Share

Chapter 1

Chapter 1

Aviena’s POV

“Where are you, Vena? Late ka na!” sigaw ni Ate Rose sa akin mula sa kabilang linya, ang manager ko. Hindi ko mapigilan ang mapahilamos sa aking mukha dahil do’n. I overslept. No. I didn’t. Katutulog ko nga lang. Sinubukan ko pang mahiga muli but my phone ring again. Napasipa na lang ako dahil do’n. Irtadong-iritado na rin nang tumayo. 

Napapikit na lang ako bago inaantok pang nagtungo sa banyo para lang maligo. Matagal akong nagbabad doon kaya naman nang matapos, ang dami ng tawag mula kay Ate Rose. 

It’s governor’s birthday today. Most of the powerful people are there maski ang ibang celebrities ay naroon din. Ate Rose said that we won’t go there for fun but we’ll go there to gain project and money. That’s what Ate’s plan. Tiga-sunod lang naman ako ng mga plano niya dahil gustong-gusto ko rin talagang tulungan ang nakababatang kapatid naming dalawa. Nag-aaral pa ito at gusto lang naming bigyan ng magandang buhay. 

“I’m on my way, Ate,” ani ko nang nakadada na ito matapos akong tawagan. 

“Baka gusto mo namang dalian. Masiyado kang nagsasayang ng oras.” Mababakasan na agad ng galit sa kaniyang tinig. 

“Kung sinundo mo rin kasi ako, katutulog ko lang kaya!” reklamo ko rin pabalik. Siya lang ba dapat ang galit? 

Napapikit na lang ako bago sumandal sa backseat. I was too tired. Buong araw kaming may shoot at kani-kanina lang nakapagpahinga. Ang hirap kasi kay Ate, para bang kasalanan mo ang huminga. 

Mayamaya lang ay nakarating na ako sa 5 star hotel na pagdadaluhan ng event. I was just normally walking. Bumati sa mga kakilala. Hinanap lang ng mga mata ko si Ate kahit na ramdam ko na ang tingin ng mga tao sa akin. Tipid ko lang silang nginitian. 

“Ang tagal mo!” pabulong at galit na sabi ni Ate nang tuluyan na akong makita. Hinawakan niya pa ang aking palapulsuhan para lang dalhin sa ilang businessman at kilalang tao rito, kausap ng mga ito si Governor. 

“Nice to see you here, Hija,” aniya sa akin. Binati ko lang ito bago ibinigay ang regalo. Marami pang tao ang lumapit sa gawi namin habang bumabati. 

Napakunot ang noo ko nang mapatingin sa isang anak ni Gov na siyang dinadantay na ang kamay sa akin. I’m aware at how people look at me but it’s annoying to see them as if my body is a food. 

“You’re really pretty in person, Ms. Carinuevo.” Nakangiting saad sa akin ng isang matandang businessman. Hinawakan pa nito ang palad ko. Ngiti lang naman ako nang ngiti kahit na hindi ako komportable sa pagkakahawak nito sa akin. Hindi ko pa napigilan ang iritasiyon na nadarama habang pasimple-simple silang humahaplos sa balat ko. Sinasabi ko ‘yon kay Ate ngunit pilit naman nitong sinasabing ayos lang ‘yon at malayo naman sa bituka. Atleast, magkakaroon daw ako ng projects and contracts after this but it’s fucking annoying. 

Artista ako, hindi p**a.

“The bachelors are here, lapitan mo sila,” ani Ate na sinubukan pa akong itulak habang may hawak-hawak akong baso ng alak. 

Agad naman napaawang ang labi ko nang makitang may natapunan ako. 

“Omg, I’m sorry!” Bahagya pa akong nataranta nang makitang sa puting longsleeve pa talaga niya nailagay ‘yon. Agad naman napaawang ang kaniyang labi dahil sa akin. Sinubukan ko pang lapitan siya ngunit pinahinto na ako.

“It’s fine.” Malamig ang tinig nito nang sabihin ‘yon. Hindi ko na napigilan pa na titigan ang kaniyang mukha. Walang kainteres-interes ‘yon ng lingunin ako. Not the same on how people look at me. It’s not the same on how some boys his age see me. Para bang wala lang ang alindog ko sa isang ‘to samantalang para naman akong malulunod sa asul niyang mga mata. 

“You won’t ask for a payment? Mukhang… mukhang mamahalin ‘yang damit mo…” Anong mukha, Vena? Mamahalin talaga ang suot nito. 

