TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u
TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad
TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n
TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b
TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng
TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi