Sa isang taon ni Anikka sa Rancho Mondragon ay tila nagbago ang ikot ng mundo niya mula sa isang simpleng buhay papunta sa isang magulo. Lahat ay nagulat sa pagbabalik niya na ipinalabas ng ama na biglang sumulpot si Lucila sa Rancho at isinurender siya. Nagbigay ito ng pabuya at agad pinaalis ang ina-inahan na halos takbuhin pa niya para sumama pabalik. Hindi niya gustong bumalik sa Rancho lalo nang makita kung paano nanlilisik ang mata ng Uncle Octavio niya at ang pagka-disgusto ni Ana sa presensya niya.
Agad nagpatawag ng meeting ang ama at agad isinalin sa kanya ang pamamahala ng Rancho sa kabila ng pagtutol niya.Mula sa malaking bahay ay iginala niya ang mga mata sa lupaing pag-aari niya. Walong taon siya noong umalis dito na akala niya’y mamamasyal lang sa Maynila dahil gusto niyang mapuntahan ang Ocean Adventure. Dahil sa isang aksidente ay tuluyan siyang inilayo sa lupang pag-aari niya.
Ngayon ay muli niyang nasilayan ang parte ng kabataan niya na noon ay masaya, makulay at puno ng buhay. Ngayon ay tila kulungan ito na pumipigil sa kanyang kalayaan dahil sa mga mata ng mga taong naroon; ang Uncle Octavio at ang ampon ng magulang na si Ana.Dalawa ang kumpanyang pag-aari ng pamilya na pareho niyang hindi gustong pakialaman; ang Golden Land Mining Corp., at ang Mondragon Agri Corp. na siyang nagdi-distribute ng mga agricultural products ng Rancho Mondragon. Both companies involved a lot of money. Sa ngayon ay sapat na sa kanya ang nalilibot ang Rancho. Aminin man niya o hindi ay may takot sa puso niya tuwing haharap sa Uncle Octavio niya dahil sa matatalim nitong tingin.
Ipinagpapasalamat na lang niyang kahit paano’y umaayos na ang pakikitungo ni Ana sa kanya sa mga nakalipas na buwan. Kung mayroon man magandang samahan ang tunay na ina at ni Ana ay hindi niya na dapat ikaselos pa dahil sinisikap rin naman ni Diana na punuan ang mga panahong nawala sa kanilang dalawa.“Kailangan mo na’ng sumama sa mga meetings ng kumpanya, Anikka,”
wika ng ama mula sa likuran niya na hindi niya namalayang nakapasok sa silid. “Hindi maglalaon ay pamamahalaan mo rin ang mga iyon. Mabuti na ang maaga mo iyong matutunan.”“Si Ana ang may interes doon, Papa, siya na lang ang italaga niyo. Gusto kong magkaroon ng trabaho ayon sa natapos kong kurso.”
“Pero ikaw ang anak ko. Ang lupang ito at ang kumpanya ay minana kong lahat sa Lola mo. Ikaw ang tunay na Mondragon, hindi si Ana at lalong hindi si Octavio. Sa Lunes ay isasama kita sa opisina at bibigyan na kita ng posisyon. Si Ana ay mananatili pa rin naman sa posisyon niya,” tila pinal naman nitong wika.
“Maaari ba akong tumanggi?”
“No. Kailangan mo ng yakapin ang katotohang ito anak – you are rich and you own a Ranch and two companies. Gusto kong maging matalino, mapagmatyag at matapang ka sa mga panahong ito. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para protektahan ka.”
Napasapo siya sa noo sa bigat ng responsibilidad na gusto nitong iatang sa kanya. Kung dito sana siya lumaki ay madali niyang makasanayan ang pagiging isang tagapagmana, hindi ganitong bigla na lang siyang isusuong na giyera na wala man lang siyang bala.
