Share

Kabanata 4

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-07-23 13:21:06

Napangiwi si Yana sa hapdi ng kanyang mga sugat. Napasulyap siya sa malapad na likod ni David. Lumabas ng naturang clinic ang binata, lihim siyang nakaramdam ng panghihinayang. Iiwanan ba siya nito? Ngumuso siya, hindi iyon nakaligtas sa paningin ng doktora.

"May gusto ka ba kay sir, David?" puno ng kuryusidad na tanong ng doktora sa nakangusong pasyente.

"Doc naman, sino ba naman ang hindi magkaka-gusto sa ubod na gwapong CEO ng Montenegro Cars Inc. Abnormal po ang tawag sa babaeng hindi mahuhumaling sa taglay na ka-gwapuhan at ka-hotness ng lalaking 'yon, kahit pa nga may mga asawa na nagkakagusto pa rin sa lalaking 'yon," mahinang palatak ni Yana sabay ubo, tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang kamay.

Mahinang tumawa ang doktora. "Sabagay, crush din nga siya ng ilang mga pamangkin kong mga nurses na nagtatrabaho ngayon sa Montenegro Hospitals. Hindi ba, dalawa na lang silang hindi pa nag-asawa?"

"Dakilang chismosa ka rin pala doc, noh?" ani Yana sa magandang Ginang na doktor. "Ang alam ko, parang. Si sir, Israel at si sir, David na lang yata ang available sa mga Montenegro," sabi pa niya sa doktora.

"You know what, hija. Huwag ka na lang umasa diyan kay David. Malabong magkagusto 'yan sa'yo. Aba, mas tipo niya'n ang mga tulad nilang mayayaman," palatak ng doktora habang ginagamot ang mga namamagang paa ni Yana.

"Dios ka ba doktora para magsalita ka ng ganyan? Alalahanin mo po, hindi natin hawak ang puso ng tao. Sino ka po ba para pagsalitaan ng ganyan ang lalaking lihim kong iniibig, grabe ka doktora, napaka-judgemental mo naman," ani Yana sa doktora, napansin niya na tila may na-realize ang naturang doktora sa kanyang sinasabi.

"Well, may punto ka rin sa mga sinasabi mo, infairness masakit 'yon hija, ha."

"At least, totoo. Aanhin ko naman ang magagandang salita kung ka-plastikan lang ang lumalabas sa bibig ko? Hindi na ako mabuting tao no'n sa harapan ng Dios, doc."

"Siya, sige na magpahinga ka na riyan, 37 ang body temperature mo, here, inumin mo muna ito," tugon ng doktora at ibinigay kay Yana ang gamot.

Agad naman iyong kinuha ni Yana at ininom. Saka siya nagpasalamat sa doktora. Kailangan raw muna niyang matulog para makapagpahinga siya ng maayos. Muli siyang sumulyap sa labas. Hindi na siya umasa na naroon pa si David. Sino ba naman siya para pag-aksayahan pa nito ng oras. Ang kapal naman ng mukha niya kung ganoon. Isang busy na tao ang isang David Montenegro. Pumikit na lamang siya, hanggang sa hilahin siya ng antok.

"Kumusta na ang pasyente, doc?" tanong ni David sa doktora.

"She's fine, sir, I'm sure tulog na 'yon. She need a rest, baka kasi ma-infection ang mga ilang sugat niya sa kanyang mga paa."

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si David. "Any medicine for her?"

"Yes, here, Mr. Montenegro." Ibinigay ng doktora ang reseta ng gamot kay David. At agad na nagpaalam ang doktora sa binata para puntahan ang ilang pasyente sa kabilang kwarto, palibahsa'y malawak ang clinic nito.

Pumasok si David sa naturang clinic at nilapitan ang natutulog na si Yana. Naupo siya sa isang silya na naroon, kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. He need to cancel all his appointments. Hindi kaya ng kanyang konsensiya na pabayaan na lamang ang kanyang sekretarya gayong pwede niya naman itong iwan roon, at ipahatid nalang ito sa ilan niyang mga tauhan kung sakaling magising na ito. Hindi niya maintindihan ang sarili, tila ba parang may pumipigil sa kanya na iwan ito doon.

Makalipas ang apat na oras at labinlimang minuto ay nagising si Yana. Medyo nagulat siya sa kanyang kinaroroonan, saglit lang iyon. Saka rumehistro sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya kanina. Napahawak siya sa kanyang leeg at noo, wala na yata siyang lagnat, ngunit mas nagulat siya ng mapansin si David sa may couch na natutulog, napasulyap siya sa orasan. It was 7:33 in the evening. Napabalikwas siya ng bangon, hindi ba't may mga appointments pa ito? What the! Don't tell me, nag-cancel na naman ito?

