/ Romance / The Bride of the Nine Tailed / Chapter 3 - kidnapped

공유

Chapter 3 - kidnapped

작가: Aurum Jazmine
last update 최신 업데이트: 2022-03-07 15:22:51

KINABUKASAN, nadatnan niya si Juris na kalalabas lamang mula sa opisina ng kanyang asawa. Nakasimangot ito at mukhang naiinis kaya agad niyang tinawag ang pansin nito. Agad siya nitong nginitian at nagtungo sila sa sala sa third floor at doon nagkuwentuhan.

"Bakit naman hindi maipinta ang mukha mo? Ang aga-aga girl, broken hearted ka ba?" biro niya rito para tumawa naman ito.

"Gage, hindi ako broken! May nakita lang kasi akong nakakasukang bagay. Ewan ko ba kung bakit ang babaeng 'yun pa ang ginagawa niyang parausan," buwit na bwisit na kuwento ni Juris. Ngumisi siya dahil mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Si Fiona?" diretsong tukoy niya sa tinutukoy ng kaibigang bakla. Nanlalaki ang mga matang tingin nito sa kanya.

"Nakilala mo na ang garapal na 'yon?" anitong may gigil ang himig.

"Kagabi," nakangisi niyang kumpirma. Mukhang may namamagitan sa kanilang dalawa. "Kung friends with benefits pala sila, bakit hindi na lang sila ang nagpakasal?" tanong niya rito ngunit nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hdi niya matukoy kung mangingilabot ba siya o matatakot o masusuka.

"Hindi puwede, dahil masyadong mababa ang babaeng 'yon para piliin ko para kay Sire. Sisirain niya lang ang reputasyon ni Lestre kung siya ang magiging Dam," sagot nito.

"Sire?" point niya sa tawag nito sa Lestre Sylverstain na iyon. "Bakit pala sire ang tawag ninyo sa kanya? Pansin ko lang."

Biglang lumikot ang tingin ni Juris. Parang hindi nito alam ang sasabihin sa kanya.

"Uy, ano na?" untag niya rito. Dahan-dahan itong nagbalik ng tingin sa kanya na pawisan na ang noon at namumutla.

"Ah, ano kasi …" dinukot nito ang sariling cellphone sa bulsa ng pants na suot saka nag-type doon. Mayamaya pa'y ibinalandra nito ang screen ng cellphone sa mukha niya.

Sire is a form of address for their reigning kings in Europe, France, Belgium, Germany, Italy, Sweden, The United Kingdom and Spain.

Iyan ang kanyang nabasa. Nag-search pala naman ang ate mo. Mukhang medyo napalagay ito nang makita ang reaksyon niya na mukhang kombinsidong kombinsido naman. Sa yaman kasi ng lalaki ay maituturing na itong hari. Mukhang mas sikat pa nga ito sa pinuno ng bansa dahil sa pag-aabang ng mga tao sa mga kaganapan ng buhay nito. Pero kung bakit hari ang turing nila sa lalaki ay ..,bakit nga ba? Masyado yata nitong nakukuha ang interes niya. Kung noon ay wala siyang oras na alamin o i-stalk ito sa internet dahil bukod sa ayaw magpa-connect sa wifi doon sa bahay ng mga umampon sa kanya ay wala rin siyang pera para umupa ng PC sa computer shop. Ngayon, nakapag search naman siya dahil ang kumakarag niyang cellphone sa wakas ay naka connect din sa wifi.

Going back, naalala niya pa ang mga nabasa kagabi nang i-search niya ang pangalan ng asawa sa internet. Laganap nga na may sakit itong hindi pa tinutukoy ng partido at ang pagkakaroon ng taning ng buhay nito. Si Lestre ang paboritong paksa ng mga tao lalo na ng mga kababaihan partikular ang mga dalaga. Total package raw kasi sana dahil guwapo na, mayaman pa. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga basher niya sa internet. Isa raw siyang mang-aagaw. Inagaw raw niya ang asawa ng mga ito. Ang dami ng fan girl nito, hindi biro.

"Ah …you address him as your king? Asia naman ito ah, so Bakit King?" pangungulit niya pa rito. Nakaka curious kasi at mas lalo pang tumindi iyon dahil sa definition na binasa niya sa cellphone nito.

Bigla na naman itong naging aligaga. "Bakla ang dami mo namang tanong. Oh siga na, aalis na ako ha? Kailangan ko pang bumalik sa opisina," sabi nito habang pinupulot na ang mga dala nitong gamit na maingat na naka-ayos sa isang paper bag at ang atachecase nito na mukhang may mga laman na mahahalagang papel.

"Ha? Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong, bakit nga? A—at saka bakit Dam ang tawag sa akin?" pahabol na tanong niya pa rito. Nakaka intriga kasi tapos hindi naman pala sa kanya sasabihin. Ayaw niya pa naman ng may nililihim sa kanya lalo na ang bagay na nagpapatindi ng kuryosidad niya.

"Sasabihin ko rin sa 'yo kung bakit kapag kaya mo nang intindihin ang lahat. Sa ngayon, aalis muna ako kasi marami akong pending works sa opisina girl. Kaya sige na, babay na ha‽" parang bagyong mabilis na nakalabas ng LPA ito. Hinabol niya pa nga ito sa hallway pero para itong bulang naglaho sa hangin.

"Grabe, paano niya tinakbo ng gano'n kabilis ang mahabang hallway? Para namang multo 'yung baklang 'yon!" kausap niya sa sarili. Kung may iba lang makakakita sa kanya, tiyak na masasabihan siyang nasisiraan na ng bait o kaya may may multipersonality disorder.