Nakaalis na ang ama ay hindi pa rin siya makapag-isip ng maayos. Si Jude ay panay na ang tawag sa kanya kung kailan siya babalik sa Nueva Ecija dahil hindi niya ipinaalam kung bakit siya biglaang umalis. Hindi naman niya puwedeng papuntahin ang kasintahan dito dahil ipipilit na naman ng ama ang pakikipagkasundo sa kaniya sa anak ng kaibigan nito na hindi niya pa nakikita sa tanang buhay niya.
Her life was in turmoil and she was not happy.
“Nandiyan ka na pala, Nikka,” wika ng ina nang bumaba siya sa kumedor para mananghalian. Naroon na si Ana sa dining room at masayang nakikipagbiruan sa mga katulong. Maayos naman ang relasyon nilang mag-ina, pero nalulungkot siyang nahahati ang atensyon nito sa kanya at kay Ana. At kapag ganitong nababagabag siya’y gusto niyang takbuhin si Lucila at dito magsabi ng mga saloobin. Mas nakikita niya ang simpatya ni Lucila sa kanya kahit sa pakikipag-usap sa telepono na lang kaysa kay Diana na kasama niya na ngayon.
“Is something wrong, Nikka?” tanong ni Ana nang mapansin ang sandali lang niyang pagngiti bago ay naging seryoso ang anyo.
“Wala naman.” Isang pilit na ngiti muli ang ipinakita niya.
“You look bothered,” wika nito ulit.
“Masakit lang ang ulo ko,” sagot niya. Kapag ganitong marami siyang iniisip ay inaatake siya ng anxiety.
“May paracetamol sa medicine cabinet, Nikka. Ipapakuha ko sa katulong,” wika naman ng ina na umupo na rin sa dining table. Nagsimula nang muli ang kwentuhan ng dalawa na hindi niya gaanong naiintindihan. Pagkatapos kumain ay agad siyang bumalik ng silid at nakinig na lang ng musika para mawala ang bigat sa dibdib.
Pagdating ng hapon ay umupo siya sa veranda at ninamnam ang sariwang hangin. Isang malaking boses mula sa likod niya ang nagpapitlag sa kanya at nagpalakas ng kabog sa dibdib niya.
“Kumusta ang mahal naming Prinsesa?” nakangising wika ng Uncle Octavio niya. “Ano’ng ginagawa mo dito mag-isa? Lumuwas sa bayan ang ina mo at si Ana. Hindi ka ba nila niyaya?”
“Kalalabas ko lang ng silid,” tipid niyang sagot. Gusto niya itong itaboy pero bilin ng ama na pilitin itong pakisamahan para hindi na siya isama sa gulo ng magkapatid pero tila hindi naman ganoon ang nangyayari.
“Nakuha na ng tuluyan ni Ana ang loob ng Mama mo. Hindi ka man lang ba maaalarma?” patuloy nitong wika. Alam niyang pino-provoke siya nito para gumawa ng hakbang laban sa ina o kay Ana pero hindi niya pahihintulutan iyon.
“Hindi ko rin naman gustong magbago kung anuman ang samahan nila dahil lang sa bumalik ako dito, Uncle,” pinatigas niya ang tinig para ipakitang hindi siya maaapektuhan sa mga sinasabi nito.
“Ang sabi ni Agusto ay papasok ka na sa Lunes sa kumpanya. Alam mo bang hiniling na ni Ana ang pagiging VP for Operations sa Agri Corp? Siguro nama’y hindi mo haharangin iyon para sa’yo mapunta ang posisyon.”
“Si Papa ang magde-desisyon n’on, Uncle. Kung ano ang gusto niya’y dapat naming i-respeto ni Ana, hindi ba?”
“Marami ka pang dapat na matutunan bago ka pa italaga sa mataas na posisyon, Nikka. Kung gusto mo’y sa akin ka muna magtrabaho pansamantala,” mataktikang wika nito. Ang alam niya’y sa Mining ito may posisyon pero bumaba ang ranggo dahil sa sunod-sunod na pagka-disgrasya ng mga tauhan dati sa minahan. Her father took over the operations and put another manager in his replacement.
