Share

The Wily Husband - Chapter 3

CHAPTER THREE:

NAMUMUTLA si Dionisio.

Kaya naningkit ang mga mata ni Ysrael. "Ano'ng problema, Dionisio?"

"W-walang nakalistang 'Lorelei Cortez' sa guests' book, senyorito," anito.

Sumulak ang pagkayamot niya. Ngunit nagpakalumanay pa rin siya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Dionisio?" umpisa niya. "May nakapasok na tao sa kastilyo nang hindi nalalaman ng mga guwardiya?" 

Tumango ang head butler. Nakayuko ito. Sising-sisi ang hitsura.

"Paano nangyari 'yon?" aniya, medyo pasinghal na.

"K-kasama siguro siya ng isa sa mga imbitadong panauhin, senyorito. Kaya hindi na napa-pirma sa guests' book."

Sumingasing si Ysrael. Gusto na niyang magwala, pero kailangan niyang magpigil. "Dalhan mo ako ng kape, Dionisio," utos na lang niya.

Nang mapag-isa, minasahe niya ang magkabilang sentido.

"You're an elusive woman, Lorelei!" bulong niya sa sarili.

Nakatitig ang mga mata niya sa kisame, ngunit hindi ang mga kupidong na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status