Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras habang nakatulala sa kisame ng aking silid. Matagal bago humupa ang pag-iyak ko. Pero kahit tumigil ang luha, nanatili ang bigat sa dibdib ko — parang isang unspeakable burden na hindi ko basta kayang iwaksi.
Wala akong balak bumaba. Hindi ko balak makita ang pagmumukha ni Drako kahit kailan. Pero ilang sandali lang, kumatok ang isang tauhan niya sa pinto ko. Hindi ko man makita ang mukha, rinig ko ang takot sa boses nito. "Ms. Caleigh, Sir Drako is waiting for you downstairs... for dinner. Hindi raw po kasi kayo kumain kanina." Nag-init ang dugo ko. Dinner? After everything? He expects me to sit with him like everything is fine? Hindi ako kumilos. Maya-maya, muling kumatok ang lalaki, ngayon ay may kasamang mariing babala. "Sir Drako said... if you don't come down, he will come up." Napasubsob ako sa palad ko. Hindi ko na kayang makipagtaguan pa. Ayokong humantong pa sa isa na namang pilitang eksena. With a heavy heart, bumangon ako at dahan-dahang lumabas ng silid, dala ang buong galit at sakit na pinipilit kong itago sa bawat hakbang. Pagbaba ko, naabutan ko si Drako na nakaupo sa mahabang dining table, naghihintay na parang isang hari sa kaniyang trono. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya — isang mapanlinlang na ngiti na parang nag-aanyaya ngunit may kasamang bantang hindi mo puwedeng tanggihan. "Sit," malamig niyang utos. Hindi ako gumalaw. Tinitigan ko lang siya ng mariin. "Please," dagdag niya, this time softer, almost... coaxing. Piliting hindi ipakita ang panginginig ng tuhod ko, lumapit ako at umupo sa tapat niya. Nasa harap namin ang mamahaling pagkain — roasted lamb, creamy mashed potatoes, fine wine na hindi ko kayang lunukin kahit tikman. Hindi ako kumibo. Hindi ko pinansin ang mga pagkain. Wala akong gana. Ang kailangan ko ay kalayaan, hindi dinner sa piling ng sarili kong kidnapper. Tahimik niyang pinunasan ang kaniyang kutsilyo gamit ang tela ng napkin, bago marahang nagsalita. "I don't like seeing you like this, Caleigh. You're my future wife." Napangiti ako nang mapait. "Oh, you don’t?" balik ko, puno ng hinanakit. "Then maybe you shouldn't have locked me up like some prisoner!" His jaw clenched. Bahagyang nanigas ang buong katawan niya bago siya muling huminga ng malalim. "You don't understand," he said in a low voice. "I'm doing this to protect you. Hindi lang dahil pinatay ng tatay mo ang ama ko!" "Protect me?" Halos matawa ako sa sinabi niya. "From what? From my own life?" "From people who would hurt you," matigas niyang sagot. "You have no idea how dangerous the world outside is." I leaned forward, narrowing my eyes at him. "No, Drako. The only danger in my life right now... is you. Ginagawa mo ito kasi gusto mong pagbayaran ang kasalanang hindi naman ginawa ni Daddy. Hindi pa ba sapat na pinakulong mo siya at nagkasakit ang nanay ko dahil kinidnap mo ako?" Saglit siyang natahimik. Tila pinipigil niya ang galit niya. Parang sinisikil niya ang isang bahagi ng sarili niya na gustong sumabog. "You will see one day," he said coldly. "One day, you’ll thank me kahit na malaki ang kasalanan ng pamilya mo sa akin " "Don't hold your breath," sagot ko, hindi na nagpatinag. Nagpalitan kami ng malamig na tinginan. Sa pagitan namin, parang may manipis na salamin — nagbabanta nang mabasag anumang sandali. Then, after a long moment, he stood up. Lumapit siya sa kinauupuan ko. He knelt down before me, stunning me speechless. Nilingon ko ang mga tauhan niya sa paligid. Nag-aalangan ang mga ito, pero walang nagtangkang lumapit. "You want to see your parents, don't you?" mahina niyang bulong, ang mga mata niya ay malungkot na malamlam. Nanlaki ang mga mata ko. I almost forgot to breathe. "You'll see them next week. I promise." Hindi ako agad nakapagsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. "But until then," dagdag niya, marahan, "stay here. Stay... with me." Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Gusto kong tumayo, gusto kong sigawan siya — pero natigilan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang may kirot. Parang kahit papaano... may piraso ng tunay na pagdurusa sa likod ng mga matang iyon. "I hate you," bulong ko, nanginginig ang boses. Ngumiti siya — isang malungkot, pagod na ngiti. "I can live with that," sagot niya. "As long as you're safe." Bago pa ako makatanggi, marahan niya akong hinawakan sa kamay — hindi sa paraang mapanakit, kundi parang isang desperate man clinging to the only thing he could still hold onto. *** Tahimik ang buong mansyon, liban sa mahinang tikatik ng ulan sa labas. Madaling araw na. Dapat ay tulog na ang lahat. Dapat ay nakalubog na sa katahimikan ang buong paligid. Pero sa isang iglap, isang mahinang langitngit ng pinto ang pumunit sa katahimikan. Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakaupo sa kama. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Sa bawat patak ng ulan sa bintana, tila may kasamang pagbigat ng hangin sa paligid. Dahan-dahang bumukas ang pinto at sa liwanag ng maliit na lampshade, isang lalaking hindi pamilyar sa akin ang pumasok — matangkad, balingkinitan ang katawan, nakasuot ng itim na leather jacket na tila bahagi ng kanyang balat. Tumama ang malamlam na liwanag sa kanyang mapang-asar na ngiti. "Well, well..." aniya, ang boses niya ay magaspang pero may nakakalokong lambing. "Didn't expect to see an angel trapped in my dear cousin's golden cage." Napako ako sa kinatatayuan ko. Kahit pa nga hindi ko siya kilala, ramdam ko agad ang panganib sa aura niya. May kung anong delikadong saya sa paraan ng kanyang paglalakad, sa bagsik ng titig niyang hindi inaalis sa akin. "Sino ka?" pilit kong pinatatag ang boses ko kahit nanginginig ang lalamunan ko. Tumawa siya — isang mababa, nakakalokong tawa. "I'm Drugo," sabi niya, tumitigil sa gitna ng kwarto, parang tinatantsa kung paano ako gagalaw. "Drako's favorite cousin... and worst nightmare rolled into one." Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas malala pa siyang panganib kaysa kay Drako. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, pilit pinipigil ang kaba sa dibdib. Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama, walang paalam, parang siya pa ang may-ari ng lugar. "Chill, sweetheart," ani Drugo, nakangiti habang inaayos ang leather gloves niya. "I just came to say hello." Tumayo ako, umaatras palayo sa kaniya. "Wala akong kailangan sa 'hello' mo. Umalis ka," matigas kong sagot. Ngunit imbes na ma-offend, lalo lang lumawak ang ngiti niya. "So feisty," bulong niya. "Now I see why Drako's so obsessed with you." Nanlilisik ang mga mata ko. "Get out before I scream." Bahagyang natawa si Drugo. "You think screaming will save you here? Sweetheart, even your screams belong to us," aniya, binalingan ako ng titig na tila ba hinuhubaran ang kaluluwa ko. Bago pa siya makagalaw palapit, isang malakas na tunog ng mga yabag ang narinig namin mula sa hallway. Sa isang iglap, bumukas ang pinto at sumulpot si Drako — ang mukha niya ay malamig, mapanganib, puno ng nag-aalab na galit. "Drugo," malamig ang boses niya. "Out." Ngumisi si Drugo, hindi man lang natakot. "Relax, cousin. Just checking on your... precious little bird." Lumapit si Drako sa kaniya, ang bawat hakbang niya ay mabigat, puno ng babala. "I said, out," ulit niya, this time with venom dripping in every word. Nagtama ang mga mata nila — dalawang halimaw na nagsusukat ng lakas — pero sa huli, tumayo si Drugo, ngumisi, at tumango. "Fine, fine. Enjoy your little captive," bulong niya bago marahang lumabas ng kwarto, iniwan akong nanginginig sa takot at galit. Pagkalabas ni Drugo, sinarado ni Drako ang pinto at humarap sa akin. Nasa mga mata niya ang sukdulang galit at... takot? "Did he touch you?" tanong niya, the words sharp, desperate. Umiling ako, bagama't hindi ko maitago ang kaba ko. "No," mahinang sagot ko. Bahagyang lumuwag ang ekspresyon niya, ngunit nanatili ang tensyon sa buong katawan niya. "Next time, lock the door," aniya, ang boses niya'y mababa pero puno ng babala. "I won't always be around to protect you." Tinitigan ko siya, ang puso ko ay patuloy na tumitibok sa dibdib ko na parang gustong kumawala. "Protect me?" bulalas ko, nanginginig ang boses. "You're the reason I'm here! You're the reason I can't breathe!" Napalunok si Drako. Saglit siyang napalingon sa saradong pinto, bago muling bumalik ang mga mata niya sa akin — at sa kabila ng galit ko, nakita ko doon ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Pagsisisi. "Someday, Caleigh," he whispered, almost inaudible, "you'll understand why I had to do this." Hindi ko na siya sinagot. Bumaling ako sa bintana, pinilit pigilan ang mga luhang nagbabanta na muling bumagsak. Sa likod ng malamig na salamin, kita ko ang ulan — walang humpay, walang awang bumubuhos mula sa madilim na langit. At sa bawat patak, isa lang ang paulit-ulit kong hinihiling. Kalayaan.Hello! Please support this book. Book two ng One Fateful Night With My Ninong. Pa-like, comment, gem vote and rate ng book. Maraming salamat!
After everything we’ve been through, I never thought I’d walk down the aisle—with the same man who once shattered me, only to piece me back together in ways no one else ever could.Isang buwan matapos ang kasal nina Claudette at Larkin, muli na namang binalot ng puting mga bulaklak at gintong ilaw ang bakuran ng aming pamilya. Pero ngayon, hindi na ako bridesmaid. Ako na ang bride.Ako ang muling ikakasal kay Drako Valderama.Nasa tapat ako ng salamin habang inaayos ni Mommy Celeste ang trailing veil na suot ko. Ang puting gown ko ay gawa sa French lace, bumabagsak sa sahig na tila ulap.“You look ethereal, hija,” sabi ni Mommy Celeste habang pinapanood ako sa salamin. “A goddess finally taking back her crown.”Ngumiti ako, pero dama ko ang pangangatog sa dibdib ko. Hindi dahil sa kaba. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa laki ng pagmamahal na binubuo ko kay Drako—at sa ideya na ngayon, pipiliin ko siyang muli. Hindi dahil kailangan, kundi dahil gusto ko. Dahil mahal ko siya.“I’m no
Nakasuot ako ng champagne silk dress na humahaplos sa aking balat gaya ng alon sa baybayin—banayad, malamig, pero may sariling lakas. Sa loob ng grand cathedral na punung-puno ng ivory roses at golden accents, lahat ng mata ay nakatuon sa aisle kung saan unti-unting naglalakad ang kapatid kong si Claudette—ang bride.For a moment, I forgot everything else.Walang Drevan. Walang Cathy. Walang baril, takot, o paghabol. What existed now was this one perfect moment—an image of hope after everything we’ve endured.Hawak ng mahigpit ni Drako ang kamay ko habang nakaupo kami sa unahang row kasama ang apat naming anak na hindi mapakali sa excitement.“Mommy,” bulong ni Camila habang pilit inaayos ang tiara niya. “Is Tita Claudette a real princess now?”Napangiti ako, pinisil ang pisngi ng anak. “She’s the most beautiful one in the world today, baby.”Nang tumingin ako kay Claudette, halos hindi ako makapaniwala. Sa bawat hakbang niya papunta sa altar, ramdam ko ang bigat ng mga panahong lumip
Hindi pa man humuhupa ang usok sa paligid ng mansyon, isang itim na van ang bumalandra sa harapan. Mga pulis, heavily armed at alerto. Kasunod nila ang convoy ng ambulansya—sirenang sumasagisag sa wakas ng bangungot na tila walang hanggan.Sa monitor ng CCTV, nakita kong hinila palabas ng security team si Drevan—bugbog, duguan, pero buhay. Nakaposas ang kamay, hawak ng dalawang SWAT sa magkabilang braso habang pinupuwersa papasok sa police truck. Wala na ang dating tikas. Wala na ang yabang.“Emilio Bautista,” narinig ko ang isang opisyal na bumigkas, “You are under arrest for multiple counts of attempted murder, illegal possession of firearms, kidnapping, obstruction of justice, and violation of your parole conditions. You have the right to remain silent…”Hindi siya lumaban. Hindi nagsalita. His face was blank, but his eyes—they were burning. Full of rage, full of hate.Tinignan niya ang camera, alam niyang pinapanood ko siya. Alam niyang naroroon ako.Then he smirked.“See you in h
Tahimik ang gabi—masyadong tahimik.Habang yakap ko ang mga bata sa sala, pinakikinggan ko ang mahinang huni ng air-conditioning, ang tunog ng orasan sa pader, at ang mga halos walang imik na usapan nina Mommy at Claudette sa dining area. Akala ko, mapayapa na ang gabing ito. Na kahit sandali, makakahinga kami nang maluwag.Pero ilang saglit lang, isang putok ng baril ang bumasag sa katahimikan.Bang! Bang!Kasunod nito ay sunod-sunod na putukan. Mabilis. Malakas. Sunod-sunod na halinghing ng mga armas na nagpasigaw sa mga bata.“Mommy!” sigaw ni Calliope habang umiiyak at kumapit sa 'kin.“Mommy, what’s happening?” nanginginig na tanong ni Dax habang hinihila siya ni Damon palapit sa akin.“Oh my God!” sigaw ni Claudette mula sa gilid. “Shots! Someone’s shooting!”Nang sumilip ako sa bintana, nakita kong kumikislap ang mga ilaw ng baril sa labas—parang fireworks, pero impyerno ang hatid.“Everyone, get down!” sigaw ni Drako habang mabilis na bumaba mula sa hagdanan. Suot niya ang iti
Tahimik ang paligid. Wala ni isang kaluskos kundi ang mahihinang halakhak ng mga bata at ang banayad na tunog ng cartoons mula sa iPad. Nasa sala kami nina Mama, Claudette, Larkin, at ng mga bata—lahat waring saglit na nakalilimot sa mundo sa labas ng bahay. Si Drako, nasa tabi ko. Tahimik lang, pero hindi mapakali. Ang mga mata niya, para bang laging may binabantayan. Or maybe… someone he’s expecting.Katatapos lang ng hapunan. Ang kambal—sina Calliope at Camila—masaya sa pagbuo ng Lego sa carpet. Sa kabilang gilid naman, sina Dax at Damon ay nakahiga sa fluffy na throw pillows, abala sa panonood ng Paw Patrol. For a brief moment, everything looked perfect. Parang isang painting ng ideal family. Peaceful.Pero sa likod ng katahimikan, may gumagapang na kaba sa dibdib ko. Something felt... off. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may multong paparating.“Turn on the TV, love,” mahinahong utos ni Claudette kay Larkin habang inaayos ang mga pinagkainan. May bahid ng pagod ang boses niya,
Pagkarating namin sa ospital matapos ang pagbisita sa puntod ni Daddy, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib. Para akong may dalang ulap ng alaala—mabigat, malungkot, pero may konting liwanag. Wala mang luhang tumulo, parang kanina pa ako umiiyak sa loob.Pagbukas ng elevator sa floor kung saan naka-confine ang mama ko, agad kong naramdaman ang kakaibang presensya. Mula pa sa hallway, kita ko na ang mga siluetang nakatayo sa tapat ng private room ni Mommy. Isang pamilyar na katawan ang una kong napansin—ang matangkad na lalaki na nakasuot ng beige suit, neat ang ayos ng buhok, at may hawak na bouquet ng white roses.Napakagat ako sa labi.Si Larkin.At ang babaeng nakatayo sa tabi niya, naka dusty rose na dress at may natural na classy aura sa bawat galaw—walang iba kundi ang kapatid kong si Claudette.“Claudette…” mahina kong bulong sa sarili ko, bago tuluyang bumilis ang hakbang ko.Nakita ko rin si Drako—nakatalikod siya habang nakikipag-usap kay Mommy. Nakataas ang isang kilay ko.