Share

Chapter 7

Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola.

Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay.

Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV.

"Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya.

Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko.

"Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya.

Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon?

Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya.

Una, mainitin ang ulo niya.

Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakiramdam ko kasi tine-test niya ako kung may gusto sa kaniya sa paraan na ipinapakita niya ang katawan niya.

Pangatlo, palamura siya. I heard, btch, whores, fck, ay jusko.

Pang-apat iyong mga mata niya, napakamapanuri. Pakiramdam ko ay sa tuwing titingnan niya ako nababasa niya ang nasa isip ko. Kailangan handa ako sa tuwing may itatanong siya sa akin.

At pang-lima...

'Yong authority. Pag nagsasalita siya ay mapapasunod ka na lang talaga.

Sabi ni dad mabait ito, mabuting tao lahat ng magagandang salita bago ako umalis ay sinabi niya sa akin. Hindi raw ako magsisisi na ito ang mapapangasawa ko. Pero ngayon pa lang, ang daming dahilan para ma-turn off ako sa kaniya.

Kaso, hindi ito ang maaari kong idahilan para hindi matuloy ang pagkikita namin at ang inaasam na kasal ni dad.

Masyadong mababaw ang mga dahilan na ito.

"Kung gusto mo, Tali, kumain ka na."

Napalingon ako kay manang nang magsalita ulit siya. Nasa kandungan ko ang throw pillow at hinihimas iyon. Napasandal ako at niyakpa ko ang unan.

"Eh, mukhang hindi po ako puwedeng kumain nang hindi pa rin nakakakain si sir," sagot ko.

Pero nagugutom na talaga ako.

"Baka magalit," dugtong ko.

"Hindi, hindi naman ganoon si sir, Tali. Ang totoo ay walang problema sa kaniya kung mauunang kumain ang mga katulong niya. Sabi niya noon sa akin ay kung nagugutom man kami, kumain na kami at huwag na siyang hintayin. Hindi kasi tama sa oras ang pagkain ni sir, minsan sa sobrang dami ng trabaho ay nakakalimutan na niya ang pagkain."

Umayos ako ng upo nang marinig ang sinabi ni Manang Selya. Ibinaba ko ang throw pillow na hawak ko at tumingin sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin, kinuha niya ang remote ng TV at pinatay na iyon.

"Talaga po? a-akala ko kaya hindi po kayo sumasabay ay bawal," sagot ko.

Umiling si Manang Selya at tumayo. Napatayo na rin ako at nang magsimula siyang maglakad papunta sa kusina ay sinundan ko siya.

Pero nakuha ang atensyon ko sa sinabi niyang sa sobrang dami ng trabaho ay nakakalimutan ni Rozzean kumain. Nabanggit nga ni dad na hardworking person si Rozzean. Sinabi ni dad sa akin na seryoso ito sa trabaho at kapag nasa kumpanya ay hindi ito tumatayo sa upuan hangga't hindi natatapos ang ginagawa nito.

"Hindi. Ayoko lang talaga dahil nais kong mas mauna si Rozzean. Alam naman niya iyon."

Kumuha si manang ng pinggan at naglagay doon ng kanin. Sumandok rin siya ng ulam at pagkatapos ay ibinaba ang pinggan sa lamesa. Sumunod niyang kinuha ay baso. Lumapit siya sa ref at kumuha ng fresh juice pagkatapos ay nagsalin sa baso.

Nang mailagay niya sa lamesa iyon ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Kain na, alam kong nagugutom ka na dahil kanina ko pa napapansin na tumitingin ka sa kusina. Nakumpirma ko lang nang tanungin mo ako kung hindi pa ako kakain."

Nakakahiya... observant rin pala itong si manang.

Naupo ako at ngumiti sa kaniya. Ang bait nitong si manang, kapag pinalayas ito ni Rozzean ay kukuhanin ko siyang katulong sa bahay ko talaga. Her vibe gives me a grandmother vibe. Iyong pag-aasikaso rin niya sa akin kanina.

"Salamat ng marami, manang, ang bait ninyo po."

Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain. Kinilig ako sa sarap ng tinola. Syempre ako ang nagluto. Nakatingin lang sa akin si manang hanggang sa maubos ko ang pagkain.

"Napakasaya mo naman kumain, nakakatuwa ka tuloy panoorin."

Napakamot ako sa aking batok nang marinig ang sinabi ni manang. Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian, gutom kaya't talagang natuwa ako. Isa pa ay gusto ko rin talaga ang tinola. Sino ba ang may ayaw sa tinola?

Tumayo ako at pumunta sa sink. Nagsimulang hugasan ang mga pinagkainan. Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si manang at pinanood ako. Nakatingin siya sa mga kamay ko habang naghuhugas.

"Pero, Tali, napansin ko lang. Ang gaganda ng mga daliri mo. Ang hahaba, nasabi mo na sanay na sanay ka sa pangangatulong, hindi ba? paano mo naalagaan ng ganito ang mga kamay mo?"

