Share

Chapter 3

Chapter 3

Aviena’s POV

“What? Who’s going to married? Did I even agree to this?! No way in high I’ll marry someone I barely know!” Hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Kita ko ang panggigil ni Ate habang nakatingin sa akin ngayon.

Iritado ko pang pinatay ang telepono.

“That’s two years… I can’t do that… Hindi pa naman tapos ang karera ng career ko… Hindi pa naman ako namumulubi sa ngayon.” Nagmatigas pa ako at wala talagang balak sundin ito. Halos kasisimula pa lang magboost ng career ko but look what happened. Ni hindi pa ako nakakapag-ipon pera sa sarili. Ni wala pa akong business na naipatatayo. I said I’ll buy my family a big house pero saan nga ba ako pinulot ng pinagsasabi ko? Napapikit na lang ako sa sakit ng ulo.

“Hindi mo sure, boba!” aniya kaya hindi ko mapigilan ang kagatin ang aking labi. I know. I know but still, I trust myself. Sagrado ang kasal. Hindi ko kakayaning magpakasal bigla sa taong hindi ko naman mahal.

“Vena…” Napatingin ako sa kaniya nang huminahon ang kaniyang tinig. I know what she’s going to say at alam ko na rin kung anong kahihinatnan nang pag-uusap na ‘to.

“I… I already ask for money…” aniya na hindi makatingin sa akin ngayon.

“You… You what?” Nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya.

“Some of the companies are making you look bad, may mga nalabag ka sa kontrata. Humihingi ng danyos… I… I already pay for some using your fiance’s money.” Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan niya na wari’y siya pa ‘tong nahihirapan.

“And I already receive the house…” Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa pinagsasabi nito.

“What?” Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Is this some kind of bullshit? Really? Sa halos kalahating araw lang ay nagawa niya ng gawin ang lahat ng ‘yon?

“Vena…” Hinawakan niya pa ang kamay ko.

“Please… Marry him for Ate… Makukulong ako kung hindi mo gagawin…” aniya pa kaya nanatili lang ang malamig na tingin mula sa akin. Hindi ko maiwasan ang iritasiyon na nadarama. Alam na alam niya kasi talaga kung paano ako kunin.

“Fine…” Iniwas ko na lang ang tingin habang ramdam naramdam din ang lakas ng tibok ng puso sa ideyang magpapakasal ako sa taong hindi ko lubusang kilala.

“You can come in, Atasha!” sigaw ni Ate kaya agad ko siyang nilingon. Agad naman na pumasok si Atasha, ang aking make up artist. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Ate. They really plan this! Aba’t may gown na agad na dala si Atasha at handang-handa na akong ayusan.

Nakasimangot lang ako habang nakaupo sa harap ng salamin.

“Beh, bakit ka naman nakasimangot? Ang gwapo-gwapo ng magiging asawa mo. Kung pupuwede lang makipag-swap sa ‘yo’y gagawin ko.” Humalakhak pa ito kaya hindi ko mapigilan ang mapailing.

“You already have your own, Businessman.” Napangisi na lang ako nang umirap siya.

“Your sister really likes to make you do things you don’t like, huh?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita.

Atasha is a famous designer. She likes my face a lot kaya kahit hindi naman niya trabaho ang pagiging make up artist ay ginagawa niya rin para sa akin.

“Thanks.” Ngumiti ako sa kaniya nang matapos niya akong ayusan.

“Hindi ka na lugi. River is a nice person, suplado lang talaga.” She kiss me on the cheeks before she bid her goodbye.

“I’ll give you stitch and barney clothes after your wedding!”

“How about stuff toys?” tanong ko naman na bahagyang na-excite sa sinabi nito.

“I’ll get you too.”

“Thank you, Atasha!”

“Good luck with your wedding!” Kumaway na siya sa akin. Nawala naman na ang ngiti sa mga labi ko nang kami na lang dalawa ni Ate.

Hindi naman siya nagsalita sa ngayon. She will be nice at me for weeks niyan because I did something she wanted. Or should I say I’ll be doing something she wants me to do?

Matalas ang tabil ng dila ni Ate that’s why she’s trying not to say anything now that we’re here. Tahimik lang ako habang nakasunod sa kaniya palabas ng condo ko.

