Share

Chapter 04

DALAWANG araw na ang nakalipas simula ng ipasa ni Emma ang resume ni Summer sa isang website na Wife Corporation na nakita nito sa social media, at sa dalawang araw na lumipas ay wala pang nare-received na email si Summer mula sa naturang website. Sa dalawang na ‘yun ay good mood siya dahil malakas ang paniniwala ni Summer na hindi mapipili nang kahit sinong costumer ng Wife Corporation ang profile niya.

Pumasok si Summer sa Imperial Hospital na maganda ang mood, pagkadating niya sa loob ng ospital ay masigla niyang binabati ang mga staff ng may ngiti sa labi. Naniniwala si Summer na magiging maayos at masaya ang mga susunod na araw niya dahil hindi siya mapipili bilang rent wife ng kahit sinong lalaki, though alam niyang kailangan ni Emma ng pera para sa pagpapagamot sa ama nito.

Summer was willing to give money to her friend for the needs in her friend’s father, naging malapit naman siya sa pamilya ni Emma kaya walang problema sa kaniya kung pahiramin niya ng pera ang kaibigan. She’s single at wala masyadong pinag-gagastusan, malaki na rin naman ang naipon niya sa  bank account niya at hindi mahirap pahiramin si Emma dahil nagbabayad naman ito, hind ilang agaran at nauunawaan ni Summer ang sitwasyon ng kaniyang kaibigan.

Pagkarating ni Summer sa kaniyang opisina ay inilapag na niya ang kaniyang handbag sa mesa niya, nagpunta siya sa banyo ng opisina niya at naghugas ng mga kamay. Pagkalabas niya ng banyo ay isinuot na niya ang kaniyang doctor’s robe at may malawak na ngiting kinuha ang clipboards na nasa mesa niya kung saan naroon ang daily monitoring ng kaniyang mga pasyente.

Lumabas na si Summer sa opisina niya upang dalawin ang mga pasyente niyang mga bata sa PICU (Pediatric Intensive Care Unit), agad na sumakay si Summer sa elevator ng may makasabay siyang isang neuro doctor na masasabi niyang kasing edad niya.

“Good morning, Doc Cuevas. I can see that you are in a good mood.” ngiting kumento nito sa kaniya na ikinangiti niya dito.

Ang kasama niyang Neuro Surgeon ay masasabi niyang gwapo dahil madami ding nurse ang nagkaka gusto dito, mabait at magaling na doctor. Isang taon ng matanggap siya sa Imperial Hospital as Pediatric Doctor ay nasa Imperial Hospital na ito, kaya matuturing niyang senior doctor ito.

“Masyado bang halata ang pagiging good mood ko Doc. Chavez? Maganda lang siguro ang gising ko.”sagot ni Summer dito.

“That’s good, having a good mood in the morning makes our job excellent. Besides, mas nagiging maganda ka pag lagi kang naka ngiti, Doc. Cuevas.”kumentong pahayag nito na bahagyang ikinatawa ni Summer.

“Hindi ko inakala na marunong ka palang mambola, Doc. Chavez. But, thank you dahil napansin mo ang ganda ako.”ani ni Summer na sabay nilang ikinatawa ng binatang doctor sa loob ng elevator ng mag bukas na ito at sabay pa silang lumabas na sabay din nilang ikinatagil at ikinaharap sa isa’t-isa.

“May pasyente ka ba dito sa third floor, Doc. Chavez?” tanong ni Summer dito.

“Yeah, he’s a teenager boy whom I operated for having a tumor in his brain. I’ll check him up dahil ngayon na din ang labas niya sa ospital.”sagot nito na sabay na nilang ikinalakad na dalawa dahil iisang hallway lang ang lalakaran nila.

“May nadugtong na naman na buhay dahil sa mahusay na pag-oopera ni Doc Chavez, no wonder kung bakit isa ka sa nuero surgeon na nabibigyan ng recognition.”ngiting ani ni Summer dito.

“Don’t praise me like that, I’m just doing my job as you do yours.”

“I’m doing my job not because it’s my duty, but because I love kids and I don’t want them to suffer, or sad in their illness.” sagot ni Summer na ngiting ikinatapik ng binatang doctor sa balikat niya.

“Isa ‘yan sa dahilan kung bakit hinahangaan kita.”

“Hey! Don’t tell me Doctor Ivan Chavez that you already fall for me?” birong saad ni Summer na ngiting ikinalingon nito sa kaniya.

“The Director/CEO Imperial invited all nurses, doctors and staff in the conference hall at the fourth floor, mukhang ipapakilala na niya ang kaniyang apo na bagong magiging Director natin. See you there.” ngiting pahayag nito sa kaniya bago ito nag-iba na ng direksyon pa kaliwang hallway na ikinatigil ni Summer sa paglalakad niya at hinabol ng tingin si Ian na dere-deretsong naglalakad.