Nang maramdaman niya ang kaginhawaan sa sariling katawan, tumayo siya at tinapik ang pisngi ng binata. Take note, hindi marahan ang kanyang ginawang pagtapik. "Wake up, Mr. Montenegro."

Kinusut-kusot ni David ang kanyang mga mata, naalimpungatan siya. Kumunot ang kanyang noo ng masilayan ang maamong mukha ni Yana. "How are you?" tanong agad niya dito.

"Ano'ng how are you? Hindi ka rin ba pumunta sa ilang mga appointments mo?" palatak ni Yana sa binata.

Nagpanting ang tenga ni David. Damn, this woman! Dinaig pa yata siya nito. Inis na tumayo siya at hinarap ito. "You're just so different, of course I'm worried about you," asik ni David.

Biglang nagliparan ang ilang mga paru-paro sa looban ng tiyan ni Yana at parang baliw lang na ngumiti sa harapan ng binata sabay tulak ng mahina sa malapad nitong dibdib. "Sir, naman e, para naman akong importanteng tao niya'n feeling ko tuloy girl friend mo na ako," nakangiting saad ni Yana na may panunudyo.

Nagsalubong ang dalawang-kilay ni David sa narinig mula sa labi ng dalaga. "Excuse me, pardon, Girlfriend?" seryosong tugon ni David sa tila baliw lang na babae na nasa kanyang harapan ngayon na dinaig pa si Alex Gonzaga sa pagkakulelat.

"Yes, girl space friend, sir naman iba ang pinakahulugan, hindi ka pa nga nanliligaw sa akin, e. Girlfriend agad, jusmiyo!" pilyang turan ni Yana sabay pagpapa-cute, mas lalo tuloy na inis si David sa kinikilos niya.

"Stupid! get that one at aalis na tayo, nagugutom na ako!" utos ni David at marahas na binangga ang isang balikat ni Yana, inis na sumimangot si Yana. Kinuha niya ang ilang paper bags, sinilip niya iyon, laking gulat niya ng makita ang ilang sexy lace panty at ilang pares ng heels. Ang sarap naman maging boyfriend ang isang David Montenegro. Jusko, maloloka siya sa napakagalante niyang amo. Paano na lang kaya ang maging girlfriend siya nito, no space ha? Saka siya humagikhik ng mahina, nasa likuran lang siya ng binata nakasunod dito.

"Sir, salamat dito ha? Mahilig pala kayo sa mga laces panties?" birong panimula ni Yana. Wala siyang narinig mula kay David. Ngumiti siya, iba talaga 'pag bugnutin ang lalaki, pero infairness lang, bagay naman sa mga lalaki ang mag-suplado, tulad na lamang ng mga nababasa niya sa Yugto at D****e apps, sa tuwing may bakante siyang oras ay talagang nagbabasa siya niyon. 'Yon lang kasi ang nagbibigay aliw sa kanya 'pag bored siya sa kanyang apartment.

Binuksan ni Yana ang front seat at pumasok sa loob ng kotse ng binata, kasabay niyon ay ang pagtunog ng kanyang tiyan, napahawak siya roon at sumulyap kay David sabay ngiwi. "G-gutom na yata ako," tanging nasabi na lamang niya sa binata.

"Me too, hop in at aalis na tayo," saad ni David.

"Wait, nagpaalam ka na ba kay doktora?" habol na tanong ni Yana sa binata na hindi man lang magawang sumulyap sa kanya, bumalik na naman ang itsura nito na tila sinakluban ng lahat ng problema sa buong mundo.

"Malamang," tipid na sagot ni David, halatang iritado.

"Hayan na naman po siya, hindi ba pwedeng mukha na simple, hindi iyong sambakol kung titingnan iyang mukha mo, kulang na lang maging kamukha mo na ang pwet ko," pagpapatawa ni Yana sa binata.

Hindi na napigilan ni David ang sarili at nagtagumpay nga ang dalaga na mapangiti siya. Hindi niya mapigilan ang sarili, nasa dugo na yata nila ang ganitong temper. He can't control it lalo na kung wala siyang nakakausap at puro na lang trabaho ang kanyang inaatupag.

