Share

Chapter 12

Bivianne

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si mom na nasa sala. Umiinom siya ng wine habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. Probably about work. Hindi naman siya nauubusan ng trabaho.

"Where have you been?" tanong niya nang hindi man lang inaangat ang tingin mula sa tablet.

Lumapit ako sa kaniya habang nakayuko. "My friend's house."

"Yeshua's?" Right. She knows I'm friends with Yeshua. Siya lang naman ang kaibigan ko. Not until I met her cousins, though.

"Yeah. With her cousins."

Umarko ang kilay niya. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa tablet. "Her cousins?"

"Nakilala ko sila noong may activity kami tungkol sa isang farm. May farm kasing pag-aari ang pinsan ni Yeshua. Pinakilala niya kami ng mga kagrupo ko."

"I remember that. Take a seat." Tinuro niya ang bakanteng sofa sa harap niya. "So, how was your grade there?"

Pagkaupo ko ay agad nagbaba ng miryenda si Cassady sa harap ko. "We received a perfect grade."

"Good. And your midterms, how was it?"

"I answered
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status