“HEY...”
Natauhan si Jenny mula sa pagbabalik-tanaw na naman sa nakaraan dahil sa pagtapik sa kanyang bakikat ng kaibigan.“Bakit tahimik ka riyan?” tanong ni Sasha sa kaibigan.Ibinalik ni Jenny ang tingin sa malayo. Nagpapahangin lang siya sa beranda. And she can't help herself from recollecting her past. Parang routine na iyon sa utak niya kapag nag-iisa.“Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?” usisa ni Sasha matapos maupo sa bakanteng upuan.“Hindi sila madaling kalimutan.”“I know. Pero hindi kaya pinapahirapan mo nang masyado ang sarili mo?” woried niya tanong kay Jenny.“I'm not complaining.” Masungit niyang sagot sa kaibigan. Ganito siya kapag iniisip ang nakaraan.“Pero malungkot ka sa tuwing sila'y naiisip mo.”“Normal lang siguro iyon sa nawalan ng magulang lalo na sa karumal-dumal na kamatayan.” emotionless niyang sagot kay Sasha.“Tama na. Huwag na lang sila ang pag-usapan natin. Anyway, what's our next move?” pag-iiba ni Sasha sa kanilang paksa.“Gusto kong malaman kung nakatira pa rin ba sa bahay namin ang pinsan at Tita ko.”“Wanna visit them?” tanong ni Sasha dito.“Huwag muna ngayon. May kailangan pa kasi akong unahin.”“Is it still part of our plan?” pangungulit ni Sasha.“It's personal.” maiksing tugon ni Jenny dito.“Naglilihim ka na sa akin?” himig nagtatampong turan si Sasha.“Ofcourse not. Sasabihin ko na lang sa'yo once na na-sort out ko na ang mga dapat plantsahin.” Mabilis na paliwanag niya sa kaibigan.“Tandaan mo lang lagi na ang laban mo ay laban ko rin.” paalala ni Sahsha dito. Hindi siya sanay na naglilihim ito sa kaniya.“I will keep that in mind.” sumusukong sagot ni Jenny sa kaibigan.“Anyway, tumawag nga pala si James.”“Anong balita?” Biglang nagkaroon ng buhay ang tinig ni Jenny.“It's good news. Dumating na ang taong matagal mo nang hinihintay. Handa ka na bang magkaharap kayong dalawa?”Natawa nang mapakla si Jenny. “Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa araw nang muli naming pagtatagpo.”“Oo nga. Mukhang excited ka na.” Biro ni Sasha sa kaibigan.Nginitian na lamang ni Jenny ang kaibigan. Pero hindi excitement ang kanyang nararamdaman kundi pagbangon ng matinding galit sa taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang.Kinagabihan ay palihim na umalis si Jenny at ayaw niyang isama si Sasha. Kahit matagal siyang nawala sa bayan na iyon ay alam pa rin niya ang pasikot-sikot sa dati niyang lugar.ISANG anino ang maingat na bumabagtas sa likuran ng bakuran ng Villa Garcia at matagumpay na tinawid ang kabilang dako.Nakaidlip ang guwardiya na nagbabantay sa gate at ilang katulong na lamang ang gising pa sa mg oras na 'yun.Makikita mula sa liwanag ng buwan ang kalumaan ng bahay. Malaki ito, may malawak na hardin. It has a picture of perfection, so as the whole villa. Desinyo kasi iyon ng kanyang ina.Hindi napigilang mapaluha ni Jennifer habang ang mga mata ay titig na titig sa naging tahanan niyang iniwan sa mahabang panahon.She remember well how she was pampered in that house noong pareho pang buhay ang kanyang ama't ina. She missed them like how she missed her life at the villa.Kung puwede lang sanang ibalik ang nakaraan. She'll be the most happiest person in the world. Lalo na kung muli niyang mayayakap at makikita ang namayapang mga magulang.Pinahid ni Jenny ang mga luha. Kahit na bumuhos pa ang dugo sa kanyang mga mata, hindi na mangyayari ang paulit-ulit niyang hiling. What she can do for her deceased parents is to take revenge for them.Patingkayad na nilakad ng dalaga ang patungo sa backdoor. Alam pa niya ang pasikot-sikot doon.