“Walang problema, Uncle. As long as my father approves it,” sagot niya dito.
“Of course your father won’t allow that. Dahil ang alam ko’y ikaw ang itatalaga sa Agri bilang CEO sa mga susunod na araw.” Ikinagulat niya ang balitang iyon at agad siyang napalingon sa tiyuhin. Hindi iyon ang sinabi sa kanya ng Papa niya, at kung totoo man ang sinasabi ng kaharap ay hindi niya iyon matatanggap.
“Ana will surely be devastated, Nikka. Ang inaasahan niya’y siya ang itatalaga ng ama mo doon. Pero dahil dumating ka’y tanggap niya na’ng hanggang VP lang ang posisyong kaya niyang pangarapin.” patuloy pa nito. “At kapag nasaktan si Ana dahil doon ay tiyak na masasaktan din ang Mama mo. You don’t want that, do you?”
“Tulad ho ng sinabi ko’y si Papa ang magpapasya kung saan kami ilalagay ni Ana. Will you excuse me, Uncle? Nakalimutan kong may kailangan pala akong tawagan,” pagdadahilan niya para matapos na ang pakikipag-usap dito.
“Sure. “ Tumayo na rin ito pero muling nagsalita bago ito tuluyang umalis. “Huwag kang lalayo sa pamamasyal sa Racho, Nikka. May mga lugar pa ring mapanganib sa lupang ito,” wika nito na nag-iwan sa kanya ng paniningdig ng balahibo. Muling sumagip sa isip ang nangyaring aksidente noong bata siya na hanggang ngayo’y bumabalik pa sa panaginip niya.
Nang dumating ang ama kinagabihan sa bahay ay kinausap niya ito sa library. Mula nang dumating siya rito isang taon na ang nakalipas ay napansin niya na ang hindi pangingialam ng inang si Diana sa anumang kumpanya ng pamilya.
“May problema ba, Anak?” Umupo ang ama sa swivel chair habang siya’y nanatiling nakatayo.
“Kinausap ako ni Uncle Octavio ngayong hapon. Totoo bang balak mo akong ipalit sayo bilang CEO sa Agri? Gusto kong malaman kung ano talaga ang plano mo sa akin kaya mo ako pinabalik dito, Papa.”
“Yes. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Octavio ang impormasyong iyan, ngayon ako naniniwalang may mata at tainga ang lalaking iyon sa opisina ko.”
“Hindi ko gusto ang ganoon kataas na posisyon sa sandaling panahon pa lang ng pagbabalik ko. Kung talagang wala na akong pagpipilian dahil ako lang ang nag-iisa niyong anak ay bigyan niyo ako ng isang taon para pag-aralan ang pasikot-sikot sa kumpanya.”
Sandaling tumitig ang ama sa kanya bago marahang tumango. “Kung iyan ang makabubuti para sa’yo ay papayag ako. Pero papasok ka sa Lunes bilang assistant ko, Anikka. Bukas ay sasamahan mo ako sa abogado para sa ilang bagay na kailangan kong ibilin sa’yo.”
“Hindi ba’t sa Lunes pa ako magsisimula?”
“This is not about business. This is personal. Ipangako mong walang makakaalam ng lahat ng ito.”
Kung kanina’ng kausap niya ang Uncle Octavio niya’y kinakabahan na siya, doble ang kaba niya ngayon sa mga sinasabi ng ama. “Bakit hindi kasama si Mama sa mga pag-uusap natin mula noong dumating ako dito, Papa?” sa wakas ay naitanong niya sa ama. Isang mahabang sandali ang hinintay nito bago sinagot ang tanong niya.
“Hindi ko gustong ipagtapat ang mga ito sa’yo ngayon, Anikka, but I guess you need to know now.” Panimula nito na tila nahihirapang ipagtapat ang susunod na sasabihin. “Ana is Octavio’s daughter.”
