Share

Chapter 8

Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor.

"Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito.

Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito.

Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya?

"Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?"

Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigurado ko munang sarado ang pinto ng silid ko.

"Haaay, napakainit," sambit ko habang inaalis ang main uniform. Sa ilalim kasi ng polo shirt ay naka black long sleeve pa ako.

Mag-quick shower lang ako. Nakakapagod ang araw na ito sa totoo lang. Masyado ang akting ko, ngunit kailangan ko pang galingan dahil napaka-observant ni Manang Selya. Hindi nga ako mabubuking ni Rozzean pero baka si manang naman ang makaalam ng sikreto ko.

"Hmm... hmmm..."

Tinanggal ko sandali ang fake bangs ko at naghilamos. Napatingin ako sa mga fake freckles ko. Ang ginamit ko rito ay water proof brown ultra defining eyebrow pencil. Effective naman. Kinuskos ko at hindi talaga siya agad natatanggal.

Nang maalis ko na ang lahat ng saplot sa katawan ko ay tumapat na ako sa ilalim ng shower. Napatili ako ng mahina nang maramdaman ang lamig ng tubig.

"Shet! ang lamig!"

Ginamit ko agad ang heater. Mahina ang katawan ko sa lamig.

"Ano kaya ang mangyayari bukas? sabi ni manang ay tuturuan niya ako sa paglilinis ng pool. Na-excite akong bigla, ibig sabihin makikita ko na ang pool dito. Kaso, nasaan kaya iyon? hindi ko naman nakita iyong pool kanina kahit medyo nakapunta na ako sa ibang parte ng bahay."

Kumuha ako ng shampoo at inilagay sa aking buhok. Nang makatapos akong maligo ay humarap akong muli sa salamin habang walang saplot. Humalukipkip ako.

"Kahit matakaw ka, Tangi, mabuti na lang at hindi ka nagkakabilbil at hindi nababago ang shape ng katawan mo--

Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ng tunog.

May nag-ri-ring?

Isinuot ko ang fake bangs ko at binasa iyon ng kaunti. Pagkalabas ko ng silid ay hinanap ko ang nagri-ring. Isang device iyon na nasa loob ng drawer. Cellphone?! bakit may cellphone dito?!

Ang nakalagay sa screen ay master's bedroom. Napakunot ang noo ko. Sinagot ko iyon at itinapat sa tainga ko.

Napakunot ang noo ko nang wala akong marinig.

"Hello?"

Wala pa rin sumasagot.

"Hello?"

Wala pa rin sumasagot! nang ibababa ko na ang tawag ay saka ako may narinig.

"W-Water..."

Mahina pero rinig na rinig ko ang garalgal na boses ni Rozzean. Nanlaki ang mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba! nagkasakit siya!

Iyong paghimas niya ng lalamunan, pag-clear ng throat niya at ang pag-ubo niya. Maaari rin na kaya siya maagang umuwi ngayong araw ay dahil masama ang pakiramdam niya.

"S-Sir Rozzean?"

"I n-need water, bring water in my room."

"Okay, sir! sandali!"

Ibinaba ko na agad ang tawag at inilagay sa ibabaw ng kama ang cellphone. Sa sobrang pagmamadali ko ay baliktad ata ang suot kong green long sleeve. Iyong pajama ko naman ay kung ano na lang ang nadampot ko sa loob ng bag. Hindi pa kasi ako nakakapag-ayos ng mga damit sa drawer.

Nang masiguro ko na okay na ang itsura ko sa salamin ay tinungo ko ang kusina. Dali-dali akong nag-prepare ng pagkain. Ininit ko sandali ng tinola. Kahit tubig lang ang sinabi niya, mainam na rin na madalhan siya ng pagkain para makakain siya at makainom ng gamot.

"Juice... juice, ay--"

Ibinalik ko ang juice sa ref. Mas okay kung maligamgam na tubig ang inumin niya. Hinanap ko rin ang lagayan ng mga gamot sa mga drawer at nang makita ay kumuha agad ako ng paracetamol. Inilagay ko sa tray ang mga pagkain pati ang gamot.

Nang masiguro na wala na akong ibang kailangan ay umakyat na ako sa third floor. Bwisit napakataas.

"Sir?" kumatok ako pero walang nagsasalita. Ibinaba ko ang tray at binuksan ang pinto. Hindi naman pala nakalock. Pumasok ako, binuhat ko ulit ang tray tapos ay muling isinara ang pinto. Napatingin ako sa aking kaliwan. Naroon ang pinaka-silid ni Rozzean.

Muli kong ibinaba ang tray, may kabigatan kasi. Naglakad ako at kumatok.

Hindi siya sumagot kaya't pinihit ko ang door knob. Sinilip ko siya, nakatalukbong ang boss.

Ang lamig pa dito sa kwarto niya! ano ba rito? Antarctica?!

"Sir, narito na po ako," sabi ko. Muling kinuha ang tray at itinulak ang pinto gamit ang aking paa.

Patingin-tingin ako kay Rozzean na nakataklob ng kumot. Ipinatong ko sa lamesa na nasa loob ng silid niya ang tray na hawak ko at ang una kong ginawa ay kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan iyon.

Giginawin siyang lalo. Napakalamig dito sa kwarto niya.

"Sir, nandito na po ang tubig, nagdala na rin ako ng pagkain mo para makakain ka. Nilalagnat ka, sir 'no?"

Hindi siya nagsalita.

"Napansin ko iyan kanina, ilang beses mong hinilot iyong sikmura mo, ilang beses ka rin tumikhim tapos naubo ka pa, bakit hindi mo sinabi sir na masama ang pakiramdam mo? edi, sana, nakainom ka agad ng gamot para hindi luma...la."

Napaatras ako nang ibaba niya ang kumot. Kita na ngayon ang ulo niya. Napalunok ako sa tingin na ibinigay niya sa akin.

He's really sick. It's written all over his face. Pero, shet. He still look good.

"S-sir?" tanong ko.

Ipinikit niya sandali ang kaniyang mga mata. Mukha siyang nahihirapan talaga.

His face is pale, he looks so tired and he has droopy eyelids. Mukha siyang kawawa!

"Water."

Diretso na ang salita niya pero minamalat siya.

Kaagad akong tumalima, kinuha ko ang tubig at nang maalala ang pagkain ay lumapit ako sa kaniya.

"Sir, may sakit po kayo, kailangan ninyo na kumain. Mainit pa po itong tinola, makakahigop kayo ng sabaw. May gamot rin dito," sabi ko.

"Sana sir sinabi ninyo po na masama ang pakiramdam ninyo, naagapan pa sana," dagdag ko.

Iniabot niya sa akin ang tubig. Nang bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama ay nakita kong wala na naman siyang saplot pang-itaas. Maryosep! giginawin talaga siya ng malala.

"Sir, dapat ay nagdamit kayo. Kaya po kayo giniginaw. Malakas na po ang aircon dito pagpasok ko tapos wala pa po kayong pang-itaas. Nasaan po ba ang drawer ninyo?" tanong ko.

Tinitigan na naman niya ako.

"Sir, nasaan po ang drawer ninyo? kailangan ninyong magdamit. Gusto po ninyong mamatay? hindi ninyo naman po siguro gusto magka-hypothermia?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Noraisah Bangon
ganda ng isturya... pa unlock nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status