Tahimik ang sala habang nakaupo ako sa malambot na sofa, nakatutok ang mata sa TV screen. Isang lumang pelikula ang pinapanood ko, pero ang isip ko, kung saan-saan pa rin lumilipad. Hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko — ang matinding pagnanais na makawala sa lugar na ito.Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Kahit paano, sa panonood, nakakalimot ako — kahit ilang minuto lamang — sa reyalidad ng pagkakakulong ko dito.Subalit bago pa man ako tuluyang makalubog sa eksena ng palabas, isang presensya ang sumingit sa tahimik kong mundo.Muling bumukas ang pinto, walang katok, walang paalam. Tumambad sa akin si Drugo, may dala-dalang ngiti na hindi ko matukoy kung alin ang mas nangingibabaw: ang pang-aasar o ang panganib."Hey there, little dove," aniya, malumanay ang boses habang dahan-dahang lumapit. "Mind if I join you?"Agad akong umayos ng upo, bahagyang dumistansya, pero pinilit kong maging kalmado."Wala akong kailangan sa 'yo," malamig kong sabi.Pero hindi nagpaapekto si Drugo. N
Last Updated : 2025-05-28 Read more