"Yan, ang gwapo mo. Dapat nakangiti ka lang palagi. Oh, my! Jusmiyo, wait lang aayusin ko lang ang garter ng panty ko," hirit na pagpapatawa pa ni Yana.

"Stop that, look I'm smiling now," nakangiting saad ni David sabay iling. Binansagan pa naman siyang mahal ang kanyang mga ngiti. Minsan lang siya nakikita ng ilang tao na ngumiti. Sa harapan pa lang ni Yana.

Umabot sa tenga ang ngiti ni Yana, deep inside of her, kanina pa siya kinikilig. Ikaw ba naman ang paglaanan ng oras at concern ng taong lihim mong iniibig, hindi ba't ang haba ng hair niya, feeling niya tuloy ang ganda niya. Damn! Nang biglang sumagi sa isip niya ang kanyang ina. Hindi ba't nagkasakit ang kanyang ina? Kailangan niya ng pera para sa operasyon nito, kunti na lang naman at makokompleto na niya ang pera para ipadala sa mga ito. May dalawang kapatid pa siyang pinapaaral sa kolehiyo. Kaya nga panty hirap siyang bumili. Ilang damit lang din ang meron siya. Ang hirap lang kasi ng buhay. Pero okay lang, mas maganda ang buhay mahirap, may problema man silang kinakaharap, alam naman niyang hindi sila kailanman pababayaan ng Dios, basta't magtiwala lang sila ng buong-puso dito.

Napansin ni David ang biglang pagtahimik ni Yana which is hindi siya komportable, nasanay siyang maingay ito at nangungulit. Nakatingin siya sa rearview mirror. Tila hinaplos ang kanyang puso ng makita ang butil ng mga luha sa mga mata nito. Agad na kinuha niya ang kanyang panyo at inabot dito.

Gulat si Yana nang abutan siya ni David ng panyo. "Ano 'to?" takang tanong niya sa binata.

"Alangan namang ipahid mo sa laway mo?" pasaring na sagot ni David.

"Aanhin ko nga 'to?" pag-uulit ni Yana sa binata.

"Throw it outside," sabi na lamang ni David. Umigting ang kanyang panga, halatang may problema ang dalaga. Ultimo ang pagluha nito ay hindi man lamang nito napansin.

Saka lang napansin ni Yana ang mga luha sa kanyang mga mata. Napayuko siya, ngunit tinanong niya muna si David saglit. "Sigurado ka bang walang sipon mo ito?" Halata ang pang-aasar na tanong niya sa binata.

"Naku wala, promise, kulangot lang marami diyan. Ano, satisfied?" ganting asar ni David sa dalaga. Kilala na niya si Yana, aminin man niya o hindi sa sarili, nahawa na siya sa ugaling meron ito.

Nagpakawala ng malutong na halakhak si Yana sa sinabi ni David. Para tuloy siyang baliw na tumatawa tapos lumuluha. Damn it! Libre lang naman siguro ang maging baliw minsan. Kailangan niyang umiyak minsan para maalis ang bigat sa kanyang dibdib. Humagulgol siya ng malakas. Na siyang lubos namang kinagulat ni David.

Hininto ni David ang kanyang kotse saglit sa gilid ng daan. F-ck! Ang hirap 'pag may kasamang baliw. Ayaw rin naman niyang tanungin ang problema ng dalaga. Hinayaan na lamang niya itong umiyak ng umiyak. Grabe naman itong humagulgol daig pang namatayan.

"Bwisit ka talagang lalaki ka, 'yung paa mo alisin mo sa paa ko, damn!" daing ni Yana na lubhang ikinagulat ni David.

What the hell! Hindi niya napansin iyon. "Ba't hindi mo agad sinabi na naapakan ko pala ang paa mo na may mga sugat?" Nakaramdam ng kunting guilt si David. Damn! Napatingin siya sa namumula at namamagang paa ni Yana. Yumuko siya at dahan-dahan iyong inalis sa may floorboard na medyo naipit sa may floor pan.

"Ouch, damn! Nalilito ako, nakikiliti ako at humahapdi ang mga sugat ko, stupid!" ani Yana sa binata.

"Nakikiliti ka dahil sa paghawak ko sa binti mo, I need to do this, tiisin mo na lang. Naipit kasi siya sa may floor pan. Let's count 1-3," ani David.

"1 - aw! what the f-ck!" malutong na mura ni Yana. Napangiwi siya, sh-t! Sobrang hapdi lang ng kanyang mga paa. Damn it! "Damn you! #1 pa lang 'yon, a!" reklamo niya sa binata.

