Share

Chapter 29

Bivianne

I mustered all my courage and dialed Oxem’s number. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nakahawak sa phone. Ilang linggo kaming hindi nagkita at nag-usap. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

Pero nangako akong mag-uusap kami. At sa pag-uusap na ‘to, kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi kami pwedeng magsama at buo na ang pasya ko.

Tumunog ang phone ko hudyat na sinagot na niya. Pero walang sumagot ni isa sa ‘ming dalawa. Para bang naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. O baka pareho kaming natatakot kung ano ang maririnig namin sa isa’t isa.

Kaya naman naisipan ko nang mauna. “Let’s break up.” Natawa ako nang marinig ko na mismo ang boses ko. “Hindi nga pala tayo pwedeng mag-break dahil wala pa namang tayo.”

He didn’t find my joke funny, though, dahil hindi siya natawa. Kung tutuusin, parang sobrang lamig pa ng boses niya mula sa kabilang linya. “Is it because of that guy? Totoo ba ‘yong sinabi niya? Ikakasal na kayo?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status