LOGIN"Kung basura ka sa paningin ng asawa, para sa akin ikaw ang pinakamahalaga hindi matutumbasan ng kahit anong pera o yaman."
View MoreNakatingin si Yvonne sa asawa niyang si Marlon at tila nag-aalangang magsalita.
Nasa hapag-kainan na ang mga pagkaing inihanda niya. Mayroon siyang sinigang na hipon, pritong manok, at isang mangkok ng kanin na bagong saing. Ilang beses niyang inayos ang pagkakalagay ng mga plato at kubyertos, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang kanilang pagsasalo ngayong gabi. Dalawang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapalapit sa asawa. "Marlon... Love...halika na kumain na tayo," nauutal na sabi ni Yvonne habang nakatayo sa may pintuan ng kanilang dining room. Mula nang ikasal sila, hindi naging madali ang buhay niya kasama ang lalaki. Hindi siya nito itinuturing na tunay na asawa dahil wala naman itong pagmamahal sa kaniya. May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Marlon, at alam iyon ni Yvonne mula pa sa simula ng kanilang pagsasama. Para silang dalawang estranghero sa malaking bahay na iyon. Umuuwi si Marlon kung kailan nito gusto. May mga gabing hindi niya alam kung saan ito nagpunta o kung kailan ito babalik. Bihirang-bihira siyang tabihan nito sa kama. Minsan ay ilang araw pa itong hindi umuuwi, at kapag tinatanong niya kung nasaan ito, galit lamang ang isinasagot sa kaniya. Hindi rin sila nagkaroon ng honeymoon. Sa halip na magsimula ng masayang pagsasama, naging malinaw sa kaniya na ang kasal nila ay isang obligasyong kailangang tiisin ni Marlon. Nananatiling birhen si Yvonne dahil walang balak na galawin siya ng kaniyang asawa. Kahit ilang beses niyang sinubukang mapalapit dito, palagi siyang tinatanggihan. Nang marinig ni Marlon ang pagtawag niya, huminto ito sa pag-aayos ng suot nitong relo. Matalim siyang tiningnan ng lalaki bago bahagyang kumunot ang noo nito. "Hindi ka pa rin ba susuko? Isang taon ka nang ganiyan sa akin. Hindi ka pa rin ba titigil sa mga ginagawa mo? Hindi mo ako kailangang intindihin dahil hindi naman asawa ang tingin ko sa iyo. Ilang beses ko bang uulitin na wala akong nararamdaman para sa iyo? Na hindi kita magagawang mahalin? Wala ka bang isip? Hindi mo ba maintindihan iyon? Ganiyan ka ba kabobo?" Napayuko si Yvonne. Sanay na siyang marinig ang masasakit na salita mula sa asawa ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na siya nasasaktan. Sa bawat pagkakataong pinapamukha ni Marlon na wala siyang halaga, pakiramdam niya ay lalo siyang nawawalan ng lakas na ipaglaban ang kanilang pagsasama. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang tratuhin nang ganoon. Hindi naman niya ginusto ang sitwasyon nila. Umaasa lamang siyang darating ang araw na matututuhan siyang mahalin ni Marlon. "Love... ano ba ang dapat kong ga-gawin para ma-mahalin mo lang ako?" tanong niya habang pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Asar na ngumisi si Marlon. Hindi man lang ito nagpakita ng awa sa kaniya. "Wala. Wala kang dapat gawin dahil hindi mangyayari iyon. Sumuko ka na, Yvonne. Hindi kita magagawang mahalin. Akala mo siguro, porke nauto mo ang mga magulang ko na makasal tayo, nagtagumpay ka na. Gago! Kinulong mo lang ang sarili mo sa akin kahit wala naman akong pakialam sa iyo! Hinding-hindi kita gagalawin, Yvonne. Ang babaeng mahal ko lang ang aangkinin ko at hindi ikaw! Kahit lumuha ka pa ng dugo, hinding-hindi ako magkakaroon ng katiting na pagmamahal sa iyo! Sabihin mo lang kung kailan mo balak makipag-divorce sa akin. Alam mo kung bakit ginusto kong sa ibang bansa tayo ikasal noon? Para madali lang akong makipag-divorce sa iyo! Tangina mo! Kainin mo iyan lahat! Araw-araw mong sinisira ang araw ko!" Napatakip si Yvonne sa kaniyang bibig. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha. Hindi na naghintay si Marlon ng sagot mula sa kaniya. Pabagsak nitong isinara ang p***o ng kanilang bahay bago nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan at tuluyang umalis. Naiwan si Yvonne sa may pintuan, nakatingin sa direksiyong pinuntahan ng kaniyang asawa. Hindi niya alam kung kailan ito babalik. Hindi rin niya alam kung may pagkakataon pa bang magiging maayos ang kanilang pagsasama. Ni minsan ay hindi naging excited si Marlon na umuwi sa bahay nila. Palibhasa, hindi naman niya mahal ang kaniyang asawa. Makalipas ang ilang sandali, marahang naglakad si Yvonne pabalik sa dining room. Umupo siya sa kaniyang nakasanayang puwesto at kinuha ang kutsara at tinidor. Nagsimula siyang kumain kahit wala siyang ganang kumain. Simula nang ikasal sila ni Marlon, palagi na lamang siyang kumakain nang mag-isa. Ni minsan ay hindi siya nito sinabayan sa pagkain. Napipilitan lamang ang lalaki kapag bumibisita sa kanila ang mga magulang nito. Kapag wala ang mga ito, hindi man lang nito tinatanong kung kumain na siya. “Punyetáng buhay naman ito! Bakit ganito sa akin ang asawa ko?” naiiyak niyang sabi. Pinilit ni Yvonne na lunukin ang pagkaing nasa kaniyang bibig. Napatingin siya sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Iyon ang puwestong palaging nakalaan para kay Marlon, ngunit halos hindi na niya ito makita roon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning maghintay. “Hindi ko na yata makakaya pang ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo, Marlon. Araw-araw akong nauubos sa mga pagmumura mo sa akin at sa masasakit mong salita. Sana ay mapagod na nang tuluyan ang puso kong mahalin ka para magawa na kitang palayain….” umiiyak niyang usal. MATAPOS kumain, inayos niya ang mga pinagkainan at nilinis ang kusina. Hindi niya kayang iwan ang mga iyon dahil mas lalo lamang siyang malulungkot kapag wala siyang ginagawa. Nang matapos ang lahat, bumalik siya sa kaniyang kuwarto at humiga sa kama. Ilang beses niyang sinubukang matulog ngunit hindi niya magawa. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Marlon. Sa huli, nakatulog siya nang hindi namamalayan na basa na naman ng luha ang kaniyang unan. Palagi naman siyang ganoon. Wala nang bago. Kahit ano pang pang-aakit ang gawin niya kay Marlon, wala itong epekto. Sa tuwing sinusubukan niyang lumapit sa lalaki, pandidiri lamang ang nakikita niya sa mga mata nito. GABI NA NANG MAGISING SI YVONNE. Nang tingnan niya ang oras sa kaniyang cellphone, napansin niyang lampas alas-onse na ng gabi. Marahan siyang bumangon mula sa kama at inayos ang kaniyang buhok bago lumabas ng kuwarto. Patungo na sana siya sa kusina upang kumuha ng maiinom nang makarinig siya ng doorbell mula sa labas ng kanilang bahay. Nangunot ang kaniyang noo. Hindi niya inaasahang may darating sa ganoong oras. Naglakad siya patungo sa main door at sumilip muna sa maliit na salamin bago ito binuksan. Isang guwapong lalaki ang nakatayo sa labas. Matangkad ito, maayos ang pangangatawan, at nakasuot ng simpleng polo na nakatiklop ang manggas. Sa tingin niya ay nasa edad trenta pataas ang lalaki. May hawak itong cellphone at tila nag-aalinlangan kung tama ba ang bahay na pinuntahan nito. "H-hi..." alanganing bati ng lalaki nang bumukas ang p***o. "Sino po sila?" tanong ni Yvonne. "Ako si Carson Wallace. Nandito ba si kumpareng Marlon? Pasaway na lalaking iyon! Akala ko sasamahan niya ako magpunta sa bahay ng inaanak namin. Birthday kasi no'n. Kauuwi ko lang kaninang tanghali mula sa Canada. Hindi ko alam ang bahay ng kaibigan namin kaya naisip kong dumaan dito," paliwanag ni Carson. Pinagmasdan ni Yvonne ang mukha ng lalaki. Mas guwapo pa ito sa kaniyang asawa, at kapansin-pansin ang maayos nitong tindig. May malamig itong boses ngunit hindi iyon nakakatakot pakinggan. Sa halip, tila kalmado ang paraan ng pagsasalita nito. "W-wala siya d-dito eh..." sagot niya bago yumuko. Bahagyang nagulat si Carson sa sagot ng babae. Napansin niyang tila nahihirapan itong magsalita. Nang mas maingat niyang pagmasdan si Yvonne, nakita niya ang pamumugto ng mga mata nito. Para bang katatapos lamang nitong umiyak. "Ba-Bakit? Na-Naasaan siya?" tanong niya. Nag-angat ng tingin si Yvonne. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa simpleng tanong ng lalaki. Marahil ay dahil matagal na siyang hindi kinakausap nang maayos ng kaniyang asawa. "Ahm... ano kasi... h-hindi kasi kami okay ng a-asawa ko kaya... bi-bihira siyang umuwi dito. I-message mo na lang siya. Ayokong i-message siya dahil magagalit lang siya sa akin..." naluluhang paliwanag niya. Napaawang ang bibig ni Carson bago dahan-dahang napatango. Hindi niya inaasahang ganoon ang sitwasyon ng kaibigan. "Ahm... pasensya na. Hindi ko alam. Ibig sabihin, ikaw lang ang nandito sa bahay ninyo?" Mabagal na tumango si Yvonne. "O-Oo." Saglit na natahimik si Carson. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Hindi niya rin gustong manghimasok sa personal na buhay ng mag-asawa, lalo na't hindi naman niya kilala nang lubusan ang babae. Gayunpaman, hindi niya maiwasang maawa rito. Sa pamumugto ng mga mata ni Yvonne, malinaw na hindi maganda ang pinagdaraanan nito. "Sige, aalis na ako. I-lock mo ito nang maigi. Salamat sa impormasyon. Pasensya na sa abala. Mag-ingat ka rito." Napatingin si Yvonne sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang lungkot nang marinig ang mga salitang iyon. Simple lamang ang sinabi ni Carson ngunit hindi niya maalalang kailan siya huling sinabihan ni Marlon na mag-ingat. "Si-Sige po. Salamat," mahina niyang sagot. Malalaking hakbang ang ginawa ni Carson patungo sa kaniyang sasakyan. Bago niya paandarin iyon, sinilip muna niya si Yvonne sa side mirror. Nakita niyang nakatayo pa rin ito sa may pintuan, tila hindi alam kung ano ang gagawin. Napabuntong-hininga si Carson. Bigla siyang naawa sa babae, lalo na nang mapansin niyang namumugto ang mga mata nito. Hindi niya alam ang buong kuwento ng mag-asawa ngunit hindi niya nagustuhan ang ideyang naiiwan itong mag-isa sa malaking bahay. Mayamaya ay pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan at tuluyang umalis. Habang si Yvonne naman ay bumuga na lamang ng hangin bago marahang naglakad papasok sa loob ng kanilang bahay. Isinara niya ang p***o at siniguradong naka-lock iyon bago tuluyang bumalik sa kaniyang kuwarto. Hindi niya maiwasang isipin ang mga sinabi ni Carson. Kahit hindi nito alam ang buong sitwasyon, nagawa nitong magpakita ng pag-aalala sa kaniya. “Mabuti pa sa ibang tao, narinig ko ang katagang iyon. Ngunit sa mismong asawa ko, hindi ko man lang iyon narinig….” bulong niya. Naupo si Yvonne sa gilid ng kama at napatingin sa kaniyang singsing sa daliri. Isang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya nararamdamang asawa siya nito. Napahawak siya sa singsing at dahan-dahang hinubad iyon. Matagal niya itong tinitigan bago muling isinuot. “Ito na ba ang senyales para tuluyan ko nang palayain ang asawa ko?”Lumipas ang dalawang araw. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Yvonne, bagama’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakakakain na siya nang kaunti at hindi na rin kasingdalas ang pag-iyak niya. Gayunman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang harapin ang sitwasyon sa kanilang pagsasama ni Marlon."Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Carson."Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."Nainis bigla si Carson. "Talaga bang wala ka nang balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag-file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?""Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga m
Mariing pinisil ni Carson ang kaniyang noo bago muling tumingin sa kalsada. Mabigat ang kaniyang mga talukap at masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Nang magising kasi siya sa bahay ni Yvonne noong nakaraang gabi, agad siyang umalis. Ayaw niyang magkaroon ng anumang isyu sa pagitan nila ng asawa ng kaniyang kumpare. Hindi rin niya gustong magbigay ng dahilan upang magkaroon pa ng panibagong problema ang babae.Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyang ilalabas nila sa merkado. Lumalago nang husto ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili sa kanilang mga produkto. Hindi naman kataka-taka iyon. Bukod sa magaganda ang disenyo ng kanilang mga sasakyan, kilala rin ang kompanya sa paggawa ng matitibay na piyesa. Hindi basta-basta nasisira ang mga ito, kahit pa masangkot sa isang aksidente.Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng kaniyang sekretarya na si Rain. May hawak itong ilang dokumento at tila naghihintay lam
Gabi na nang magkita sina Marlon at Carson Wallace sa isang pribadong bar na madalas nilang puntahan kapag pareho silang may libreng oras. Tahimik ang lugar kumpara sa ibang bar sa siyudad. Mahina lamang ang tugtog mula sa mga speaker, at iilan lang ang mga taong naroon. Sa isang sulok ng bar, nakaupo ang dalawang lalaki sa isang maluwang na sofa, may nakahandang bote ng mamahaling alak sa mesa sa harapan nila.Matagal nang magkaibigan sina Marlon at Carson. Magkumpare silang dalawa. Bata pa lamang sila ay magkasama na sila sa maraming bagay. Sa pag-aaral, sa mga bakasyon, at maging sa mga kalokohan nila noon, palaging magkasama ang dalawa. Hindi lamang sila basta magkaibigan dahil naging magkumpare pa sila nang magkaroon ng kani-kanilang pamilya. Kaya naman kahit matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-alis ni Carson sa Paris, nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.Ngunit ngayong gabi, napansin ni Carson na tila hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang kumpare.
Nakatingin si Yvonne sa asawa niyang si Marlon at tila nag-aalangang magsalita. Nasa hapag-kainan na ang mga pagkaing inihanda niya. Mayroon siyang sinigang na hipon, pritong manok, at isang mangkok ng kanin na bagong saing. Ilang beses niyang inayos ang pagkakalagay ng mga plato at kubyertos, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang kanilang pagsasalo ngayong gabi. Dalawang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapalapit sa asawa."Marlon... Love...halika na kumain na tayo," nauutal na sabi ni Yvonne habang nakatayo sa may pintuan ng kanilang dining room.Mula nang ikasal sila, hindi naging madali ang buhay niya kasama ang lalaki. Hindi siya nito itinuturing na tunay na asawa dahil wala naman itong pagmamahal sa kaniya. May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Marlon, at alam iyon ni Yvonne mula pa sa simula ng kanilang pagsasama.Para silang dalawang estranghero sa malaking bahay na iyon. Umuuwi si Marlon kung kailan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.