Pasakay na sana ako sa kotse nang may pumaradang Limousine sa harapan ko. Napaawang naman ang labi ko nang ilang body guard ang lumabas doon at inalalayan ako papasok.

“Sir River’s already there, Ma’am.” Pormal na pormal ang tindig ng mga taong kaharap ko ngayon. Tumango lang ako bago sumunod sa mga ito.

Nilingon ko naman si Ate na siyang nasa labas pa rin. Sumakay na iti sa kotse ko at nakasunod lang sa sinasakyan ko ngayon.

Hindi ito ang unang beses kong nakasakay sa Limousine but this is the first time I felt like my chest about to burst. Para akong hindi makahinga sa kaba na nararamdaman. Hindi ko rin alam kung tama ba ang iniisip but part of me is little bit excited. Wow, nakuha mo pang makaramdam ng excitement, Vena.

Pinaglaruan ko lang ang aking daliri habang nakatingin sa labas. Nang huminto ang sasakyan, para ring huminto ang tibok ng puso ko.

Iginiya ako ng ilang body guards. We’re in Mayor’s house. Napakagat na lang ako sa aking labi nang salubungin ako ng taong may kulay karagatan na mga mata.

Nagawa niya pang pagmasdan ako mulo ulo hanggang paa. Body that most of the man lust for. But this man, matapos niyang tignan ang katawan ko’y walang gana niyang binalik ‘yon sa mukha ko. Hindi ko mapigilan ang mapairap. I know that he already have a lot of woman he met. Most of them are sexy star too that’s why parang normal na lang sa kaniya ang makakita ng ganitong katawan.

“What are you waiting for? I still have a lot of things to do. Let’s go.” Hindi ko mapigilan ang mapasimangot.

“Where’s the contract?” tanong ko sa kaniya. Aba’t hindi naman ako pupuwedeng magpakasal na hindi nalalaman ang nilalaman ng kontrata. Nilingon niya naman ako at pinagkunutan ng noo.

“Oh, ano? Anong gusto mong mangyari? Magpakasal ako sa ‘yo nang hindi ko alam kung ano nga ba ang kasunduan natin?” Pinagtaasan ko siya ng kilay bago humalukipkip. Napangisi naman siya roon kaya napakunot ang noo ko.

“You think if you read the contract you can still run away from this wedding?” tanong niya na nakangisi sa akin ngayon. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi. This is the reason why they said that he’s a devil in disguise.

“Your sister already ask for half a billion. You think you can still manage to pay for it?” Napaawang ang labi ko roon.

“Huh?” Hindi ko mapigilan ang magulat. Kahit ang ilang taon kong pag-aartista’y hindi pa magawang bayaran ‘yon. Wala pa akong ganoong kalaking halaga! Hindi talaga nag-iisip ang Ate!

“Mr. Savellano, Mayor’s already waiting for the both of you po,” anang isang dalagang babae. Tumango naman si River bago ako nilingon.

“Let’s go.” Wala ako sa sariling nakasunod lang sa kaniya. Hinahanap ko rin ang kotse ko ngunit hindi ko makita. Pribado subalit malaki ang bahay ni Mayor.

“But I still have the say to our contract, right?” tanong ko sa kaniya. Tila nanghihina ang tuhod dahil sa narinig. Nilingon naman niya ako. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng mukha nito.

“Fine.” Hindi niya na ako nilingon pa at binati na rin sina Mayor na mukhang kanina pa rin naghihintay sa amin.

Bata pa si Mayor, kaedad lang ito nina River kaya nga parte rin ito ng grupong tinatawag nilang Bachelors.

They are talking about something bago ako nilingon ni Mayor Vernon. Ngumiti ito sa akin, ngiting tila may halong pamumulitika.

“Vernon.” Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad sa akin.

“Good evening, Mayor,” bati ko rito.

“Let’s start the signing.” Malamig lang na tinig ni River ang umagaw ng atensiyon namin. Atat na atat ata masiyadong maikasal sa akin. Ganoon ako ka-pretty.

Mayamaya lang ay nagsimula na ang pirmahan. Saglit lang naman ‘yon dahil nagmamadali na rin si River. May meeting ata. Kanina pa rin may tawag nang tawag sa kaniyang telepono.

