Share

Chapter 96: A Leader

Author: Winter Red
last update Huling Na-update: 2025-10-07 13:16:58

Namilog ang mga mata ni Cecelia. Paano nangyaring napadpad ito rito? O sadyang nagkataon lamang?

“What do you think you're doing, Ambrose?” sumbat ni Cecelia, ilang saglit matapos nilang makalayo sa mansyon niya. Hindi niya sukat akalain na dudukutin siya ng kaibigan. Sa sobrang pag-aalala nito ay pina-cancel ang flight at balak siyang dalhin ng probinsya. Doon sa Albay.

“I’m trying to save you from that devil!” diretsahang sagot nito. Kagaya niya ay punong-puno rin ng tensyon. Sumisikip ang dibdib niya. Balot na balot siya ng magkahalong takot, kaba at paghihinayang. Hindi nakapagpreno ang bunganga niya at ngayon malalagay sa panganib ang dati niyang doktor.

Kilala niya tuwing magpa-panic lalo na kapag nasa masamang sitwasyon siya.

“My husband is not a devil. He is just trying to protect me. What are you talking about?” naasar niyang katwiran. Napatingin siya sa bintana ng sasakyan kung saan makikita ang malabong liwanag ng syudad.

“Nabulag ka na kasi sa kanya kaya hindi mo na nak
Winter Red

Thank you for reading po :)

| 2
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 98: Cold Eyes

    “Dalawang linggo na ang lumipas. Wala pa rin akong nababalitaan tungkol kay Maxwell. What if totoong nagbago siya? What if totoo ang sinabi niya? So far wala pa akong natatanggap na death threat sa kanya. Sadyang overprotective lang si Magnus,” mahinang wika ni Cecelia sa kanyang cellphone.Tumahimik ang kausap niya sa kabilang linya. Napameywang siya, hinawi ang kurtina at dumapo ang paningin sa mga kalalakihan nakaitim sa labas. Matagal na niyang gustong konprontahin ang totoong pagkatao ni Magnus, ngunit matapos silang umiwi ng mansyon dalawang linggong nakakaraan ay hindi niya nagawang kausapin ito. Sinermonan lamang siya bago ito mawala na parang bula sa harap niya.“Nagiging paranoid ka na naman eh. Malay mo, nagpaplano si Maxwell na dukutin ka at naghihintay pa lang ng tamang pagkakataon. Never let your guard down.” Humugot ng malalim na hininga si Maxine matapos sabihin iyon.Kinagat niya ang ibabang labi, naningkit ang mga mata nang matanaw si Magnus na bumaba ng sasakyan nit

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 97: Helicopter Ride

    “Nawawala po ang asawa niyo, sir. Mabuti na lang may tracker siya.”Pumapagting pa rin sa ulo ni Magnus Quinn ang huling balita ng kanyang security chief sa cellphone. Umigting ang panga niya at walang pagdadalawang isip na umakyat sa kanyang helicopter.“Destination—Albay,” aniya sa matalas na boses. Tumango ang pilito bago tumalima. Ilang saglit ay bumungad sa kanya ang maliwanag na syudad sa ibaba.Hindi pa siya tapos sa kanyang problema sa underworld at ngayon nadagdagan na naman ng isa. Talagang hinahamon siya ni Maxwell. Hindi niya rin masisisi si Cecelia sa pagiging pasaway nito dahil lulong ito sa makamundong bagay. Hindi kayang manatili ng bahay ni isang linggo. Esaherado siyang kumawala ng hangin. Ayaw niya munang mawalan ng pasensiya hangga’t ‘di makakapiling muli ang kanyang minamahal na asawa.Ngumiwi siya nang mapansin ang pagkislap ng tracker sa kanyang tablet–mabagal na gumagapang ang maliit na pulang tuldok sa makitid na kalsada ng probinsiya. Buhay na buhay at patul

