Share

26. The Hidden from the Past

Magkasama pa ang dalawang angkan; ang mababait at masamang pusa, sa iisang mundo nila. Malaya pa sila na nakalalabas ng kanilang mundo patungo sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan sila ng kanilang pinuno ng pagkakataon para makisalamuha sa mga tao, at maging alaga ng mga ito.

Ngunit hindi maiwasan ang ibang tao nasaktan at pagtabuyan ang ibang itim na mga pusa. Turing ng mga tao sa kanila ay isang malas, pero ang iba namam tanggap ang mga itim na pusa. Inalagaan nila ang mga ito at binigyan ng bahay na matutuluyan.

Ang ilan sa mga it, mababait, at ang ilan sa mga itinapon at pinagtabuyan ay mga masasama.

Kaya naman ang mga magulang ni Daldi, hindi mapigilan ang subukang maghanap ng mga taong aalaga sa kanila.

“Sigurado po kayo na pupunta tayo sa mundo ng mga tao?” tanong ng batang si Daldi sa mga magulang nito.

Ginalaw ng kaniyang ina ang buntot, at dinilaan ang isa sa paa nito. “Oo, anak. Baka sakaling may mag-alaga sa atin doon.”

“Bakit po? Maganda po ba roon inay?”

Dinilaan naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status