“Siguraduhin ninyong sarado ang mga bintana at pinto...”Mabilis siyang nagkubli sa gilid ng nagtataasang mga halaman nang makita ang tatlong katulong.“Marami ngayong mga akyat-bahay gang. Baka naman kung kailan sila babalik ay saka pa tayo pasukin ng magnanakaw.” Tinig mula sa isa pang katulong na hindi kilala ni Jenny.Magandang pagkakataon na iyon para kay Jenny. It will not take her effort in vain.“Sabihan ninyo ang mga guwardiya na mag-ronda sa buong paligid. Baka natutulog na naman ang mga ‘yun.” Utos ng isa na mukhang nakakataas ang katungkulan.Hindi kilala ni Jenny ang nag-uutos, pero sigurado na iyon ang mayordoma.“Darn!” mahinang mura ng dalaga nang may marinig siyang tunog ng pag-lock ng pinto na malapit mula sa kanyang kinatatayuan. She find another way to get in, pero naunahan na siya ng mga katulong.“Haist! Akala ko pa naman sinuwerte na ako. But this won't stop me. I will make sure na sa susunod kong pagbabalik, makukuha ko na ang mga bagay na para sa akin.” Kausap ni Jenny sa kaniyang sarili.Nang makaalis si Jenny sa lugar, naisip niya na dumaan muna sa isang bar. She need some liquor to lessen her sadness and longing for her parents.“SINO ba 'yang babaing tinitingnan mo?” tanong ni Dexter kay Yazed.Napatingin muna si Yazed sa nagtanong na kaibigan bago nagkibit-balikat.“Hindi mo pala kilala, pero kung makatitig ka parang gusto mo nang gawing pulutan.” buska ni Dexter dito. Kanina pa niya napapansin ang pagsulyap ng kaibigan sa kinaruunan ng isang babae na nag-iisa lang sa kabilang table.Natawa siya sa kumento ni Dexter. “At anong akala mo sa akin, lasenggo?”“Sort of.” Maikling tugon ni Dexter dito.“Gago,” sabay mahinang palipad niya ng palad sa batok ng tumatawang si Dexter. “Sumama ka lang ba para inisin ako? Hindi ka na talaga nagbago?”“Hey, abogado ako. Show me some respect.” Reklamo ni Dexter pero nakangiti sa kaibigan.“And I'm your client. I am the one paying you.” Paalala niya kay Dexter.Sabay na nagkatawanan ang dalawa na sinundan ng pag-angat ng hawak nilang kopita. Minsan ay asal kalye sila kung mag-usap at hindi inaalala ang propisyon nila sa buhay.“Cheers!”Muling natuon ang tingin ni Yazed sa kinaroroonan ng babae. Halata na marami na itong nainom na alak. Ewan ba niya pero may kakaibang halina ang babaeng nakaagaw ng kaniyang pansin. Hindi lang naman siya ang nakakapansin dito at halatang inosinte ang huli sa mga kakaibang tingin ng kalalakihang naroon.“Mukhang malaki ang problema,” pagpuna ni Dexter. “Lapitan mo na.”“Why should I?”“Kunwari ka pa. Halata namang type mo.” Nakangising pambubuko ni Dexter sa kaibigan.“Stop teasing me.” Sumeryuso bigla si Yazed.“Ikaw rin. Baka maunahan ka pa ng iba.” Pabirong pananakot ni Dexter sa kaibigan.“Hindi tayo pumunta rito para lang maghanap ng aliw.”Pumalatak si Dexter at hindi na nagsalita pa. Tahimik na sinimsim ang laman ng baso habang inuobserbahan ang kaibigang tahimik din umiinum.Ilang minuto pa ang lumipas at muling naagaw ng babae ang atensyon ni Yazed. Napatingin silang dalawa sa direksyon ng babae nang lumikha ito ng komosyon dahil sa paglapit dito ng ilang kalalakihan.Pinagmasdan mabuti ni Yazed ang reaction ng babae na nakaagaw ng kaniyang atensyon. Nangunot ang kaniyang noo nang manulis ang nguso ng babae at nakasimangot habang nakatingala sa lalaking nakatayo sa harapan nito. Hindi niya nagustohan ang inasta nito dahil nagmukha itong kaakit-akit lalo sa mga mata ng lalaking mapagsamantala. Biglang may pumasok na alaala sa kaniyang balintataw na nagpalakas ng pagnanais na ilayo ito sa kapahamakan."Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Dexter sa kaibigan nang bigla itong tumayo.Parang walang narinig si Yazed at diritso ang lakad papunta sa kinaroonan ng babae. Hindi niya nagustohan ang paghawak ng lalaki sa braso ng babae na gustong itayo kaya mabilis niyang sinita."Pare, huwag mong pilitin ang ayaw sumama sa iyo." Pasigaw na wika ni Yazed upang malinaw na marinig ng lalaki dahil malakas ang music sa paligid.“Huwag kang makialam dito!” Bulyaw ng lalaki kay Yazed at halatang lango na rin ito sa alak.“Pinipilit ninyo ang taong ayaw namang sumama sa inyo kaya dapat lang ako makialam!” mahamig na rin sa tinig ni Yazed ang galit.“Bakit? Magkakilala ba kayo?” nang-uuyam na tanong na hambog na lalaki kay Yazed.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jenny sa dalawang lalaking nagtatalo. Kaya naman niyang itumba ang lalaking mapangahas na iuwi siya pero may kasama itong isa pa kaya medyo dihado siya dahil babae pa rin siya. Napatitig siya sa lalaking nagpapaka-bayani. Guwapo ito at mukhang hindi sanay sa basagan ng mukha unlike sa dalawang lalaki na halatang naglalaway sa kaniyang katawan.“Hindi, bakit, kayo ba ay magkakilala?” balik-tanong ni Yazed sa lalaki.“Nauna kami sa kanya kaya maghanap ka ng ibang paparausan mo!” maangas na sagot ng lalaki at kasamang pananakot ang mga titig na ipinukol kay Yazed.Nag-init naman ang tainga ni Jenny sa huling tinuran ng bastos na lalaki. Kahit na nakainom siya ay maayos pa rin naman ang kaniyang pag-iisp.“Ahh!”Ang balak na pagtabig ni Yazed sa kamay ng lalaki nang tangka nitong hawakan ang babae ay naudlot dahil napahiyaw ito sa sakit. Manghang napabaling ang tingin niya sa babae dahil nagawa nitong saktan ang lalaking sanggano. Hindi napaghandaan ng lalaki ang sipa mula dito kaya napurohan ito. Para na itong tigreng nakatayo na ngayon sa harapan nila.“Anong sinabi mo?” galit na tanong ni Jenny sa lalaki. “Parausan? Geezz! Nagkamali ka ng babaeng sinabihan niyan!”Muling napaliyad sa sakit ang lalaki matapos tuhurin ni Jenny ang maselang bahagi ng katawan nito.“You, bitch! Matapang ka, ha?” Galit na minura ng isa pang lalaki ang dalaga at nilapitan ito.Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng dalaga para makaganti ang dalawa. She gave them what they deserved. Mabilis niyang sinipa sa tuhod ang isa kasabay ng pagtama ng kamao sa mukha ng lalaking tinuhod kanina.Humahangang nakamasid lang si Yazed sa dalaga. He have never seen such a woman na may lakas pa kahit lasing na.“Kakaibang babae,” bulong ni Dexter sa nakatulalang kaibigan. “I guess, she's kind of your type.”“Yeah. Tama ka.” Wala sa sariling sagot ni Yazed pero bigla ring binawi nang mahimasmasan. “What?! I mean, no! Ayoko sa babae na parang isang barako.”Natawa si Dexter sa naging reaction ng kaibigan. “Kunwari ka pa, nauutal ka nga.” Patuloy niyang tukso dito.Hindi na nakasagot pa si Yazed nang mapayakap sa kanya ang babae dahil sa pagkakatulak dito ng isa sa mga kalaban. Nagkatitigan ang dalawa sa posisyong halos wala nang pagitan sa kanilang mga katawan. Sa pagkakapako ng mga mata nila ay may nasilip sila roon na tila isang pamilyar na kislap na hindi nila maipaliwanag."Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan
Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang