Share

Kabanata 5

Flashback...

Hershey Point Of View

Sa paglipas ng dalawang taon na pagkabigo sa pag aakalang si Alex na ang makakatuluyan ko nakilala ko si Yuan ang pinsan ni Alex na nagbukas ulit ng aking puso at binuo ito mula sa pagkakadurog. Naging maayos ang aming relasyon at mas nakilala ang isa't isa. Subalit hindi payag ang kanyang magulang na maging kasintahan ako ni Yuan dahil mula siya sa angkan ng pinaka mayaman sa China. Samantalang isa lamang akong ordinaryong tao. May lupa pero walang magagarang sasakyan at malaking negosyo. Bagay na labis kong ikinalulungkot. Napakahirap talaga kapag malaki ang agwat ng estado namin sa buhay, langit siya at lupa lang ako. Pero hindi siya pumayag na humadlang ang estado niya bilang Bilyonaryo at Tagapagmana para mahalin ako. Bagay na labis kong ipinapagpasalamat.

"Hershey!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. He look so breathakingly-handsome. Nakasuot ito ng jersey na damit at short. Napupuno ng pawis ang kanyang muka dahil sa paglalaro ng basketball. Siya lang 'yong lalaking ubod ng sarap tingnan kahit pawisan e! Gosh! Nagiging makasalanan nanaman ang mata ko! Kainis na lalaki ito!

"Hmm?" sagot ko. Tumakbo ito sa'kin palapit habang hawak sa kanang kamay ang bola ng basketball.

"Do you want to come?" anyaya niya. Kumunot ang aking noo roon. Saan nanaman niya kaya ako yayakagin? The last time na nagyakag siya ay kinapahamak ko lang. Mabuti nalang at hindi niya ko pinabayaan.

"Saan naman?" masungit kong tanong. Napakamot siya sa kanyang ulo bago sumagot.

"Sa Mansion. Remember it was my father's 62th birthday. Madalas cinecelebrate namin iyon ng mga Lim. Pupunta ang aking buong angkan sa Mother's side." aniya habang nakatingin sa'kin ng diretso. Kapansin-pansin ang pag angat ng kanyang balikat sa pagod sa paglalaro. Nakakadala ang kagwapuhan nitong taglay. Ang lakas talaga ng dating ng may mga lahing Chinese. Napakaputi nito at napakatangos ng ilong. May singkit pang magandang mata na itim na itim. Hindi ko mapigilang mamangha. Kulang nalang tumulo laway ko. Juskopo!

Nakaramdam ako ng matinding kaba at takot bukod sa hiya. Kilala ang kanilang Pamilya sa Larangan ng Business at siya ang susunod na taga-pagmana pagkatapos naming mag aral sa kolehiyo.

"Nakakahiya naman. Sigurado akong napakaraming pupunta sa kaarawan ng Daddy mo niyan. Tapos mga Chinese pa. Hindi ako marunong mag Chinese kahit favorite ko ang Chinese Drama!" nakanguso kong saad. Humalakhak siya roon.

"Oo na..Alam ko namang adik ka sa mga kagaya ko." nakangisi niyang sabi na kinairap ko. Antipatiko talaga ang lalaking ito. Napakahangin! Kung hindi lang siya gwapo nako! Siya nga pala si Frich Yuan Lim Guerrero, one of the most famous handsome young bachelor in a recent days. Nagkakandarapa halos lahat ng babae rito. Miyembro pa ito ng sikat na Banda..Nasa kanya na talagang lahat. Matalino at magaling magbasketball.

Kaya ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hiya sakanya. Sino ba namang hindi mahihiya? Napakagwapo na, ubod pa ng yaman. Yung mga sinusuot niya pa nga mga branded. Bihira itong magsuot ng mga walang dating at luma. Laging nasa trend. Pati ginagamit niyang sasakyan ay Porsche. Minsan iba naman. Kahit na naiilang ako sakanya hindi ko siya magawang iwasan. I don't know why. Hanggang sa maging kami.

"Ano? ang tagal mo namang magdesisyon. Kasama mo naman ako. Bakit nag aalinlangan ka dyan?" aniya habang salubong ang makapal na kilay. Ang sungit ng gwapong ito. Ang sarap niyang kagatin!

"Nagyayakag ka nalang nga e. Ganyan ka pa." Nakataas kilay kong sabi.