“Hindi man lang niya tinanggi?”sambit ni Summer na natawa sa  pagkakatayo niya at nagpamulsa sa bulsa ng uniform niya at nagsimula na muling maglakad.

“Bakit naman niya itatanggi ang wala naman, besides, alam naman niyang nagbibiro ako.” ngiting ani ni Summer habang naglalakad na siya papunta sa PICU

“Ngayon na pala ang pagpapalit ng Director ng Imperial Hospital, kasing bait kaya ni Director Imperial ang anak niya? Ito ang unang beses na makikita namin ang nag-iisang anak ni Director, madaming curious sa itsura niya.”pahayag ni Summer nang makarating na siya sa PICU at deretsong pumasok doon upang kamustahin ang mga batang naka confine doon kasama ang mga magulang ng mga ito na bumati sa kaniya.

Nagsimula ng i-monitor ni Summer ang anim na bata na natitira sa PICU, ang anim na batang ito ay kailangan pang i-monitor dahil rare ang mga sakit na meron ang mga ito. Natutuwa si Summer sa mga kinukwento sa kaniya ng mga bata ng marinig niyang tumunog ang cellphone niyang nasa kanang bulsa ng lab coat niya na agad niyang kinuha para tingnan.

Nang may makita si Summer na isang notification ay agad niya iyong binuksan at tiningnan nang mabitawan niya sa gulat ang clip board niya na ikinapagtaka ng mga magulang at anim na bata sa kaniya habang malalaking mga matang tinititigan ni Summer ang kaniyang cellphone kung saan nababasa niya ang natanggap niyang notification.

“Doc. Cuevas, ayos lang po kayo?”tanong ng isang magulang kay Summer na tutok na tutok sa screen ng cellphone nito.

“Hi-hindi ito totoo,  this can’t be happening…”sambit ni Summer na parang bibigay ang tuhod niya dahil sa gulat at hindi makapaniwala sa nababasa ng kaniyang mga mata.

To Employee 0076

You are chosen to be a rented wife who will fulfill the duties of being a housewife to the costumer who picked you for the job. We will send to you the contract in binding with the costumer vice versa, and we will send the full address of your first costumer as a rented wife of Wife Corporation.

Congratulations, and do your job well done.

Ang magandang good na pinapakita ni Summer sa pagpasok niya sa Imperial Hospital ay biglang bumagsak dahil sa balitang matuturing niyang bangungot, ang mapili para maging rented wife ng kung sinong pumili sa kaniya.

SA OPISINA ni Director Imperial ay nakaupo lang sa visitors sofa si Vladimir at ang anak nitiong si Thunder habang hinihintay ang pagtawag sa kanila para sa paninimula ng pagpapakilala kay Vladimir bilang bagong director ng kanilang ospital.

Tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo si Vladimir habang nasa harapan ng laptop nito ang kaniyang anak, natigil lang si Vladimir sa ginagawa niya ng marinig niya ang pagtunog ng cp niya na ikinadampot niya sa center table at tingnan kung anong na received niya ng magsalubong ang kilay nito sa kaguluhan dahil sa notification sa email niya.

To our dear costumer.

Thank you for choosing one of our employee to be your rented wife here in Wife Corporation, we are glad to give you our service that you need that you will satisfied. We will send the contract in binding you to your chosen rented wife, and expect her to come to fulfill the duties she will do, we will also attached the do’s and don’ts, so you will avoid the penalty payment.

Congratulations, and enjoy our service.

“What the fvck?! What the hell is the meaning of this?” clueless na tanong ni Vladimir sa kaniyang sarili habang nakatutok siya sa notification na natanggap niya nang maka received na naman siya ng notification mula sa banko niya at nagdeduct ng 50 thousand pesos sa kaniyang account in paying the Wife Corporation that stated in the notification.

“Rented fvcking what? When did I fvcking rent a fvcking wife? And I paid 50 thousand pesos for that? What the hell?!”singhal na pahayag ni Vladimir na habang naguguluhang sa notifications na natanggap niya nang mapalingon siya sa kaniyang anak na pumalakpak sa kinauupuan nito na agad niyang ikinatayo at agad niyang sinilip ang laptop niya, kung saan nakita niya sa screen ang isang website na may nakalagay na Wife Corporation na ikinalaki ng mga mata ni Vladimir.

“Thunder? What have you done?!”bahagyang sigaw ni Vladimir sa kaniyang anak na lumingon sa kaniya at nakangiting tinuturo ang screen ng laptop niya.

“Daddy, I see mommy!”masayang sagot ni Thunder sa kaniya na hindi mapaniwalaan ni Vladimir ang ginawa ng kaniyang anak that costs him a 50 thousand pesos in his account.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status