As the unwanted wife of a renowned billionaire, Francesca has always felt like an outsider in her own marriage. Pero kahit pa ganoon, parati niyang ginagawa ang best niya para maging isang perfect wife. Kahit pa alam niyang walang patutunguhan ang pakikisama niya sa kanyang asawa, nananatili pa rin siya sa tabi nito dahil sa pagmamahal. But one evening, on their anniversary, Mikhael, Francesca's husband, suddenly asked for a divorce without even an explanation. She then discovered that Mikhael's ex fiancée, Blaine, an international actress, had returned to the country dahil mayroon itong malubhang sakit. Francesca's world crumbles around her after knowing that Mikhael left her to be with his beloved woman. Despite her devastation, she desperately tries to delay the annulment proceedings, hoping to salvage what little remains of their shattered marriage. Ngunit matigas ang puso ni Mikhael. Para saan pa't mananatili siya sa marriage na hindi niya naman ginusto? Pero magbabago ang lahat nang mapag-alaman nilang nagdadalang tao si Francesca, at si Mikhael ang ama. Matutuloy pa rin nga ba ang pakikipaghiwalay niya? O mananatili siya sa piling ng asawa para sa kanilang anak bagaman si Blaine ang tunay niyang mahal?
View MoreI poured myself another glass of wine and watched the clock. Ala una na ng gabi, pero wala pa rin ang asawa ko. Nagluto pa naman sana ako ng dinner para sabay kaming kumain, pero mukhang wala na naman siyang balak umuwi. I glanced at the steak and mashed potato I made. Lumamig na lang sila nang hindi man lang nagagalaw.
I sighed and decided to go to sleep dahil baka naghihintay lamang ako sa wala. Akmang liligpitin ko na sana ang mga nakahain sa mesa nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Lumabas ako ng kusina at sumilip sa bintana. Napangiti ako nang makitang sa wakas ay nakauwi na siya.
Muli kong inayos ang mga pagkain sa mesa at hinintay ang pagpasok niya. Nang bumukas ang pinto, ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya. “Hey,” bati ko at kinuha mula sa kamay niya ang briefcase. Pinanood niya lang ako nang ilapag ko iyon sa sofa. “Nagluto ako ng dinner. Tara, sabay na tayong kumain.”
Akmang hihilahin ko na sana ang braso niya papunta sa kusina pero nagmatigas siya. He held my hand firmly and ripped my grip off his arm as though my touch was burning him. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang puso ko nang makita ang malamig niyang tingin sa akin.
“I’m not hungry,” he coldly said, sending a shiver down my spine.
“Imposible namang hindi ka nagugutom,” I said through a light chuckle, ignoring his cold gaze even though it’s making my heart shrink. “Ilang gabi ka nang hindi kumakain dito sa bahay.” Totoo iyon. Ilang linggo na siyang umuuwi nang madaling-araw at hindi kumakain. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin akong nagsasawang magpuyat para lamang hintayin siya at sabayan siyang kumain-- kahit pa parating nauuwi lang sa wala ang lahat ng ‘yon.
“Maybe because I don’t want to eat with you,” he replied, his eyes darkening, then attempted to walk away. Pero mabilis ko siyang pinigilan at hinarangan ang daan niya papunta sa hagdan. “What now?” iritado niyang sabi.
“Khael, kumain ka, please? Masasayang ‘yong niluto ko, oh--”
“Inutusan ba kitang magluto?”
Natahimik ako at napayuko. “Gusto ko lang namang… sabay tayong makapaghapunan. Gabi na nga lang tayo nagkikita at nakakaroon ng time--”
“Francesca.” Napapigsi ako nang hawakan niya ng mahigpit ang pareho kong balikat. “Would you please stop fucking acting like we love each other?! Nakakalimutan mo bang hindi kita mahal at hindi ko ginustong makulong sa marriage na ‘to?”
Tears welled up in the corner of my eyes. “Khael, you’re hurting me.”
Doon lang siya tila nahimasmasan. Mabilis niya akong binatawan kasabay nang malalim na buntong-hininga. Ang hindi niya alam, hindi lang ako pisikal na nasasaktan dahil sa mahigpit na hawak niya. Nasasaktan din ako dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig niya. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko.
“Francesca, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? You keep fucking throwing yourself at me knowing full damn well that I don’t love you.”
