Share

The Ardent Husband - Chapter 2

The Ardent Husband - Chapter 2

Nakalipas ang dalawang araw nang halos di namamalayan ni Honey. Lunes pa lamang ng umagang-umaga ay nasa Balintawak na siya upang humango ng mga sariwang gulay at prutas.

Maging sa Divisoria ay nagtungo rin siya. Dumayo pa nga siya sa Bulacan upang kumuha ng sariwang karne at itlog sa mga suking farm ng hayop. Ang mga delikadong gulay na katulad ng asparagus ay sa supermarket na niya binili.

Maging ang mga mamahaling prutas na katulad ng strawberry, ubas, at iba pang imported fruits.

Gabi ng Martes pa lamang ay nakaparada na sa harap ng kanilang puwesto ang inarkila niyang refrigerated van-truck. Doon na itinutuloy ang bawat naglalakihang cooler chest ng iba't ibang klaseng salad na ipinrepara nang ayon sa maraming recipe books ni Honey.

Umupa rin siya ng mga ekstrang tauhan upang magsilbing waiters. Kahit na wala sa usapan ang alak, nag-provide din siya. Anupa't pati an

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status