"Shut up!" inis na sagot naman ni David, sa wakas ay natanggal na rin ang paa ni Yana. Hindi maipinta ang mukha ng dalaga.

"Pag ako nakaganti sa iyo, humanda ka talaga sa'kin," wala sa sariling nasabi ni Yana sa binata. Ilang araw na rin na napapansin ni Yana na ibang-iba ang pinapakitang attitude ni David sa loob ng building at sa labas. Masyado itong pormal 'pag nasa opisina. Hindi tulad ngayon na tila ba sumasabay ito sa ugaling kulelat niya.

"And you really had planned to have a revenge on me, huh?"

"Of course! Aba'y dapat lang, ang sakit kaya no'n," palatak ulit ni Yana. Nang biglang kumalam ulit ang kanyang sikmura, hudyat na talagang gutom na siya. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo sabay nguso.

"Stop pouting," sita ni David sa dalaga.

"Really, na-tempt ka bang halikan ang kissable lips ko kaya mo sinasabi 'yan?" may panunudyo na saad ni Yana kay David.

"Oh, c'mon Ms. Macaraeg, ganyan ka ba talaga ka-confidence sa sarili mo? And do you think, ang tipo mo ang magugustuhan ko?" pang-iinsulto ni David sa dalaga na ngayo'y tila busangot na ang mukha.

"Ouch naman, tagos sa puso ka namang magsalita, malay mo, baka bumaliktad ang panahon, ang babaeng tulad ko na may taglay na kakaibang kagandahan ay ang babae pa lang magiging kabiyak mo, at magiging ina ng mga anak mo, kaya 'wag kang magsalita ng tapos Mr. Montenegro, at baka dumating ang panahon na kainin mo iyang sinasabi mo," namumula si Yana sa inis para sa binata. Damn it! At dahil sa sobrang inis niya, aksidenteng sinipa niya ang ang isang paa na may sugat dahilan para mapahiyaw siyang muli sa sobrang sakit.

"Aw! aray ko po....," mahinang daing ni Yana.

"Yan kasi, ba't mo naman kasi isinasali ang kotse ko sa kamalditahan mo," asar ni David.

"Napapansin ko lang, ha. Ba't parang nahawa ka na sa akin, ibang-iba talaga ang awra mo ngayon, e." Hindi na nakayanan ni Yana at sinabi na niya kay David ang kanyang napapansin dito.

"Bakit, hindi ba pwedeng manghiram ng ugali ng ibang tao para lang maging komportable ang isang tao sa presensiya ko?" sagot ni David sa dalaga.

"Sabagay, may punto ka rin, naiilang rin kasi ako sa sobrang seryoso," sagot ni Yana, muli ay tumunog na naman ang kanyang tiyan, eksakto namang dumating na sila sa isang mamahaling restaurant. "Ba't dito, ang mahal naman," reklamo ni Yana.

"Sino ba ang magbabayad?" inis na tanong ni David kay Yana, huminto sila sa may garage at sabay na silang umibis sa kotse para pumasok sa loob ng isang luxurious Italian Restaurant.

Napapansinghap ang ilang mga kababaihan nang makita si David Montenegro, his undeniable irresistible charm is intimidating, he was so hot and like a demigod. Pinaghalong mukha ni Lucas Montenegro at Mike Montenegro. Siyempre hindi pahuhuli ang taglay nitong nakakaakit na mala-asul na mga mata. Matikas ang tindig, at talaga namang mapapayuko ang makakasalamuha nito dahil sa angking taglay nitong awtoridad. Sa kilos nito at galaw ay mapapatingin ang ilang mga kababaihan. Seryoso ang mukha nito na tila ba hindi ito marunong ngumiti. Nakakatakot lapitan dahil sa taglay nitong mahirap maipaliwanag.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Yana ang mga kababaihan na talaga namang halatang nagpapansin sa kanyang kasama. Nang hindi sinasadyang mahagip ng tingin niya ang kakambal ng kanyang kaibigan na si Nuan. Kapatid ito ni Aialyn Del Fuego. At ano naman kayang ginagawa ni Nuan dito?

"Hey, David, Yana!" kaway ni Nuan sa dalawang papasok pa lamang ng naturang restaurant.

"Nuan, nandito ka, ano'ng ginagawa mo dito?" takang tanong ni Yana sa dalaga.

"Of course, visiting my own business, actually may mga ilang franchising na nga ito, nasa Mindanao at Visayas, hanggang sa nag-expand na nga ito sa ibang bansa," pagmamalaki ni Nuan sa kanila, saka ito sumulyap kay David.

