ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya.
"Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman naHi Dear Beauties and Handsome! Maraming salamat sa pagsubaybay kina Lestre at Celestina! Sana ay patuloy ninyong suportahan ang istorya nila sa pamamagitan ng pag-comment at pagbibigay ng rate sa comment section at pag Vote gamit ang Diamond Gem. Malaking tulong ito sa rank ni Celestina at Lestre. Hope you enjoy your day ahead! Aurum Jazmine.
HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya
MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin
HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed
PARANG kahapon lamang ang lahat ng nangyari at lumilipad sa kung saan ang kanyang isip habang lulan siya ng eroplano. Hindi niya maiwasang dalawin ng maraming alaala, lalo na ng marinig niya na ang announcement sa Eroplano."Ladies and gentlemen, we are now entering the land of the Philippines." Hindi niya na marinig pa ang mga sumunod na sinabi nito nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang laptop sa table. Kaagad niyang kinuha ito at saka mabilis na sinagot ang tawag nang makita kung sinong caller.It's Caspiana. Caspiana is her boss back in the US. Habang binubuo kasi niya ang kanyang mga pangarap ay naghanap muna siya ng part time. Ayaw niya kasing mabawasan ang pera niyang natitira. Gusto niyang lahat ng gagastusin niya ay pinaghihirapan niya muna dahil inilalaan niya ang lahat ng kabayaran sa kanya sa mga binubuong plano. Eksakto namang kailangan ni Caspiana ng partimer sa kanyang coffee shop kaya nag-apply siya doon. Nang magkakilala n
AYON sa mythology, kapag-umuulan at uma-araw ng sabay, mayroong ikinakasal na fox. Lumingon si Celestina sa labas sandali habang magkaharap sila ng lalakeng ngayon niya lamang nakita at nakilala."Umuulan at umaaraw sa labas . . . posible nga kayang mayroong ikinaksal na fox ngayong araw, kasabay ng kasal ko?" tanong ng kanyang isip. Nalungkot siya bigla. Marahil, 'yung ikinakasal na fox, kasama nila ang pamilya nila at witness sa pag-iisa ng kanilang mga dibdib."YOU may now kiss your wife," deklara ng sa tingin niya ay abugado na siyang nagkakasal sa kanila.Oo …,tama nga. Kasal niya ngayong araw. Ngunit sa lahat ng kasal, ito ang isa sa pinakamalungkot.Paano nga bang hindi? Nasa kanya na ang lahat. Ulilang lubos, pinalayas ng mga umampon sa kanya dahil sa kasalanang hindi niya naman ginawa at higit sa lahat, walang wala na siyang pera sa bulsa. Anong gagawin niya?Nakilala niya si Juris ilang araw matapos siyang palayasin ng adoptive parents
"LESTRE, have you eaten already?" diretsong pasok ng sopistikadang babae kanina na nakasalubong niya noong kasama niya ang impaktang matanda at mga maid."We have something very important to discuss, Fiona. We can have a chit chat later," ani Lestre sa kadarating pa lang. Medyo pahiya konti ito kaya tiningnan niya ito ng nakataas ang kilay at nangungutyang ngiti. Lalo siyang nasiyahan nang makita niya ang umuusok na tenga nito sa inis hanggang sa nag-walkout na lang ito na padarag na isinara ang pinto.Nang sila na lamang ang matira sa loob ng kuwarto ay tumayo ito hawak ang isang papel na may nakasulat. Sinenyasan niya akong lumipat ng upuan sa nakabalagbag na malaking sala sa bandang kanan ng malaking opisina. Maraming libro doon at very relaxing ang dating ng kulay green na paint ng dingding. Bagay na bagay kung nais mong ipahinga at ma relax ang pagod na mga mata sa maghapong trabaho."Read it first before the discussion," instruction nito sa kanya kasabay ng pa
KINABUKASAN, nadatnan niya si Juris na kalalabas lamang mula sa opisina ng kanyang asawa. Nakasimangot ito at mukhang naiinis kaya agad niyang tinawag ang pansin nito. Agad siya nitong nginitian at nagtungo sila sa sala sa third floor at doon nagkuwentuhan."Bakit naman hindi maipinta ang mukha mo? Ang aga-aga girl, broken hearted ka ba?" biro niya rito para tumawa naman ito."Gage, hindi ako broken! May nakita lang kasi akong nakakasukang bagay. Ewan ko ba kung bakit ang babaeng 'yun pa ang ginagawa niyang parausan," buwit na bwisit na kuwento ni Juris. Ngumisi siya dahil mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy nito."Si Fiona?" diretsong tukoy niya sa tinutukoy ng kaibigang bakla. Nanlalaki ang mga matang tingin nito sa kanya."Nakilala mo na ang garapal na 'yon?" anitong may gigil ang himig."Kagabi," nakangisi niyang kumpirma. Mukhang may namamagitan sa kanilang dalawa. "Kung friends with benefits pala sila, bakit hindi na lang sila ang nagpakasal?" ta
NAGULANTANG siya nang biglang bumangga ang sasakyan na kinasasakyan niya sa kung saan. Ang lakas ng impact at naalog yata siya at ang mga kidnaper niya. Ang sakit ng katawan niya sa nangyari. Mabuti na lang at mukhang hindi sila tumaob.Akala niya'y tapos na ang nangyari. Pero bigla na lang umuyog ulit ang sasakyan at tila ba niyupi ito. Sa tanang buhay niya ay noon lamang siya nakarinig ng metal na tila pinupunit ngunit hindi siya tiyak dahil wala siyang nakikita dahil sa piring niya sa mga mata.Sunod niyang narinig ang daing ng mga kasama niya sa loob kanina. Parang binubugbog ng kung sino ang mga ito."Sinong may utos nito?" gigil na gigil na tanong ng boses na pamilyar na pamilyar sa kanya."W—wala akong sasabihin! Wala kang mapapala sa 'kin!" ganting gigil na sagot din nito."Gano'n ba? Sa akala mo, hindi madadamay ang mga taong pinoprotektahan mo kung hindi ka magsasalita‽" sabi ng boses ng lalaki. Nasisiguro niya. Boses ni Lestre iyon.Hindi siya