Naglakad na lang tuloy siya pabalik ng kanyang kuwarto. Nabuo sa isip niyang mamamasyal siya sa araw na 'yon tutal, wala naman siyang gagawin buong maghapon. Hindi naman siguro siya dudumugin ng mga tao sa labas dahil hindi naman din siya siguro nakilala sa TV. Bongga naman kasi ang make-up niya kahapon at wala naman siyang suot na make-up ngayon.

Binuksan niya ang closet na puno ng mga mamahalin at bagong damit at sapatos. Parang wardrobe ng reyna ang kanyang damitan. Hindi siya makapaniwala na kanyang lahat iyon. Puro signigtured pa ang brands lahat. Walang fake maging sa mga bags. Worth million. Para namang magagamit niyang lahat iyon eh isang buwan lamang naman silang magiging mag-asawa.

Naligo siya ng mabilis at nagbihis pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Nakasalubong niya pa ang mga maids at ang demonyitang matanda na kung makatingin sa kanya ay ganoon na lang. Feeling niya kung palagi niyang makakasalubong ito ay nasa impyerno siya.

Paglabas niya ng mansyon ay sinalubong siya ng isang unipormadong lalake na mukhang may edad na. Yumukod ito sa kanya bilang respeto at bumati. "Good morning young madame, saan po ang punta ninyo?" tanong nito.

"Lalabas lang ho manong. Naiinip ako sa loob eh. Sige ho, kung may magtanong kung nasaan ako pakisabing namasyal lang ako." Maglalakad na sana siya paalis ay hinarang siya nito.

"Ay nako ho, young madame. Ipagmamaneho ko na ho kayo kung saan ninyo gustong pumunta. Kabilin-bilinan ho sa akin na kung lalabas kayo ay ako ang magmamaneho sa inyo kahit buong maghapon pa," sabi nito. Namangha siya at natuwa sa sinabi nito. Pabor sa kanya iyon dahil hindi na niya magagastos ang isanglibong pamasahe na hinanda niya. Ang lalake kasi na 'yon black VIP card lang iniwan sa kanya, walang cash. Paano naman siya sasakay ng cab niyan? Buti naman pati driver na sarili ay sagot nito.

"Sige ho manong tara na para makarami!" masayang aniya rito.

Nang makaalis ay una nilang pinuntahan ang mall. Matagal na siyang nangangarap na makapasok doon pero kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Ang pera kasi na ibinibigay sa kanya ng adoptive parents niya ay iniipon niya. Bukod sa maliit lamang ang kanyang baon, madalas ay kinukulang siya dahil sa mga school projects. Sinasamantala rin kasi niya ang pagkakataon na pinag-aaral siya ng mga ito kahit hirap na hirap siya dahil alam niya na darating ang panahon na aalis siya sa poder ng mga ito at mamumuhay ng kanya. Sa kasamaang palad, hindi na siya pina-aral ng mga ito ng kolehiyo, kaya parang gumuho ang mundo niya nang palayasin siya ng mga ito dahil sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa.

Bumili siya ng ilang importanteng mga kailangan niya tapos namasyal na lang siya nang namasyal. Lahat ng pagkain na gusto niyang kainin ay binili niya at mga stocks na biscuit at juices. Binilhan niya rin ng pasalubong ang mga anak ni manong na driver niya bilang pasasalamat nito dito.

"Huwag n'yo na lang hong bangitin kay sungit kung nahihiya kayo sa kanya," aniya rito. Nahihiya namang umo-o ang matanda rito.

Bandang tanghali ay niyaya niya ang kanyang driver na kumain. Pinaunlakan naman siya nito na sumabay sa kanyan since sila naman ang magkasama. Ayaw niya naman na kumain mag-isa.

Naunang matapos kumain ang driver niya kaya nauna na rin itong magpunta sa parking lot sa kanilang sasakyan at doon maghihintay sa kanya.

Habang naglalakad mag-isa papunta sa parking lot ay bigla na lamang may tumakip sa kanyang bibig at ilong. May naamoy siyang kakaiba na sa tingin niya ay gamot at pagkatapos noon ay nakaramdam na siya ng matinding hilo at pananakit ng ulo na siyang nagpawala sa kanyang kamalayan.

NAGISING siya na hindi maikilos ang mga kamay at paa. Nagtangka siyang magsalita ngunit nanakit lamang ang kanyang bibig nang mapagtantong nakabusal pala siya. Nakapiring din siya na ang pagkakatali ay mukhang napaka higpit.

Sinubukan niyang d*****g ngunit nagkamali siya ng ginawa.

"Tumahimik ka babae!" kalmado ngunit mariing saway sa kanya ng lalaki na hindi niya nakikita sabay unday ng suntok sa kanyang sikmura.

Ang hilo na nararamdaman niya nang nagising siya kanina ay mas nadagdagan. Parang gusto niyang masuka.

Nakarinig siya ng tunog ng cellphone na may tinatawagan at pagkaraan ng ilang sandali ay may sagot na sa kabilang linya.

"Nakuha na namin siya Boss, ayan siya." Sa dating ng sinabi nito, alam niyang video call ang nangyayari.

Wala siyang magawa. Alipin siya ng sitwasyon dahil sa kalagayan niya. Hindi niya alam kung sinong nagpadukot sa kanya at hindi niya rin alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Mukhang kung ano man ang pakay ng mga ito ay wala na siyang ligtas. Katapusan niya na.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 27 Reunite

    HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 26 Wounded

    MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 25 - The entrance

    HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 24 Kidnap

    ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 23 School

    ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 22 Orphanage

    PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status