"Sorry na kasi. Ayaw mo kasing sumagot." aniya. Saka hinawakan ang aking kamay. Pinakatitigan ako nito. Halos matunaw naman ako sa kilig. Sino bang hindi kikiligin? sa tinginan niyang kulang nalang ay hubarin ang suot mo?

My gosh!

Sa lahat talaga ng nakilala ko, si Yuan yung kakaiba yung sex appeal. Tipong tingnan ka palang niya pakiramdam mo nanghuhubad na kahit na ganoon naman talaga siya tumingin. O sakin lang?

Nakaramdam ako ng matinding kilig at kaba. Ano kayang sasabihin ko kapag sumama ako? Baka magmukang ewan lang ako roon.

"Nakakaba naman ito. Kailangan ko bang sumama?" tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot.

"Bakit ayaw mong sumama? wala naman siya doon." tila hindi na nakapagtimpi ang kanyang utak na mag isip ng ganoong bagay. Nakakainis talaga! Umiiral nanaman ang pagiging seloso at pagiging praning ng boyfriend ko. Sinimangutan ko siya roon.

"E ano naman kung nandoon siya o wala? sadyang nahihiya lang ako. Isa pa, nangako akong kakalimutan na siya saka matagal na siyang umalis. Wala na kong pakielam sakanya. Dahil ikaw yung mahal ko. Naiintindihan mo ba yun?" hinawakan ko ang kamay niya saka pinakatitigan siya sa mata ng diretso.

"Sigurado ka?" aniya sa nababahalang tono. Natawa ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Wo Ai Ni! Frich Yuan Lim Guerrero ko!" sigaw ko. Namula naman siya hanggang tenga saka ako hinapit at niyakap. Naamoy ko naman ang pabango niya kesa sa pawis. Kahit pawis mabango. Kinilig ang loko.

"Siguradong sigurado ako. Kaya wag kanang praning dyan. Masyado kang nag iisip e. Baka ikaw ang di pa nakakamove on kay Hani." naiinis kong sabi. Tinaas niya ang aking muka nang hawakan niya ko sa baba.

"Remember, Hani is my ex. Wala na kong ibang gusto kundi ikaw. I learned my lesson. Stop overthinking. Sayo lang ako maiinlove araw araw." aniya sa malambing na boses. Sumikdo ang aking puso sa sobrang kilig. Tanging salita niya lang ang aking naririnig..Ganito pala talaga ang pakiramdam ng taong sobrang inlove.

"Siguraduhin mo lang. Mas selosa ako sayo." sabi ko rito habang nakataas ang kilay..Hinalikan niya naman ang aking noo at labi. Napangiti ako roon. Naghaharumentado ang aking puso sakanyang masuyong paghalik. Ginantihan ko iyon ng parehong intensidad. Nang tumigil kami ay habol habol namin ang aming paghinga.

"I love you, Han." aniya. Natigilan ako. Si Yuan yung lalaking hindi nagsasawang maging clingy at mag I love you sakin. Kaya nga pakiramdam ko diabetic na ko e. Char!

"I love you more. Sayo lang ako palagi, Han ko." malambing kong sabi.

"So ano? sasama kana?" tanong niya sakin. I nodded. Ang lakas talaga nitong mang uto. Dinaan ako sa lambing.

Aminado akong nahirapan akong mag move on kay Alex noon. Pero meron akong Yuan na ginagawa lahat para sakin. Kaya kahit hindi katanggap-tanggap na maiwanan at masaktan. Unti unti kong natutunan na pakawalan yung mga bagay at bitawan yun para hindi na ko masaktan.

Moving on is one of the hardest thing in life, however, once you do, it’ll be your best decision and you’ll fell peaceful again. Admit the fact that unless you let go and realize that the situation is over, you cannot move forward when you’re supposed to do after each heartache.

Naalala ko tuloy yung mga nabasa kong hugot quotes sa chrome. Tinamaan talaga ko doon.

Mahihirapan ka talagang mag move on kung siya parin ang gusto mong maka-relasyon. You can’t have a better tomorrow if you’re still thinking about yesterday. What’s done is done. What’s gone is gone. One of life’s lesson is always moving on. Don’t ever think of going back again to the person who cause you too much heart ache. Let go. It’s okay to look back and think of fond memories but keep moving forward. When past calls, don’t answer. It has nothing new to say.

Hindi lahat ng nakaraan binabalikan yung iba kailangan na talagang kalimutan kasi baka pag binalikan mo pa masaktan ka na naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status