Share

The Billioniare's Rented Wife
The Billioniare's Rented Wife
Author: Rhenkakoi

Ang Pagbubukas

“Pwede ka ng ma-discharge bukas, Aimee. Pag magaling ka na totally, pwede ka na ulit maglaro with your friends.”

“Talaga po? Pero baka pagtawanan nila ako kasi kalbo na ako.” malungkot na sambit ng limang taong gulang na batang babae na ngiting ikinahawak ni Summer sa dalawang kamay ng bata.

“Walang kaibigan ang pagtatawanan ang kalagayan ng kapwa nila kaibigan, and I’m sure your friends don’t mind even you don’t have a hair.”sambit na paliwanag ni Summer na ikinaupo ng ina ng batang babae sa tabi nito.

“Tsaka anak, tutubo naman agad ang buhok mo kaya hindi mo kailangang mag-alala.”

“Your mom was right, Aimee. Sandali lang ‘yan and you’ll never notice may buhok ka na ulit.”ngiting ani ni Summer na ikinangiti na ng batang babae sa kaniya.

“Thank you, Doktora Summer. Masaya po akong kayo ang naging doktor ko.”sambit ng bata na matamis na ikinangiti ni Summer.

“Salamat ng marami Doctora, kung hindi dahil sa inyo baka hindi ko na kasama ang anak ko. I will be very grateful to you for supporting my son.”pasasalamat ng ina ng batang babae kay Summer.

“You're welcome, Mrs. Fernandez. Besides, Aimee did a good job in fighting her life while we’re operating her.”saad ni Summer na ikinangiti ng ina ng bata.

“Doctora Cuevas?”

Sabay na napalingon si Summer at ang mag-ina sa isang nurse na nakatayo sa pintuan ng kwarto ng pasyente niya nang tawagin siya nito.

“Yes?”ani ni Summer sa nurse na tinawag siya.

“Doctora Cuevas, Mr. Imperial was calling you at his office, I mean your husband.”pagbibigay alam ng nurse sa kaniya na ikinabuntong hininga ni Summer bago nilingon ang mag-ina.

“I have to go Mrs. Fernandez.”sambit ni Summer na ngiting ikinatango ng ina ng kaniyang pasyente bago matamisna ngumiti sa batang babae.

“I will see you off tomorrow, Aimee.”ani niya sa bata na ngiting ikinatango nito bago bahagyang yumuko sa ina ng batang babae bago naglakad na palabas ng kwarto nito.

Nawala bigla ang ngiti ni Summer dahil sa biglaang pagpapatawag na naman ng kaniyang asawa sa kaniya na may-ari lamang naman ng Ospital na pinagtatrabahuan niya. Naglalakad lang si Summer sa hallway papunta sa opisina ng kaniyang asawa at hindi pinapansin ang mga tingin ng mga ibang doktor at nurse ng Ospital na hindi nalang binigyang pansin ni Summer.

Nang makarating si Summer sa tapat ng pintuan ng opisina ng kaniyang asawa ay huminga siya nang malalim bago hinawakan ang seradura ng pintuan at binuksan na iyon, pagkapasok niya sa loob ay tumambad sa mga mata niya ang gwapo niyang asawa na nakatutuok sa computer nito, nakasuot ng reading glass at nakataas ang dalawang manggas ng polo shirt nito. Deretsong naglakad si Summer sa may lamesa ng kaniyang asawa na seryosong napalingon sa kaniya.

That face again, kailan ba ako masasanay na ganiyan talaga ang ekpresyon ng mukha niya? Sambit ni Summer sa kaniyang isipan hanggang sa tumigil siya sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa na kaniyang boss din.

“Pinatawag mo daw ako?”kaswal na tanong ni Summer dito na ikinaalis ng asawa niya sa salamin na suot nito at seryosong nakatingin sa kaniya.

“Do you know what day it is today?” seryosong tanong nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Summer dito.

“Martes? Pinatawag mo lang ba ako sa opisina mo just to ask me what day today?”tanong ni Summer na poker face na ikinatitig nito sa kaniya.

“Stupid! Did you fvcking forget that today was the parents meeting in Thunder’s school?”saad nito na hindi na napansin ni Summer ang pagtawag nito sa kaniya ng stupid dahil sa pinaalala nito tungkol sa meeting na dapat niyang puntahan.

“Oh sh*t! Nawala sa isipan ko na ngayon ang araw ng meeting.”

“My son didn’t  hire you as my fvcking wife just to forget that you need to do your job regarding my son’s needs. So get your fvcking ass off here and attend the sh*ty meeting.”pagsusungit na singhal nito sa kaniya na bahagyang ikinasimangot ni Summer.

“Hindi mo kailangang mag-mura diyan, tsaka hindi ko nakakalimutan hired wife ako for three months para tumayong nanay sa anak mo kasi wala kang time sa kaniya. Aalis na po.”saad ni Summer na ikinaingos lang nito na naiiling na ikinatalikod na ni Summer dito at nagsimula ng maglakad palabas sa opisina nito habang kinuha niya ang cellphone niya upang tawagan ang teacher ng anak ng boss niya.

Hindi mapigilan ni Summer ang mainis, wala siya sa kalagayan niya ngayon na pagpapanggap na asawa ng boss niya kung hindi dahil sa kaibigan niya. Hindi niya inakala na ang pagmamalasakit niya sa kaniyang kaibigan ay magdadala sa isang sitwasyon kung saan kailangang niyang magpanggap na asawa ng boss niya at ina ng anak nito sa loob ng tatlong buwan. At hindi alam ni Summer kung hanggang saan niya mapagtitiyagaan ang kasungitan ng kaniyang costumer na pinaglihi sa sama ng loob.

Pakiramdam ni Summer ang pagiging maalalahanin at pagiging mabait na kaibigan niya ang nagdala sa kaniya sa sitwasyon na mas mabigat pa sa trabaho niya bilang isang doktor. Ang gusto lang ni Summer ngayon ay matapos na ang kontrata at maging normal na ulit ang buhay niya.

“Hi Good day, Teacher Janelle, this is Summer Cuev- Imperial. I’m on my way to attend the meeting, sorry if I'm a few minutes late.”saad ni Summer nang sagutin na ng teacher ng anak ng boss niya ang tawag niya.

Pagkalabas ni Summer sa Ospital ay natigilan siya ng makita niya ang secretary ng boss niya na nag-aabang sa kaniya sa tabi ng BMW na kotse na pagmamay-ari ng kaniyang boss.

“Mr. Imperial give me the order to drop you by in Thunder’s school.”pagbibigay alam nito na ikinalingon ni Summer sa kabuuan ng ospital.

“Akala ko wala siyang puso, meron pala kahit 10% lang.”sambit niya sa kaniyang sarili bago agad na sumakaya sa kotse na maghahatid sa kaniya upang gawin niya na ang kaniyang trabaho bilang ina ng anak ng kaniyang masungit na boss.

Buong buhay ni Summer, hindi niya inakala na magiging instant nanay at asawa siya ng isang masungit na bilyonaryo na sa kasamaang palad ay boss niya pa sa ospital na pinagtatrabahuan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status