Share

Chapter 1

Author: Sapphire
last update Huling Na-update: 2024-05-01 20:37:19

“He told me he’s filing a divorce,” umiiyak kong sabi sa best friend ko. She looked at me pitifully then went in for a tight embrace. “I don’t know what to do, Mindy…”

“Oh, France…” Hinaplos niya ang buhok ko at hinayaan lamang akong umiiyak nang umiyak habang kinekwento ko sa kanya ang lahat nang nangyari kagabi. She handed me another can of beer and I drink it in one swig until I almost choked myself to death. “Maybe you should really just let him go. Ilang taon ka na rin naman kasing nagtitiis sa loveless marriage niyo.”

I sobbed and shook my head. I wished it were that easy. Sana kung gaano kadali sabihing huwag nang mahalin ang isang tao, gano’n rin kadaling gawin. “I can’t. I love him ever since we were 16. Hindi ko na ata kakayanin pang hindi na siya mahalin pa.”

She tsked as she shook her head in dismay. Gayunpaman, hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. “Alam mo, kasalanan ko ‘to eh,” she then uttered through an annoyed voice. Tumayo siya sa harap ko at namewang. “Dapat hindi na lang kita inasar-asar sa lalaking ‘yon. Do’n ka pa naman ata nagsimulang magkaroon ng feelings para sa kanya. Kung bakit kasi sa kanya ka pa nahumaling eh ang haba-haba naman ng pila ng mga manliligaw mo noon.”

I heaved a sigh. “Kahit pa hindi mo ako inasar-asar sa kanya, ganoon pa rin naman. Our fathers were super close, remember? Noon pa man ay gusto na talaga nila kami para sa isa’t-isa. At tsaka, regardless of your pang-aasar, I know I’d still fall for him.” 

Napailing na lamang sa Mindy. Alam kong sa loob-loob niya ay hindi siya makapaniwala sa kabaliwan ko. Alam kong may inis na siya sa akin kahit pa magkaibigan kami. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo namang nakakainis ang kabobohan ko sa pag-ibig. 

I spent the entire afternoon in Mindy’s place. Iyak lamang ako nang iyak sa bisig niya habang inaalala ang sinabi ni Mikhael sa akin kagabi. Pero kalaunan ay kinailangan ko nang tumahan dahil kailangan kong umuwi. 

“Dadaan pa ako sa bakery to pick up the cake I ordered,” I told Mindy, which responded with a furrowed brows.

“Cake? Para saan?”

I sighed deeply and faked a smile as I pick up my things. “It’s our wedding anniversary today…” Hindi ko alam kung mapapahiya ba ako habang sinasabi ‘yon o malulungkot. I’m so pathetic. Kahit ako ay nagtataka na rin kung nasaan na ba ang awa ko para sa sarili.

Mindy scoffed and smiled sarcastically. She even clapped her hands for dramatic effects. “Wow, what an amazing coincidence! Anniversary now, divorce later!”

Yumuko ako at napakamot na lang ng ulo. 

Pagkagaling sa apartment ni Mindy ay dumeretso ako kaagad sa grocery store para mamili ng pagkain. I plan to cook later-- kahit pa hindi na ako umaasang bibigyang-pansin ni Khael ang effort ko. Dumaan rin ako sa paborito kong bakery shop at bumili ng isang maliit na cheesecake na pareho naming paborito ni Khael. I knew it was his favorite too dahil nabanggit niya sa akin noong mga high school pa lamang kami. Back in the days when he still smiles and talks to me. 

When I got home, I wasted no time and started cooking. I decided to cook a simple pesto pasta for our dinner and when I finished cooking, I set up the table and even lit up two scented candles. Naglagay rin ako ng wine sa dalawang wine glass at inihanda muna sa fridge ang cake. Around 8 o’clock, I finished everything kaya naupo na lang muna ako habang hinihintay ang pag-uwi ni Khael. Kung uuwi siya agad pag-out sa office, ilang minuto lang ay nandito na siya dahil 7:30 ang out niya.