“Wala bang kiss?” Napatingin sila sa akin nang nasabi ko na pala ang nasa isip. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil do’n. Hindi ko mapigilan ang matawa.

“Joke lang. Seryoso niya naman masiyadong dalawa,” ani ko dahil pareho silang may seryosong mukha habang nagpipirmahan ng kontrata.

Tumawa naman si Mayor habang si River ay balik lang sa ginagawa. Napanguso ako habang nakatingin dito. So I won’t really have any respond from him, huh?

“Let’s go. We still have a lot of talking to do,” aniya sa akin.

“Talking lang?” tanong ko na ngumisi pa sa kaniya. I don’t know why I want to get any reaction from him. Para lang kasi talaga akong nakatingin sa isang taong tuod.

Hindi niya rin pinansin ang ngisi sa mga labi ko at nauna nang naglakad. Binabati naman siya ng ilang tauhan ni Mayor habang ang ilan ay nakatingin lang sa akin tila ba bago ako sa kanilang mga mata. Hindi ba nila ako kilala? Ako lang naman si Vena, beh?

Sumakay kami sa isang Lamborghini. Hindi naman na ako nagtaka pa roon. Sa mukha pa lang ni River, mukha na siyang hindi nauubusan ng pera. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay subalit hindi ko pa rin inaalis ang mga mata sa kaniya.

I wonder why did he marry me? Does he like me? Baka crush talaga ako nito at na-love at first sight sa akin? Kunwari pa. Gandang-ganda naman pala sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sariling iniisip o ano. Baka fan ko rin ito?

“Gusto mong fansign?” tanong ko sa kaniya kaya agad na kumunot ang noo niya sa akin.

“Fanboy kita, ‘no?” Ngumisi pa ako sa kaniya. Bahagya akong nagulat nang nakakainsulto itong tumawa nang mahina. Tila ba ang sinasabi ko’y napakaimposibleng mangyari.

Napakuyom lang ang kamao ko at bahagyang napangiwi dahil parang ang pangit ko naman kung makatawa ito.

“My grandfather wants to marry me off.”

“And you…” Nilingon niya ako nang huminto kami dahil sa traffic lights.

“You need to use someone for your career, right?” tanong niya sa akin. Agad kong nakasalubong ang kulay asul niyang mga mata. Para rin tuloy akong inaalon dahil dito. Binalik niya na rin sa kalsada ang mga mata nang nag-iba na ang kulay ng traffic lights.

“You can be a choice. Puwede na.” Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan.

“What? Anong puwede na?! Hindi ka na lugi sa akin!” Hindi ko mapigilan ang sigawan ito. Saka ko lang napagtanto ang ginawa. I supposed to act like a elegant woman righg now but here I am shouting my lungs out. Lumalabas na naman ang pagiging palengkera ko.

Kita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay at ang ngisi sa kaniyang mga labi.

Napairap ako at hindi na mapigilan ang pagsimangot buong byahe. Ang kapal ng mukha niya. Maganda naman ako. Hot pa! Most of the boys celebrities have a crush on me. Anong puwede na? Anong ibig niyang sabihin doon.

“Pasalamat ka na lang gwapo ka,” bulong ko sa sarili.

“Thanks.” Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya nang marinig ang kaniyang sinabi. Seryoso lang ang mukha pero mas lalo pang nakakainis.

Hindi na ako nagsalita at malilintikan ako kay Ate kapag nalamang nagsisisigaw na naman ako. Mayamaya lang ay dumating kami sa tapat ng isang mansiyon.

Pababa na ako at aalisin na sana ang seatbelt nang siya ang gumawa niyon. Para namang huminto rin ang tibok ang puso ko nang tumigil siya sa ginagawa. Ramdam ko ang kaniyang mga mata sa akin. Sinubukan kong huwag pansinin ‘yon.

Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang labi niya sa akin. Parang bumaliktad ang aking sikmura at nagliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ikaw ang may kasalanan ate kung bakit nasira ang career ni vena dahil sa pagdala mo sa party ni gov.tapos si vena ang sinisisi mo sa mga nangyari hay iwan sayo
goodnovel comment avatar
Yhie Volante
mukhang pera c ate! ung kipay mo nlng ibenta mo kkainis ka!
goodnovel comment avatar
Janice Hipona
nka2 inis nman ung ate Nia dto
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status