Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Lihat lebih banyak“Congratulations, Misis, you’re four weeks pregnant,” bati ng doktor.
Matagal bago maproseso ni Cecelia ang narinig. Hindi s’ya makapaniwala na mabubuntis siya matapos ang tatlong taon na maging asawa ni Maxwell De Silva. Akala n’ya wala na talagang pag-asa pero hindi n’ya inaasahan na makatanggap s’ya ng magandang balita sa araw ng 3rd wedding anniversary nila. Pinaskil n’ya sa mukha ang matamis na ngiti habang hinihimas ang maliit na umbok ng tyan. “Pero maselan ang inyong pagbubuntis. Kailangan niyong mag-ingat, take some vitamins and a lot of bed rest,” dugtong nito. Sa katunayan ay nakahiga s’ya sa kanyang malambot na kama. Nahimatay s’ya kaninang umaga habang tinutulungan magluto ang kasambahay nila. “Opo, doc. Naiintindihan ko. Maraming salamat po,” tugon niya, halos maluluha sa sobrang tuwa. Pagkaalis ng doktor ay kumislot s’ya nang maramdaman ang banayad at mainit na kamay na dumantal sa kanyang tyan. Hindi n’ya ito makita dahil bulag s’ya pero alam niya kung sino ‘yon. “Vale,” anas niya. “I can’t believe this. Finally! God is really helping me.” Narinig niya ang mahinang bumungisngis nito pero para bang nang-uuyam. “I-I’m happy for you. Makikita mo na rin ang lahi mo kay Maxwell… opps, I forgot, bulag ka pala. Pero besh, masaya talaga ako. Congratulations!” “Salamat, Vale saka salamat din dahil hindi mo ako iniiwan. Kung wala ka hindi ako aabot dito.” Nagsimulang umagos ang mga luha niya. “Ay, ano ba? ‘Wag ka nga’ng emosyonada d’yan pati ako dinadamay mo sa paiyak-iyak mo eh. Well, dapat mo na itong sabihin sa asawa mo, ok?” “Yes, yes, of course! Siguradong matutuwa s’ya kapag malaman niya na may anak na kami!” Malapad ang ngiti niyang ginagap ang kamay ng kaibigan. Subalit bigla nitong binawi. Tila may iba s’yang nararamdaman kaya bigla siyang nagdududa kung totoo ba ang pinapakita nito ngayon. Narinig n’yang hinatak nito ang silya at umupo sa tabi ng kama. “Tatlong taon din ang tiniis mo para mangyari ‘yan!” “Salamat sa payo mo. Hindi ko alam na magaling ka pala'ng mang-akit,” natatawa n’yang wika sabay pahid ng mga luha. “That’s my expertise, but no one stayed on me. Maswerte ka nga dahil may asawa kang mapagmahal at loyal. Minsan naiinggit na ako,” biro nito. Tumawa s’ya sabay punas ng mga luha. “Mahahanap mo rin ang the one mo at mas loyal pa ‘yon sa asawa ko.” “Sana nga magdilang anghel ka.” “Vale! Gusto ko ikaw ang magiging ninang ng anak ko. Okay ba ‘yon?” Matagal bago ito sumagot. “Okay na okay! I will be her or him second mother soon,” pagpayag nito. Hindi n’ya maipaliwanag ang abot-langit na katuwaan ngayon. Sana ang anak niya ang magiging paraan para hindi na magiging malamig ang asawa niya sa kanya. Matagal niya itong tiniis, binigay ng buong-buo ang sarili at hindi pumapalya na pagsilbihan ito. Pinakita niyang hindi handlang ang pagiging bulag para hindi s’ya mahalin ng asawa niya. Sandaling nanatili ang kanyang kaibigan at nagkwentuhan sila ng mga masasayang karanasan noong nag-aaral sila sa kolehiyo. Kinahapunan, hindi niya kaagad nasabi dahil nakaidlip s’ya at namalayan niyang wala na ang kaibigan niya sa kanyang tabi. Matapos s’yang kumain ng late niyang tanghalian ay naisipan niyang puntahan ang asawa sa study room nito. Sabado ngayon kaya siguradong nasa bahay nila saka mamaya ay ise-celebrate nila ang wedding anniversary. Marami s’yang hinanda na sorpresa at siguradong magugustuhan nito. Pero mas matindi ang unang sorpresa n’ya. Wala s’yang problema sa pagpunta sa study nito dahil kabisado na niya ang daan. Nasa cloud nine ang isipan n’ya nang pinahinto s’ya ng matinis na ungol. Umalingawngaw iyon sa buong pasilyo. Bumilis ang tibok ng puso niya sanhi para mapahawak s’ya sa pader. “M-Maxwell?” tanong niya. “Maxwell ikaw ba ‘yan?” Walang sumasagot kaya pinatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makapkap niya ang pintuan na gawa sa mahogany. Bahagya iyong nakasiwang pero lalong lumalakas ang ungol at halinghing ng