“Sinabi niyo na sa akin ang hinalang iyan, Papa. Na-kumpirma n’yo na ba ang hinalang iyan?”
Marahan itong tumango bago huminga ng malalim. “And your mother’s daughter.”
“What?!”
Sandaling katahimikan ang namayani pagkatapos. Ngayon niya naiintindihan ang relasyong meron ang dalawa na sa kabila ng pagbabalik niya’y tila siya ang estranghero sa ina noong unang mga buwan ng pagbabalik niya. Kahit ang pagdalaw-dalaw sa Nueva Ecija ay madalang itong sumasama kay Agusto.
At ngayon niya naiintindihan ang hindi pagtitiwala ni Agusto sa asawa sa usaping negosyo at kayamanang iniwan ng Lola niya.
“Paano niyo ho nalaman?”
“Si Diana ang pumilit sa akin na ampunin na lang si Ana sa kabila ng alam naming pareho kung saan ka namin pinaalagaan. Noong una’y akala ko’y nangungulila lang ang Mama mo sa’yo kaya pumayag na rin ako. Pero napapansin ko ang pagkagiliw ni Octavio kay Ana kaya ipina-DNA ko ang dalawa. It was positive. Nitong nakaraang buwan ko lang ipina-DNA ang Mama mo at si Ana nang mapansin kong tila malayo ang loob ni Diana sa’yo kung ikukumpara kay Ana. And the result just came out last week.”
Napaupo siya sa receiving chair dahil sa pangangatog ng tuhod. Hindi niya lubos maisip ang sakit na naramdaman ng ama sa sandaling nalaman ang paglilihim ng asawa nito dito.
“Totoo kaming magkapatid…” halos pabulong niyang wika. “Pero ang sabi mo’y nakunan ang Mama noon hindi ba?”
“Iyon din ang akala ko. Pero baka ipinain lang siya ni Octavio para makakuha ng mana sa akin sa pamamagitan ng anak nila.”
“So, nasaan ang loyalty ng Mama ngayon? Sa atin ba o sa kanila ni Ana?”
“Sa kabila ng paghihiwalay ng Mama mo at ni Octavio bago kami ikasal ni Diana ay maayos ang samahan nila hanggang ngayon.
It’s not hard to guess why. Nabubuhay silang malaya na akala nila’y hindi ko alam ang lihim na iyon.”Gusto niyang maawa sa ama sa pagtitiis nitong kimkimin ang mga lihim na natuklasan para lang sa ikatatahimik ng lahat.
“Paano mo natatanggap ang lahat ng ito, Papa?” Sandaling nagpunas ang ama ng luha na kanina pa pinipigilan.
“Dahil sa’yo, Anikka. Kailangan kong maging matatag para sa kapakanan mo at kaligtasan mo…”
“Bakit hindi na lang tayo lumayo? Iwanan mo na lang ang kayamang ito. Ibenta mo ang Rancho at lisanin natin ang lugar na ito. Gusto kong mabuhay ng tahimik, Papa. Ayokong mabuhay sa takot.”
“Hindi ako papayag, Anak. Hindi ako patatalo sa kanila. Kaya hinihiling kong maging matapang ka sa lahat ng oras.”
“Oh, Papa…” Tumayo siya at niyakap ito. Dama niya ang paghihirap ng damdamin nito at kung puwede lang niyang akuin ang sakit at ginawa niya na. Sa mga nalaman ngayon ay gusto niyang kamuhian ang ina.
“Ipangako mong magiging matapang ka, Anikka. Huwag kang magpapatalo sa kanila. Naiintindihan mo ba?”
Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango para mapanatag ang kalooban nito. Siya na lang ang natitira nitong kakampi sa ngayon. Hindi siya maaaring panghinaan ng loob.
Pero ang totoo’y gusto niyang lumayo sa lugar na ito.
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par