Paanong hindi gayong kabilang siya sa grupo ng “Bachelors”, binubuo ng sampung taong puro mayayaman. And Sandoval, Savellano, and Fontalejas. Those big three names in the business industry. 

People use to make me pay just to get to know me. Just to ask for my numbers and other things but for him? Para bang normal na lang sa kaniya na makakita ng ganitong mukha.

Well, alam ko naman dahil bali-balita na mataas ang standard nito pagdating sa babae. Minsan nga’y mga modelo galing sa ibang bansa ang mga nalilink dito. 

I think I know why most of actresses and co-workers that I met actually likes him. Alam ko na ngayon kung bakit grabe sila makatili kapag pinag-uusapan na ito. 

Maliit lang ang industriyang kinabibilangan namin lalo na siya pa ang may-ari ng pinakamalaking entertainment company dito sa bansa. I used to see him in some parties but we never really had the chance to interact. I don’t know. Hindi naman mahirap sa akin ang kumausap ng ibang tao pero pagdating dito parang ang hirap nga talaga. 

Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya bago ako nilagpasan. Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kaniya hanggang sa makalayo siya.

“Stupida,” bulong ni Ate sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Gusto ko rin siyang sagutin kaya lang maraming tao. Damit mahinhin at mabait ako. 

“Manok na ang lumalapit, hindi mo pa sinakmal ang oportunidad. That’s River Savellano, kung hindi ka ba naman tanga,” bulong niya pa. I know. Everyone knows him. She already see that I tried to talk with that guy but he wasn’t interested with me. Anong magagawa ko roon? 

Natahimik na lang din ako bandang huli kahit na pa maraming lumalapit para makipag-usap. Nawawalan na rin ako ng baterya dahil pagod na pagod na rin talaga buong araw. 

After that tiring talks, akala ko uuwi na kami ni Ate ngunit may pahabol pa ito. 

“Someone wants to take a photo with you, Vena,” ani Ate Rose. 

“Be charming. Pamangkin ‘yon ni River Savellano. Naroon din siya. Malay mo kuhanin ka bilang isang modelo sa brand nila,” bulong nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapatango bago walang ganang tumayo. Ni hindi nga ako mabalingan ng tingin no’ng tao. Para bang mamahalin ang mga mata. 

It was just so tiring. Ni wala na akong pahinga sa dami ng schedule ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya ako na maraming kinikita, ‘yon nga lang parang hindi na rin talaga kakayanin ng katawan ko ang pagod. 

“Vena!” malakas na sigaw ng batang lalaki ang sumalubong sa akin. Hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa aking mga labi bago ito nilapitan. Well, it was genuine. I love meeting my fans. I was always happy talking with them. 

“You’re so pretty, Vena! Look, Old Man! Isn’t she gorgeous?” nakangiting tanong pa ng batang lalaki sa sa lalaking nagngangalang River. Mukhang may kinakausap sa telepono. Dumaan sandali ang mga mata niya sa akin. 

Napalunok ako nang makasalubong ko ang asul na mga mata nito. Para bang malulunod sa kaniya. Pinigilan ko naman ang sariling mapanganga. Normal na sa akin makakita ng gwapo but he’s different. He’s not my type either but there’s something in his face that will drown you into him. Is that because of his freckles? Red lips? His perfect nose? 

I don’t know…

Iniwas ko lang ang tingin sa kaniya at ibinaling na muli rito sa batang lalaki. 

“Can I take pictures with you po?” tanong niya sa akin. Unti-unti naman akong tumango at pinilit na lang ang sariling makipag-usap sa kaniya kahit na ramdam ko pa rin ang tingin ng lalaking may asul na mga mata sa akin. 

“Old man, can you take a picture of us?” tanong ni Sert, ang batang lalaki. 

“Smile.” Hindi ko naman alam kung paano ako ngingiti habang nakatingin sa camera nito. I use to be good at posing at front of cameras pero pakiramdam ko’y hindi ako nakangiti nang maayos dahil sa presensiya niya. Para bang nanunuot din sa aking kalamnan ang kaniyang mga tingin. 

Nang matapos ‘yon, saka lang ako nakahinga nang maluwag. 

“Thank you po, Vena!” Ngumiti pa sa akin si Sert. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik bago ginulo ang kaniyang buhok. 

“I’ll marry you when I got older, Vena!” Malapad pang ngiti ang pinakawalan niya sa akin. Tumawa lang naman ako. Nawala lang ‘yon nang makasalubong ko muli ang asul na mga mata. 

