Share

Chapter 02

Hindi alam ni Summer kung anong mararamdaman niya, habang umiiyak ang bata sa pagkakahawak ng isang nurse upang tulungan nitong mahanap ang magulang nito. Gusto man niyang siya ang sumama sa paghahanap sa mga magulang nito ay bigla naman siyang nagka emergency sa isang pasyente niya. Iyak ng iyak ang batang lalaki habang tinatawag siya nito na Mama at pilit siyang inaabot, naawa naman siya sa batang lalaki pero kailangan na siya sa trabaho niya.

“Ikaw na ang bahala sa kaniya nurse Jillian, make sure na mahanap mo ang mga magulang niya.”bilin ni Summer sa nurse na may hawak sa batang lalaking hindi matigil-tigil sa pag-iyak.

“Ako na pong bahala sa kaniya, Doctora Summer, I’m sure hinahanap narin ang batang ‘to ng magulang nito.”saad ng nurse na ikinabaling ng tingin ni Summer sa batang lalaking patuloy na inaabot siya.

“Mama…mama…”

“Sorry bata, hindi kasi ako ang mama mo. Ihahatid ka ni nurse Jillian sa mga magulang mo kaya huwag ka ng umiyak okay?”saad ni Summer bago muling binaling ang tingin niya sa nurse at tinapik ito sa balikat nito bago naglakad na paalis.

Naririnig ni Summer ang malakas na iyak ng batang lalaki na pinilit niyang hindi lingunin, hindi niya alam kung bakit siya tinatawag nito na mama pero naawa siya sa bata dahil sa tingin niya ay nangungulila ang batang lalaki sa isang ina.

Nang makarating si Summer sa ICU kung nasaan ang kaniyang pasyente ay inalis niya na sa isipan ng mukha ng batang lalaking umiiyak at nagpokus siya sa kaniyang trabaho. Naging maayos ang lahat sa surgery ni Summer at maayos na ang lagay ng bata na nag seizure dahil sa kalagayan nito, inilipat narin ito sa private room nito. Ilang oras din ang nagamit ni Summer sa surgery niya, nang makabalik na siya sa opisina niya ay isinabit niya sa rack ang kaniyang lab coat at umupo sa upuan niya upang magpahinga.

Agad siyang sumandal sa kinauupuan niya at pipikit palang siya nang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa niya na agad niya namang kinuha at makitang bestfriend niya ang tumatawag sa kaniya.

“Bakit naman biglang tumawag ang isang ‘to?”takang tanong ni Summer sa kaniyang sarili bago sinagot ang tawag ng kaniyang kaibigan.

“Hel---“

“Summer?!”

Ngiwing inilayo ni Summer ang kaniyang cellphone sa tenga niya dahil malakas na pagtawag ng kaibigan niya sa kaniyang pangalan. Naririnig niya pa ang patuloy na pagtawag nito sa kaniya kaya muli niyang ibinalik ang kaniyang cellphone sa tenga niya.

“…bakit hindi ka sumasagot? Magsalita  ka naman tag-init kong kaibig----“

“Paano naman kasi ako makakasagot sayo agad kung sigaw mo agad ang bubungad sa tenga ko, muntik ng lumabas ang ear drum ko sa sigaw mo, Emma.”reklamong sagot ni Summer sa kaniyang kaibigan.

“Magkita tayo ngayontag-init, as in now na!”

“Huh? Teka urgent ba ‘yan? Hindi pa kasi tapos ang shif---“

“Saglit lang naman eh! Kahit sa may malaking pantry ng ospital na pinagtatrabahuan mo tayo magkita, kailangan kitang makausap eh.”

Napakunot ang noo ni Summer dahil ramdam niya sa boses ng kaibigan niya na may problema ito.

“May problema ka ba Emma?”tanong niya dito na sandaling ikinatahimik nito.

