.Nasa veranda ako, nainom ng gatas habang pinagmamasdan ang pagdilim ng kalangitan, nang marinig ko ang mga yabag ni Ninong Sebastian mula sa hallway. Paglingon ko, bumungad siya, nakasuot ng itim na coat, seryoso ang mukha, at tila mas lalong lumalim ang mga linya sa noo niya.“Alina,” tawag niya, mahinahon pero matigas ang tono.Agad akong tumayo. “Ninong, aalis po kayo?”Tumango siya. “Oo. Kailangan ko lang ayusin ang isang bagay.”Napatigil ako sandali. Alam kong may kinalaman iyon sa nangyari kanina, ang ahas, ang sulat na nabasa niya at ang takot na halos hindi ko pa rin mailubog sa isip. “Si… si Claire po ba ang may kasalanan noon?” maingat kong tanong.Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Ilang segundo siyang hindi sumagot,
(Alina’s POV) “Mas maganda nga siyang ngumiti,” sabi niya bigla, diretso kay Yaya Loring pero halatang may ibang kahulugan. Namula agad ako at napayuko, pilit na tinatakpan ang mukha ko ng baso. “Ninong…” bulong ko. Natawa siya nang mahina. “Bakit, totoo naman ah.” Nagkibit-balikat lang si Yaya, pero bakas sa mukha niyang may kutob siya. “Basta kayo ha, kung anuman ‘yang pinaguusapan n’yong dalawa, sana magtulungan kayong huwag nang dumagdag sa problema. Peace and love lang, ganun!” “Wala pong problema, Yaya,” mabilis kong sabi. “Okay na po kami.” Ngumiti si Yaya, parang kuntento na sa sagot ko, tapos lumabas muna sa kusina para maglinis sa labas. Nang kami na lang ulit ang naiwan sa mesa, sandali kaming natahimik ni Ninong Sebastian. Pareho kaming kumakain, pero ramdam ko ‘yung kakaibang lambing sa katahimikan. “Salamat, Alina,” bigla niyang sabi. “Sa ano po?” tanong ko, naguguluhan. “Sa hindi paglayo sa akin,” sagot niya. “Alam kong pwede mo kong iwasan at siguro mas madal
(Alina’s POV)“Hindi ako makali kapag naiisip kong umiwas sa’yo. Pero mas lalo akong hindi mapalagay kapag naiisip kong masisira ang buhay mo dahil sa akin,” dagdag niya, halos pabulong.“Sebastian…” tawag ko, at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang papasukin sa buhay ko o itulak palayo.Tumingin siya sa akin, tapos mahinang natawa. “Nakakatawa no? Ako pa ‘tong laging may sagot sa lahat dahil matanda na ako, pero pagdating sa’yo, parang wala akong alam.”Napangiti rin ako kahit papaano. “Hindi mo kailangang sagutin lahat. Minsan sapat na ‘yung alam mo ang tunay na nararamdaman mo.”Tumahimik siya, tapos marahan niyang sinabi, “Kung sabihin kong gusto kitang protektahan, hindi bilang Ninong Sebastian mo, kundi bilang lalaki, masasabi mo bang mali ako?”Napatigil ako. Walang salitang lumabas sa bibig ko.Ang tanging nagawa ko lang ay huminga nang malalim at tumingin sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng lungkot pero puno rin ng katotohanan.“Hindi kita masasagot ngayon,” sabi ko, halos
(Alina’s POV)Alas tres ng hapon, dumating si Ms. Regina, ang private tutor ko, dala ang ilang makakapal na libro at laptop. Kagaya ng dati, maayos siyang manamit, naka-blazer, pencil skirt at salamin. Tahimik ko siyang binati habang inaayos niya ang mga gamit sa study table ko. “Kamusta ka, Alina?” tanong niya, nakangiti pero halatang may pag-aalala sa boses niya. “Narinig kong may nangyari rito kanina. Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?” Napayuko ako. “Wala po ‘yun, Ms. Regina. May bisita lang si Ninong kanina at medyo nagkaroon sila ng problema.” Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Alam kong marunong si Ms. Regina makaramdam kung kailan dapat tumahimik tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya sinimulan na namin ang lesson tungkol sa literature analysis, pero kahit anong pilit kong mag-concentrate, parang lumilipad ang isip ko. Habang binabasa ko ang isang tula ni Jose Garcia Villa, bigla kong naisip si Ninong Sebastian, ang bawat linya ng tula tungkol sa pag-ibig na hindi d
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments