Pasensiya na guys. Baliw ako rito HEHEHE
Sinalinan ni Magnus ng pineapple juice ang kanyang asawa habang nagbabasa ito ng newspaper. Abot-tenga ang ngiti at halatang satisfied. Nakulong na kasi ang taong ginawang impyerno ang buhay nito. Sinimsim nito ang juice na di siya inangtan ng ulo.“Kung mabibili lang iyang ngiti mo, baka mayaman na ako,” biro ni Magnus bago umupo sa tabi nito. Sa halip na kumain ay tinukod niya ang siko sa lamesa at sinandal ang pisngi sa palad. Ilang minuto niyang pinagpyestahan ang side profile ng asawa. Pinasadahan ng tingin mula noo hanggang sa baba nito pero binalik ang mga mata sa mamula-mulang labi nito. Bahagya siyang napapitlag nang kumibot ang labi nito. Napabuga siya ng hangin pero sinabayan itong ngumiti. “Hey, kulang na lang ay mabubutas na ang ulo ko sa kakatitig mo,” she remarked sarcastically as she tilted her head toward him. Pareho silang napatigagal… na umabot ata ng sampung segundo. Magsasalita sana ito pero wala sa sarili niyang hinila ang upuan nito palapit sa kanya, saka kinab
Kanina pa pumaroon at parito si Lucrezia. Nakatangas nga siya sa pinangyarihan ng sunog pero alam niyang tutugisin siya ng mga pulis dahil may matibay na ebidensiya si Cecelia. Wala siyang ideya kung paano at saan nito nakuha. Natural pumasok siya sa lungga ng kanyang kaaway at maraming mga mata ito. Sa kagagawan niya ay madadamay si Valentina–ang minamahal niyang mangugang.Nanginginig siyang kinuha ang cellphone, mabilis na pinindot ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang manugang. Malapad ang ngiti na tila wala kamuwang sa mundo habang pinapadede ang anak. Lumalaking malusog ang kanyang apo at natatakot siya na baka hindi na ito masisilayan habang buhay.“Mom, what’s wrong?” Medyo garagal ang boses nito dahil mahina ang signal pero halata sa mga mata na batid nito ang pinagdadaanan niya.Matagal bago niya sinagot. “I-I don’t know. What if huhulihin nila ako. Wala pa naman ang dad mo. Walang tutulong sa akin.”“Bakit naman kayo huhulihin kung di kayo guilty. ‘Wa
Pinasuot ni Magnus kay Cecelia ang kanyang coat jacket nang buhat s’ya nito palabas ng hotel. Mabilis s’yang inagaw kay Louie kanina at muntik pa’ng magsapakan ang dalawa. Gusto n’yang bulyawan ang asawa kaso napuno ng usok ang kanyang lalamunan hanggang baga. Samantala ngayon, masikip ang dibdib niya, parang tinutusok ang puso niya, nangagalaiti siya sa kalaspatangang ginawa sa kanyang pinaghirapan at puno ng determinasyon ang kanyang isipan na dalhin sa bilanguan si Lucrezia at Valentina. Sana ito na ang magiging katapusan ng mga ito.Nagdatingan din ang mga bombero, rescue team, mga pulisya at iba pang media practitioner. Simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay magiging laman sila ng balita. Saglit niyang sinilip ang natutupok niyang bagong rinnovated na hotel. Humigpit ang pagkapit niya sa batok ng asawa, saka sinubsob ang ulo sa balikat nito. Nanginginig siya sa magkahalong lungkot, hinayang, takot at galit. Sa tinding ng emosyon ay di na namalayan na nahimatay siya.“Cece
Sinira ng dalawa ang magandang gabi ni Cecelia. Talagang sinadya na dumalo para maghasik ng lagim. "Oh, it's nice to see you here, my beloved friend. Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang biyenan mo. Binabalak ko pa lamang ikutin ang ulo niya. Salamat dumating ka para iligtas siya," pang-uuyam niya.Umasim ang mukha ni Valentina. "Ang sahol mo! Sino ka ba sa inakala mo? Porket naasawa mo lang si Magnus ay namamataas ka na!"Inangat niya ang kamay at pinaglapit ang hintuturo at hinalalaki. "Kunti na lang, Valentina. Kapag mawala itong pasensiya ko, ihanda mo na sarili mo dahil puputulin ko yang dila mo! Hindi lang iyon, ibabalik kita sa lansangan kung saan ka nangaling." Nakataas ang kilay niyang umikot-ikot dito. "Huwag kang makampante dahil may katapusan ang lahat! Babawiin ko ang inagaw mo sa akin!"Tinawanan siya dahilan para lingunin sila ng lahat. Wala silang takas ngayon dahil nandito ang iilang media personnel. "Ilusyunada na ka pa rin eh 'no? Ba't hindi mo matanggap na a
Nakahinga ng maluwag si Cecelia matapos ang mahaba at mainit na pagbati sa kanyang bisita. Binalewala niya muna ang mga asungot. Tinapos ang cutting of ribbon ceremony at inaugaration speech. Saka sandali siyang nagpaalam para mag-retouch ng kanyang make up. Para siyang nalalantang gulay. "Where's that bitch? Nauubusan na ako ng pasensiya!" naiiritang wika ni Valentina. Kahit na nasa loob siya ng cubicle ay alam niyang iyon ang kaibigan niya. Humaba ang nguso niya habang pinapakinggan ang usap ng dalawa. "Oh, relax. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon. Di pa naman tapos ang gabi. Magagawa rin natin ang gusto nating gawin," pampakalma nito. Bigla niyang naisipan na i-record ang usapan ng dalawa, malakas ang kutob niya na may gagawing kalokohan ang mga ito laban sa kanya. Kinuha niya an saka pinindot ang vioce recorder. "Heto na nga kaso kinakabahan ako. Itutuloy mo talaga ito. Sayang naman ang hotel." Bumakas sa boses nito ang pag-alinlangan. "Iyon lang ang tanging paraan
"You're so beautiful tonight," bulong ni Magnus sa tenga ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi subalit likas itong nakakaakit. Pinisil nito ang braso niya."Nililinlang ka lang ng mga mata mo," hirit nito. Pumalatak siya at napahugot ng malalim na hininga."Galing sa puso ko ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Kunwari nagtatampo siya. Nakaabresite silang binabagtas ang carpeted floor ng hotel nito.Inipit ni Cecelia ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nakalimutan niyang nakaayos pala ang mukha niya at masisira iyon kapag ginulo niya. Naaasar kasi siya sa pagiging malandi ni Magnus. Sa katunayan, na-flattered siya. Hindi niya pinakita dahil natatakot siyang malaman nito na nahulog siya sa patibong nito.Umaangat ang dulo ng labi niya nang masilayan ang mala-fairytale na dekorasyon ng pinakamalaking bulwagan ng hotel. Tila may pumapatak na kumikinang na mga luha mula sa kisame. Sumasabog na parang bahaghari ang kinang ng chandeliers na sumasayaw sa makinta