babae na nasa loob. Nalaglag ang puso n’ya nang marinig ang pamilyar na boses ng dalawang tao. Galit na nag-uusap habang habol ang mga hininga saka sinundan ng mga salpukan ng katawan at parang mga tunog ng halik. Ginapang ng lamig ang batok niya, parang tatakas sa lakas ng kabog ng puso niya sa rib cage niya at nangatog ang mga tuhod n’ya. “Kailan ba ako magiging legal wife mo? Naiinip na ako, Maxwell… ah! Pinaliligaya naman kita araw-araw ha! Uhmm… make her disappear na!” usal ni Valentina sa ilalim ng hininga. “Just be patient, babe. Malapit ko ng dispatsahin ang bulag na iyan. You’re wait will be over,” tugon ng asawa niya saka nahihirap huminga na tila may tinutulak. “Aahh, babe… fvck me harder! I really miss you!” Pagkasabi nito ay sinundan ng ingay na naghahalikan. “I miss you too, babe. Balang araw ay malaya na tayong magagawa ang gusto natin. Sa darating naming vacation sa Hawaii, isasagawa ko na ang plano. You’ll be my one and only later!” “Ahh! That’s why I like you, babe! You always do everything for me. I’m so lucky.” “Of course, because I love you!” “More than her, right?” malandi nitong tanong. Bumuga ito ng hangin. “I never loved her, you know. I’m just doing this for our business. Ngayon na nakuha ko na ang gusto ko ay buburahin ko na siya sa buhay ko.” Tinutop niya ang bibig. Kahit hindi n’ya nakikita ay alam niya kung ano ang nagaganap. Isang nakakadiri na eksena. Nakakasuka. Subalit hindi niya mapagkakaila na sinasaksak ng milyong-milyong punyal ang kanyang dibdib. Parang gusto niyang maglaho. Hindi s’ya gumawa ng ingay para hindi maistorbo ang dalawa. Dahan-dahan s’yang umatras. Sumisikip ang dibdib habang umiiyak. Nanginginig sa lungkot, sa sakit at sa galit. Sa araw ng wedding anniversary nila ay hindi lang good news ang matatanggap niya kundi bad news din. Hindi lang s’ya bulag kundi tanga rin! Pinagtatakasilan siya ng kanyang asawa at ng kanyang bestfriend! Kailan pa ba ito nagsimula?Mahinang napatikhim ang Dad niya pero wala na itong pakialam kung ano ang pinanggagawa niya sa buhay. Pero takot siya na baka pagalitan siya ngayon. Namula si Cecelia. Wala siya maalala sa hitsura ng lalaki pero naalala siya nito kagabi kaya sigurado s'yang ito ang naka-one night stand niya. "Sumusobra ba ang kagwapuhan ko kaya natutulo na ang laway mo?" biro nito. She flinched. Sekreto s'yang nainis sa pagiging mayabang nito. Malamang sa iba ay gwapo na ito subalit para sa kanya ay pangkaraniwan lamang ang mukha nito. Common na ito sa pinapanood niyang telenovela. Simula kasi noong nakakakita s'ya ay nakahiligan na niya itong panoorin. Ang masasabi niya rito ay parang si Leonardo di Caprio ito noong bata pa. Hinipo n'ya ang gilid ng bibig. Sumimangot s'ya nang malaman na nagbibiro ito. "You can sit, Miss Raymundo," anito. Napakurap siya at laglag ang panga na umupo sa bakanteng upuan. Sumunod na umupo ang Dad niya. "This is my first-born daughter, Cecelia Raymundo,
Two years later Nasasabik na sinalubong si Cecelia ng nakakabata niyang kapatid na si Chiara. Matapos ng matagumpay na cornea transplant noong nakaraang taon ay nakikita siyang muli. Malaki ang pasasalamat niya kay Doctor Greyson. Pagkatapos ng operasyon ay nanatili pa siya ng matagal doon upang kompletuhin ang healing process. Naging magkaibigan din sila ng doctor at regular itong nagtatanong ng kalagayan niya. Kalalapag niya lamang sa airport ay muli itong nag-tex. Binalik niya sa ba ang cellphone para salubungin ng yakap ang bunso nilang kapatid na autistic. “Na-miss ka talaga ni Ate!” aniya. “Ako rin po, ate. Na-miss po kayo ni Chiara.” Pinupog siya ng halik. “As a promise…” may nilagay siyang keychain sa palad nito. “Ang paborito mong statue of Liberty.” “Wow! Thank you, Ate!” Niyakap siya ulit. Para itong pusa na naglalambing. Lumuwag ang tawa niya nang makita ang daddy niya. Sa excitement nito ay ito rin mismo ang personal na sumundo sa kanya. Kumalas siya kay Chiara at
“H’wag mo kong gawing tanga, Cecelia. Pinaplano mo ba’ng pahiyain ako sa ibang tao?” Lumakas ang boses ni Maxwell. “Wala kang ebidensiya na may babae ako. Ginawa mo lang ito para makuha mo ang kompanya!”Taimtim niyang pinanlisakan ito ng tingin kahit bulag s’ya. “Kailan ba kayo nagsimula maglampungan ni Valentina? Ha, sabihin mo!”Natigilan ito. Nagulat ang madla at nagsimulang magbulungan. “Sa dami ng babae sa mundo, ang kaibigan ko pa talaga!” dugtong niya.“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Pinagbibintangan mo ako para makuha mo ang gusto mo. Kung alam ko lang na ganito ka sana matagal na kitang pinaghiwalayan!”“Pero hindi mo ginawa dahil gusto mong kunin ang kompanya at ipapatay ako sa Hawaii!” Buong pwersa niyang sigaw para marinig ng lahat.Lumapit ang mga magulang niya. Sumama ang mukha ni Maxwell, di na maitago ang galit. “H-Hindi totoo ang sinasabi mo!”“Bitawan mo ko! Simula ngayon wala ka ng papel sa buhay namin ng anak mo! Ako na lang ang magpapalaki sa kanya!” Humagal
Bago dumating ang araw ng bakasyon nila sa Hawaii ay dumating muna ang araw ng 59th founding anniversary ng kompanya ni Cecelia. May-ari ng maraming hotel at resort ang kanilang pamilya at sikat na sikat ito, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Bilang heiress ay inaatasan siyang dumalo kasama ang asawa. Suot ang niregalong gown ng asawa niya ay pumasok sila sa bulwagan ng banquet. Kulay pula ang kanyang damit na medyo hapit sa katawan, pinaresan niya ng gintong stiletto at gintong mga alahas, pulang-pula rin ang kanyang lipstick at nakalugay ang itim at maalon na hanggang balikat na buhok. Excited si Maxwell dahil ito ang araw na iaanunsyo ni Mr. Raymundo ang magmamana ng kompanya nito at umaasa siya na sa kanya mapupunta dahil siya ang panganay na manugang. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may pinaplanong masama si Cecelia na ikakagulat niya mamaya.Binati sila ng lahat nang pumasok sila sa loob. Puro sikat at maimpluwensiyang businessmen ang mga bisita nila. Ito ang mga
Puno ng pighati si Cecelia na bumalik sa kanyang silid. Nahihilo s’ya at kumikirot ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Nawala s’ya ng boses at parang mawawalan siya ng lakas. Hindi n’ya matatanggap ang natuklasan kanina. Gusto n’yang lokohin ang sarili na hindi ‘yon totoo. Subalit sinasampal s’ya palagi ng realidad.“Wala na…” anas n’ya na s’ya lang ang nakakarinig nang binagsak ang katawan sa kama. “Wala na ang lalaking tiniis ko at pinaghirapan ko ng husto.”Pinatong niya ang braso sa mga mata. “Inagaw s’ya ng ahas kong kaibigan. Buong buhay ko pinagkatiwalan ko s’ya pero ano ito, nagpapakalkal pala s’ya sa asawa ko!”Mapait s’yang humiyaw at nilakasan ang iyak. “Mga hayop kayo! Siguraduhin kong magbabayad kayo!”Naalala rin n’ya na gusto s’yang ipapatay ng mga ito. Hinimas n’ya ang tyan, tumingala sa krus na nakasabit sa dingding at nangako na kahit anong mangyari ay hindi n’ya hahayaan na magtagumapay ito sa plano. Hindi sila pwedeng mamatay ng anak niyang nasa sinapupunan pa lamang
“Congratulations, Misis, you’re four weeks pregnant,” bati ng doktor.Matagal bago maproseso ni Cecelia ang narinig. Hindi s’ya makapaniwala na mabubuntis siya matapos ang tatlong taon na maging asawa ni Maxwell De Silva. Akala n’ya wala na talagang pag-asa pero hindi n’ya inaasahan na makatanggap s’ya ng magandang balita sa araw ng 3rd wedding anniversary nila.Pinaskil n’ya sa mukha ang matamis na ngiti habang hinihimas ang maliit na umbok ng tyan.“Pero maselan ang inyong pagbubuntis. Kailangan niyong mag-ingat, take some vitamins and a lot of bed rest,” dugtong nito.Sa katunayan ay nakahiga s’ya sa kanyang malambot na kama. Nahimatay s’ya kaninang umaga habang tinutulungan magluto ang kasambahay nila.“Opo, doc. Naiintindihan ko. Maraming salamat po,” tugon niya, halos maluluha sa sobrang tuwa.Pagkaalis ng doktor ay kumislot s’ya nang maramdaman ang banayad at mainit na kamay na dumantal sa kanyang tyan. Hindi n’ya ito makita dahil bulag s’ya pero alam niya kung sino ‘yon.“Vale
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen