Share

Kabanata XVI: Mysterious Visitor

Demi’s Point of View

Masakit, parang namanhid ang katawan ko dahil sa malalakas na palong natamo ko mula sa kanila, ang huli ko na lang narinig at naalala ay ang umiiyak na sigaw ni Sofia na nagmamakaawa na tigilan na nila ang pagpalo sa akin hanggang sa nandilim na ang paningin ko. Hindi ko na kaya…

Nagising na lamang ako na parang uhaw na uhaw, nakapikit pa rin ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin pero hindi ko matukoy kung sino dahil hindi ako sigurado kung ang presensya bang ito ay siya o hindi.

Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay at paa ko at saka dahan-dahang iminulat ang mga mata, noong una ay nasisilaw pa ako pero nang kinalaunan ay nakapag-adjust na ang paningin ko kaya malinaw ko nang nakikita ang paligid kung nasaan ako ngayon, nasa isang malawak akong kwarto na may tatlong kama, yung dalawa ay bakante kaya tanging ako lang talaga ang naritong pasyente pero pinagtataka ko ay wala na yung presensya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status