Thank you for reading po :)
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Cecelia habang kumakain ng almusal. Natatawa s'ya tuwing maalala ang mukha ng ex-husband niya kagabi. Nanginginig ito sa takot at panlulumo matapos n'yang manalo at makuha ang casino nito."May isang baliw dito na kanina pa tumawa," ani Magnus sabay itsa ng folder sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ito. "What's this?""Casino mo. Pasalamat ka, good mood ang pamangkin ko," imporma nito saka kumuha ng longganisa at kanin. "Sadyang sa akin ang swerte kagabi. Alam ni Lord na gusto kong maghiganti. Hmm... I'm excited with my new business." Hinalikan niyang folder at kinikilig na binaba iyon para ipagpatuloy ang pagkain. Huminto s'ya pagnguya nang mapansin ang malalim na tingin ng asawa niya."Hindi mo pa talaga kilala ang ex-husband mo. Hindi s'ya ang tipong hahayan na lamang na mapunta sa kalaban niya ang pagmamay-ari niya. Kailangan mong maghanda dahil anuman oras ay babalikan ka niya," kalmado at seryoso nitong saad.Napalunok s'ya at kumunot ang
Kalmado sila sa first round ng laban. Dumulas ang baraha sa gitna ng lamesa, kaumalansing ang pokerchips, at banayad na nag-umpugan ang mga champagne glasses. Pasimpleng naglalaro si Cecelia, tinutupi ang bara, nakangising sinilip iyon bago binaba. Pinaubaya sa kanya ni Magnus, alam nitong mahusay siya sa mga baraha lalo na sa poker. Sumalpok ang kilay ng mga kalaban nila nang paisa-isa siyang nanalo. Hindi na mailarawan ang mukha ni Maxwell, napalis ang ngiti nito at naging iritable tuwing kinakausap ni Valentina. "Hmm, lucky streak?" Inangat ni Magnus ang kilay habang nakatitig sa baraha niya. "Luck is for amateur. This is skill," pagtatama niya. Hinampas ng ex-husband niya ang lamesa. "Hindi ito matatawag na swerte kung madaya ka, p*ta ka!" sigaw nito. "Lumayas ka nga rito, Valentina. Isa ka pang nagdadala ng kamalasan dito eh!" Tinulak niya ito at muntik mawindang sa inuupuan. Namula ang mukha nito sa kahihiyan. "Hey, kumalma ka nga. H'wag kang mangdamay ng iba kung sady
Bumaba si Cecelia sa makintab at itim na Rolls-Royce, nahuli ng liwanag ng casino ang kaintab niyang champagne silk dress na hapit sa hatawan sanhi ng pagkinang nito habang bumababa siya. Sumilip ang makinis at puting-puti niyang binti sa slit ng damit niya nang hinila ni Magnus ang kamay niya. Nakasuot ito ng itim na tuxedo at itim din ang kurbata. Matigas at hindi mababasa ang ekspresyon nito. Sandali silang huminto para pagmasdan ang tila gintong liwanag ng entrada ng casino, nasa salamin na pintuan ang mala-kaliedoscope na chandeliers sa loob. Makintab ang marmol na sahig na may pulang carpet sa gitna papunta sa malaking pinto sa dulo. "Ano na naman ba ang gagawin natin dito?" naiinip niyang turan, halata wala s'yang ganang makipagsabayan dito. Mataman siyang pinasadahan ng tingin. "Ano ba ginagawa ng mga tao sa casino?" balik tanong nito. Tinirik n'ya ang mga mata. "Eh, di nagsusugal." "Alam mo naman pala." Nagpatiuna ito. Halos patakbo n'yang sinundan ito sa bilis
"Tao ka ba o aso? Bakit mo kinagat si Graziano?!" bulyaw ni Magnus.Napauwi ng walang oras dahil sa nangyari kanina. Hindi pala ito bumayahe, napatungo lang sa kompanya dito sa Cebu. Dali-daling napatawag ang kaibigan dahil sa ginawa ng asawa niya."Binebwesit niya kasi ako!" paghihimutok ni Cecelia. Nakaupo s'ya sofa, mahaba ang nguso habang nakakibit balikat at parang bata na pinagalitan ng tatay.Napatutop ng noo si Magnus, na-stress sa nangyayari ngayon. Pinaghirapan n'ya ng husto para pumayag ang kaibigin niya—nakipag-sparring s'ya sa boxing at nagkarerehan sa kabayo—pero sinira nito. "Sinisigurado niya lamang ang kaligtasan mo. And please act like a mature woman. Para kang bata. Hindi bagay sa edad mo'ng umaktong ganyan!" patuloy nito."Naubusan lang ako ng pasensiya. Hindi ko sinasadyang kagatin s'ya no!" katwiran nito. Nakita n'ya sa gilid ng mga mata ang maliit na ngiti ni Graziano. Hayagan ang pagkaaliw sa kanila. "Dude, sana pagpasensiyahan mo si Cece. Hindi ko rin inaasa
Hindi mahagilap ni Cecelia ang susi ng kotse niya. Wala rin s'yang maalala na sinuko niya 'yun sa kanyang asawa. Hindi naman sinabi na bawal s'ya mag-drive. Maagang umalis si Magnus kaya hindi s'ya nakatanong. Sa inis ay sandali s'yang lumabas, kinuha ang cellphone at tinawagan ang asawa. Mahaba n'yang hinintay ang busy tone, naglakad-lakad s'ya hanggang di namalayan na nasa gilid na s'ya ng fountain."Magnus sumagot ka," mariin n'yang turan. Nawawala na sa sarili. Umungol s'ya nang magsalita ang babae na out of coverage. Malamang bumabyahe sa himpapawid. "Paano na ang susi ko!" Nagpapadyak s'ya at di n'ya napansin na tubing ang susunod n'yang kahahantungan.Umigtad s'ya at kulang na lamang ay madadapa s'ya sa tubig. Napapikit siya at sa di malamang dahilan ay may matigas na kamay ang humawak sa beywang niya. Sa tulong ng kamay na iyon ay hindi s'ya tuluyang nahulog. Napanganga siya at matulin na binuksan ang mga mata. "Hi, master!" bati ng malalim at makapanindig balahibong boses n
Umungol si Cecelia nang bumalikwas ng bangon. Pakiwari n'ya'y binugbug s'ya sa sobrang sakit ng katawan n'ys. Di 'ya pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. "Sucks! Nasaan na ba ako?" daing n'ya sabay sapo ng noo. Saktong pag-angat n'ya ng ulo ay bumungad ang nakalukot na mukha ni Magnus. "Ano'ng problema?" Nakaupo ito sa silya na parang trono. "Next time h'wag kang lalabas ng mansyon ng mag-isa," maawtoridad na wika nito, kumibit balikat at napayukod sa kanya. Ngumuso s'ya. Kahit ayaw ng sistema n'ya ay sumasang-ayon naman ang utak niya. "I didn't expect that he would kidnap me. Mataas naman ang siguridad ng kompanya, ewan kung paano n'ya nagawang pumasok." "Hindi s'ya mahahalatang kidnapper dahil sa suot n'ya. Sino bang matino ang mag-aakalang kriminal ang isang tao kung mala-anghel ang mukha?" Binaba nito ang paa na nakadekwatro. Sumang-ayon siya. "He's getting hostile now. I don't know what to do anymore. Paano na ako makakiganti sa mga hayop na 'yon. Ang hirap niyo n