Napansin ni Yana ang special na tingin na ipinukol ni David para sa dalaga. Hindi iyon lingid kay Yana, matagal ng nililigawan ni David si Nuan pero hindi pa rin nito sinasagot ang naturang binata. Hindi niya alam kung ano ng status ng dalawa pero iyon ang nakalap niya mula sa kaibigang si Aialyn.

"Wow, amazing!" hindi napigilan ni Yana ang sarili na mapabulalas. Hindi niya akalain na si Nuan pala ang may-ari ng sikat na Italian Restaurant na ito.

Ngumiti si Nuan sabay yuko na tila nahihiya. "God's mercy nakaraos din sa wakas," sagot ni Nuan kay Yana. "Come in and enjoy your dinner, don't worry, free muna kayo," nakangiting saad ni Yuan sa kanila.

"Really, huh?!" hindi makapaniwalang turan ni David. Nakatitig siya na tila kay lagkit sa magandang dalaga.

Lihim na kinurot ang puso ni Yana sa eksenang iyon. Hindi naman lingid sa kanya na may gusto si David kay Nuan. Whatever! Boys nga naman. How about that Brenda witch? Well, sabi nga ni Shirley sa kanya, bed warmer lang ni David ang naturang babae. Ipinilig ni Yana ang kanyang ulo. Tumikhim siya para putulin ang titigan ng dalawa, nasasaktan na kasi ang nanahimik niyang puso, baka hindi siya makapagpigil at i-untog niya ang dalawang 'to. Hump! Damn it! Sobrang sama naman ng tinatakbo ng kanyang utak. What the!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
kulit mo din yana pero napapatawa Muna si boss hehehe
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
hahahaha.....pasaway ka tlga Yana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Secretary    Special Chapter - The END

    Ikinasal nga sina David at Yana sa pangalawang pagkakataon. It's a formal wedding kung saan ang saksi ay ang pamilya Montenegro. Simpleng kasal na pangarap ni Yana. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride," ani ng judge. Sumigabong ang palakpakan. At nag-start agad ang simpleng kasiyahan. May picture taking, ilang palaro, at ibat't iba pang aktibidad na naging nagsilbing bonding na rin ng ilang mga Montenegro. Mapapansin na ginulo ng judge ang buhok ng batang lalaki na sumigaw kanina ng kalbo. Walang iba kundi ang anak ni Isaac at Lily. Mapapansin ang kasiyahan sa mukha ng dalawang ikinasal. Dinumog ng ilang mga pagbati sina David at Yana. Ang baby nilang si Elijah ay kasalukuyang hawak ng mga kababaihan. Mga asawa ng mga kapatid ni David na lalaki. Pinanggigigilan ang kanilang anak na si Elijah. Palibhasa'y madali itong patawanin. "Look, sweetheart. Ikinasal na rin si David natin. Susunod na si Israel. Hanggang kailan kaya pakakasalan ng anak natin

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 144

    "I don't care you hated me that much, because I deserved all the hate. Stop crying, narito na ako. I am all yours, and you are all mine, sweetie. Stop Chasing Mr. CEO, cause you're already caught his heart. Thank you for loving me unconditionally, sweetheart," nakangiting tugon ni David sa asawa."Damn, you. Alam mo bang hindi nakakapagod maghabol? Nakakabaliw lang," sagot ni Yana sa asawa at niyakap niya ito nang buong-higpit. "I missed you.""I missed you, too. Kung alam mo lang na ikaw lamang ang tanging nasa isip ko sa mga oras na iyon. Matalik na kaibigan ko si Fei Cheng. Actually, narito nga siya ngayon sa Pilipinas. Nagbabakasyon. Totoong may kasal sanang magaganap sa'min. Mabuti nalang at namagitan si Papa. Hindi natuloy, ang kasalang iyon ay for show lamang naman, to grant her Lolo Xei's wish. Ngunit, bago pa niya sabihin ang katotohanan sa matanda, namatay na ito," mahabang paliwanag ni David sa asawa."Naniniwala ako sa'yo. At walang dahilan para hindi kita paniwalaan, I tr

