Share

Kabanata 3

Yuan Point Of View

Napaigting ang aking panga sa galit sa ginawa ni Mama. Hindi ko maatim na ipapagalaw niya sa iba si Han para lang iwanan ko. Umabot na talaga sa sukdulan ang kasamaan nito. Sinabi ko na sa kanyang ayoko sa iba. Pero mapilit pa rin talaga siya.

Mabilis akong nag martsa papunta sa kanyang silid. Hindi ko talaga mapigilang huwag magalit rito. I love my mom pero ayoko ng ugali niyang ganito.

"Ma!" sigaw ko pagka bukas palang ng pintuan. Hindi ko mapigilang mag taas ng boses.

Mabilis siyang humakbang palapit sa'kin at sinampal ako ng malakas sa pisngi.

Halos mabingi ako sa lakas noon. Hinawakan ko ang aking panga at pisngi. Salubong ang aking kilay nang harapin ko ito.

"How dare you! raise your voice like that?! Hindi kita pinalaking bastos, Yuan!" gigil nitong sikmat.

Nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking puso. Hindi ako kailanman pinag buhatan ng kamay ni Mama at pinag taasan ng boses. Ngayon palang. Pero mas masakit 'yong ginawa niya. Ipapagalaw niya sa iba ang babaeng pinakamamahal ko at iniingatan ko ng husto.

"I know, mama! Pero hindi ako lumaking may inang handang dungisan ang kamay at ang pagkatao ng babaeng pinaka mamahal ko para sa sariling kagustuhan! Ma naman! Ilang beses ko bang sasabihin sainyong mahal na mahal ko si Hershey?! Alin ba ang hindi niyo maintindihan doon?! Bakit hindi niyo nalang tanggapin ang pagmamahalan namin? Hindi pa ba sapat ang yamang meron tayo para matustusan ang lahat ng luho at kasakiman niyo?" hindi ko mapigilang mag salita ng masakit dahil sumosobra na talaga siya. Parang hindi siya ang mama ko? Mabait si mama sa'kin at malambing. Malayong malayo sa malupit na babaeng nasa harapan ko.

"How dare you say that to me?! Baka nakakalimutan mo kung saan ka nag mula?! Huwag mo akong pag taasan ng boses, Yuan! Hindi kita pinalaking walang hiya!" nang gagalaiti niyang sigaw. Napaatras ako roon.

"If you'll never accept our love? Mas mabuti pang kalimutan niyo na lang na mayroon kayong anak.." desidido kong sabi.

Sisigawan pa sana ako ulit nito nang talikuran ko siya. "Yuan! Huwag mo kong talikuran! You!" galit na galit niyang sabi.

Bumagsak ang butil ng luha sa kaliwa kong mata. It hurts to fight your parents. Pero ayokong habang buhay kong pag sisihan kapag binitawan ko si Hershey. Minsan na'kong nasaktan at ayoko ng maramdaman ang sakit na 'yon. Dahil ngayon, mas masasaktan ako higit pa noong una. Ibinigay ko lahat sa kanya at handa akong isugal lahat ng meron ako, magkatuluyan lang kami. Alam kong hindi ako mapapatawad ng magulang ko.

Pero mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko once na mawala siya sa'kin. Dahil hindi ko siya nagawang ipaglaban. Kaya handa akong ipaglaban siya hanggang dulo. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.

Nang sumunod araw ay sumugod ang aking ama sa Opisina ko. Pinag hahampas ako nito ng bastos sa buong katawan at binigyan ng isang malakas na suntok sa muka at sikmura. Tinanggap ko iyon lahat. Marahil ay alam na niya ang pag tatalo namin ni Mama.

"Tarantado! Ang lakas ng loob mong sabihin iyon sa mama mo! Wala kang konsensya! Wala kang kwentang anak! Ibinigay namin lahat sayo. Tapos ito lang ang isusukli mo?" galit na galit na sigaw nito sa'kin. Tipid akong ngumiti.

"Pa, sumosobra na si mama..Alam mo ba ang ginawa niya? ipapagalaw niya si Hershey sa iba! Paano kung kayo ang nasa sitwasyon ko? Hindi ka ba magagalit?" sabi ko rito. Natigilan ito.

"Alam ko, utang na loob ko lahat ng meron ako sa inyo. Pero, Pa. Obligasyon niyo 'yon bilang magulang. Hindi ko 'yon hiniling, hindi ko hiningi. At isa pa, ang utang na loob ay hindi kailanman sinisingil. Kusang loob mo 'yong ibinigay." sabi ko rito. Hindi na siya nakapag salita sa sinabi ko.

"Hindi ko hiniling na maging anak niyo, o maging magulang ko kayo. Kusa akong ipinanganak para mapunta sa inyo. Kung talagang mahal niyo ko at kusang loob niyong binigay lahat sa'kin. Hindi niyo ko susumbatan. Tatanggapin niyo ang desisyon ko. Ganoon ang magulang. Kung anong makakapag pasaya sa anak ay susuportahan nila. Hindi niyo dapat kontrahin. Dahil kuntento na naman ako sa kung anong meron ako. Ipinag papasalamat ko iyon sa Diyos. Malaki ang pasasalamat ko dahil naibibigay niyo lahat sa'kin bilang magulang. Pero huwag niyong hayaang masilaw kayo sa pera at makalimutan niyong hindi ako isang bagay na pwede niyong pag kakitaan. Dahil mahal ko kayo bilang anak. Huwag niyong hayaang lumayo ang loob ko at maging dahilan iyon para magka-watak tayo. Masyado na tayong mayaman. Matuto kayong makuntento, huwag kayong maging sakim. Baka dumating ang araw na bawiin sainyo lahat 'yan ni Lord. Dahil may inaapi kayong mas mababa ang antas ng pamumuhay." mahabang litanya ko. Ngumiti ako ng tipid. Ngiting may pagka dismaya at lungkot. Sana matauhan na sila. Dahil ayokong matulad sila sa iba, na nakakalimot dahil sa pagka silaw sa pera.

"Hindi nabibili ang tunay na pag ibig, Papa. Minsan na kayong naging sunod-sunuran sa magulang niyo. Kapalit ng tunay niyong kaligayahan. Huwag niyong hayaang pati ako, pati ako na anak niyo ay sumunod sa yapak niyo." dugtong ko pa.

Hindi ito nag salita at mabilis na tumalikod. Sana matanggap niyo na kami.

Dahil ayokong dumating yung araw na mag kalayo tayo dahil lang sa pag tutol niyo ni mama.

Napaupo ako sa swivel chair habang hinihipo ang mga parte ng aking katawang tinamaan ng baston.. Ang sakit non ah! Parang hindi ako anak kung hatawin ako. Kabanas!

"Pinsan!" tawag ni Julia nang makapasok sa aking Opisina. Agad akong nag taas ng aking tingin sa kanya.

"Why are you here?" taka kong tanong.

"Your mama did something to Hershey's father, pinag bawalan niya lahat ng Dialysis Center at Ospital na tanggapin ito para magpa Therapy!" exaggerated na sabi ni Julia. Umakyat ang dugo sa aking ulo upon hearing her.

"What?"

Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni Mama. I need to talk to my father about it. Hindi ba talaga siya titigil?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Naku, nah nko dito sa mama ni yuan huh!!??
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status