“Summer, sorry talaga…”

“Ha? Bakit ka nagso-sorry diyan?”takang tanong ni Summer sa kaibigan dahil naguguluhan na siya dito.

“Malapit na ako sa Imperial Hospital, kita nalang tayo sa malaking pantry okay? Basta Summer, mahal kita at anuman ang mangyari bestfriend tayong dalawa.”

“Hindi kita maintindihan Emma, ano ba kasing sinas---hello? Emma?”

Naguguluhang ibinaba ni Summer ang kaniyang cellphone nang babaan na siya ng tawag ng kaniyang kaibigan. Hindi niya maintindihan kung anong gustong sabihin sa kaniya nito lalo na ang paghingi nito ng tawad sa kaniya, na sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang maalalang may ginawa itong mali sa kaniya.

“Anong problema ng babaeng ‘yun?”takang tanong ni Summer ikinatingin niya sa kaniyang wall clock bago tumayo sa pagkaka-upo niya, kinuha ang cp niya at ang lab coat niya at isinuot ‘yun bago lumabas na ng kaniyang opisina.

Tuloy-tuloy lang si Summer sa paglalakad niya sa hallway papuntang pantry, ngumingiti nalang siya sa mga nakakasalubong niyang mga nurse. Nang makarating siya sa pantry ay agad niyang inikot ang kaniyang tingin sa buong pantry upang hanapin ang kaibigan ng matigilan siya nang makita niya itong kumakaway sa kaniya kaya agad niya itong nilapitan.

Nang makalapit sa pwestong kinuha ng kaniyang kaibigan ay agad siyang umupo sa harapan nito habang nakatitig sa kaniya ang kaniyang kaibigan na parang may pagsisisi sa mga tingin nito.

“Alam mo Emma, ang creepy ng tinginan mo na ‘yan sa akin. Anong bang meron at talagang dinayo mo pa ako sa ospital? Pwede naman tayong magkita sa apartment ko after ng shift ko.”saad ni Summer dito nang bahagya siyang magulat ng hawakan nito ang dalawang kamay niyang nakapatong sa mesa.

“Summer, unang kita palang natin noon naging malapit na agad tayo sa isa’t-isa. Tinulungan kitang maghanap ng apartment mon a malapit-lapit sa ospital na ‘to diba?”

“Teka naguguluhan ako eh, ano bang gusto mong sabihin diyan Emma?”naguguluhang tanong ni Summer sa kaniyang kaibigan na huminga ng malalim bago matiim siyang binigyan ng tingin.

“Sasabihin ko muna ang rason ko okay? Si tatay ko kasi Summer, tumawag si nanay sa akin isang linggo na ang nakalipas at ibinalita na kailangang maoperahan si tatay sa lalong madaling panahon. 150k ng kailangan ni tatay sa operasyon.”saad ng kaniyang kaibigan sa kaniya.

“So, manghihiram ka ng pampa-opera ng tatay mo sa akin, ganun ba? Wala namang masama kung maghihiram ka sa akin Emma, ‘yun lang naman pal---“ hindi natuloy ni Summer ang sasabihin niya ng pumalahaw ng ngawa ang kaniyang kaibigan na ikinapagtinginan ng mga nasa pantry kaya agad na hinampas ni Summer ang braso ng kaibigan.

“Umayos ka nga diyan Emma! Nakakahiya ka, pinagtitinginan na tayo oh!”sita ni Summer sa kaibigan na tumigil naman sa pag-ngawa nito.

“Alam kong greatful ka na kaibigan mo ako pero hindi mo kailangang magdrama diyan, kailan mo na ba?”ani ni Summer

“Summer, huwag kang magagalit ah?”saad ng kaibigan niya na ikinasalubong ng kilay ni Summer dito.

“Alam mo naguguluhan na ako sayo, ano bang nangyayari?”clueless na tanong ni Summer na ikinatayo ng kaibigan niya sa kinauupuan nito at lumipat ng upuan sa tabi ni Summer at hinawakan ang kamay nito.

“Nasa isip ko talaga na manghiram sayo ng pera para kay tatay, kaya lang nahhiya ako kasi may utang pa ako sayo noong kinailangan ng kapatid ko ang tuition fee diba? Hindi pa ako masyadong nakakabayad sayo kaya hanggat maari ayokong maghiram ulit sayo, alam mo naman na hindi sapat ang kinikita ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko, diba? Kaya nga, Summer alam kong magagalit ka sa akin pero sa ating dalawa kasi mas maganda ka at maraming pwedeng makapansin sayo eh, hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yun pero nailista na kita.”saad ng kaibigan niya na mas lalong hindi naintindihan ni Summer ang sinasabi nito.

“T-teka, pakilinawan nga ang mga sinasabi mo. Bakit naman ako magagalit sayo at ano ‘yung sinasabi mong nilista mo ako? Saan?”

“K-kasi dahil nga ayokong madagdagan ang utang ko sayo, sinubukan kong pumasok sa nakita ko sa isang website na Wife Corporation. Ang gagawin mo lang ay magpapanggap kang asawa ng costumer na kukuha sayo tapos malaki ang kikitain mo. Kaya lang nung nakita kong wala pa ako sa kalingkingan ng mga nakapost sa website nila, i-ikaw ‘yung nilagay ko dun, picture mo ‘yung nilagay ko at na-nakuha ka nila.”paliwang ng kaibigan niya na kunot noong ikinatitig ni Summer sa dito dahil hindi pa nagsi-sink in ang mga sinabi nito sa kaniya.

“B-baka one of this day, I-send na nila ‘yung contract mo sa address mo. Sinubukan ko namang mag back out kaya lang denied na ‘yung pag cancel ko.”dagdag pa ni Emma.

“Ano?!” gulat na sambit ni Summer ng magsink na lahat ng sinabi ni Emma na ikinatayo niya sa pagkakaupo niya na ikinalingon ng mga nasa pantry at may pa awa effect naman sa ekspresyon ng kaniyang kaibigan.

“Sorry talaga, Summer!” sambit ng kaibigan niya na hindi makapaniwala si Summer na nakatitig sa kaibigan dahil sa ginawa nito.

SAMANTALA, mahimbing na natutulog ang batang lalaki sa couch sa loob ng malaking opisina sa pinaka dulong bahagi ng Ospital kung saan ito ang tanggapan ng Director ng Imperial Hospital.

Naaawang nakatingin ang Director ng Ospital na si Mr. Casimiro Imperial sa kaniyang apo nang makita ito ng kaniyang secretary na umiiyak habang may kasama itong nurse. Hindi niya mapatigil ang apo niya sap ag-iyak nito nang dalhin ito sa kaniya at bukam bibig nito ang pagtawag sa ina nito, baby palang ang kaniyang apo ng iwanan ito ng ina nito sa poder ng ama nito. Kaya nauunawaan niya kung gaano kasabik sa ina ang kaniyang apo.

“Secretary Herman.”

“Yes Director.”sagot na saad ng secretary ni Director Imperial habang nakatayo ito sa may tabi ng mesa nito.

“Nasaan na ba Vladimir?”baling na tanong nito sa kaniyang secretary.

“Pabalik palang po ang inyong apo galing Macau, sir. Kakatapos niya lang po makapag close deal sa isang malaking investors doon.”

“Napapabayaan na niya ang kaniyang anak, he should give time to his son most especially that this kid is longing for his mother na wala namang kwenta. Arrange blind dates for him, kailangan na ng apo ko ang isang ina na magbibigay ng oras sa kaniya.”pahayag niya na agad ikinatango ng secretary niya.

“Yes Director, I'll arrange that right away.”

“Find a suitable woman for my son, a woman who will love not only my grandson but him also.”saad ni Director Imperial habang maamong nakatingin sa kaniyang apo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status