BivianneโI said,โ sabi ko, โwhat the hell is this? Bakit naka-bandage โtong braso mo?โNapaiwas siya ng tingin. โWala. Dahil lang โto sa paglalaro. Masyado lang na-strain kaya nilagyan ko ng bandage.โโAnd the bruises? Dahil din sa paglalaro?โโI just bumped into something.โNatawa ako. โWhat, like, you bumped into something ten times?โ Nang hindi siya sumagot, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. โWho did this?โHinigit niya ang kamay pabalik. โNo one! Sinabi ko naman sa โyo. Sa paglalaro โto at nabunggo lang talaga.โโI know what I saw, Khaianne. Trust me. Hindi ka magkakaroon ng ganiyang pasa dahil lang nabunggo ka sa isang bagay. Kaya ka ba palaging naka-long sleeves? Kasi kung oo, ibig lang noโn sabihin, ang tagal na niyan.โ Napatigil ako saglit. โOh my ghadโฆโโBi, please, hayaan mo na lang โto. Mawawala rin โto.โHindi ko pinansin ang sinabi niya. โItโs my mom, isnโt it? My mom did that to you.โNapaiwas ulit siya ng tingin. Nang hindi niya kinumpara o tinanggi man lang ang si
BivianneNapasalampak ako sa couch matapos kong mailapag ang mga gamit ko. Itโs not much, sapat lang para sa stay ko, pero halos maubos na agad ang energy ko. Oxemโs helping me carry the heavy bags, pero ako pa rin ang nag-ayos ng mga โyon para alam ko kung saan nakalagay.โHindi ko alam na nakakapagod pala nang sobra ang paglilipat,โ sabi ko. Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. โOkay na muna siguro โto ngayong araw. Hindi naman natin kailangang magmadali. Basta sigurado tayong may mga gamit ka nang pwede mong gamitin agad.โโYouโre right.โ Naalala ko ang sinabi ni Keam. โOo nga pala. Keam wants to have dinner with you. Kasama si Khaianne. Is that okay with you?โโSure. Why not? Kailan?โโKung kailan ka free.โ I picked up my phone. โKailangan ko rin palang sabihan si Khaianne. Kapag nakapili na tayo ng date, saka ko itatanong kay Keam.โI typed a message and sent it to Khaianne. Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.โIs your mom gonna be there?โ Napakunot ang noo ko. โI th
BivianneAfter work, dumeretso agad ako sa apartment ni Oxem. Dahil sa nangyari noong nakaraan, I canโt take any more chances. Baka mamaya ay may makakita pa sa โming dalawa. At ayoko na lang isipin kung anong pwede nilang makita.Nang makarating ako, pinarada ko ang sasakyan ko sa parking. I messaged Oxem na nandito na ako. Hindi kasi ako papapasukin sa loob dahil wala naman akong authority. Mabuti na lang at pwedeng tumanggap ng bisita ang mga naka-rent dito. Pwede ring mag-overnight. Bawal nga lang mag-p-party upang maiwasan ang aberya sa iba.Habang naghihintay sa entrance, naisipan kong maglakad-lakad para makita ang paligid. May maliit na garden kasi sa harap ng apartment complex kaya sariwa ang hangin at hindi ganoon kainit.I was about to go back when I felt someone following me. Ang unang hinanap agad ng mga mata ko ay ang gwardiya na nagbabantay sa complex. I can see him from here kaya nakampante ako. I can easily call for help.Napatili ako nang may sumundot sa tagiliran ko
BivianneTama nga ang sinasabi nilang bumibilis ang oras sa tuwing nag-e-enjoy ang isang tao. Hindi namin namalayan na dumidilim na at kakain na naman kami gayong parang kakakain lang namin ng tanghalian kanina.Masyado akong immersed sa kwentuhan namin. Kahit madalang akong magsalita ay hindi ako napag-iwanan. Marami nga akong nalaman lalo na sa mga nangyari noon kay Oxem nang bata pa siya.Patuloy ang pag-ingit ni Oxem sa mga pinsan niyang sinisiwalat ang mga kahihiyan niya noong bata siya. But I donโt mind. I want to know more. Para ko na rin siyang nakasama noong bata siya kapag naririnig ko โyong mga kwento nila.โI should go home,โ pasimpleng bulong ko kay Oxem. โItโs getting late. Kailangan kong pumunta sa office bukas.โโBakit hindi ka muna rito mag-dinner? Hindi ka paaalisin ni mama hanggaโt hindi ka pa nakakakain.โNapanguso ako. โI guess I can stay for dinner. Dito ka ba matutulog?โ โSana. Palagi namang nililinis ni mama โyong kwarto ko kaya may matutulugan ako ngayon. Iha
BivianneโOxem!โ bulalas ng mama niya pagkabang-pagkababa namin ng sasakyan. Pinudpod niya ng halik sa mukha ang anak bago niyakap nang mahigpit. Natatawa lang si Oxem habang ginagawa ng mama niya โyon at mukhang sanay na talaga siya.โNa-miss kita, โMa. Pero may kasama ako.โ Tinuro pa niya kami sa likod.โHindi ka naman umaangal noon kahit sinong kasama mo, ah?โ Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay napaawang ang bibig niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. โAh, I see.โโโMa, nakilala mo na noon si Khaianne noon. Isa sa mga member ng FXNK.โ Nagmano naman agad sa kaniya si Khaianne. โMano po. Kumusta po kayo?โโMabuti naman. Oo at naalala kita. Ikaw โyong sweet na bata. Hinding-hindi kita makakalimutan! Saka si anoโฆ ano nga ang pangalan nang makulit na batang โyon? Si Rodmarc!โ Natawa naman sila sa pagbanggit ng pangalan nito.โDay off nila, โma, kaya si Khaianne lang ang nakasama namin. Umuwi sila sa mga pamilya nila.โโMas mainam โyon at para makapag-bonding silang pamilya.โNap
BivianneNapadilat ako nang marinig ang katok sa pinto. Ilang segundo bago ko napagtanto kung nasaan ako kaya napadilat ako nang tuluyan. Pagtingin ko kay Oxem ay tulog na tulog pa siya at mukhang hindi narinig โyon.โWait!โ sambit ko sa kumakatok. Tumigil naman โyon agad.Nagbihis na muna ako bago lumabas. Kahit anong gising kasi ang gawin ko kay Oxem ay hindi siya magising. Mukhang napagod yata siya sa scrim nila kahapon at sa nangyari kagabi. Natawa tuloy ako sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa โkin. โKhaianne? What are you doing here? Itโs supposed to be your day off.โ Napatingin ako sa likod para siguraduhing hindi makikita ni Khaianne si Oxem. โBi? Anong ginagawaโโ Mabilis siyang umiling. โHindi mo kailangang sagutin โyong tanong ko. Hindi ko kailangang malaman.โNapakamot tuloy ako sa pisngi ko at bahagyang hinarang ang katawan ko sa pinto. โHeโs still asleep. Kumain ka na ba?โโIninit ko lang โyong kare-kare. Tatawagin ko sana si b
BivianneDumaan ang maraming araw na paulit-ulit ang ginagawa namin. Pero kumpara noon, madalas na kaming magkasama ni Oxem matapos ang trabaho namin. May mga pagkakataon mang hindi kami sabay umuuwi ay madalang na lang mangyari โyon.Ayon sa kaniya, hindi na sila ganoon ka-busy dahil katatapos lang ng finals. Ilang buwan pa ulit ang kailangan nilang hintayin para sa susunod na patimpalak. Kailangan pa rin nilang mag-ensayo araw-araw at makipag-scrim sa ibang team.Scrim o scrimmage ang tawag sa pakiki-match sa ibang team. Ina-apply nila ang rules and regulations ng mga patimpalak para malaman kung sino ang mananalo. Hindi man โto isang official match, nakakatulong naman โto para sa training nila dahil ang mga nakaka-scrim nila ay sila ring mga nagkakaharap sa mismong tournament.Matapos ang trabaho ko sa araw na โyon ay dumeretso ako sa dorm ng FXNK. Patapos na ang scrim nila kaya pwede na akong magpunta. Day off ng mga bata bukas kaya naman pauuwiin niya ang mga ito mamaya. On the o
BivianneโCongratulations, everyone!โ bungad na bati ko sa kanila pagkalabas namin ng venue. Medyo nagtagal kasi kami sa loob lalo na at deretso awarding na rin ang nangyari.โThank you, ate Bivianne!โโThank you, Bi!โSabay-sabay nila akong niyakap kaya halos mawalan kami ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap si Oxem at nahawakan ako agad sa beywang para hindi kami tumumba lahat.โCalm down, guys,โ ani Oxem. โBaka madisgrasya pa kayo.โNapanguso ang mga ito kaya naman napangiti ako bago sila niyakap isa-isa. โI guess hindi naman tayo madidisgrasya kung isa-isa ko kayong yayakapin.โMalawak naman silang napangiti lahat at sinuklian ang yakap ko. Matapos โyon ay naglakad na kami papunta sa hallway. Ang buong akala ko ay mag-d-dinner na kami pero nabigla ako nang dumeretso sila sa room para i-review ang game nila.Pero bago pa sila makapasok ay hinarangan ko na agad sila. โHep! Alam kong nakasanayan niyo nang i-review ang game niyo pagkatapos pero you guys won! You need to take it
BivianneโWhen did you have the time to prepare this?โ tanong ko habang kumakain. Steak ang in-order namin pareho at wine ang panulak. โSigurado akong sobrang busy niyo kanina sa paghahanda sa tournament.โโNoong natutulog ka,โ nakangiting sagot niya. โHindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung tumanggi kang matulog kanina. Iyon lang din kasi โyong oras na meron ako para paghandaan โto.โโI didnโt realize. Sobrang pagod ko rin siguro noong mga oras na โyon kaya hindi na ako naghinala. At masyadong magarbo โto para sa ilang oras na paghahanda.โโHindi ko dapat kunin lahat ng credits kasi tinulungan din ako nina Khaianne para mapabilis โyong pag-aayos. Pati โyong staff, tumulong din sila.โNapangiti ako. โThank you so much for this, Oxem.โNgumiti siya pabalik. โThank you so much din sa pagsama.โโItโs my pleasure.โNagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. Ngayon na lang kami ulit nakakain sa labas dahil sa sobrang busy namin pareho. Naging blessing-in-diguise pa tuloy โyong