“Well, I do. I love you, Khael. And I will keep loving you hanggang sa matutuhan mo rin akong mahalin.” Patuloy na nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko, pero tila ba wala man lamang iyong naging epekto sa kanya.
“That won’t happen.”
Yumuko ako at hindi nagsalita. Ganoon naman ang parati niyang sinasabi. Pero hindi pa rin ako susuko.
“I’m filing a divorce.”
Tila ba narinig niya ang iniisip ko at kinontra na agad iyon bago pa man lumabas sa mga labi ko. Para akong nabingi sa sinabi niya. Tears streamed down my face as I wrapped my arms around his waist. “N-No, no, no… You’re not leaving me. You can’t leave me, Khael, I don’t think I can live my life without you.”
Pilit niyang inaalis ang mga braso ko mula sa katawan niya pero nagmatigas ako. “Khael, please, ‘wag mo ‘kong iwan,” I sobbed, falling down on my knees and begging. Wala na akong pake sa dignidad ko-- o kung may natitira pa ba no’n.
“I’ve made up my mind,” saad niya at pilit akong hinihila patayo. Nang magtagumpay siya, parang basahan niya akong itinulak sa sahig. “I don’t love you, Francesca. I don’t think I ever will. Not when you were the reason kung bakit ako naiwang miserable ng taong totoong mahal ko.”
Humahagulgol kong pinanood ang paglalakad niya palayo. Inaasahan kong lilingon siya at sasabihing hindi totoo ang sinabi niya. But that time didn’t come. Dere-deretso lamang siyang naglakad paakyat sa hagdan.
Sinubukan kong pigilang kumawala ang mga hikbi ko, pero binibigo ako ng sarili kong katawan. Dahan-dahan kong hinila ang sarili patayo at niyakap ang sarili. Bakit ba napakahirap para sa kanya ang mahalin din ako? Simula nang ikasal kami, wala naman akong ibang ginawa kundi pagsilbihan siya at maging mabuting asawa. Iniintindi ko rin ang lahat ng bagay upang ‘wag siyang magalit sa ‘kin at magkaroon pa ng rason para iwan ako. But somehow, everything is still not enough. I’m still not enough-- and in Khael’s eyes, I don’t think I will ever be.
Niligpit ko ang mga pagkaing inihanda ko habang panay pa rin ang pag-iyak. Nang matapos, akmang aakyat na sana ako para magpahinga ngunit may napansin ako sa sofa kung nasaan ang briefcase ni Khael. Sa bahagyang bukas na compartment ay may sumisilip na magazine. Out of curiousity, I carefully retrieved it from the case. It was a tabloid from a well-known news outlet, featuring celebrity news in particular.
Sa headline, nakasulat sa malalaking titik ang isang pamilyar na pangalan. Napalingon ako sa gawi ng hagdan kung saan umakyat si Khael at naramdaman ang muli na namang panggigilid ng luha sa aking mga mata.
“Famous international actress BLAINE TIFFANY RAMA, bumalik na sa bansa,” the headline says, followed by a paparazzi photograph of the said actress. She was a beautiful tall blondie with all the curves and bumps in the right places. Typically, things like this don’t matter to me, nor will it to Khael.
But this time it’s different-- because Blaine Rama is Mikhael’s ex-fiancée.
Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa
Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo
Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma
Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang
“A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Khael para maghanda sa business trip. Habang nasa shower siya, ako naman ay naisipang ipagluto siya ng babauning pagkain. Nang maisaayos ko ang lahat, ibinigay ko iyon sa kanya bago siya sumakay sa kotse. “Bye, little ones,” bulong ni Khaek sa tiyan ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko nang mag-drive siya palayo. Makalipas nang ilang minuto, umalis na ako sa may pinto at naglakad na papunta sa kusina para magluto. As usual, nandoon na kaagad si Ate Lorna. She smiled at me, so I smiled back and help with preparing breakfast kahit pa pinipilit niya akong maupo na lang. “Grabe, Ate,” natatawa kong sabi at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay. “Buntis lang po ako pero hindi ako lumpo.”“Nag-aalala lang ako sa ‘yo.” Napailing na lang siya. “Kumusta ka pala? Mukhang nagiging maayos na kayo ni Khael ah? Pansin ko kayo kapag inaangkin niyo ang kusina ko.”Natawa ako. Dahil nabanggit si Khael, bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kaaalis niya pa lang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments