Share

Chapter 2

Chapter 2

Aviena’s POV

“Anong gagawin mo nito? Some of the companies cancel the contract. They don’t want a bad image in their brands.” 

“Ang mga fansclub! They’re trying to ruin you more. Kilalang-kilala ka nga ng lahat, wala pa ring kwenta dahil wala kang projects! Paano ka kikita niyan?” Patuloy lang si Ate Rose sa kaniyag lintanya habang hindi naman ako nagsasalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin. 

Anong gagawin ko nito kung siya mismong manager ko’y hindi rin alam kung paano niya susolusiyonan ‘yon?

“Lilipas din ‘yan, Ate. Magsasawa rin ang mga tao kababanggit ng pangalan ko.” Sinubukan ko pang bumalik na lang sa kama dahil mas lalo lang akong nag-iisip kapag kausap itomg si Ate. Lahat na lang ay ka-nega-han. 

“What?” Isang masamang tingin na agad ang ibinigay niya sa akin. 

“I’m too tired. Matutulog muna ako.” Sa totoo lang, nakakasawa kayang makipag-away kay Ate. Ewan ko ba riyan. Lagi kasi talagang mainit ang kaniyang ulo. Hindi ko alam kung dahil ba lagi rin silang nag-aaway ng nobyo niya o ano. Ano man ang dahilan nakakairita na sa akin niya lagi binubuntong ‘yon. 

“Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan sa problema mo!” malakas niyang sigaw sa akin. 

“Of course, you will! Malamang trabaho mo!” sigaw ko rin pabalik. Well, I’m in my condo. I can act normal here, hindi tulad kapag nasa event kami na kailangan kong ngumiti kahit inis na ako sa mga utos niya. 

Ilang bardagulan pa ang naganap bago niya ako iniwan sa kwarto para magpahinga. 

Nang maging payapa ang lugar. Napatitig lang ako sa kisame, hindi ko rin sigurado kung babalik pa ba sa dati ang lahat lalo na’t alam ko kung gaano makapangyarihan si Mrs. Del Monte, ang asawa ni Gov. Ilang pinagkamalang kabit ni Gov ang nasira ang mga buhay dahil sa kaniya. Bali-balita kung paano magalit si Ms. Del Monte na kung anong pasarap ang ginawa mo, sampung ulit na sakit naman ang balik niyon sa ‘yo. 

Sa totoo lang ay natatakot ako. Natatakot ako sa maraming bahay. Alam ko. Alam namin ni Ate na hinaharang na ngayon ang mga project ko. Kahit naman mayroon akong bad image, hindi basta-bastang mawawala ang kontrata but it happened now. Nangyari na nang walang pakundangan. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin ngayon. 

I was scared. Hindi para sa sarili ko. Kung hindi para sa mga taong sinusustentuhan ko. Hindi lang ang kapatid ko ang pinaaral ko. Halos lahat ng kamag-anak namin, sa akin nakaasa. Wala namang kaso sa akin ‘yon dahil nakikita ko kung gaanong nagpupursige ang mga pamangkin ko sa kani-kanilang pag-aaral. All of them wants to be successful someday. Ayaw kong putulin ang mga pangarap ng mga ito. Gusto kong makita kung paano unti-unting umangat ang pamumuhay ng pamilya namin. 

Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan ko dahil hindi ko na rin talaga magawang makapagpahinga pa. Sa huli’y dinala lang din ako ng mga kamay ko sa pag-sscroll sa aking social media. Panay lang ang mura sa akin ng mga tao kahit na ang totoo, hindi naman talaga nila alam kung ano nga ba ang ganap sa likod ng mga camera. 

Bandang huli’y sinubukan ko na lang mag-sketch. This used to be my peace in this tiring world. Nang matapos ay nagpalit ako ng sexy lingerie na pinapasuot ni Ate kapag kumuha ako ng litrato dito sa bahay dahil halos ng damit ko’y may kga cartoons na tatak. Sexy ang image ko sa interner kaya hindi pupuwede ‘yon. 

Kumuha lang ako ng litrato kasama ang aking sketch. Alam kong wala namang mag-aabang sa mga picture ko pero kailangan ko ring kumita ng pera kaya habang mainit pa ang balita tungkol sa akin, sulitin ko na. Naging abala na ako roon nang marinig ang malalakas na katok ni Ate mula sa labas. Mayroon naman siyang susi. Parang tanga. 

Hindi ko na sana papansinin pa subalit mas lalo lang ‘yon lumakas. 

Iritado ko naman ‘yong binuksan sa ideyang siya lang ‘yon ngunit agad na napaawang ang labi ko nang walang sabi-sabi akong kinaladkad ng taong nasa labas ng pinto habang hila-hila ang aking buhok. 

“You! Kirida! Hindi mo ba maikalma ‘yang kipay mo! Anong karapatan mong landiin ang asawa ko!” malakas na sigaw nito. Ni wala siyang pakialam kung may mga nakatingin na sa gawi namin. Mga expensive na tao pero panay naman ang kuha ng litrato. 

Ni hindi ako nakapanglaban dahil may mga body guard siyang kasama at may mga reporter nga pala rito sa labas ng condo ko. Napapikit na lang ako dahil gustong-gusto ko itong sigawan habang sinasabing gumising siya sa katotohanan na kung mahal talaga siya ni Gov, hindi nito hahayaang mag-doubt siya nang ganito but because I’m in public, mukha na naman akong mabait. Hindi dapat ako magalit. Pakiramdam ko’y magmumukha na akong santa dahil kailangan ko silang patawarin kapag nagkakamali kahit na ang totoo? Hanggang mamatay ako, aalalahanin ko ang kasalanan nila sa akin. 

“She’s the one who invaded my privacy. Look at me. Mukha bang kaya kong manakit?” Nagpapaawa pa ng tinig ko nang nasa presinto kami.  Gusto kong mangiwi nang mapansing sa katawan ko ang tingin ng mga ito. Fuck. Right. I’m still wearing my lingerie. Siraulong oldie ‘to, ni hindi man lang ako pinagbihis. 

“Bakit mo naman po kasi kinaladkad, Ma’am?” tanong pa ng Police kay Mrs. Del Monte habang nasa akin pa rin ang tingin. Sarap sampalin at tusuk-tusukin ang mata. 

“Kabit ‘yan ng asawa ko! Tignan mo nga, pananamit pa lang alam mo nang malandi!” galit niyang sigaw kaya hindi ko maiwasan ang matawa. 

“Hindi ho nasusukat ng tela ang pagiging malandi, Mrs. Del Monte. Kahit gaano pa kakonserbatibo ang pananamit ko, malandi pa rin po ako.” Hindi ko maintindihan kung bakit ba laging sa kasuotan tinitignan kung rerespetuhin nga ba ang tao. 

 “O baka inggit po kayo? Kulu—” Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang tumayo na ito at sasaktan na naman ako. 

May binulong ang bodyguard ni Mrs. Del Monte kaya agad na napaayos ng upo ang pulis. 

“Huwag na nating palakihin pa ang gulong ito, Ms. Carinuevo.” Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil sa sinabi ng pulis. Right. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga ito. Natural lang na kakampihan nila ang asawa ni Gov. 

Hindi na ako nakipagtalo pa at tatanggapin na rin sana kung ano ang gusto nilang mangyari nang may tumabi sa akin. Amoy na amoy ko pa ang mabangong halimuyak na nanggagaling dito. 

Inilagay niya sa akin ang coat niya bago ko nakasalubong ang malamig niyang mga mata, bagay na bagay talaga sa kulay nitong asul..

“Excuse me but I don’t think that’s right. I won’t let my fiancee be treated rudely likes this.” Malamig na saad niya sa police. Agad naman napaawang ang labi ko roon. 

“Fiancee mo si Mrs. Del Monte? But she already has a husband?” mahinahon kong tanong kahit na gulat na gulat sa rebelasiyon. 

Imposible namang ako ang fiancee na tinutukoy nito gayong mukhang hindi naman niya ako kilala. 

Nilingon niya lang ako sandali at hindi sinagot. 

“Do something about this before I get my lawyer.” Malamig ang tinig niya nang sambitin  ‘yon bago niya nilingon si Mrs. Del Monte na nakaawang lang ang labi. 

“Let’s go now.” Napaawang naman ang labi ko nang ako ang itayo nito. Ako ba ang tinutukoy niyang fiancee? Joke time ba ito? Kung oo, dapat na ba akong tumawa. 

“Let’s go, Aviena.” Tila nabato’t balani na ako sa kinauupuan dahil lang sa pagbanggit niya ng pangalan ko. He never really said my name that’s why it feels so weird. So, he knows me, huh? 

Sinalubong pa ako ng matatalim niyang mga mata kaya hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga bago sumunod na sa kaniya. 

Ponagbuksan niya pa ako ng pinto ng kaniya porsche. Dahan-dahan naman akong sumakay roon. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang buong pangyayari. 

“Wait. Did you just say that I was your fiancee?” Nanlalaki ang mga mata ko nang ma-realize na ako ang tinutukoy nito. 

“Yes, but after tonight you’re my wife.” Matagal lang akong nakatingin dito. Tinatantiya kung nagbibiro ba ito. 