True enough, ilang minuto nga lang ay pumarada na ang kotse niya sa driveway. I stood up and ran a sweaty palm along the creases of my red satin cocktail dress. I also made sure that my lipstick is evenly applied on my lips, then checked my puffy eyes. Hindi tulad kanina, hindi na gaanong halata ang pamumugto nila. 

Pagbukas ng pinto ay sinalubong ko agad si Khael, although I didn’t touch him and maintained a good distance. I smiled softly, but he just stared at me. “Hey…” mahinang bati ko. Napansin ko agad ang pagsulyap niya sa dining table. “Nagluto ako ulit…”

Surprisingly, he didn’t cast me an annoyed look, but instead he nodded-- as though he actually acknowledged what I did. Bahagyang bumuka ang bibig ko sa gulat, pero muli kong ibinalik ang ngiti sa labi ko. “Magbibihis lang ako,” he said, then went upstairs.

My smile widened at pinanood siyang maglakad paakyat. Hindi man makapaniwala, inayos ko na lang ulit ag mesa kahit pa hindi naman iyon nagulo. Pagbaba ni Khael, sabay kaming naupo sa mesa at tahimik na kumain. 

It was enough for me. Kahit pa tahimik lang siya at hindi man lang sumusulyap sa akin, the fact that he’s sitting across me is enough to ease my aching heart.

When we finished our pasta, inilabas ko na ang cake. I took a slice and placed in gently in front of him, and did the same for myself. “Happy--” I flinched with my own words. Seriously, Francesca? Happy? So pathetic. “--3rd wedding anniversary…”

Hindi siya umimik, pero sinimulan niya nang kumain. After a while, he wiped his mouth clean and finally glanced at me. Napaayos ako kaagad ng upo. “I’m finalizing the divorce papers.”

Parang pumutok ang munting bula ng kasiyahan ko. I dropped my gaze and heaved a sigh. Tears welled up immediately, but I tried my best to keep them at bay. “Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Khael?” I asked, although I already know the answer. Ewan ko ba. Mas gusto ko talagang sinasaktan ang sarili ko. Gusto ko pa ring marinig na magmula sa labi niya. 

“I don’t want to hurt you, Francesca,” he uttered with a deep sigh, his dark gaze piercing through my soul. “But I don’t want to keep hurting myself either.”

Unti-unti nang nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko. Muli akong napayuko at tahimik na humagulgol. “Is it Blaine? I heard she’s back. Siya na ba ulit ang ipapalit mo sa ‘kin?”

Silence engulfed the two of us. He stared directly at me, and I tried to fight and stare back, although I could already feel the electricity and tension burning my eyes and chest. 

“No,” he answered after a while, his brows furrowing as though what he would say next is taking every willpower he has left. “Hindi ko ipapalit si Blaine sa ‘yo, because you never even had the position in my heart, Francesca. It had always been Blaine kahit pa iniwan niya ako. It will always be her.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 24

    Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 23

    Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 22

    Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 21

    Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 20

    “A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 19

    Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Khael para maghanda sa business trip. Habang nasa shower siya, ako naman ay naisipang ipagluto siya ng babauning pagkain. Nang maisaayos ko ang lahat, ibinigay ko iyon sa kanya bago siya sumakay sa kotse. “Bye, little ones,” bulong ni Khaek sa tiyan ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko nang mag-drive siya palayo. Makalipas nang ilang minuto, umalis na ako sa may pinto at naglakad na papunta sa kusina para magluto. As usual, nandoon na kaagad si Ate Lorna. She smiled at me, so I smiled back and help with preparing breakfast kahit pa pinipilit niya akong maupo na lang. “Grabe, Ate,” natatawa kong sabi at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay. “Buntis lang po ako pero hindi ako lumpo.”“Nag-aalala lang ako sa ‘yo.” Napailing na lang siya. “Kumusta ka pala? Mukhang nagiging maayos na kayo ni Khael ah? Pansin ko kayo kapag inaangkin niyo ang kusina ko.”Natawa ako. Dahil nabanggit si Khael, bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kaaalis niya pa lang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status