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 96: A Leader

    Namilog ang mga mata ni Cecelia. Paano nangyaring napadpad ito rito? O sadyang nagkataon lamang?“What do you think you're doing, Ambrose?” sumbat ni Cecelia, ilang saglit matapos nilang makalayo sa mansyon niya. Hindi niya sukat akalain na dudukutin siya ng kaibigan. Sa sobrang pag-aalala nito ay pina-cancel ang flight at balak siyang dalhin ng probinsya. Doon sa Albay.“I’m trying to save you from that devil!” diretsahang sagot nito. Kagaya niya ay punong-puno rin ng tensyon. Sumisikip ang dibdib niya. Balot na balot siya ng magkahalong takot, kaba at paghihinayang. Hindi nakapagpreno ang bunganga niya at ngayon malalagay sa panganib ang dati niyang doktor.Kilala niya tuwing magpa-panic lalo na kapag nasa masamang sitwasyon siya. “My husband is not a devil. He is just trying to protect me. What are you talking about?” naasar niyang katwiran. Napatingin siya sa bintana ng sasakyan kung saan makikita ang malabong liwanag ng syudad. “Nabulag ka na kasi sa kanya kaya hindi mo na nak

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 95: Bad Decision

    “Maxine, please. Tulungan mo ko,” balisang sabi ni Cecelia matapos niyang tawagan ang matalik na kaibigan.Napasinghap ito. “Ano ba’ng problema? Nabalitaan ko na kinulong ka raw ng asawa mo. Okay ka lang ba d’yan?” Hinawaan ito ng pagkabalisa niya. Narinig niya sa kabilang linya na parang naghuhugas ito dahil maingay ang kalansing ng mga plato, kubyertos, baso at kawali.Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. “Walang problema sa akin kaya nakakulong ako, kaso… may malaking problema ako kay Ambrose…”“B-Bakit?” Napahinto ito. Narinig niyang ginihit nito ang pinto at napaupo.“Tinawagan niya ako kanina para magpaalam dahil babalik na siya ng Amerika kaso nadulas ang bibig ko at sinabi kong kinulong ako ni Magnus. Hindi ko in-expect na pupuntahan niya ako rito para iligtas daw.” Suminghap siya. Nasa tono ang inaandang iyak. “Maxine, tulungan mo ko. Kailangan natin siyang pigilan. Baka mapatay siya ni Magnus.”Sandali itong natulala bago bumuga ng hangin. “Santisima! Tested

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 94: Disagreement

    “Ginawa ko na lahat-lahat pero ayaw pa rin pumayag,” dismayadong pahayag ni Cecelia. Nasa telepono siya at kasalukuyan kausap ang kanyang Mommy Catherine. Ito ang takbuhan niya tuwing magigipit siya sa buhay lalo na ang nanarasan niyang sitwasyon ngayon. Madali kasi itong makinig sa mga inahing niya.Nilinis muna nito ang lalamunan bago tumugon. “I think it's for your own good din iyan, hija. Tama si Magnus. Hangga’t buhay ang ex-husband mo hindi ka talaga tatantannan niyan lalo na’t inamin niyang mahal ka niya. Hahanap at hahanap ng paraan iyan para makuha ka.”“Ich! Sino ba’ng tanga para hayaan gawin iyon sa kanya? Hindi ko kayang manatili ng buong araw sa bahay, Mommy. Kilala niyo ako. Nasa labas palagi ang buhay ko,” ingos niya, parang batang nagsusumbong.Kaso nasa tono nito na hindi sumasang-ayon sa kanya. “Sundin mo na lang ang asawa mo. Hindi mong matapos ang problema saka pwede ka ng gumala unlimited.”Wari’y kidlat nang sandaling may natanto siya. Siguradong nagseselos na n

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 93: For Your Safety

    Tinutop ni Cecelia ang dibdib, humahangos na pinagmasdan ang asawa bago hinila ang kumot para takpan ang sarili. Hindi pa rin siya sanay na nakahubo’t hubad sa harap nito kahit ilang beses na silang naglo-love making. Iba talaga ang dating ni Magnus sa kanya.“Sabi ko sa’yo ‘wag mo kong istorbuhin kapag nandito ako sa bahay. Animal ka, Leandro! What the hell do you want?!” pag-angil nito. Mistula itong kumakahol na aso. Sinadya niyang tumungo sa walk-in closet ang pagkakataong iyon. Naghanap siya ng modestang pajama. Nasa gilid ng bintana si Magnus noong lumabas siya. Marahan siyang naglakad palabas pero noong akma niyang pihitin ang pinto ay saktong bumaling ito. “Where do you think you're going?” singhal nito. Nanatili pa rin ang iritasyon.“Iinom ako ng tubig kasi nauuhaw ako,” rason niya. “I won't listen to your petty excuses.” Inisang hakbang nito ang silid at kinabig ang braso niya. “Hindi pa tayo tapos.”Tinulak niya ito. “Akala ko ba may kausap ka? Baka importante iyan. Una

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status