“May sira ka pala sa ulo?” Humalakhak pa ako para pigilan ang pagiging balisa dahil hindi ko nakikitaan nang biro ang kaniyang mukha. 

“So, your sister hasn’t told you, huh?” Pinagkunutan ko naman siya ng noo dahil do’n. 

“Your sister already sold you.” Parang wala lang na saad niya. 

“Alam mo? Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon kaya tigilan mo ako.” Nanatili naman ang tingin niya sa akin dahil do’n. 

“I’m not kidding around. Ask your sister then.” Para bang wala pa siyang balak kausapin ako kung hindi ko lang siya tinitignan na para bang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. 

“Ihatid mo na ako kung ganoon.” Demanding ko pang saad dahil kahit may itsura ito  nakakatakot pa ring magtiwala. Nilingon niya ako na nakakunot ng noo nang makitang kampanteng-kampante akong nakaupo sa kaniyang sasakyan. Agad naman akong umayos ng upo roon at balik na naman sa pagiging artista nang kumalma nang kaunti. 

Nakita ko pang pinasadahan niya ako ng tingin bago nailing pa. Napaawang naman ang labi ko roon. Anong ibig niyang sabihin doon? Nandidiri ba siya sa katawan ko? Hindi ko maiwasan ang mapangiwi bago natahimik na lang. Sa una nga lang talaga magaganda ang mga impresiyon ko sa lalaki. 

“I’ll fetch you at 10. Wear a nicer clothes.” Para bang may pang-iinsulto ang tinig nito. Hindi ko maiwasan ang mairita dahil do’n. Huh! Grabe! Gwapo nga pero mukhang gago naman. 

“Gwapo ka nga pero mukhang may sayad,” bulong ko sa sarili. I still act so sweet in front of him. 

“What?” Kita ko agad ang pagkunot niya ng noo sa akin ngunit nagpasalamat na lang ako at dire-diretso na sa pagpasok sa loob ng condo. As if naman lalabas pa ako! May sira ba talaga siya? Pinagsasabi niya?

Nang makarating sa condo, agad na lang akong nahiga sa kama habang ramdam pa ang pananakit ng anit. Tinignan ko pa ang buong katawan ko. Mabuti naman ay walang gasgas. Ito kaya ang puhanan ko, haler!

Ni hindi ko na namalayan ang pagdating ni Ate dahil nalulunod lang sa pag-iisip. 

“Aviena. Tumayo ka riyan. I already have a solution on the problem you already started,” aniya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang matigilan. Did I start this? No. She’s the one who actually force me to go there. Hindi ko naman kasalanang assumera ang mga tao at nagawa pa talagang kumuha ng litrato. 

“What is it again, Ate? I’m too tired today. Hindi mo ba nakita ang news?” Sigurado akong nasa News na ako ngayon at imposibleng hindi niya pa nalalaman ang nangyari dahil lagi pa naman siyang updated pagdating sa akin. 

“Come on. Huwag ka nang magmatigas pa.” Napangiwi na lang ako bago tumayo. 

“What is it?” tanong ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang gown na hawak niya. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ang pinagsasabi ni Savellano. 

“Be married with River Savellano for two years, Aviena.” Matagal lang akong nakatayo roon habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. 

“What?” Halos magkanda-utal-utal pa ako nang tanungin ‘yon. Baka naman nabingi lang ako. 

“Marry River Savellano. He’ll answer the scholarship of our nephew and niece until they graduated from college. May libreng pabahay na kasiya tayong lahat. He’ll also save your career. Always, in that two years. Just two years, Aviena. Two years and you don’t have to work so hard to make a living. 2 years lang, Aviena.”

Wow. Two years lang. Dalawang taon na masasayang ang buhay ko. 

“Ate! Kasal ‘yon! Sagradong bagay ‘yon. Hindi pupuwedeng gawing biro lang!” Hindi ko na napigilan pa ang sariling sumigaw. 

“Ang dami mong sinasabi. Dalian mo na at ihahatid na kita roon!” sigaw niya rin. Bumalik ako sa pagkakahiga. Kahit anong hila at pagalit niya’y hindi ako sumunod. Manigas siya riyan. 

Napatingin pa ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag. I thought it’s Tom, my screentime partner, siya lang ang binigyan ko ng aking numero kaya naman iritado kong sinagot ‘yon. 

“Hello?” inis kong tanong sa kaniya. 

“Are you ready. I’m already in front of your condo.” Agad akong nahinto nang marinig ang malamig na tinig mula sa kabilang linya. 

“Let’s go. Everything’s ready for our wedding, Wife.” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grab mo na aviena 2 years lang naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status