Share

Kabanata 4

Chapter 4

Agad akong nagtungo sa bahay nila at naabutan ko silang nag uusap ng Papa niya.

Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan si Hershey na umiiyak. Ayoko sa lahat ay nakikita itong lumuluha. Para akong sinasakal at kumikirot ang aking puso.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo anak, ganoon talaga ang mayayaman.. Lalo na at may lahing Chinese si Yuan. Uso sa kanila ang Arrange Marriage." narinig kong sabi ng Papa ni Hershey.

"Pero, Papa. Paano kana? Ang hirap naman ng ganito. Hindi ko na alam ang gagawin ko." nagsimula nang umiyak si Hershey.

"Anak, huwag kanang umiyak. Alam kong malalagpasan niyo rin 'yan lahat ni Yuan. Naniniwala akong makakaya mo. Pinalaki kitang matatag at matapang. Alam kong hindi mo susukuan lahat ng pag subok. Ginawa ko naman lahat para mapag aral kayong magka kapatid sa magandang eskwelahan. Sinikap kong mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Pasensya kana, kung hindi ko na magagawang pag aralin ka pa. Kung hindi lamang ako nagkasakit ay baka makatapos kana. Naalala ko pa noon, hindi kami makakapag aral kung hindi ako mag sisikap, nag tatiyaga lang akong mag tinda ng mga nilagang saging at mais na galing sa sinasaka namin. Para lang may maibaon kami, nag tatago pa ang nanay ko sa tuwing hihingi kami ng pang baon. Nilalakad lang namin ang maputik na daan papuntang bayan para makapasok. Kahit sira sira ang suot kong sapatos. Pinilit kong makatapos para mapag aral ang mga kapatid ko. Awa ng Diyos, nagawa ko silang patapusin. Pasensya na anak, mukang hindi ko na magagawa iyon sa iyo." aniya sa malungkot na boses. Napahagulgol si Hershey dahil roon. Naawa ako rito. Nakaramdam ako ng inis sa magulang ko dahil sa ginawa niya.

"Pasensya na kayo, Pa. Pati kayo ay nadamay pa sa problema ko. Kung sana hindi ka nila dinamay." aniya sa malungkot na boses. Kumuyom ang kamao ko.

"Naiintindihan ko, huwag kang mag alala. Suportado ko kayo ni Yuan. Alam kong makakayanan niyo lahat ng pag subok. Magtiwala lang kayo sa isa't isa." aniya. Napayuko ako. Mabuti pa ang Papa ni Hershey, mabait at naiintindihan ang sitwasyon. Suportado kami nito, hindi kagaya ng mga magulang ko. Sana may ganiyan akong magulang. Suportado ako hanggang dulo.

Naalala ko si Cameron, isa iyong Doktor at specialist sa Hemodialysis. Maari ako nitong tulungan nang hindi nahaharang ng aking mama. Hindi na sakop ni mama ang mga Dallas.

"Paano ngayon 'yan? Dialysis nalang ang nagpapahaba ng iyong buhay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Patawad, Papa." paulit ulit niyang sabi. Hinawakan ng Papa niya ang kanyang kamay.

"Hindi kita masisisi, ginawa mo naman ang lahat para sa'kin at para kay Yuan. Kung kinakailangan mo akong isuko para sa pag iibigan niyo..Handa akong sumama kay Lord, maabot mo lang ang kaligawyahang hinahanap mo. Wala akong w hiling, anak kundi ang makita kang w. Wala na 'w wwwmahihiling pa bilang magulang mo. Alam kong hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko, dahil kilala ko ang aking katawan. Nakakapang hinayang lang na, hindi ko makikitang makatapos ang kaisa-isang babae kong anak." tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ni Tito. Paos ang boses nito at tila hinang hina. Ganoon kasi ang mga dinadialysis.

"Papa naman! makakatapos ako. Hindi mo dapat iyon ipag alala. Gagawin ko ang lahat para w lahat ng pag hihirap niyo. Pag aaralin ko ang aking kapatid. At igagala ko kayo ni mama. Gagaling ka, matagal ka pa. Sasamahan mo pa 'kong umakyat ng stage para abutin ang aking Diploma. Kakain pa tayo ng mga paborito niyong pagkain. At higit sa lahat, maabutan niyo pa akong magkaroon ng sarili kong pamilya." malungkot na saad ni Hershey kahit nakangiti siya. Kitang kita sa maganda niyang mata ang lungkot. Napakasakit marinig ang mga palitan nila ng salita.

"Basta ipangako mo lang, magpa pagaling ka, Papa. Ikaw pa! Daig mo pa nga ang kalabaw." natatawa niyang saad. Natawa ang Papa niya at nailing sa kalokohan ng anak.

"Huwag mong hayaang hadlangan ng ibang tao ang nasimulan niyo. Masakit at mahirap man ang mga pinag daraanan niyo, alam kong malalagpasan niyo 'yan ng mag kasama. Mas masakit pag may pinag sisihan. Kaya huwag na huwag mong isusuko ang isang bagay na alam mong kaya mong ipaglaban. Lagi lang akong naka suporta sa tabi mo. Kahit ano pang maging desisyon mo. Nasa tabi mo lang ako, anak." nakangiting sabi ng Papa niya.

Tinawagan ko na si Cameron para ipasuyo ang Papa ni Hershey. Pumayag naman ito at pinapapunta na sila. Kaya lumapit ako para sabihin ang magandang balita.

"Tito, pasensya na po kayo kung nadamay pa kayo sa problema namin. Siya nga po pala, nakausap ko si Cameron. Specialist po siya ng Hemodialysis at mayroon siyang sariling Center. Wala na pong magiging problema." sabi ko. Ngumiti ito.

"Maraming salamat. Mabuti nalang at nariyan ka. Kung hindi baka umiyak ng umiyak ang aking anak. Ipangako mo sa'kin..hindi mo siya susukuan kahit anong mangyari." paos nitong sabi. Tumango ako.

"Makakaasa ho kayo. Malabo ko siyang pabayaan at iwanan. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko hanggang dulo." sabi ko rito ng seryoso. Ngumiti ito sa'kin.

"Tunay ngang maasahan kita. Ikaw na ang bahala sa aking anak. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ang buhay ko. Sana tuparin mo ang sinabi mo." dugtong pa nito. Tumango ako.

"Huwag na po kayong mag alala. Mag pagaling po kayo. Iyon nalang ang isipin niyo. Huwag niyo na po isipin ang gastusin. Ako na ang bahala." sabi ko. Tumango ito.

Pinahatid ko na sila kay Luhan sa Dialysis Center ni Cameron. Kasama ng Papa ni Hershey si Tita. Naiwan kaming dalawa.

Napahagulgol na ito nang kami nalang dalawa. I sigh. Saka niyakap siya ng mahigpit.

"Huwag kanang umiyak, alam mo namang mahal na mahal kita at ayokong nakikitang umiiyak ka." sabi ko rito.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Mabuti nalang nagawan mo ng paraan ang pagpapagamot ni Papa." aniya habang humihikbi.

"Kahit hindi mo sabihin kusa kong gagawin. Hindi ko kayo pababayaan. Pamilya na ang turing ko sainyo. Palagi mong tatandaan iyon. Mahal na mahal kita, Han. Huwag mo kong iiwanan." sabi ko rito at hinalikan siya sa noo.

"Maraming salamat. Mas mahal na mahal kita, hindi kita iiwanan. Basta wag mo akong susukuan." aniya. Kaya hinalikan ko ito ng torrid sa labi. She smiled between our kisses.

Niyakap ako nito lalo ng mahigpit.

Mag iisang buwan na'kong hindi umuuwi sa'min at sa Condo ko na ako tumuloy. Ayoko mang gawin ito sa sarili kong magulang. Pero sila ang gumagawa ng dahilan para lumayo ako.

Maaga akong gumising kinabukasan nang dumating si Mr. Chen ang butler namin.

Bumati ito sa'kin. "Good morning, Young Master. Kailangan niyo ng umuwi. May sakit ang mama mo, pinapauwi na po kayo ng mama't papa niyo." aniya sa seryosong boses. Umiling ako.

"Hangga't hindi sila tumitigil at hindi niya natatanggap ang pag iibigan namin. Hindi na'ko uuwi." desidido kong sabi.

"Kakausapin ka raw ng Papa mo. Napapayag na nito ang mama mo, basta umuwi ka lang daw." dugtong niya. Nabuhayan ako ng loob sa aking narinig.

Kaya nagpasya akong umuwi at kinausap sila. Totoo ngang pumayag na ang mga ito at sila ang mag s-sponsor sa dialysis ng Papa ni Hershey. Sa wakas, natauhan na si mama.

"Patawad anak, kung naging makasarili ako. Akala ko ikakabuti mo lahat ng pasya ko. Ngayon ko lang napagtantong, mas mahalaga ka sa'kin. Kesa sa kayamanang meron ako. Ikaw ang kayamanan ko." malumanay na sabi niya. Ngumiti ako at niyakap siya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Naku yaun wG ka ma niwala sa mama mo kunwari lng yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status