“Are you done? Your dad is already asking for you. Let’s go,” sambit niya kay Sert. Dinaanan lang ako ng tingin na para bang wala siyang interes sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapanguso. 

“Do you want me to take your longsleeve? Ipalalaba ko na lang,” ani ko sa kaniya. Huminto siya bago ako tinignan. Napalunok naman ako nang makita ang pagkakakunot sa kaniya noo. Napaawang pa ang labi ko nang lumapit ito sa akin, napaatras naman ako nang malanghap ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kaniya. Muntikan pa akong ma-out of balance kaya hinawakan niya ang balakang ko bilang suporta. 

“I don’t play games, Ms. Carinuevo. I won’t become part of your collection of boys,” bulong niya. Pakiramdam ko’y lahat ng balahibo sa aking katawan ay tuluyan nang nagsitayo. Binitawan niya rin ako matapos ‘yon bago tuloy-tuloy na umalis sa harapan ko kasama si Sert. 

Unti-unti namang rumehistro sa utak ko ang bawat salitang galing dito. 

What? What the fuck did he just said? Did he  think that I’m a whore? Collection of boys? Ni wala nga akong ni isang naging nobyo! 

“What happened? Did you already wrap him around your fingers?” Ngumisi pa sa akin si Ate habang pinagmamasdan si River na naglalakad palayo. 

“May aasahan na ba akong project diyan?” tanong pa niya ngunit nanatili lang malamig ang tingin ko. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot dahil kung ano-ano na agad ang sinasabi nito. 

“Tama na, Ate. Masiyado na akong pagod ngayong araw.” Ni wala na akong pakialam kung may gusto ba ‘tong sabihin subalit lumabas na rin ako matapos ang party. The day is jut so tiring. Ang kukulit pa ng kaibigan ni Gov. 

Sa sobrang pagod, matapos kong makapag-linis ng katawan ay nakatulog na rin agad ako. I already set my alarm dahil may important work ako tomorrow. 

Kinabukasan, nakapag-ayos na ako lahat-lahat at handa na rin sanang umalis but Ate’s not here pa. I tried to call her but she’s not answering her phone. 

“Marieta,” bati ko sa bunsong kapatid. 

“Where’s Ate? Umuwi ba riyan sa atin?” tanong ko rito. 

“Hindi po, Ate.” Magpapaalam na sana ako rito matapos ko silang kumustahin nang magsalota siya. 

“Ikaw po, Ate? Kumusta ka po? Are you fine? 

Nabasa niyo na po ba ang mga nasa balita?” Napakunot naman ako ng noo roon. 

“Huh?” Hindi ko mapigilan ang maguluhan doon. 

“They said that you’re the Governor’s mistress po,” aniya kaya tuluyan na akong nahinto. Hindi ko naman mapigilan ang matawa roon. That’s bullshit. Mag-60 na si Gov. Mukha lang akong p****k pero hindi naman ako pangkabit. Isa pa, pamilyadong tao ‘yon, hindi ko maatim na maging isang kirida.

Magsasalita pa sana ako nang dire-diretso ang pagpasok ni Ate Rose sa loob ng condo unit na pinagtutuluyan ko. Napaawang ang labi ko nang walang sabi-sabi niyang isinaboy sa mukha ko ang makakapal na diyaryo. 

“Tangina naman, Aviena! You know na sa iisang iglap lang masisira ang career mo! Bakit ba hindi ka nag-iingat?” galit na tanong niya sa akin na halos isampal pa ulit ang diyaryo. 

Napaawang ang labi ko nang makita ang mga balitang tungkol sa akin. I know once your name is tainted, it will never be the same again but I just feel so bad habang pinagmamasdan ‘yon. Mga issue tungkol sa akin na hindi naman totoo. Marami pang kuha mula sa party habang hawak-hawak ako ng iba’t ibang lalaki. Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan ang nga ‘yon. 

Kirida ng iba’t ibang businessman, kirida ng mga artistang lalaki. May masamang ugali. Hindi marunong itrato ang mga tao sa paligid ng tama. Marami pa akong nabasa lalo na sa social media. Those fans who said that they will be there until forever finally turn their back away from me.  

Everything’s fuck up now. 

“You’re career is now ruined.” Ate Rose stating the obvious. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh sad bakit may mga taong madaling magbintang ng walang katotohanan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status