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 143

    Napasimangot si Yana sa kaibigan. "Oh, ba't ka umiyak? Akala ko ba bawal ka ma-stress?" palatak ni Zai sa kaibigan. "Hindi ko lang mapigilan, Zai. Tao lang ako at nasasaktan din. Damn, Zai. May puso ako, normal pa rin na maramdaman ko ang ganitong emosyon. Hindi naman siguro bawal ang umiyak, hindi ba?" si Yana. Muli, nag-uunahang nagsibagsakan ang kanyang mga luha. Sobrang sakit lang din kasi sa part niya. Imagine, almost a month na hindi man lang nagparamdam sa kanya ang asawa. Lumapit si Zai sa kaibigan at niyakap ito nang buong-higpit. "Please, take it easy. Alalahanin mo ang inaanak ko," si Zai at hinaplos ang makintab na buhok ni Yana. "Thank you for being here," sagot ni Yana."Always remember to pray, Yana. Imbes na mag-isip ka ng masama. Manalangin ka para sa asawa mo. Nawa'y payapain ng Dios ang bagbag mong diwa. Manatili sana ang kapayapaan sa iyong puso't isipan."Nakagat ni Yana ang pang-ibabang labi. Ang swerte niya talaga sa pagkakaroon ng kaibigang tulad ni Zai. Da

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 142

    "Bakit nga pala tayo narito?" takang tanong ni Yana sa asawa. "May mga taong gustong magpaliwanag at nais kang makausap, at hihingi na rin siguro sila ng tawad sa'yo, sweetheart," sagot ni David. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Yana. Clueless siya sa mga mangyayari. Hindi niya maintindihan ang asawa. Mga gustong humingi ng tawad sa kanya, but who are they? Wala siyang maalala na mga taong nagkasala sa kanya, maliban na lamang kay Brenda. Niyakap ni David ang asawa mula sa likuran. Inamoy ang pamilyar nitong bango na talaga namang nanunuot sa kanyang ilong. Her scent sent shivers an undeniable electricity of tingling sensation. Pero hindi ito ang tamang lugar. Hayan na naman ang libog niya para sa asawa. Damn it! Pumikit si Yana. Tila ba parang binubuhay ni David ang halimaw na init sa kanyang katawan. Marupok pa naman siya pagdating dito. Pinipigilan niya ang mapasinghap. Pumikit siya at pinanatili ang sarili na maging kalmado. May katatagpuin pa sila for pete's sake!

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 141

    "Hey, may mali ba sa sinabi ko, sweetheart?" may panunudyong tanong ni David sa asawa, inabot niya ang isang basong tubig dito at hinimas ang likod nito. "Napaka-aga pa, sweetheart para pagbigyan ka sa request mo. Actually, I'm a little bit sore down there," nahihiyang sagot ni Yana sa asawa. Pinipilit nga niya kanina na maglakad ng normal kahit ang totoo gusto pa niyang humiga sa malambot na comforter. Argh! Ilang beses rin siyang inangkin ng asawa kagabi, hindi naman siya makatanggi dahil magaling ito sa foreplay. Tila wala itong kapaguran pagdating sa sex. She could say, a wild one but a caring beast ang kanyang asawa.Nang matapos sila sa pagkain. Tinungo na nila ang kanilang suite. Kung saan gusto nang maligo ni Yana. Ramdam na rin niyang nanlalagkit na siya. Muli, inalalayan siya ng asawa. Pumasok sila sa malawak na suite. Dumiretso agad si Yana sa banyo. Lihim siyang napangiti nang makita ang isang Jacuzzi. Perfect! Hinayaan na lamang niya na naka-unlock ang pinto. She take he

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 140

    "Morning!" bati agad ni David sa bagong gising niyang asawa. "Breakfast is ready, tara na, sa hotel tayo," nakangiting saad niya dito. Kunot-noo si Yana. Pagdaka'y napabalikwas. "D—David?! Are you sure na hindi ako nananaginip?!" "You're not, sweetie. All are real," sagot ni David at masuyong hinagkan ang noo ng asawa. "Believe me."Nakagat ni Yana ang pang-ibabang labi. Damn! Buong akala niya panaginip lang ang lahat. Amoy niya ang bagong ligo na asawa, she could smell his familiar scent. Sh*t! Gusto niya tuloy ng breakfast sex. Pucha! Ang rupok niya talaga. What the! Napasulyap siya sa nang-aakit na abs ng asawa. Natukso siyang haplusin iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. Breakfast muna. Ipinilig niya ang sariling ulo sa kalokohang namumuo sa kanyang isipan. "Morning," sagot niya sa asawa. "Gusto kong maligo muna," si Yana sabay tayo mula sa malambot na comforter. Maingat na inalalayan siya ng asawa. Damn! Nag-iinit ang buo niyang katawan nang maramdaman niya ang isang kamay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status