Napangiwi ako. Nang makatapos kong hugasan ang pinagkainan ay inilagay ko ang mga ito sa lalagyanan at pinunasan ang mga kamay ko.

"A-Ah... hindi ko nga rin po alam, manang, normal po ata iyon?" sagot ko at sinundan ko ng pagtawa.

Bigla ko tuloy naitago sa likod ko ang aking mga kamay.

Kahit may sarili akong bahay at ako ang nag-aasikaso ng mga gawain ay hindi nga tumigas ang mga kamay ko. Hindi rin nagsusugat-sugat. Katulad ng sinabi ni manang, mahahaba ang mga daliri ko. Hindi naman ako palalagay ng nail polish at hindi rin ako nagpapahaba ng kuko dahil nang minsan ginawa ko ay natusok ko ang mga anak ko.

Simula non ay hindi na ako nagpapaayos ng mga kuko.

"Ang ganda ng mga daliri mo, saka mapuputi rin. Kaya ka siguro balot na balot ay iniingatan mo ang kulay mo?" tanong ni manang ng nakangiti.

Sa loob-loob ko ay napapangiwi na ako ng ilang beses. Observant nga itong si manang, kailangan ko rin pa lang mag-ingat sa kaniya. Pero, napansin ko lang, itong si manang ay sincere naman ang mga tanong. Hindi iyong parang nagdududa siya sa katauhan ko dahil sa mga napapansin niya.

"A-Ah, naku, maputi nga po ang angkan namin, manang. Kahit na mahirap ang pamilya namin ay napagkakamalan ako noong mayaman dahil s-sa kutis ko, saka opo, kaya rin po ako nagsusuot ng mahahabang damit ay dahil iniingatan ko ang aking balat," tugon ko sa kaniya.

Tumango si manang sa akin.

"Oh, siya, hali ka na magsarado na tayo ng mga pinto at bintana at i-check natin ang mga saksakan dito sa bahay," sabi ni manang.

Tumalima agad ako nang maglakad siya. Nang umakyat kami sa third floor kumanan kami, pero nilingon ko ang silid ni Rozzean. Apat na oras na ang nakakalipas at hindi pa rin siya bumababa. Mag-aalas nuwebe na.

"Ang unang palaging pinupuntahan ko upang i-check ang mga saksak ay sa third floor, sa roof top. Madalas si sir pumunta dito kapag nais niyang uminom."

Binuksan ni manang ang isang pinto, malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang roof top na sinasabi ni manang.

Sht. Ang daming halaman! m-may mga bulaklak rin.

Napalakad ako at lumapit sa mga halaman na naroon.

"Open area, pero kapag nagbabadya ang ulan ay maaaring isara ang lugar na ito," sabi ni manang at kinuha niya ang remote sa gilid. May pinindot siya doon at bigla na lang may steel like window na lumabas sa mismong gilid. Umakyat iyon hanggang kumonekta sa bubong.

Ang hightech! puwedeng maging close area! grabe, bilyonaryo nga itong si Rozzean.

"Grabe itong bahay ni sir, manang," sabi ko at lumapit sa kaniya.

Chinecheck niya ang mga saksakan. Tumulong na rin ako. Ang linis din dito, pati ang sofa, o unan, pinalandas ko ang daliri ko sa lamesa na naroon pati sa ibang mga nakikita ko at walang alikabok na sumama sa daliri ko.

"Namangha ka ba? marami pang lugar dito sa bahay na tiyak mamamangha ka," tugon sa akin ni manang.

Mukha nga, kasi kami kahit mayaman kami at malaki ang aming bahay ay wala kaming ganito kagandang rooftop. Naku, sabi ni Rozzean bawal ako sa garden, siya lang daw ang maaari doon. Ngayon alam ko na kung saan ako madalas mamamalagi!

Hello mga flowers, grabe, iyong mga halaman niya dito kay mamahal!

May juliet rose pa siya! ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko dahil sa tuwa. Ang gaganda ng mga halaman dito.

Hindi ko napansin na matagal na akong nakatingin sa mga halaman habang nakangiti.

"Mukhang mahilig ka sa mga halaman, Tali? hindi na nawala ang tingin mo sa mga iyan."

Napatikhim ako, nahihiyang lumapit kay manang.

"K-Konti lang manang, hehe, sa ibang mga bahay rin kasi na pinasukan ko ay may mga halaman. Magaganda sila, saka... nakakatulong kapag malungkot. Tingnan mo lang sila ay gagaan na ang pakiramdam mo," sagot ko.

Naglakad si manang at sumunod ako sa kaniya. Habang paalis ng rooftop ay nakangiti at kumakaway ako sa mga halaman para magpaalam.

"Tama ka. Kaya marami talaga dito niyan, kasi mahilig sa halaman si sir. Iyan rin ang tingin kong dahilan niya kaya marami siyang halaman."

Nawala ang mga ngiti ko at napatingin ako sa likod ni manang nang sabihin niya iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status